LOGIN“Wala pa bang nakakagalaw sa iyo? Fresh ka pa ba?” Dahil sa naghihingalong ina at patong-patong na utang, napilitan si Pamela na mamasukan bilang kasambahay sa kinatatakutang bilyonaryo na si Froilan Montecarlos. Ang akala niya'y simpleng paglilinis lang ang trabaho niya, ngunit iba ang hanap ng kanyang amo, isang inosenteng babaeng pupuno sa mainit nitong pangangailangan tuwing madaling-araw. Ibinenta ni Pamela ang kanyang sarili kapalit ng buhay ng kanyang ina. Ngunit sa bawat gabing nakakulong siya sa nag-aapoy na mga bisig ni Froilan, paano niya pipigilan ang sariling mahulog sa lalaking binili lamang ang kanyang katawan, ngunit unti-unting inaangkin ang kanyang puso?
View MoreMalamig na malamig ang ihip ng hangin mula sa centralized aircon ng nagtataasang gusaling ito, ngunit pakiramdam ko ay tagaktak ang malamig na pawis sa aking noo at sa likod ng aking leeg. Mahigpit ang hawak ko sa isang lumang brown envelope na tila ba malulukot na anumang oras dahil sa tindi ng panginginig ng aking mga kamay. Sa loob ng manipis na sobreng ito nakasalalay ang kinabukasan ko, ang aking simpleng biodata, ilang pirasong dokumento, at ang nag-iisang pag-asa ng aking pamilya. Nakatayo ako ngayon sa labas ng isang naglalakihang pintuang gawa sa purong mahogany. Ito ang pintuan patungo sa opisina ng isa sa pinakamakapangyarihan, pinakamayaman, at pinakakinatatakutang tao sa buong bansa, si Froilan Montecarlos.
Kilala si Froilan sa mundo ng negosyo bilang isang walang pusong kapitalista at isang gwapong bilyonaryo na kinahihiligan ng mga kababaihan. Laman siya lagi ng mga pahayagan at balita sa telebisyon. Kung ano ang gusto niya, nakukuha niya, kahit sino pa ang masagasaan niya sa proseso dahil kilalang kilala siya bilang isang marahas sa pakikipag negosyo. Ngunit bukod sa kanyang umaapaw na yaman at nakakapanindig-balahibong kapangyarihan, usap-usapan din sa mga sirkulo ng alta sosyedad ang kanyang madilim na reputasyon pagdating sa mga babae. Kilala rin 'to sa larangan ng pagiging marahas sa kama. Hindi siya nagpapatali sa iisang relasyon at wala siyang pakialam sa emosyon. Para sa isang simpleng babae lamang na tulad ko na nakipagsapalaran sa magulong syudad ng Maynila, ang pagtapak sa Montecarlos Empire ay isang malaking kahibangan. Wala akong karanasan sa pagiging propesyonal na kasambahay sa mga malalaking mansyon ng mga mayayaman. Ang tanging alam ko lang ay maglaba gamit ang kamay, magluto ng mga simpleng ulam, at maglinis ng aming maliit at tagpi-tagping barong-barong sa probinsya. Wala akong pormal na training, ni hindi ko nga natapos ang unang taon ko sa kolehiyo. Ngunit wala na akong pagpipilian. Dahil sa hirap ng buhay, ang mukha ng aking ina na nakaratay sa isang masikip at mabahong ward sa pampublikong ospital ang patuloy na nagtutulak sa akin. Malala na ang kanyang sakit at nangangailangan siya ng agarang gamutan na aabot sa malaking halaga. Bukod pa roon, kailangan kong tustusan ang bayarin ng aking ina sa hospital at ang pag aaral ng aking mga kapatid na malapit nang ma-kick out dahil sa patong-patong na utang namin sa tuition f*e. Nabaon kami sa utang, at ngayon, ako na lang ang inaasahan ng pamilya namin. Napilitan akong mamasukan bilang kasambahay sa lalaking ito kahit alam kong mapanganib. Kaya naman, nang makita ko ang isang patagong anunsyo sa isang ahensya na naghahanap ng isang pribadong kasambahay ang kanyang estate na may sweldong aabot sa anim na digit kada buwan, alam kong ito na ang sagot sa lahat ng aking mga panalangin. Kahit pa ang kapalit