A KISS FROM A MAFIA LORD

A KISS FROM A MAFIA LORD

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-08
Oleh:  SiobeliciousOn going
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
4 Peringkat. 4 Ulasan-ulasan
36Bab
11.3KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Isang simpling pamumuhay ang mayroon s'ya ngunit nagulo ang lahat ng biglang dumating sa buhay n'ya ang isang lalaki at sapilitan s'yang kinuha para dalhin sa bahay nito. Gusto n'yang tumanggi ngunit paano n'ya gagawin iyon kung nakakawala sa huwisyo ang kagwapohang taglay nito. Kaya n'ya kayang labanan ang taglay nitong karisma kung sa umpisa pa lang ay parang hinihigop na ng mga mata nito ang kan'yang buong kaluluwa? Paano kung sa pagsama n'ya rito ay may matutuklasan s'ya tungkol sa kan'yang pagkatao? Ano ang mestiryo na dala ng lalaki na kumuha sa kan'ya? Kakayanin n'ya kaya ang kan'yang matutuklasan?

Lihat lebih banyak

Bab 1

CHAPTER 1

ELIANA SIOBE...

"Ano ba? Bakit ba kayo nanghihila, ha? Sino ba kayong mga hudyo kayo. Bitawan n'yo nga ako. Nakikita n'yo naman na nagtitinda ako dito tapos kung makahila kayo ay parang close tayo ah. Hoy! Lalaking may uban bitaw, " nagsisigaw at nagpupumiglas s'ya habang kinakaladkad ng dalawang lalaki papunta sa kabilang dako ng kalsada.

Wala s'yang alam kung bakit bigla na lng s'ya nilapitan ng dalawang lalaki at pilit na kinaladkad.

Panay pa rin ang sigaw n'ya pero mukhang walang narinig ang dalawang lalaki na may hawak sa kan'ya.

Pagdating nila sa kabilang bahagi ng kalsada ay nakita n'ya na may isang itim na sasakyan na naghihintay. Agad s'yang kinabahan ng mapagtanto ang lahat ngunit hindi s'ya nagpatalo sa kabang nararamdaman.

"Hoy teka lang! Wait, ano ba? Kidnap ba to, ha? Kung pera ang kailangan n'yo ay wala ako n'yan at nagkamali kayo ng kinidnap. Nakita n'yo naman na nagtitinda lang ako ng balot ni Cardo Dalisay na asawa ni Jinky Macquiao," awat n'ya sa mga ito. Walang sagot na narinig mula sa mga lalaki kaya napapaisip s'ya.

"Ay teka lang! Bakit pala Dalisay si Cardo at Macquiao si Jinky. Eh...., mag asawa sila ah! O baka naman adopted ni mummy D si Jinky? O di kaya ay kabit ni Cardo si Jinky at si Aylanna talaga ang tunay na asawa? Ay ang gulo naman ng lovelife ni mareng Jinky kasing gulo ng buhok ko sa kilikili" sa isip niya at nakalimutan na akay-akay s'ya ng mga kidnapper.

S'ya si Eliana Siobe, ang maganda, sexy at kaakit-akit na nagtitinda ng balut ni Cardo at mani ni Jinky.

"Ano ba? " talak s'ya ng talak ngunit balewala lamang ito sa dalawang pangit na lalaki na kumakaladkad sa kanya.

Well hindi naman literal na pangit ang dalawa, dahil kung tutuusin ay mga gwapong kidnapper ang kumuha sa kan'ya.

Pero dahil hinila siya ng dalawa at pilit na kinakaladkad ay mga pangit sila sa paningin n'ya.

Narating nila ang itim na sasakyan na talak pa rin siya ng talak at nagpupumiglas ngunit wala namang nagawa ang lahat ng iyon sa lakas ng dalawang lalaki na dinaig pa ang toro sa lakas.

Binuksan ng lalaking blonde ang buhok ang pinto at sinenyasan siyang pumasok.

At dahil literal na matigas ang ulo niya, syempre may gagawin siya.

Binalingan niya ang lalaking may hawak sa kanya at walang pasabing na sinipa ang pagkalalaki nito.

Napa-upo ito sa kalsada habang namimilipit sa sakit kung kaya ay kinuha niya ang pagkakataon para tumakbo sana ngunit nakaisang hakbang pa lang siya ngunit mabilis na s'yang nahawakan ng isang lalaki na kasama nito at kinarga na parang isang sako ng bigas at isinadlak sa loob ng sasakyan.

Magwawala pa sana siya ng may humawak na matigas na kamay sa kan'yang pala-pulsohan. Nilingon n'ya ang may-ari ng matigas at malaking kamay at akmang sasampalin ito ng bigla s'yang natigilan at napatulala dahil sa hitsura ng lalaki.

