Share

Chapter 34

Bayan

"Bakit ba natin 'to ginagawa? Puwede naman ang mga katulong ang mamili ng mga gulay," Giit ko habang namimili siya ng maayos na mga gulay. 

"Ginagawa mo ba 'to dahil nagkikita kayo ni kuya?" saad ko at hindi ko mapigilan na mapangiti dahil sa wakas bumaling na din sya sa akin.

"Tama ba ako?" tanong ko pa nang hindi siya sumagot.

"Heh! ewan ko sa'yo, Aida. Napaka rami mong tanong at hindi ka na lamang tumulong sa akin," Dire-diretso niyang sabi na muntikan pang magkautal utal. Napahalakhak ako at siya namang pagkurot nya sa aking tagiliran. 

Kukutyahin ko pa sana siya ng biglang may bumunggo sa akin at mabuti na lamang at katabi ko lang si Felicia kung hindi nakahandusay na ako sa lupa at pinagtitinginan na ng mga tao ngayon. 

"Tingan mo nga naman at umagang umaga puro bulok ang aking makikita," Arogante nitong sabi at kahit si Felicia na abala sa pamimili ng mga gulay ay napatingin na din sa kanya. 

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status