ELIANA SIOBE...
After a decade ay natapos din nila ang pagluluto. Yes! Literal na dekada dahil mas marami pa ang tsismisan, asaran at bardagolan sa kusina kaysa magluto. Nakakatuwang kasama ang tatlong bebe este maria na sobrang daldal at puno ng mga kalokohan. Pagkatapos ng bardagolan ay tulong-tulong sila sa paglagay ng mga niluto nila sa dining table. Tuwang-tuwa s'ya habang inilibot ang tingin sa mga nakahandang pagkain. "Viola!" pumapalakpak na sabi n'ya dahil sa tuwa. Maya-maya pa ay pumasok na ang boss nila sa dining area. Seryoso at walang emosyon ang mukha nito na ikinataas ng kan'yang kilay. "Marunong bang ngumiti ang itlog na ito? Mukhang ipinaglihi sa sama ng loob ang mukha," lihim na sabi n'ya habang nakatingin sa mukha ni Drake. "Call Siobe, Riza", utos nito kay Rizalyn at mukhang hindi s'ya nito nakita. Ganon din si Rizalyn na kakapasok lang at hindi napansin na nandoon na s'ya. "Sir, nasa kusina po si madam",magalang na sagot ni Rizalyn kay Drake. Tunog anghel ang boses nito kapag si Drake ang kausap. "Plastic talaga ang bruhang 'to," sa isip niya habang nakataas ang kilay. "What is she doing in the kitchen?" nakakunot ang noo na tanong ni Drake dito. "Hay, naku sir.., ipinagluto ka po ni madam ng hapunan. Katunayan nga po ay siya po nagluto ng lahat ng ito. Tagamasid lang kami kanina sa ginagawa n'ya," sagot ni Riza sa amo. Lihim s'yang napangisi ng makita ang gulat sa mga mata ni Drake ng marinig ang sinabi ng huli. At habang natulala pa ito at hindi nakahuma at pa simply s'yang lumabas ng dining at bumalik sa kusina. Hindi n'ya alam kung paano n'ya nagagawa ang kumilos ng walang kahit na anong ingay. Kahit mga yapak ay walang maririnig mula sa kan'ya kaya hindi s'ya napansin ng mga ito. Nagkunwari s'ya na may ginagawa ngunit ang totoo ay hinihintay n'ya na may gagawin si Drake. At mukhang hindi naman s'ya nito binigo dahil maya-maya pa ay nararamdaman n'ya ang presensya ng lalaki na pumasok sa kusina. Lumapit ito sa kan'ya at pumwesto sa kan'yang likod. ,Itinukod nito ang dalawang kamay sa gilid ng lababo para ikulong s'ya. Amoy na amoy n'ya ang sabon na ginamit nito kanina at hindi n'ya mapigilan ang lihim na mapalunok ng laway sa amoy ni Drake. Nahigit n'ya din ang kan'yang hininga ng isubsob ni Drake ang mukha nito sa kan'yang leeg. Ngunit nasa katinuan pa naman s'ya at hindi pa tuloyan na nilamon ng kan'yang pagnanasa sa lalaki na parang koala na nakayakap sa kan'yang bewang. "Ano ba? Umalis ka nga d'yan. Bakit ka ba nakasiksik sa leeg ko? Eh, ang baho baho ko, amoy bawang at sibuyas ako," taboy n'ya sa lalaki ngunit hindi ito natinag. "Hmmmm, amoy adobo nga," tukso ko sa kanya ni Drake. Siniko n'ya ito habang nakanguso na nagpunas ng kamay. "Atleast, amoy adobo at hindi amoy maligno," sagot niya. "Umalis ka nga d'yan at kakain na tayo. Gutom na kaya ako," reklamo n'ya. Hindi n'ya alam ngunit parang sanay na sanay s'ya na magsalita ng ganito kay Drake. " Give me a minute. Let's just stay like this for a while, I just want to feel your warm body," paanas na sabi nito sa kan'ya. Isiniksik pa nito lalo ang mukha sa leeg n'ya at idinikit ang katawan sa kan'yang katawan. Natigilan s'ya at nagulat sa ginawa nito. Pamilyar sa kan'ya ang ganitong pakiramdam. " Damn you smell heaven kahit na amoy adobo ka, baby. And do you