登入CHAPTER 246Mabilis naman na lumipas ang ilang buwan at sa araw na nang bukas ang araw ng kanilang kasal. Sa nakalipas din na mga buwan na iyon ay talagang naging tutok si Maxene sa mga kakailanganin nila sa kanilang kasal. Gusto kasi niya na maging maayos ang kasal nila Bernard at ayaw niya na magkaroon na naman ng aberya sa mismong araw na ng kanilang kasal.Sa totoo lang ay medyo kinakabahan pa rin talaga si Maxene sa pag aasikaso niya sa kasal nila ni Bernard dahil noong nagplano sila na magpakasal noon ay may mga nangyari na hindi maganda. Pero inisip na lamang ni Maxene na wala naman nang banta pa sa kanilang buhay at tahimik na rin talaga ang kanilang buhay ngayon simula ng makulong si Irish. Kampante naman sila na hindi na ito makakalaya roon dahil talagang sinigurado ng ama ni Bernard na mabubulok si Irish sa loob ng kulungan.At ngayon nga ay nasa isang beach resort na sila Maxene at Bernard kasama ang kanilang buong pamilya. Bukas na kasi ang kasal ng dalawa kaya naman ngay
CHAPTER 245Hindi na rin naman nag aksaya pa ng panahon sila Bernard at Maxene at pagkatapos nga ng kanilang bakasyon na iyon ay agad na rin silang nagplano para sa gaganaping kasal nila at gaya nga ng gusto ng ina ni Bernard ay magiging enggrandeng kasalan nga iyon kaya kailangan din talaga nila iyong paghandaan.Napagkasunduan din nila na early nextyear gaganapin ang kanilang kasal kaya naman may ilang buwan pa rin naman sila para makapaghanda ng lahat ng kanilang mga kakailanganin. At ngayon nga ay kauuwi lamang ni Maxene galing sa pagsusukat ng kanyang wedding gown. Sinamahan naman siya ng ina ni Bernard pero dumiretso naman din ito sa kumpanya pagkatapos nitong samahan siya.Pagkarating ni Maxene sa mansyon ay naabutan niya si Veronica na nasa garden kasama sila baby Joshua at baby Dyron kaya naman agad na niyang linapitan ang mga ito.“Mukhang nag eenjoy na naman ang mga baby na yan sa garden ah,” sabi ni Maxene nang makalapit na siya sa mga ito.“Narito ka na pala, Maxene. Kum
CHAPTER 244Hindi naman nagtagal ay lumabas na rin naman ng kanilang silid sila Bernard at Maxene. Pagkarating nila sa may tabing dagat kung saan nakaset up ang kanilang dinner ay tila nakaramdam pa ng hiya si Maxene dahil sila na lang pala talaga ang hinihintay ng mga kasama nila roon.“Mabuti naman at narito na kayo. Ang mabuti pa ay kumain na muna tayo,” sabi ni Diana.Agad naman na naupo sila Bernard at Maxene sa bakanteng upuan na para talaga sa kanila at bahagya pa ngang pinamulahan ng pisngi si Maxene dahil nahihiya talaga siya sa pamilya ni Bernard dahil naghintay pa ang mga ito sa kanila.Sinimulan na rin naman nila kaagad nila ang kanilang dinner at habang kumakain nga sila ay meron pang live band na kumakanta. Matapos nilang kumain ay nagkwentuhan muna sila saglit at maya maya pa ay nagkaroon din ng kaunting pagames si Diana para sa lahat kaya naman talagang nag enjoy ang lahat dahil meron din talagang mga papremyo na inihanda si Diana.Matapos nilang magkasiyahan ay muli
CHAPTER 243Kinagabihan din noon ay nagtaka rin sila dahil nagkaroon sila bigla ng special dinner na buong pamilya. At syempre ang nagplano noon ay walang iba kundi ang ina ni Bernard na si Diana na excited na sa magaganap mamaya.Binulungan na rin ni Randy si Bernard na doon na nga ito magpropose kay Maxene dahil iyon na nga ang naisip na paraan ni Diana para maisagawa ni Bernard ang plano nito.“Napakabilis talaga kumilos ni mommy kapag tungkol sa ganyang mga bagay,” natatawa naman na sabi ni Bernard sa kanyang ama dahil talagang nagulat din siya dahil talagang nakapagplano na agad ang kanyang ina.“Sabi ko naman sa’yo diba. Kaya wag ka ng mag aksaya pa ng oras at mag ayos ka na rin ng sarili mo. Maya maya lang ay tatawagin na nila tayo para magdinner,” sagot ni Randy sa kanyang anak. “Ang singsing baka makalimutan mong dalhin ha. Lalapitan ka mamaya ng mommy mo para sabihin sa’yo kung kelan ka kikilos,” pagpapatuloy pa niya.“Opo dad. Palagi ko naman po itong dala,” sagot ni Berna