"Shit na malagkit! Ang gwapo at makalaglag matris 'tong isang ito. Ano self tatakas pa ba tayo o magpapakulong na lng tayo sa mga bisig ng adonis na katabi natin? Goodluck na lang perlas ng kaharutan." lihim na pagkausap n'ya sa sarili habang hindi inaalis ang mga mata sa lalaking katabi.

"Can you behave, woman? " matigas na sabi ng lalaki sa kan'ya. Awang ang kan'yang labi at ilang segundo natulala dahil pakiramdam n'ya ay nanunuot sa kan'yang kaibutoran ang baritonong boses nito.

Ngunit ng maalala n'ya na kinidnap s'ya nito ay nabuhay muli ang inis n'ya sa katawan at nagsimula na namang uminit ang kan'yang ulo.

"Hoy ikaw! Isa kang itlog na walang yolk." singhal n'ya sa lalaki.

"Wait! What? Mayroon bang itlog na walang yolk? Ah bahala na, basta ganon na yon. Nasabi ko na at hindi ko na babawiin. Magdusa s'ya! " lihim na pagkausap n'ya sa sarili na parang timang.

Hindi naman nagsalita ang lalaki at parang balewala lang ang itinawag n'ya rito.

"Ikaw ba ang boss ng mga pangit na ito, ha?" sikmat n'ya rito maya-maya pa sabay turo sa dalawang lalaki na nasa unahan. Sabay naman na napalingon sa kan'ya ang dalawa sa unahan na tinawag n'yang mga pangit.

"Don't you dare," banta ng lalaking katabi sa dalawa ng lingunin s'ya ng mga ito. Mabilis naman na bumalik sa unahan ang mga tingin ng dalawang lalaki at hindi na nagsalita pa. Kibit-balikat naman s'ya sa likod at binilatan pa ang dalawa pati na ang lalaking katabi.

"Anong trip n'yo na kinuha n'yo ako? Kung kidnap for ransom ito ay sinasabi ko sa inyo, wala akong pera at walang tutubos sa akin dahil wala na akong mga magulang, " gigil na sigaw n'ya sa tatlo.

Ramdam n'ya na ang paglabas ng mga ugat sa kan'yang leeg dahil sa sobrang inis.

Iniisip niya ang paninda n'yang balot ni Cardo at mani ni Jinky na naiwan. Baka mapatay s'ya ni Jinky kung hindi n'ya mapaubos ang mga ito. Sawa na siguro si Jinky sa itlog ni Cardo kung kaya't pilit nitong pinapaubos ng tinda sa kan'ya ang mga balot ng asawa nito.

"Sana all may asawang may maraming balot na paninda," wala sa sarili na sabi n'ya.

"Can you shut up! And don't shout at me!Nakakarindi ang boses mo! " nakasimangot na sabi ng lalaking katabi sa kan'ya. Tinaasan n'ya ito ng kilay at masama ang tingin na nilingon ito.

"Aba ako pa talaga ang susungitan ng h*******k na ito," sa isip n'ya habang masama ang tingin sa lalaki.

"Ano ba kasi ang kailangan n'yo sa akin ha? Kung perlas ko ang habol n'yo, pwes ito ang tandaan n'yo. Hindi kayo magtatagumpay dahil wala ng butas 'to oy. Hindi na nakanganga at pinatahi ko na kay aling Mersing na mananahi sa amin. Magsisisi lang kayo," galit na sabi n'ya at dinuro-duro pa ang lalaki na nasa tabi niya.

"i said, shut your fvcking mouth, woman!"

"Don't shout at me bastard! S***a huwag mo kasi akong galitin at napapa-inglis tuloy ako. Kapag ako napikon sayo ay babasagin ko yang betlog mong hindi pantay at walang yolk. Tingnan natin kung hindi ka malulunod sa egg white ng sarili mong itlog," ganting sigaw n'ya sa lalaki.

Umigting ang panga nito at namumula ang mukha. Senyales na galit ito at pinipigilan lamang ang sarili. Kinabahan s'ya sa hitsura ng lalaki ngunit ayaw n'yang ipakita dito kung kaya ay nakasimangot s'ya na umusod sa gilid ng pinto. Dahil sa kan'yang inis ay hindi n'ya namalayan na tumatakbo na pala ang kotse na sinasakyan nila.

Nilingon n'ya ang lalaki at nakita n'ya na nakasandal ang ulo nito sa upuan habang nakapikit ang mga mata. Napatulala na naman s'ya sa gwapong mukha nito na parang anghel kapag nakapikit ngunit mukhang si lucifer kapag gising.

"Pero hindi bali na, kapag ganito ba naman ka sarap ang kukuha sa atin, sasama talaga tayo self ng matiwasay. Huwag na tayong mag-inarte dahil alam nating dalawa kung gaano tayo ka tigang kaya dapat ay lalaban tayo mamaya, ha. Kung gahasain tayo dapat gahasain din natin s'ya Laway sa laway, laman sa laman! Itaas natin ang bandera ng mga tigang. Warak kung warak ang mahalaga ay madiligan ang ating perlas ng kanluran, este silangan, este kaharutan at kalandian pala," pilyang sigaw ng isip niya ngunit hindi n'ya naman kayang panindigan ang kan'yang mga iniisip at pawang mga kalokohan lamang.