know that you look fvcking hot wearing my t-shirt? Hmmmm?" mahinang sabi ni Drake sa kan'yang tainga na ikinaawang ng kan'yang labi. "Hot? As in literal na hot? Hot chilli pepper or hot na apoy? Flame ba or sunog talaga? Hot din yon eh, hindi ba?" tanong n'ya rito. Naramdaman n'ya ang pagbuga nito ng hangin sa kan'yang balat na s'yang dahilan para makiliti s'ya at wala sa sarili na napasinghap. "Hmmmmm. Yes!" tango nito bilang tugon. "As in apoy?" tanong niya ulit na parang di makapaniwala. Nag-angat ng ulo si Drake at kita n'ya sa mga mata nito na parang aliw na aliw ito sa kan'ya. "OMG! I need a fire extinguisher, right? Baka masunog tayo dito dahil sa sobrang hotness ko," natatarantang sabi n'ya. Humalakhak ito sa kan'yang biro. Mukhang s'ya lang ang nakapagpatawa sa isang Drake dahil simula ng makilala n'ya ito ay ngayon n'ya lang ito nakita na tumawa. "You are so funny," gigil na sabi nito at piningot ang kan'yang ilong. Sinimangutan n'ya ito at sinamaan ng tingin. "Umalis ka nga diyan DL at hindi ka masarap ka bonding, promise! At isa pa ay gutom na ako! Paghintayin mo na ang lahat huwag lang ang gutom ko at baka ikaw at ang hotdog mo ang makain ko! Pagsisisihan mo talaga na dinala mo ako rito!" puno ng banta na sabi n'ya sa lalaki. Nakita n'ya na bigla itong natigilan ng tawagin n'ya ito sa pangalan na DL. Ang haba naman kasi ng pangalan nito at nakakapagod bigkasin. Dakilang tamad s'ya kaya hindi s'ya pwedeng utosan na bigkasin ang buong pangalan nito. "DL?" tanong nito ng makabawi sa pagkagulat. At tama nga s'ya ng hinala. Sa itinawag n'ya dito na DL ito nagulat. "Short for Drake Lucas! Ay naku..! Akala ko ba ako lang yong mahina, pati pala ikaw? Ang haba kasi kung bibigkasin ko yong pangalan mo na Drake Lucas kaya DL na lang. Pinahirapan mo pa ako n'yan eh," mahabang litantya n'ya sa lalaki na nakanguso pa. " Pet name mo ba yan sa akin?" tanong nito sa kan'ya. Nagsalubong ang kan'yang kilay sa tanong ni Drake. "Pet name? Aba, gusto mo gawin kitang aso ganeernn? O pusa? O baka gusto mo palaka? Alam mo may nabasa akong libro eh, yong babae ay pusa dati tapos naging tao tapos nawala hindi na nakita ng may-ari yon pala ginawa ng sahog sa siopao. Ay wait.., teka siopao? Hala ka si Diego nagtitinda ng siopao, pusa din siguro ang sinasahog n'ya kaya mabenta. Patay ka sa aking Diego de siopao ka, isusumbong kita sa Animal Welfare and Human Trafficking, tama ba yon?" parang tanga at kunyaring nag iisip na sabi niya. Hindi n'ya napansin ang pinipigilan na tawa ni Drake ng marinig ang kan'yang mga sinabi. Ano ba kasi ang pumasok sa isip n'ya na mga ganong bagay ang mga pinagsasabi n'ya rito. Nakatingin lang s'ya sa mukha ni Drake hanggang sa hindi na nito napigilan ang ngiti. "OMG! Ngumiti ka DL? Oyyyy! Ngumiti na s'ya, ngiti ka nga ulit isa pa at gusto ko masigurado na ngiti talaga yong nakita ko," sabay hawak sa mukha ng lalaki na parang gigil na gigil. Hinila n'ya pa ang labi nito pati na ang pisngi para pilitin na ngumiti. "Totoo nga na ngumiti ka," tuwang-tuwa na sabi n'ya sabay yakap dito at sinapo ang mukha nito at hinalikan sa sobrang tuwa. Nagulat naman ito sa paghalik niya rito. Hindi n'ya alam kung bakit sobra s'yang natuwa ng makita ang ngiti ni Drake. "Pag gan'yan ka palagi mas lalo kang gumugwapo," puri n'ya rito at hindi