nito ay ang pagsilbihan ang isang lalaking kinatatakutan ng lahat, handa kong isugal ang sarili ko. "Miss Pamela, maaari ka nang pumasok," sambit ng isang pormal at istriktang sekretarya na nagpabalik sa akin sa reyalidad. Ang kanyang boses ay tila hudyat ng aking pagbitay. Lumunok muna ako ng laway na tila ba may nakabara sa aking lalamunan bago ko dahan-dahang pinihit ang mabigat na seradura ng p***o. Pagpasok ko, bumungad sa akin ang isang napakalawak at napakagarbong opisina na mas malaki pa yata sa buong lote ng bahay namin sa probinsya. Mula sa sahig hanggang kisame ay gawa sa salamin ang mga dingding, nagpapakita ng buong tanawin ng nagtataasang gusali sa syudad na tila ba pagmamay-ari ng lalaking nakaupo sa likod ng isang malaking itim na mesa. Hindi agad siya lumingon. Nakatalikod siya sa akin at nakatingin sa labas ng bintana, may hawak na isang baso ng mamahaling alak na may yelo kahit na umaga pa lamang. Ang kanyang presensya ay nakakapanghina. Kahit nakatalikod, ang lapad ng kanyang mga balikat na nababalot ng isang perpektong tinabasing itim na suit ay sumisigaw ng matinding awtoridad. "Pamela," basag ng isang malalim, malamig, at baritonong boses sa katahimikan ng kwarto. Humarap si Froilan. Nang magtama ang aming mga paningin, pakiramdam ko ay tila ba ako isang maliit at walang kalaban-labang hayop na nasukol ng isang gutom na leon. Ang kanyang mga mata ay kasing dilim ng gabi, mapanuri, matalim, at walang kahit anong bakas ng awa. Ang kanyang panga ay matigas, at ang kanyang perpektong mukha ay tila inukit ng isang dalubhasang iskultor ngunit walang emosyon. "O-opo, Sir. Ako po si Pamela," nanginginig na sagot ko, pilit na itinatago ang takot sa aking boses ngunit alam kong rinig na rinig ang pagkabasag nito. Yumuko ako nang bahagya dahil hindi ko kayang salubungin ang kanyang nagliliyab na titig. Ibinaba niya ang kanyang baso sa ibabaw ng mesa na lumikha ng isang nakakakilabot na tunog bago niya kinuha ang folder na naglalaman ng aking aplikasyon. Binuklat niya ito nang may kasamang panliliit at panghahamak. "Dalawampu't dalawang taong gulang. Walang karanasan sa pagtatrabaho sa mga kilalang pamilya. Walang pormal na pagsasanay. Isang dropout sa kolehiyo," malamig na basa niya sa aking mga detalye. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Ang tinging iyon ay tumagos sa aking kaluluwa, para bang binabasa niya ang bawat sikreto ng aking pagkatao at hinuhusgahan ang aking mumurahing damit at kupas na sapatos. "Bakit ko tatanggapin ang isang tulad mo sa aking pamamahay? Ano ang maibibigay mo na hindi maibibigay ng mga propesyonal na aplikanteng nauna sa iyo?" Kumalabog nang mabilis ang dibdib ko. Namuo ang mga luha sa gilid ng aking mga mata ngunit pilit ko itong pinigilan. Kailangan ko ang trabahong ito. Kung uuwi akong luhaan ngayon, tuluyan nang mapapahamak ang aking ina. Wala na kaming pambili ng gamot. Wala na kaming makain. "Sir, m-masipag po ako," nauutal ngunit nagmamakaawang sagot ko. "Gagawin ko po ang lahat ng iutos ninyo. Kahit gaano po kahirap ang trabaho, kahit maghapon at magdamag po akong maglinis, hindi po ako magrereklamo. Kailangan na kailangan ko lang po talaga ng pera para sa operasyon ng nanay ko at sa pag-aaral ng mga kapatid ko. Parang awa niyo na po, Sir. Bigyan niyo po ako ng pagkakataon." Isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa silid. Dahan-dahang tumayo si Froilan mula sa kanyang mamahaling leather chair. Sa bawat marahan niyang hakbang palapit sa akin, tila ba lumiliit ang kwarto at nauubusan ako ng