Share

A Shroud of Secrecy
A Shroud of Secrecy
Author: Liya

Chapter 1

THIRD PERSON'S POV

"Why do you need to do this, Marnella?"

"Dad, I told you, I want to live with the law. This is my only chance." Nagpatuloy ang tinawag na Marnella sa pag-iimpake.

"May ibang paraan, hija. Hintayin mo lang ako na tumakbong presidente sa susunod na botohan, bibigyan kita ng magandang puwesto."

Marnella let out a soft laugh. "That's unfair to others, Dad. Isa pa, ayoko namang umasa na lang sa 'yo palagi. It's time to make my name in my own ways now. This is a once in a lifetime opportunity, Dad, so don't make this hard for me."

"I'm just worried. Mapanganib sa loob ng batas lalo na't ang mga kalaban niyo ay hindi natatakot sa batas."

"I can take care of myself, Dad. Please, don't worry too much. Mom's already crying, so stop nagging like I'm not gonna come home anymore." Sinara ni Marnella ang zipper ng maleta niya. Lumapit siya sa ama niya't binigyan ito ng yakap at halik. "I'm gonna go now. Take care of mom." Lumapit naman siya sa mahabang sofa kung saan nakaupo ang ina niya na kanina pa tahimik na umiiyak. "Stop crying, Mom. I love you, okay? I'll be back after the training."

"You'll be out for one year. Paanong hindi kami mag-aalala?" the mother cried.

"Let me help you," ang ama naman bago kinuha ang maleta. "Just call us immediately if something happened. I'll take you out right away."

"Thanks, Dad." Marnella smiled as she hugged her both parents one last time.

Naglakad silang magkakahawak-kamay palabas. Nang mailagay na ng ama ang maleta sa trunk ng sasakyan, they bid their goodbyes once again.

Nakarating si Marnella sa malaking compound kung saan magaganap ang isang taong training nila bago maging ganap na isang miyembro ng itatayong kalasag ng gobyerno. If that happens, they will be the first members who will lead the organization to pin down all the criminals in La Vezque City.

"Good day!"

Agad natahimik ang buong paligid nang may magsalitang lalaki sa unahan. Taranta rin silang nag-unahan sa mga naka-assigned na posisyon sa kanila. Samantalang si Marnella ay tahimik lang na nagmamasid sa paligid. Hindi na siya nag-abalang umalis pa sa puwesto niya tutal doon naman talaga siya nabibilang.

"Every position you applied for have different kinds of training and policies. Those who applied for higher positions should have to do heavy works than those who applied for lower positions. Kailangan matatag ang loob at katawan niyo. Keep in mind that if you lose, you have also failed to protect the people of our city. You are this city's hope. You are our defenders. So, give us your best. Don't let us down."

Napatingin si Marnella sa ibang nakalinya sa mga mababang posisyon. Some of them are already looking at them, amazed and afraid at the same time.

"Today will be your only rest day, so ready yourselves for the never-ending tomorrow. Nakahanda na ang mga tent na nakalaan sa bawat mga posisyon niyo. After placing your belongings in the tent, proceed to the open area for a quick orientation. Thank you."

The crowd scattered everywhere to find their assigned tents. Marnella is still quietly observing and learning what could possibly happen in one year of training here. Nang makarating siya sa tent na nakalaan sa kanila ay agad siyang natigilan.

"Woah, don't tell me this is also your tent?" Nilapitan siya ng isang matipunong lalaki habang ang iba'y nakitawa na lang.

Lumabas uli siya para i-check ang nakalagay na sign, hoping that she just misread it.

"The Leaders," ang lalaki nang pasimple niyang sinandal ang kamay niya sa plaka at binigyan ng mapanuring tingin si Marnella.

Marnella stared at him. She sighed when she realized something.

"I'm Marnella Philipps." Nilahad ni Marnella ang kamay niya sa lalaki na magiliw naman nitong tinanggap.

Pumasok na uli sila sa loob. Tinulungan din siya sa maletang dala niya 'nong nagpakilalang Miguel. Pagkatapos ay isa-isang nagpakilala ang apat na kalalakihan na makakasama niya sa tent sa loob ng ilang buwan.

The first month was harder than they all thought. Marami na agad ang umalis at sumuko, but Marnella stood still on her ground. Ilang beses na rin siyang umiyak, nakaranas ng insulto at pagkahiya. She even endured body aches. Ilan lang silang babae ang nag-apply sa posisyon ng pagiging leader kaya talagang mabigat ang mga pinagdadaanan nila.

"Kaya pa?" ani Miguel sa gitna ng pag-eensayo nila.

Marnella groaned. "Of course!"

"That's the spirit!" Napatawa na lang si Miguel at nag-focus na ulit sa pag-eensayo.

For more than half a year, Marnella continue to endure it all. Kahit na nahuhuli pa rin siya minsan ay bumabawi naman agad siya. Mas lalo siyang nagpursigi lalo na't bilang na lang sa kamay at paa ang mga natitirang matatag.

"Congratulations, Marnella Vasilisa Philipps!"

Dumating ang pagtatapos ng training. Sa loob ng limang daan na trainees, isang daan at limang pu ang nakuha para sa iba’t ibang sampung teams, at sa lima niyang kasamahan sa tent, silang dalawa lang ni Miguel ang nakapasok. Ang iba nama’y nabigyan ng special na posisyon pero ang iba’y umuwing bigo nang wala man lang nakamit since the training was only intended for the foundation members of The KH. The rest of the members was already selected earlier than them.

Sa pagbaba ng stage ni Marnella ay agad siyang tumakbo palapit sa mga magulang niya at yinakap ito.