maawat-awat sa pagpisil sa pisngi ni Drake. At nakakapagtaka na hindi man lang s'ya sinaway ng lalaki o hindi man lang ito nagalit sa pagpisil n'ya sa pisngi nito. "Bakit hindi pa ba ako gwapo sa lagay na to?" salubong ang kilay na tanong ng lalaki sa kan'ya ng marinig ang kan'yang sinabi. Umasta s'yang nag-iisip at s'ya namang paghihintay ni Drake sa kan'yang sagot. Ngunit dahil pilya s'ya ay sinadya n'yang ibitin sa ere ang sagot dito at dali-dali itong iniwan sa kusina.HELLO MGA MUMSH! PA SUPPORT NAMAN NG STORY NG LOLO AT LOLA NI ACE. MY FIRST EVER MAFIA STORY, ANG PINAGMULAN NG LAHAT. HAHAHAHA! MARAMING SALAMAT PO ❤️❤️
ELIANA SIOBE...At bago pa siya madala sa pang-aakit ng lalaki ay tumayo na siya at hinawi si Drake para makalayo ng kaunti. Pinagpapawisan na kasi ang kaniyang noo dahil sa mga pinagagawa ni Drake sa kaniya. Tudo pigil siya dahil baka hindi niya na ito papasukin sa trabaho at pa-araruhin niya na lang ito buong araw. Magiging magsasaka talaga ito mamaya sa kaniyang kaparangan kapag hindi siya nito titigilan sa panlalandi."Magbihid ka na Drake. You're late!" sikmat niya rito at pilit na ttinatago ang totoong nararamdaman ng mga oras na iyon. Tinawanan lang siya ng loko-loko habang nagsusuot ng pantalon ngunit hindi inaalis ang mga mata sa kaniya kaya nakaramdam siya ng pagkaasiwa habang ilag ng ilag na hindi magtama ang mga mata nilang dalawa ng lalaki.Pagkatapos nitong maisuot ang pantalon ay isinunod naman nito ang polo shirt. Lumapit na siya rito para tulongan itong ibutones ang polo. Inayos niya muna ang collar at manggas bago ipinasuot ang blazer nito na kulay maroon. Wal
ELIANA SIOBE…Nagising siya na mataas na ang sikat ng araw. Nilingon niya ang lalaki sa tabi niya na mahimbing pa rin na natutulog. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay ni Drake na nakapulopot sa kaniyang beywang at maingat na bumangon.Nang matagumpay na makabangon ay maingat siyang naglakad papunta sa banyo para maligo. Nang makapasok ay agad na naghubad ng damit at pumasok sa shower room. Naipikit niya ng mariin ng bumagsak sa kaniyang katawan ang maligamgam na tubig.At habang naliligo ay hindi niya mapigilan na maisip ang naging panaginip niya kagabe. Kinikilabutan siya kapag naalala niya ang senaryong iyon kung saan makikita ang isang lalaki na walang awang pinagbabaril siya at ang matandang kasama niya na nakatali.Parang pinipiga ang kaniyang puso kapag sumagi sa kaniyang isip ang tagpong iyon. Hindi niya alam pero nasasaktan siya at nararamdaman niyang kinamumuhian niya ang taong iyon. Ngayon lang nangyari na nanaginip siya ng ganon kasama at hapong-hapo siya kagabi ng ma
DRAKE LUCAS..."Fvck! Kailan ba matatapos ang lahat ng ito? Gusto ko ng mamuhay ng tahimik kasama ang pinakamamahal ko, pero bakit parang ayaw ng langit na maging masaya kami. Damn it! Kailangan ko nang tapusin ang dapat na tapusin bago pa bumalik ang alaala ni Eliana. Marahas siyang nagbuga ng hangin at itinukod ang kaniyang dalawang kamay sa railing ng balconahi. Dumungaw sa baba at nakikita niya ang kaniyang mga taohan na nakabantay. Fully secured ang mansion'g ito hindi basta-basta makakapasok ang mga kalaban. Maliban sa mga taohan niya na nakabantay ay may mga naka-install din na mga gadgets at armas sa palibot ng mansion, just in case na may susugod sa kanila. May mga sniper guard din siya sa rooftop na nakaabang at nakabantay bente kwatro oras, pero hindi pa rin siya nakakasiguro. Isang malaking organisation ang humahabol sa mahal niya. Isang organisation na gusto siyang patayin, makuha lamang ng mga ito ang isang bagay na nasa kaniya ngayon na kahit sino ay walang nakakaalam