hanging malalanghap. Gusto kong umatras patungo sa p***o, ngunit tila napako ang aking mga paa sa sahig. Huminto siya sa mismong harapan ko, napakalapit, sapat upang maamoy ko ang kanyang pambihirang pabango na may halong musk at mamahaling kahoy na pilit sumusuot sa aking sistema. Tinitigan niya ang aking mukha. Ramdam ko ang pamumula ng aking mga pisngi sa tindi ng hiya at kaba. Wala akong kahit anong kolorete sa mukha, maliban sa bakas ng pagod at takot. Para siyang isang mandaragit na sinusuri ang kanyang biktima. Dahan-dahan, hinawakan niya ang aking baba gamit ang kanyang mahahaba, magagaspang ngunit maiinit na daliri. Pilit niyang iniangat ang aking mukha upang pwersahin akong salubungin ang kanyang mapanganib na mga mata. Ang init ng kanyang palad ay nagpadala ng kakaibang kuryente sa buong katawan ko. “V*rgin ka pa ba?” tanong ni Froilan na nagpaangat ng ulo ko. Nanlaki ang mga mata ko sa matinding gulat. Halos tumigil ang pagtibok ng aking puso. Hindi ko inaasahan ang ganoong klaseng tanong sa isang interview para sa pagiging kasambahay. Uminit nang husto ang buong mukha at leeg ko. "P-Po? Sir, a-ang in-apply-an ko po ay bilang maid, bilang taga-linis—" nauutal at takot na takot kong sagot. "Sagutin mo ang tanong ko, Pamela," mariin ngunit may halong madilim na pagnanasang putol niya sa sinasabi ko. Ang kanyang hinlalaki ay marahang hinagod ang nanginginig kong ibabang labi, na lalong nagpalala sa panginginig ng aking mga tuhod. "Wala pa bang nakakagalaw sa iyo? Fresh ka pa ba?" Gustong-gusto kong bawiin ang aking mukha mula sa kanyang pagkakahawak. Gustong-gusto kong maiyak sa hiya at tumakbo palabas ng kwartong iyon pabalik sa ligtas ngunit mahirap naming buhay. Ngunit sumagi sa isip ko ang naghihingalong mukha ng aking ina. Ang buhay niya ang nakasalalay sa pagtayo ko sa harapan ng lalaking ito. Wala akong mapagpipilian. Ito na ang huling baraha ko. Tumulo ang isang butil ng luha mula sa aking mga mata habang dahan-dahan at mabigat sa loob akong tumango. "O-Opo. Wala pa po." Isang malademonyong ngiti ang sumilay sa mga perpektong labi ni Froilan. Tila ba nanalo siya sa isang malaking sugal at nakuha na niya ang premyong matagal na niyang hinahanap. Inilapit pa niya nang husto ang kanyang mukha hanggang sa maramdaman ko na ang init ng kanyang hininga sa aking tainga. “Good. My promdi virgin maid..” Sa sandaling iyon, habang nakatayo ako sa loob ng malamig na opisinang iyon na hawak ng isang bilyonaryo, alam kong pinasok ko ang isang kasunduang tuluyang babago at wawasak sa aking tahimik na mundo. Paano kung ang simpleng hangad ko lang na magkaroon ng trabaho ay siyang babago sa buhay ko? Ibinenta ko na ang aking sarili, ang aking inosensya, sa isang lalaking walang ibang hangad kundi ang angkinin ako. Dahil ang hanap ng bilyonaryo ay isang birhen para painitin ang kanyang kama tuwing madaling-araw. Ngunit para sa buhay ng aking ina, handa akong harapin ang nag-aalab na impyernong ito sa mga bisig ni Froilan.Hindi ko na nagawang lumaban. Sa tuluyang paglapat ng kanyang maiinit at mapilit na mga labi sa akin, gumuho ang lahat ng pader na pilit kong itinayo buong maghapon. Ang halik ni Froilan ay hindi lamang isang simpleng pag-angkin, isa itong marahas na pagbura sa lahat ng takot at pagdududa na bumabalot sa aking isipan. Lasang-lasa ko sa kanyang hininga, lati ang pait ng mamahaling alak na ininom nila ni Victoria kanina, ngunit sa halip na makaramdam ng pandidiri, tila naging isang matapang na lason ito na unti-unting pumasok sa aking sistema at tuluyang lumumpo sa aking katinuan.Ang kanyang malalaking kamay ay mahigpit na nakapulupot sa aking baywang, walang awang idinidikit ang aking nanginginig na katawan sa kanyang matigas at nag-iinit na bulto. Bawat paggalaw ng kanyang mga labi ay may kasamang matinding pagnanasa na tila ba uhaw na uhaw siya sa akin. Wala sa sariling napahawak ako sa kanyang malalapad na balikat, ang aking mga kuko ay bahagyang bumaon sa telang manipis ng kanyang
