Share

CHAPTER 121

Auteur: Anne
last update Date de publication: 2026-03-10 16:02:27

CHAPTER 121

“Ano na ang plano natin ngayon? Hindi ba at sabi mo ay gusto mong mabawi si Maxene? Bakit tila yata ako naman ang kinuha mo?” tanong ni Irish sa binata at saka nito inayos ang kumot na nakatakip sa hubad niyang katawan.

Mapakla naman na natawa si Joseph dahil sa naging tanong na iyon ni Irish at saka siya sumukob sa kumot.

“Tama ka. Yun pa rin naman ang plano natin at wala namang magbabago roon,” sagot ni Joseph at saka siya umayos ng pagkakaupo niya. “Ang nangyaring ito sa atin ay
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Latest chapter

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 162

    CHAPTER 162“Joseph, ako na ang nakikiusap sa’yo. Tigilan mo na ito. Maawa ka naman kay Maxene at sa anak niya. Hayaan mo na siyang maging masaya kay Bernard. Mahal mo siya hindi ba? Sana ay matuto ka ring magparaya para naman sa kanya,” sabi ni Diana kay Joseph pagkaalis ng kanyang asawa.“Alam ko naman kung gaano mo kamahal si Maxene pero ikaw na rin mismo ang nagsabi sa akin na nahuli ka niya na nakikipagtalik sa kaibigan mo. Ikaw ang may mali kaya sana ay pabayaan mo na lamang siya. Nasaktan din naman siya sa ginawa mong iyon kaya pabayaan mo naman siya na maging masaya ngayon,” sabi naman ni Jonathan sa kanyang anak. “At isa pa… saan ka ba kumuha ng lakas ng loob para pumunta rito? Hindi ka man lang ba marunong mahiya?” tanong pa niya dahil naiinis talagasiya sa biglaang pagsulpot nito roon.Nanatili naman na walang imik si Joseph dahil hindi talaga niya alam ang kanyang sasabihin sa mga ito. Ang balak naman kasi talaga sana niya ay aalamin lang niya ang lagay ni Maxene ngayon pe

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 161

    CHAPTER 161Saglit na katahimikan naman ang namayani sa kanila roon at mabuti na lamang talaga at halos sila lamang din ang naroon kundi ay nakakahiya talaga na may makakita sa kanila na nagkakagulo sila ng ganon.“Ganito ba talaga ang gusto ninyong mangyari kapag nagkikita kayong dalawa? Palagi na lang kayong mag aaway na para bang hindi kayo magkadugong dalawa? Pag hindi kayo magbabangayan ay ni hindi man lang kayo magpapansinan na para bang hindi ninyo nakikita ang isa’t isa. Bigyan nyo naman dana ako ng kahit na konting kahihiyan. Nandito ako pero parang hindi nyo na ako rinespeto,” galit pa na sabi ni Randy kila Bernard at Joseph.Hindi naman nakapagsalita si Bernard at Joseph dahil sa sinabi na iyon ni Randy. Maging si Bernard ay hindi na rin nagpupumiglas kaya naman binitawan na siya ng kanyang kapatid habang si Joseph naman ay nagyuko na lamang ng kanyang ulo dahil bigla siyang nakaramdam ng hiya sa kanyang pamilya.“Hindi na ba talaga kayo magkakaayos na dalawa? Alam ko na m

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 160

    CHAPTER 160Muli namang naupo si Bernard sa upuan na naroon sa labas ng OR kung nasaan si Maxene. Pero ng iginala niya ang kanyang paningin ay naikuyom na lamang talaga niya ang kanyang kamao ng makita niya ang taong nagpapakulo sa kanyang dugo ngayon.“JOSEPH!” gigil na sabi ni Bernard at saka ito nagmamadaling tumayo.Sabay sabay naman na napatingin sila Diana kay Bernard at napatingin din sila sa tinitingnan nito at ganon na lang din ang gulat nila ng nakita nila si Joseph na nakatayo sa di kalayuan sa kanila.Dahil sa matinding galit na nararamdaman ni Bernard ngayon ay inilang hakbang lang niya ang pagitan nila ni Joseph at walang salita na bigla niya itong sinuntok sa mukha dahilan para matumba ito sa sahig.Nagulat naman sila Diana sa ginawa na iyon ni Bernanrd at may pagmamadali nga nila itong linapitan dahil muli na naman nitong sinuntok si Joseph na nakahandusay na sa sahig.“Mga walang hiya kayo. Ano pa ba ang kailangan ninyo ni Irish? Bakit ba ayaw nyo na kaming tigilan? M

