Share

Chapter 2

THIRD PERSON'S POV

"Remember your assigned places before taking an action," Marnella strictly stated in her ear piece before they go out to their cars.

She heaved a sigh for countless times, gripping tightly on her AR 15 rifle. Siniguro niya rin ang dalawang baril na nasa baywang niya pati na rin ang isang matalim na kutsilyo. Nauna siyang lumabas sa sasakyan at kinasa agad ang rifle. Isang buntonghininga ay binigyan niya ng senyas ang mga kasamahan niya.

"You all know what to do and where to position yourselves." She nodded her head. "Go."

Hindi pa nga sila nakakarating sa kanya-kanya nilang puwesto nang tahimik ay may narinig na agad siyang sunod-sunod na putok ng baril.

"Sh*t!" Tumago agad siya sa isang malaking dam ng tubig. Napahawak siya sa bulletproof vest niya para ayusin ito bago ulit sumenyas sa ibang kasamahan niya na nakikita niya.

Nasa isang warehouse sila ngayon ng Mafia Dalzell para sa unang misyon nila. Kadalasan ay dito palaging nagtitipon-tipon ang ilan sa mga tauhan ng mafia kaya naman ay ito ang napili nilang lugar na lusubin. Ang hindi nila alam ay sila mismo ang nalagay sa patibong.

Sunod-sunod ang putok ng baril. Hindi na nasusunod ang plano. Nagkanya-kanya na ng galaw ang ibang miyembro. Nakisali na rin siya sa gunfight habang naghahanap ng magandang puwesto para ma-execute niya ng maayos ang misyon niya – that is to capture Deiphobus.

Marnella stepped on the dollies that led her to the integrated dock levelers. Nagpaputok agad siya gamit ang pistol nang may makita siyang kalaban na papalapit sa kanya. Tumalon siya para maabot ang tumataas na crane at hoist. Tagumpay naman siyang nakarating sa second floor.

She immediately ducked to avoid the approaching bullet. When she was about to pull the trigger, the enemy got close to her already. Hinawi nito ang kamay niya para mabitawan ang baril. Tumingala siya't nakitang nakatutok na sa kanya ang baril nito. Applying the learning she got from the training, she's quick enough to retaliate. Napatumba niya agad ang kalaban.

Habang tumatakbo ay may nagpapaulan na bala sa kanya kaya todo iwas naman siya. Napapatingin din siya sa baba kung saan may mga naglalaban-laban.

"Sh*t!" she cursed when she saw that almost all of her men are already down.

When Marnella positioned herself in a relatively hidden place, she searched for her target through the sniper scope of the rifle. Bahagya siyang napalayo sa sniper scope para matingnan naman ng mismong mga mata niya ang lugar na kinatatayuan ng target niya. Napahigpit ang hawak niya sa grip bago niya ulit binalik ang tingin sa sniper scope.

Isang buntong-hininga ay inilapit niya ang kamay niya sa trigger. Napamura siya nang gumalaw ang target. Hindi rin naman agad nagtagal ay nakapag-focus na ulit siya.

The moment she pulled the trigger, she was caught off guard when her target looked at her direction through the sniper scope too. Huli na nang mamalayan niya na may kalaban na pala sa likod niya.

"Drop the rifle."

Napapikit siya nang diinan pa ng kalaban ang baril na nakatutok sa ulo niya. Tinaas niya ang dalawa niyang kamay at naghintay ng pagkakataon. Nang mas lumapit ang kalaban ay doon niya na ito pinatulan.

Binalik niya ang tingin niya sa gawi ng target niya kung natamaan ba ito pero bigo siya. Wala na roon ang target niya. Ni bakas ng katawan ay wala. Pero nang pupulutin niya na sana ang rifle ay sumulpot bigla sa kung saan ang kalaban niya. She immediately backed away.

"Mali kayo ng kinakalaban," ani ng lalaki habang nakatutok kay Marnella ang baril nito.

"And why do you say so? Are you aware of the reputation of the Mafia Dalzell or you're just working with them without learning their capabilities?"

"Ikaw ang walang alam sa kung ano ang ginagawa niyo." The man tilted his head. "Don't tell me you're their leader? Now, this is interesting."

"Why? Are women not allowed to be the leader of the law?" Matapang na pinantayan ni Marnella ang tingin ng lalaki before engaging into a fistfight. Napaatras si Marnella nang hindi siya makaiwas sa malakas na suntok ng lalaki. Bahagya ring tumagilid ang ulo niya dahil sa impact. Napahawak siya sa may ilong at labi niya nang maramdaman ang pag-agos ng likido roon. Nang makabawi ay tinitigan niya ng masama ang lalaki.

"Deiphobus!"

Parehas silang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Eventually, the police siren is getting louder and louder in their ears. Nonetheless, the fight continued, ayaw magpatalo sa bawat isa.

Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Namalayan na lang ni Marnella na pinapaibabawan na siya ni Deiphobus. When Deiphobus was about to give her a strike to knock her off, Marnella stared right through his eyes, not bothering to fight back anymore, reason why he halted. Marnella banged her head to his head and kicked him on the stomach.

Deiphobus groaned. Nagkatitigan ulit sila bago tumakbo palayo si Deiphobus na siyang hinayaan naman ni Marnella.

"How's the mission?"

Marnella ignored the Chief of police.

Sa mga nagdaan na araw, hindi sumuko si Marnella. Pinagpatuloy niya pa rin ang mission sa paraan na alam at kaya niya. Pero palagi lang patas ang labanan. It's either Marnella got pinned down and Deiphobus won or vice versa. So, Marnella was always frustrated because of the prolonged mission that’s becoming a way for them to build a special relationship, dahilan ng paglihis ng landas na gusto nilang tahakin.

***

"I will not allow this, Deiphobus!" The voice of Lauis Vemados, the one who establish the Mafia Dalzell, thundered when Deiphobus handed him his resignation letter and told him his reasons.

"See you around, Mr. Dalzell." Deiphobus showed his last respect to him before walking away.

"This doesn't end everything yet, Deiphobus Madigan! I'll make sure you'll regret this day till the end of your goddamn life!"

***

"Adriel Sevan McMillan and Laquisha McMillan are a British couple who moved to La Vezque to adopt a child. They have a real estate industry that has consistently ranked in the top ten most profitable companies in the world, indicating that they have a high reputation and profit margin," the secretary of the Madigan family stated.

"Wealth and power. D will be in good hands with them." Napatango si Pharell, ang ama ni Marnella. "Pamilyar na rin ang pangalan nila sa akin pero bilang lang ang mga tao ang nakakita sa kanila in person. They don't want to expose their identities to the world because they, too, want to live a normal life. So, they are not hands-on on their business. This is perfect, Marnella."

Marnella sighed. "I… I’ll think about it, Dad." Napasapo siya kanyang sentido. "What if they’re experiencing threats too kaya ayaw nilang ipakita sa mundo kung sino talaga sila? Or what if they also run illegal businesses? What if they’re ex-convicts?"

Napahalakhak si Pharell at naglakad palapit kay Marnella. "You’re overreacting. I wouldn’t put them in the list if they have the records of what you just said."

"I’m sorry, I’m just scared for my daughter. I don’t want her to end up like me. I want to give her a bright life."

"I know. That’s why I’m here, helping." Inakbayan ni Pharell si Marnella. "Trust me, hija. Hindi ko kayo ipagkakatiwala sa maling tao."

"Paano kung hindi sila pumayag?"

"They will, hija." Pharell gave Marnella an assuring smile as she gave her a peck of kiss on the forehead.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status