Kinalabit n'ya ang lalaki dahilan para magmulat ito. Napatulala na naman s'ya sa magandang mga mata nito na kulay asul. Alam n'ya na may lahi ito dahil sa hitsura pero nakakapag salita ito ng tagalog kung kaya ay mas lalo pa s'yang namangha.

"What?" Nakataas ang kilay na humarap ito sa kanya.

"Pwede ba kung talagang kukunin n'yo ako ay balikan muna natin ang paninda ko. Baka masumpa ako ni Jinky Dalisay at gawin akong pusa at isahog sa siopao ni Diego Silang kung hindi ko ibabalik ang mga balot ni Cardo. Sige na, please..., pagkatapos kong maisuli ang mga balot at maibigay ang pera na kinita ko sa mga pinagbintahan ko ay sasama na ako sa inyo," nagpapaawa ang mukha na sabi n'ya sa lalaki.

Nagbuga ito ng hangin bago nagsalita. "Magkano ba lahat ang mga paninda mo?"

"Wampipty lang lahat. Sayang din naman kasi kapag hindi ko napaubos. Singkwenta pa ang tubo ko doon," malungkot na sagot niya rito. At mukhang umepekto naman sa lalak ang pagpapaawa n'ya rito.

"Sebastian pull over," utos ng lalaki sa driver.

"Sebastian pala ang pangalan ng pangit na "to. Yuck! Tunog matanda ang pangalan. Aishhhh! Lolo Sebastian...., ay hindi lolo Seb..., ay hindi din, lolo Baste kaya? Pwde... tunog pangalan ng aso ng kapitbahay kung marites na si Raquel, ang matandang tigang," lihim na sabi n'ya at natawa sa sarili n'yang kalokohan.

Huminto ang sasakyan sa gilid ng daan Nilingon n'ya ang lalaki na hindi n'ya namalayan na may kausap na pala sa cellphone nito. Umiwas s'ya ng tingin dahil kung hindi ay baka mahubaran n'ya ito ng wala sa oras.

"Pigilan mo self, pigilan mo at huwag kang magpahalatang maharot tayo," saway n'ya sa sarili.

"Apollo is coming, Jacob. You'll be with him. Balikan n'yo kung nasaan ang paninda na naiwan at hanapin ang may- ari. Isauli n'yo at bayaran ang lahat and tell the owner that from now on, Siobe is not going to sell that stupid balot anymore," utos ng lalaking katabi sa isang kasama nito na nasa unahan.

Nagulat s'ya hindi dahil sa hindi na s'ya magiging tindera ng balot ni Cardo kundi sa pagbanggit nito sa kan'yang maharlikang pangalan. Yes, yayamanin ang pangalan n'ya at syempre pang model ang alindog n'ya. Kaya nga ang daming nag-offer sa kan'ya na gawing model eh. Model nga lang ng mga timba, basahan, pamunas, eskoba at kung ano ano pa pero lahat ay tinanggihan n'ya dahil masyadong highclass ang mga products. Masyadong sosyal para sa kan'ya at isa pa ay isang down to earth na tao lamang siya.

"Let's go!" nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng marinig ulit ang boses ng lalaki. Nakababa na pala ng sasakyan ang inutosan nito ng hindi n'ya man lang napansin dahil kung saan-saan napunta ang kan'yang isip.

"Wait! Do you know me?" sikmat niya sa lalaki at nagsimula na naman ng kan'yang Ingles na may halong kamatis. Bahala na, ang mahalaga ay napapa-inglis s'ya at tunog sosyal pa.

"Oh..., don't misunderstand me. I'm not an angry birdie, baka isipin mo galit ako dahil napapa-inglis ako. Nagulat lang ako na kilala mo ako and please enlighten me, Mister Kidnapper na may malaking an..., ah..,basta malaki yong ano. Dahil hindi kita titigilan hangga't hindi mo ako sinasagot ng matamis mong oo, este ng totoo," naka taas kilay na sabi n'ya rito na may kasamang pagbabanta.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

user avatar
Che Mai Mai
maganda ang kwento kaya lang nauna na lumabas ang mga ka apo-apuhan nila.....sana sinunod nalang niya
2025-04-21 16:10:16
0
user avatar
Totoy
wwooo. highly recommended
2025-03-19 16:06:09
0
user avatar
Mairisian
highly recommended!! 🫶🤍
2025-03-06 16:01:33
0
user avatar
yhen
Hala eto na c Hitler, salmat po sa may akda...️...️...️...
2025-02-21 17:44:45
2
36 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status