"I made it!" Napaluha siya. "Thank you to the both of you. I love you, Mom, Dad."

"Ang galing mo, anak," ang ina ni Marnella nang kumalas sila sa yakap. "We are so proud of you. Ang tanging hiling lang namin ay palagi kang mag-ingat sa trabaho mo. Please, don’t accept heavy missions."

Bahagyang natawa si Marnella. "Mom, that’s what I applied for."

"You’re the leader. You only need to give commands."

"Well, sorry to burst your bubble, Mom, but it’s the opposite. Kailangan palagi akong nasa site ng labanan."

"Oh, God!" Napa-sign of the cross ang ina nito.

"Hon, it’s okay. I know she’s capable in this job." Haplos sa balikat ang iginawad nito sa asawa.

Marnella smiled as she held her parents’ hands. "Huwag po kayong mag-alala, hindi po ako papayag na matalo. I already proved it here. I will always come home to you, Mom, Dad. You will always be my home."

Nang pabalik na sana sila sa upuang nakalaan sa kanila ay agad naagaw ang atensyon ni Marnella ng lalaking nasa labas ng gate. Nagtagpo ang mga mata nito’t bigla siyang kinabahan. The man immediately looked away. Marnella was about to chase after him when he abruptly vanished.

Kinabukasan ay pumasok na agad sa trabaho niya si Marnella. Being the first woman who will lead the established KH organization still feels surreal to her, so she need to get used to it as early as possible. It was all because of the one year training and finally, she was able to get through it. She even started her first mission after getting the certificate and badge – that is to capture the infamous mafia of the City.

"We need to cut down the hands and feet first. The mafia won't work anymore without its foundation members." Naglapag si Marnella ng unang litrato sa malaking lamesa kaharap ang mga miyembro ng KH. "The first target will be Deiphobus Madigan."

After a long day of planning and reviewing paper works, Marnella decided to take a break. Papunta na sana siya sa rooftop ng headquarters nang maramdaman niya na naman na may nagmamasid sa kanya. Pinakiramdaman niya ang paligid pero hindi niya mahanap sa crowded people ang salarin.

"Good afternoon, Ma’am Philipps!" bati ng isang staff sa kanya.

She awkwardly smiled. "Good afternoon po."

Simula nang pagtapak niya sa headquarters, hindi na siya nilubayan ng mga tao sa pagtawag na Ma’am Philipps, which is new to her, since nasa patakaran din ito.

"Ay, sorry po! Sorry po!"

Marnella suddenly stopped from walking. Bahagyang lumihis ang mga mata niya para matingnan kung ano man ang nangyari sa likod niya.

"Excuse me."

Kinilabutan siya sa malamig na boses ng lalaki kaya bigla siyang napaliko sa isang hallway. Siniguro niya na nakasunod pa rin ang lalaki sa kanya. Sa pagliko niya ulit ay doon niya na inabangan ang lalaki.

"Sino ka? Bakit mo ako sinusundan?" Marnella grabbed the man’s collar and pinned him against the wall.

Surprisingly, the man's eyes widened. "What?! Nagkakamali ka ata, Miss–"

"Shut up. Sigurado akong ikaw ‘yon, so what's the point of lying?"

"F*ck! It’s really not me! Ano namang mapapala ko sa pagsisinungaling?"

"To keep your identity hidden, you asshole!" Pinanlakihan siya ng mga mata ni Marnella. "I’m going to report you. Ang lakas ng loob mo na rito ka pa gumawa ng kasalanan." Pinaikot niya ang lalaki para iharap sa pader at posasan.

"Hey! Hindi talaga ako ‘yon! Give me a solid proof that I'm the man who’s following you!"

Natigilan doon si Marnella. Kalaunan ay unti-unting lumuwang ang pagkakahawak niya sa lalaki. Galit naman siyang hinarap ng lalaki. Nagkatitigan sila.

"I’m… I’m sorry." Marnella shook her head and bit her lower lip. She was about to turned away when the man stopped her.

"Well, at least make up for your mistake?" Hinarang siya ng lalaki. "Say… coffee?"

"Uhm… sure. Sure. What do you like?"

"To know you."

"Excuse me?" Marnella’s brows creased.

The man chuckled when he put his hands into his trousers' pockets. "I said let’s go."

"No. You said to know you."

"Then, why bother asking to repeat it again?"

Napailing na lang si Marnella at nilagpasan ang lalaki.

"I’m Guillame, by the way."

"Marnella Philipps."

***

"I told you to stop working in that filthy mafia, Deiphobus!" Inakbayan ng isang lalaki ang tinawag niyang Deiphobus. "You can work with us instead! I'll tell my parents to increase your salary compared to the normal one."

"G*go ka talaga, Guillame!" Inalis ni Deiphobus ang kamay ng tinawag niyang Guillame sa balikat niya. "Sasabihin ng iba na pinapaboran mo ako."

"Well, that's the truth! You're my one and only best friend, so I will always favor you! Kung puwede nga rin na sa amin ka na tumira, eh!"

"Wala na nga tayong matinong batas, dadagdag ka pa." Umupo si Deiphobus sa isang bench malapit sa may dalampasigan at tumitig sa hindi kalayuang dagat at papalubog na araw. "Hindi lang naman pera ang habol ko. May prinsipyo at dignidad din ako, Guillame."

"Wow, coming from someone who works in a dirty and illegal mafia!" Tumabi sa kanya ang tinawag niyang Guillame.

"I told you, it's not a mafia. It's just a normal business."

"You really couldn't care less about the happenings outside of your job, can't you?"

"Then, tell me about your business, you bastard!"

"F*ck you, dude!"

Nagtawanan ang dalawa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status