DRAKE LUCAS…Napangiti siya ng makitang tulog na ang kasintahan, hinayaan niya na muna itong matulog na nakakandong sa kaniya. Mamaya niya na ito bubuhatin at dadalhin sa kwarto nila. May importanti siyang ginagawa ngayon, but because of his naughty baby, he stops for a while para pagbigyan ito. Well.., nag-eenjoy naman siya at nagustohan niya ang ibang side ni Eliana. Hinagkan niya ito sa sentido at inabot ang kaniyang laptop na nasa mesa kahit pa nakakandong ito sa kaniya.Nakayakap siya sa dalaga habang ang mga daliri ay nasa keyboard ng laptop niya para taposin ang mga kailangan niyang gagawin. Nakatanggap siya ng mga emails galing sa mga pinagkakatiwalaan niyang mga tao sa ibat-ibang negosyo na mayroon siya, at ito sana ang tatrabahuin niya kanina.After almost an hour ay natapos niya ang kaniyang trabaho at ang sarap pa rin ng tulog ng kaniyang mahal. Mahina pa itong naghihilik at napangiti siya habang pinagmasdan ito. Hinagod niya ang buhok ni Eliana at hinalikan ito sa noo bag
ELIANA SIOBE..."You dont mean that, right?" tanong nito sa kaniya. Tinaasan niya ito ng kilay para iparating niya rito na serryoso siya sa kaniyang sinabi."yes, I am serious about it. Try me." Para naman itong napaso at biglang kumalas sa kaniya at tumakbo palayo. Napahalakhak siya sa inasta ng lalaki ng sundan ito ng tingin. "Takot matigang eh? Desseeerrvveee!"Pagkatapos niyang maghugas ng pinggan at maglinis ng kaunti sa kusina ay umakyat na siya sa kwarto nila. Pagpasok niya sa loob ay wala si Drake. Siguro ay nasa library ito o baka nasa garden."Maliligo na muna ako bago ko siya hanapin. Baka mapalaban pa ako mamaya, mabuti na yong mabango tayo, self," parang timang na sabi niya at naglakad patungo sa banyo.Mabilis lang siya na naligo at nagbihis ng pantulog. Isang manipis na kulay maroon na short at spaghetti strap na ka terno nito ang isinuot niya. Pinatuyo niya na ang kaniyang buhok at nagpahid ng kaunting lotion sa balat at pagkatapos ay lumabas na siya para
ELIANA SIOBE...Masaya silang kumain ng dinner pagdating ni Drake. Inaya pa nila ang tatlo na sumabay sa kanila ngunit inayawan ng mga ito. ,Baka daw maging langgam lang ang mga ito sa asukal. Hindi n'ya pa ma-gets noong una kaya tawa ng tawa ang tatlo."Mga impakta talaga," lihim na sabi n'ya at masamang tinanpunan ng tingin ang tatlong babae.Panay ang lagay ni Drake ng pagkain sa kaniyang plato na ikinaalma niya."Thats enough, Drakey. Hindi ko na mauubos ito," saway niya sa lalaki. Natigil naman sa ere ang kutsara na hawak nito kung saan ay may lamang pagkain. Nakakunot-noo niya itong tiningnan dahil nakanganga lang ito na nakatingin sa kaniya."Hoyyyy! Ano ang nangyayari sayo?" sita niya sa binata. Nagulat naman ito ng marinig ang kaniyang tanong at wala sa sarili na napamura."Fvck..!"Agad na sumama ang kaniyang tingin kay Drake ng marinig ang pagmumura nito."Huwag ka ngang magmura sa harap ng pagkain, Toretto!""I'm sorry baby. Ikaw naman kasi, nanggugulat ka," sabi nito na i