CHAPTER 242Lumipas pa ang dalawang araw at naroon pa rin sila sa resort at hirap na hirap talaga si Bernard na humanap ng tamang tyempo para magpropose kay Maxene at bukod pa roon ay pinangungunahan din talaga siya ng kaba dahil baka pumalpak ang plano niyang ito at baka hindi tanggapin ni Maxene ang kanyang alok dito.Ngayon nga ay maagang maaga na nagpunta ang buong pamilya nila Bernard sa may tabing dagat at ang nga bata naman ay pinagligo na rin nila sa dagat habang maaga pa dahil maganda talaga sa katawan ang init ng araw sa umaga.Nasa may tabing dagat naman sila Maxene at Bernard habang pinapanood nila ang mga kasama nila na nag eenjoy sa paglalangoy.“May problema ba?” hindi na napigilan na tanong ni Maxene kay Bernard dahil kanina pa niya ito napapansin na hindi mapakali at panay ang tingin sa kanya.Napakurap kurap naman si Bernard habang nakatingin siya kay Maxene dahil nagulat pa siya ng bigla itong nagsalita.“H-Ha? Problema? Wala naman. Bakit?” balik tanong ni Bernard k
CHAPTER 241Gaya naman ng nais na mangyari ni Diana nang sumunod na linggo noon ay natuloy na nga ang kanilang bakasyon na buong pamilya at syempre kasama rin nga roon ang buong pamilya ni Jonathan na noong una ay ayaw pa sanang sumama dahil parang hindi pa raw nila kayang mag enjoy sa ngayon pero mabuti na lamang at napilit din uto ni Diana kaya naman nakumpleto silang muli ngayon.Sa isang private beach resort sa Batangas nila napiling magbakasyon nang ilang araw para kahit papaano naman ay makapagrelax ang kanilang mga katawan at syempre para na rin magkaroon ulit ng bonding ang kanilang pamilya.At dahil nga isang private beach resort iyon ay kanya kanya na sila ng pili ng kanilang magiging kwarto habang si Veronica naman ay pinilit ng dalawang kapatid ni Joseph na doon sa silid nila magstay dahil gustong makasama ng mga ito ang kanilang pamangkin.Ngayon nga ay abala silang lahat sa kani kanilang mga ginagawa. Ang mga kababaihan ay abala sa pagluluto ng kanilang mga makakain haba
CHAPTER 23Samantala naman habang abala si Joseph sa kanyang opisina sa mga pinapagawa sa kanya ng kanyang ama ay nakatanggap siya ng tawag at nalaman niya na dinala raw si Maxene sa ospital. Kaya naman nagmamadali na siyang umalis upang puntahan sana si Maxene sa ospital dahil sobra siyang nag aal
CHAPTER 27Samantala naman habang abala si Bernard sa mga papeles na nasa kanyang harapan ngayon ay narinig naman niya ang mahinang pagkatok mula sa pintuan ng kanyang opisina. Kaya naman agad siyang napatingin doon at agad niyang nakita ang kanyang sekretarya.“Excuse me po sir. Narito po si Mr. J
CHAPTER 25Pagkaalis naman ni Joseph sa kanyang opisina ay agad na rin itong dumiretso sa sinabing ospital ng kanyang kausap kanina kung nasaan daw si Maxene ngayon dahil labis talaga siyang nag aalala para sa dalaga.Halos paliparin na nga ni Joseph ang kanyang sasakyan para lamang mabilis siyang
CHAPTER 24Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Joseph at saka niya seryosong tinitigan si Veronica.“Pero ikaw ang nang akit sa akin noon. At sinamantala mo na nakainom ako kaya mo ako inakit,” sabi ni Joseph at saka niya naihilamos ang kanyang palad sa kanyang mukha. “Veronic







