She should move on with her life. Alam niyang baka matagalan. Alam niyang mahabang proseso ang kanyang pagdaraanan. Healing was a long process. Kagaya ng mga pasyente sa ospital na sumailalim s aisang kritikal na operasyon. Wala na siya sa bingit ng alanganin ngunit crucial pa rin ang mga susunod na araw. Pagkatapos niyon ay kailangan na niya ng rehabilitasyon. She had to undergo some therapy to restore the function of his heart.
Hindi magagawa ni Gilliane ang lahat ng iyon sa Hamburg, alam niya. She had to go to a place wjere she had not shared it with Stefan. Isang lugar na walang makapagpapaalala sa kanya sa kahit na anong masasayang sandali na pinagsaluhan nila. Kailangan niya ng lugar na hindi niya makikita si Stefan sa kahit anong sulok.
Ganap na siyang nagbitiw sa trabaho. Anim na buwan bago ang kasal nila ni Stefan ay pinatigil na siya ng nobyo sa pagtatrabaho. Ayaw na nito na nagtatrabaho pa siya once na kasal na sila. Ngunit may silent agreement sila ng chief of surgery na makakabalik pa rin siya sa kanyang trabaho. Naniniwala kasi ang chief na hindi dapat masayang ang kanyang talento. Plano niyang kumbinsihin si Stefan na pabalikin siya sa trabaho. Kanyang napagtanto na hindi niya kayang mabuhay na lubos na umaasa lamang dito. Ngayon ay nag-iba na ang lahat ng plano niya sa buhay.
Masinop siya sa pera kagaya ng kanyang mga magulang kaya kakayanin niyang mawalan ng trabaho sa loob ng isa o dalawang taon. It had been a religion for her to save. Istrikto siya pagdating sa payday. Kailangang naitatabi niya palagi ang kuwrenta porsyento ng kanyang sahod kahit na noong estudyante pa lamang siya. Hindi rin siya gaanong maluho at magastos. Pelikula lang ang naging luho niya sa katawan. Pagsapit ng kokehiyo, hindi na sila nahilig ni Stefan sa pagkain sa labas dahil nagluluto na lamang siya na isa din sa hilig niya.
Wala nang malapit na kamag-anak si Gilliane sa Pilipinas na kukupkop sa kanya kaya makikipanuluyan siya kay Phoebe. Maaari raw siyang manatili sa ina nito sa Tagaytay kung nais niya ng katahimikan. Kung mas gusto naman niyang manatili sa siyudad ay mayroon ding condo unit ang kanyang kaibigan.
Si Phoebe ang sumundo sa kanya sa airport. Kaagad silang nagyakap nang magkita. "Are you okay?" tanong kaagad nito, mahihimigan ang pag-aalala sa tinig.
"Yep. Getting there," ang matamlay niyang tugon habang kumakalas mula sa pagkakayakap nito.
Ilang sandali na mataman siyang pinagmasdan ni Phoebe, kapagkuwan ay nagpakawala ng buntong-hininga. "Listen, can we stop by the hospital first? I recieved a text before your plane landed. A VIP patient requested for me and I needed to go there. Sandali lamang naman siguro ako kakailanganin doon. Ang sabi ni Chief ay hindi naman life-threatening ang kaso."
"Cool, let's go." Nais din naman niyang makita ang ospital na pinagtatrabahuhan nito ngayon.
Iniwan si Gilliane ni Phoebe sa doctor's lounge. She was impressed with the hospital. Ilang Filipino nurses na ang nakasama niya sa Hamburg at marami na siyang kwento tungkol sa kahambal-hambal na kalagayan ng mga ospital sa Pilipinas. Narinig na rin niya ang tungkol sa Dr. Amadeo Dizon Memorial Hospital, ang ospital ng mga mayayaman sa bansa. Totoo nga ang bagay na iyon dahil nakikita sa bawat sulok ng ospital ang modernisasyon at rangya na hindi makikita sa ibang pribadong ospital sa bansa.
Nagmamadali si Phoebe kaya hindi na nakapasok ang kanyang kaibigan sa lounge. Habang papalayo ay sinabi nitong kunin niya ang mga nais na pagkain o inumin sa refrigerator, ang kaibigan na raw ang bahala. Kumportable at maluwag ang doctor's lounge. Tumuloy siya sa looob habang hila-hila ang maleta. Walang tao roon kaya inisip niyang baka nga abala ang lahat ng doktor na naka-duty. Naupo siya sa isang malapad na sofa. Wlaang magazine sa ilalim ng coffee table ngunit napakaraming makakapal na libro sa shelves. Napansin din niya ang ilang tablets na nagkalat sa paligid.
Gilliane needed to visit the restroom. Tumayo siya sa kinatatayuan upang hanapin ang banyo. Locker room ang kanyang unang nabuksan. Pagbukas niya ng sumunod na pinto ay kaagad niyang pinagsisihan ang pagpihit ng doorknob. Nahiling niyang sana ay nanatili na lamang sana siya sa kinauupuan kanina kahit na nagsisimula nang mamigat ang kanyang pantog. Kaagad kasing nanuot sa kanyang pandinig ang mga ungol ng lalaki at babae. Hindi niya nakikita ang mga ito ngunit alam na niya ang kasalukuyang nangyayari. They were having fun.
"God... Oh, God... Oohhh... Goooooood..."
Gilliane heard a rather sexy growl from the man.
"Oh, God..."
She could tell the girl was on the blink already, ready to dive and fall.
"Sebastian, baby. Not God, Sebastian."
"Yes, yes, yes! Sebastian..."
Naitirik ni Gilliane ang mga mata. Hindi niya gaanong namamalayan na nakangiti na siya. Maingat niyang isinara ang pinto. Lalong namang lumalakas ang halinghing ng dalawa na tila walang pakialam kung may tao bang makakarinig o makakaalam sa milagrong ginagawa nila. Ayaw niyang manubok at nais niyang bigyan ang dalawa ng privacy. Maingat din siyang lumabas ng lounge bago pa man lumabas ang dalawang 'naglalaro' doon. Hindi na siya lumayo dahil hindi pa niya kabisado ang buong ospital. Naupo siya sa sahig ng hallway sa tabi ng pintuan. Kaya pa niyang magtiis. Baka balikan siya ni Phoebe at hindi siya agad nito makita. Wala din naman siyang cell phone para sana makapag-iwan ng mensahe sa kaibigan. Iniwan niya ang dala niyang cell phonesa Hamburg upang hindi magkaroon ng contact sa kanya ang mga kaibigan at kakilala na malapit din kay Stefan. Sawa na siyang marinig ang maya't mayang pangangamusta ng mga ito. Sawa na siyang marinig ang awa sa tinig ng lahat ng nakakakilala sa kanya. Lalong sawa na siyang marinig mula sa mga kaibigan na nasa kanya ang simpatya ng mga ito at wala kay Stefan.
Ang mga kaibigan ni Gilliane ay mga kaibigan din ni Stefan kaya medyo dumistansya muna siya sa mga ito. Maging si Phobe na bestfriend niya ay kaibigan din naman ni Stefan pero dahil mas malapit at kilalang kilala na niya ito kaya tanging ito lamang ang kaibigang hindi niya pwedeng iwasan.
Makalipas ang halos labinlimang minuto ay napapitlag si Gilliane dahil sa biglang pagbukas ng pinto. Isang matangkad na lalaki ang lumabas. Adidas shoes at likod lamang nito ang nasilayan niya.
Nagmamadali ang mga hakbang ng lalaking nakasuot ng doctor's white coat. She liked tall guys with good posture. Mayroong kung anong dagdag sa alindog ng isang lalaki kung maganda ng tindig nito. She hated tall men who slouched. She didn't like men who were awkward and uncomfortable with themselves. She also hated men who also stood too erect. She didn't like them too arrogant, too confident, and too stiff.The man who just left the lounge had the perfect posture. He also had the sexyman walk. Nang tuluyang mawala sa paningin ni Gilliane ang lalaki ay muli siyang napapitlag nang muling bumukas ang pinto. Sa pagkakataong iyon ay tumingala na siya upang makita ang mukha ng babae. Doktor din ang babae kung pagbabasehan ang suot nitong white doctor's coat. Bahagyang magulo ang buhok nito at bahagyang namumula ang mga labi at pisngi. Malawak at kontentong ngiti ang nakapaskil sa mga labi ng babae. Hindi siya nito nakita dahil tila lutang pa ang isipan nito. Maybe she was still experiencing a post-coital glow. Tila nakalutang sa alapaap na naglakad palayo ang babaeng doktor.
Napapailing na napangiti na lang si Gilliane. Nabatid niya na iyon ang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng amusement mula ng takbuhan siya ng nobyong si Stefan. Hindi niya sigurado kung ano ang eksaktong nakakaaliw sa sitwasyon, ngunit hindi na niya gaanong inisip pa. Ang importante ay nagagawa na niyang ngumiti at maaliw kahit sa simpleng dahilan.
Pareho silang dalawang nakangiti pagbalik sa loob ng bahay. Mas magaan na ang pakiramdam niya. Nabura na ang lahat ng nararamdaman niyang kaba kanina. Umayon ang lahat sa kanyang kagustuhan.She had finally tied up all the loose ends. Hindi niya inakalang posible pa, ngunit nasisiguro niyang mas magiging masaya ang relasyon nila ni Sebastian. At mas naging magaan na rin ang loob niya. Wala nang tampo at galit sa dating nobyong si Stefan.Kausap ni Sebastian ang kanyang ama nang matanaw niya ito. Paglapit niya ay kaagad siyang inakbayan ng kanyang nobyo at binigyan ng isang mabilis na halik sa pisngi. Nakita niya ang pagkislap ng mga mata ng kanyang ama habang nakatingin sa kanilang dalawa.He obviously liked Sebastian for her. She can see a full support from her father when he winked at her while smiling."Tapos na? Ang bilis naman,'' saad ni Sebastian nang magpaalam ang kanyang ama pagkatapos siyang yakap
"Liberating. Nakakagaan ng loob. I realized matagal na akong naka-move on. Matagal na akong nakapagpatawad.""When you look at Monica, what do you see? Thegirl from your past?" Nais niyang malaman bilangpaghahanda sa pinaplano niyang gawin."I see the woman I loved. Si Monica ang babaengnagtanggol sa akin sa mga bully. She's the woman who encouraged me and repeatedly told me I could do anything if I put my mind to it, if I work hard. She's the woman who looked after me, who took care of me." Napangisi si Sebastian."In a way, she had become my stepmom. It's a little bit uncomfortable but maybe sooner or later I get used and comfortable of the set up."Napangiti na rin si Gilliane.Sandaling inalis ni Sebastian sa daan ang mga mataat tumingin sa kanya. "When I look at you, I see the beautiful future. I see the woman I fell in love with. Isee the love of my life
Si Gilliane mismo ang tumawag kay Monica. Mataman niyang pinag-isipan ang naging pasya. She had to know. Hindi sa nagdududa siya sa pag-ibig ni Sebastian. She just wanted to tie some loose ends.Sinabi ni Gilliane kay Sebastian ang plano niyang gawin. Nagpasalamat siya nang hindi siya pinagbawalan ng nobyo. Tinanong pa siya nito kung importante ba talaga iyon sa kanya. Pinagbigyan na siya nang sabihin niyang 'oo'.Hindi na gaanong nagulat si Monica nang magpakilala siya bilang nobya ni Sebastian. Sa halip ay ngumiti ito ng pagkatamis tamis at hinawakan ang kanyang kamay."I'm happy he found someone," anang babae sasinserong tinig. "Thank you for coming in Sebastian's life. I mean it... Finally, she found you. Alam kong hindi mo siya iiwan."Napagkasunduan nilang magkita sa isang coffee shop na malapit sa ospital na pinagtatrabahuhan ni Monica. Nalaman ni Gilliane na isang taon na palang nakauwi ng Pilipinas ang mag-asawa. Hindi masukatang kany
Nawalan ng balanse si Gilliane. Hindi niya nakita ang isang bato sa dinaanan niya. Kung hindi nakahawaksa kanya si Sebastian ay malamang na sumubsob ang kanyang mukha sa sementadong pathway dahil sa distraction. Namimilog ang mga matang nilingon niya ang binata. Nais niyang siguruhin na tama ang kanyang mga narinig dito."S-she did what? Are you serious? She m-married your father? Monica? Your father?They..."Tumango si Sebastian bilang sagot, nakangiti. Waring naaaliw ang binata sa reaksiyong kanyang ipinapakita."Monica, my ex-girlfriend married Christian, my father and also Dylan's father. Unbelievable, right?" Napahalhak pa ito ng marahan. Sa likod ng halakhak na iyon ay ang nakatagong pait at sakit na pilit nitong ikinukubli sa ngiti.Hindi malaman ni Gilliane ang sasabihin omagiging reaksiyon. Hindi pa niya nakikilala ang ama nito ngunit hindi pa rin niya malaman kung paano naipagpalit ng babaeng katulad ni Monica si Sebastian sa i
Nasa kasarapan ng tulog si Gilliane nang marinigniya ang door chime. Napapitlag siya at nagising.Tumingin siya sa digital clock na nasa ibabaw ng bedside table. Alas-singko pa lang ng umaga. Kaagad nagsalubong ang kanyang mga kilay nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng chime na tila ayaw ata tigilan ng kung sino mang pumupindot noon.Sino ang maaari niyang maging bisita nang ganoon kaaga?"All right. All right, fine." ang nayayamot niyang usal nang muli niyang marinig ang sunod-sunod na chime.Nagawa niyang bumangon. Nagpakawala siya ngbuntong-hininga nang sumayad ang kanyang mga paa sa carpeted a sahig. "This better be good, or else..." bulong niya habang palabas ng silid.Sinabayan na ng katok sa pinto ang chime. Hindina sumilip sa peephole si Gilliane, binuksan na niya ang pinto dahil naiirita ang kanyang tainga sa tunod ng chime.Si Sebastian ang nasa labas ng kanyang pintuan, nakasandal sa hamba nito.
Nagsalubong ang mga kilay ni Sebastian. "Hindi koyata gaanong naintindihan. What do you mean by that? Paanong naging role model ka ng kaibigan mo?""Phoebe had been my friend since her residency in Hamburg and Baltimore. Ka-grupo niya ang boyfriend ko noong si Stefan. They didn't like each other so much in the beginning pero dahil pareho kaming Pillipina, parang may force na naglapit sa aming dalawa. Eventually, naging magkaibigan din sina Stefan at si Phoebe. They become more closer because of me.""Hindi ko pa rin gaanong masundan," ani Sebastian na bahagyang nagmaliw ang sigla sa mukha. Hindi nito gaanong gusto na naririnig ang tungkol kay Stefan ngunit hindi siya nito pinagbabawalan na ipinagpapasalamat ni Gilliane.Hindi niya sinasabi ngunit mas nakabubuti para sa kanya ang pagkukuwento tungkol sa dating nobyo. Mas madali nang usalin ang pangalan nito. Mas madali nang alalahanin ang kanilang nakaraan. At mas nabawasan na ang kirot sa tuwing naii