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 159

    CHAPTER 159Samantala naman pagkaalis ni Joseph sa unit ni Irish ay agad siyang sumakay sa kanyang sasakyan. At pagkasakay na pagkasakay niya ay naipikit na lang talaga niya ng mariin ang kanyang mga mata. Hindi kasi niya lubos maisip na nangyari iyon kay Maxene at naiinis din talaga siya kay Irish dahil hindi man lang nga ito nag isip ng maayos bago iyon ginawa kay Maxene. Parang gusto na tuloy niyang magsisi ngayon dahil nakipagtulungan pa siya rito pero wala na rin naman siyang magagawa pa dahil nangyari na ang nangyari at umaasa na lamang talaga siya ngayon na walang masamang nangyaru kay Maxene at sa anak nito.Maya maya pa ay pinaandar na rin ni Joseph ang kanyang sasakyan at agad na nagpunta sa pinakamalapit na ospital. Sa Emergency Room din kaagad siya dumiretso at doon niya ipinagtanong kung may pasyenteng dinala roon na Maxene ang pangalan pero sa una at pangalawang ospital na pinuntahan niya ay walang Maxene Gonzales na dinala roon.Sa pangatlong ospital na pinuntahan ni J

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 158

    CHAPTER 158“H-Hindi ko nga sinasadya, Joseph. Maniwala ka sa akin. Hindi ko intensyon na saktan si Maxene. Napalakas pala ang tulak ko sa kanya kaya sya bumagsak sa sahig. Tapos… tapos… m-may dugo na. D-Dinugo na siya. Hindi ko sinasadya,” sagot ni Irish at hindi na niya napigilan pa ang kanyang sarili at napahagulhol na lang talaga siya ng iyak.Napakurap kurap naman si Joseph sa sinabi na iyon ni Irish. At talagang kinabahan na siya ngayon para kay Maxene at sa bata na nasa sinapupunan nito dahil base sa kwento ni Irish ay dinugo nga ito.Galit naman na napatingin si Joseph kay Irish at saka niya ito mahigpit na hinawakan sa magkabilanf braso.“Bakit mo ginawa yun? Bakit mo siya tinulak? Hindi mo man lang ba naisip na buntis siya? Oo nga at gusto natin silang mapaghiwalay ni Bernard pero hindi ibig sabihin no’n ay idadamay na natin ang bata,” galit na sigaw ni Joseph kay Irish.Lalo namang napahagulhol ng iyak si Irish dahil sa pagsigaw na iyon ni Joseph at mas lalo tuloy siyang na

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 157

    CHAPTER 157Tila nanlumo naman lalo si Bernard dahil sa sinabi na iyon ng doktor. Sobra rin talaga siyang nag aalala kay Maxene dahil kanina bago ito ipasoka operating room ay nakita niya na maraming aparato ang nakakabit dito at talagang hindi niya kaya na makita sa ganoong kalagayan si Maxene.“Please, dok. Gawin nyo po ang lahat ng inyong makakaya para maging ligtas ang mag ina ko. Kung kinakailangan po na magbayad ako ng doktor or nurse na tututok sa kanya ay gawin nyo na po basta makasigurado lang po ako na maging maayos ang lagay nila,” pakiusap ni Bernard sa doktor.Bumuntong hininga naman ang doktor at saka ito dahan dahan na tumango.“Wag po kayong mag alala dahil ginagawa naman po namin ang lahat ng aming makakaya para po maging maayos ang aming pasyente,” sagot ng doktor. “Maiwan ko na po muna kayo dahil may pupuntahan lamang po akong isa pang pasyente. Babalik din po ako kaagad at kapag po wala pa ring pagbabago sa lagay ni Maxene ay ipapalipat ko na po siya sa ICU. Excuse

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 30

    CHAPTER 30“May problema ba? Kanina ko pa napapansin na para bang hindi ka mapakali e,” hindi na napigilang tanong ni Maxene kay Bea dahil nagtataka na talaga siya sa ikinikilos nito ngayon.“Sige na. Sumakay ka na muna ng sasakyan. Bilisan mo,” sagot naman ni Bea at halos itulak na nga niya si Max

    last updateDernière mise à jour : 2026-03-20
  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 31

    CHAPTER 31Agad na rin naman na bumalik sa kanyang opisina si Bernard matapos nilang mag usap ni Jayson. Sadyang pinuntahan lamang niya ang kaibigan dahil may mahalaga raw itong sasabihin sa kanya.Habang inaabala ni Bernard ang kanyang sarili sa kanyang nga ginagawa ay hindi pa rin maalis alis sa

    last updateDernière mise à jour : 2026-03-20
  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 32

    CHAPTER 32Lumipas pa ang mga araw at napagdesisyunan na ni Maxene na sabihin na sa kanyang mga magulang ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. Nag ipon na talaga siya ng lakas ng loob at hinanda na rin talaga niya ang kanyang sarili sa magiging reaksyon ng kanyang mga magulang kapag nalaman ng mga it

    last updateDernière mise à jour : 2026-03-20
  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 35

    CHAPTER 35Mabilis naman na lumipas ang dalawang linggo at sa mga nakalipas na mga araw na iyon ay talagang problemado pa rin talaga si Maxene at ang kanyang ama dahil sa kanilang kumpanya.Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nila alam kung saan ba sila kukuha ng ganoon kalaking halaga ng pera par

    last updateDernière mise à jour : 2026-03-20
Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status