Ang lamig ng sahig ay tumagos hanggang sa aking mga buto habang nakasandal ako sa nakasarang pinto ng aking silid. Pilit kong hinahabol ang aking hininga, tila ba tumakbo ako ng ilang kilometro palayo sa katotohanang sumampal sa akin kanina. Si Victoria. Ang perpektong fiancée. Ang babaeng nararapat tumayo sa tabi ng isang Froilan Montecarlos.Kinagat ko nang mariin ang aking ibabang labi hanggang sa malasahan ko ang sarili kong dugo. Wala kang karapatang masaktan, Pamela, paulit-ulit kong bulong sa aking sarili. Isa lamang akong transaksyon. Isang sikreto na nakakulong sa heavily air-conditioned na kwartong ito, habang si Victoria ang reyna na naglalakad sa maliwanag at perpektong hardin ng mansyong ito.Lumipas ang ilang oras at tuluyan nang lumubog ang araw. Ang buong Montecarlos Mansion ay nabalot ng liwanag mula sa mga naglalakihang chandelier. Nanatili lamang ako sa aking kwarto, hindi ako lumalabas gaya ng utos ni Froilan kaninang umaga. Ngunit ang katahimikan ko ay binasag ng
Nanatili akong nakahiga sa malambot na kama kahit pa ilang oras na ang lumipas simula nang lumabas si Froilan ng kwarto. Nakabalot pa rin sa aking hubad na katawan ang makapal at itim na silk na kumot, tila ba pilit kong kinukulong ang init at ang pamilyar niyang amoy na naiwan sa mga unan. Pilit kong inuunawa ang mga nangyari. Ang mga halik niya, ang mga haplos niyang nagpalambot sa aking mga tuhod, at ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata kaninang umaga.“How are you feeling, sweet Pamela?”Paulit-ulit na nag-echo sa isipan ko ang malambing niyang boses. Napakagat ako sa aking ibabang labi at hindi ko napigilang mapangiti nang mapait. Nakakatawa. Ibinenta ko ang sarili ko para sa dalawang milyong pisong pampaopera ng nanay ko, pero bakit parang pati ang puso ko, na hindi naman kasama sa kontrata, ay kusa kong ibinibigay sa kanya?Tatlong mararahang katok mula sa connecting door ng aking kwarto patungo sa hallway ang pumutol sa aking malalim na pag-iisip. Mabilis kong hinila ang k
Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo habang nakalapat ang mainit at mapilit na mga labi ni Froilan sa akin. Ang unang reaksyon ng aking katawan ay manigas sa labis na kaba. Inaasahan ko na magiging marahas siya, na gagamitin niya ang kanyang lakas upang iparamdam sa akin na ako ay isa lamang binayarang kasangkapan para sa kanyang aliw. Ngunit kabaligtaran iyon ng nangyayari. Ang kanyang mga halik, bagaman mapusok at nag-uutos, ay may kakaibang lambing na unti-unting nanunuyo sa aking naguguluhang isipan.Ang pamilyar na amoy ng kanyang panlalaking sabon at ang mapaklang tamis ng alak na ininom niya kanina, ay mabilis na pumasok at tuluyang lumunod sa aking katinuan. Ipinikit ko ang aking mga mata nang mariin, kinukuyom ang aking mga kamao sa gilid ng aking manipis na nightgown, pilit na pinapaalalahanan ang sarili ko kung bakit ako narito. Isa itong transaksyon, Pamela. Ginagawa mo ito para sa nanay mo.Ngunit napakagaling ni Froilan. Sanay na sanay siya sa ganitong laro at alam na alam






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews