Share

Everything About Her

Nasa kasarapan ng tulog si Gilliane nang marinig

niya ang door chime. Napapitlag siya at nagising.

Tumingin siya sa digital clock na nasa ibabaw ng bedside table. Alas-singko pa lang ng umaga. Kaagad nagsalubong ang kanyang mga kilay nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng chime na tila ayaw ata tigilan ng kung sino mang pumupindot noon.

Sino ang maaari niyang maging bisita nang ganoon kaaga?

"All right. All right, fine." ang nayayamot niyang usal nang muli niyang marinig ang sunod-sunod na chime.

Nagawa niyang bumangon. Nagpakawala siya ng

buntong-hininga nang sumayad ang kanyang mga paa sa carpeted a sahig. "This better be good, or else..." bulong niya habang palabas ng silid.

Sinabayan na ng katok sa pinto ang chime. Hindi

na sumilip sa peephole si Gilliane, binuksan na niya ang pinto dahil naiirita ang kanyang tainga sa tunod ng chime. 

Si Sebastian ang nasa labas ng kanyang pintuan, nakasandal sa hamba nito.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status