Share

Chapter 4 - Caesar

"Mahigit dalawang dekada na akong nagtatrabaho para sa inyong pamilya." panimula ni Bernard. Napataas naman ang kilay ni Luke dahil sa sinabi ni Bernard.

Ibig sabihin lamang nito ay hindi pa siya sinisilang sa mundo, ay naninilbihan na si Bernard sa kanilang pamilya. "Nagsimula ako bilang tagapamahala ng isang hotel. Noong mga panahong iyon ay hindi pa naitatayo ang ENDX Corp. Naitayo lamang ito noong 2013." patuloy nito.

Dahil nga sa may kaunting kaalaman na si Luke patungkol sa kompanya, hindi na siya nagulat nang sabihin ni Bernard na itininayo lamang ang ENDX Corp sampung taon palang ang nakakalipas. Ang bagay na kanyang ikinamangha ay ang mabilis na pag-unlad nito at mabilis na pamamayagpag sa larangan ng negosyo sa kabila ng marami nitong kakompetensya. Ito ay dahil sa pagmamay-ari pala nila ang kompanya at malamang dahil na rin sa impluwensya ng kanyang lolo ay mabilis itong lumago.

Napansin ni Luke ang bahagyang pagngiti ni Bernard sabay na naiiling na para bang may naalala ito.

Agad namang nawala iyon nang mapansin nitong nakatingin si Luke. "I'm sorry Sir, natutuwa lang ako dahil sa napakatalino ng iyong lolo sa pagpili ng pangalan para sa iyong kompanya. Kahit ako ay nagulat nang malaman ko mula sa kanya kung saan niya nakuha ang ideyang ENDX." sambit ni Bernard.

"Talaga? Paano mo naman nasabi?" interesadong tanong ni Luke habang sinusubukan niyang isipin kung saan maaaring nagmula ang pangalang ENDX.

"Naikwento sa'kin ni Lord Duncan na noong tatlong taong gulang ka palang, ay gustong-gusto mo magkaroon ng alagang aso. Nang umuwi ang Papa mo galing Germany, he brought a 3 months old great dane puppy para iregalo sa'yo and you named him Ceasar."

Napakunot ang noo ni Luke nang ikwento ni Bernard ang tungkol kay Caesar. Pero hindi niya maiwasang mapangiti nang maalala niya ang alaga niyang aso noon. Dahil isa siya sa nakatakdang tagapagmana ng pamilya Cruise, tanging sa kanilang Manor lang siya nag-aaral noon. Ang manirahan sa Manor na kasama lang ang kanyang lolo't lola, butler at mga katulong ay sobrang nakakabagot. Hindi niya ma-enjoy ang kanyang sarili na sila lang ang kalaro. Pero nang dumating si Ceasar sa buhay niya ay halos araw-araw maingay ang kanilang Manor na minsan pa nga ay nakakabasag sila ng mamahaling pasong naka display dahil sa kanilang paghahabulan. Pero imbis na magalit ang kanyang lola ay balewala lang iyon. Ang importante ay masaya ang kanyang apo.

Noong sampung taong gulang na si Luke ay namatay si Caesar sa edad na pitong taong gulang. Noong panahong iyon, labis na dalamhati ang naramdaman ni Luke. Parang naging kapatid na niya si Caesar, hindi lamang isang alagang aso. Sinubukan siyang alukin ng kanyang lolo ng panibagong alaga pero ayaw niya itong tanggapin. Gusto niya lang ibalik ang masasayang araw na kung saan ay tuta pa lang si Caesar upang makapaglaro muli silang dalawa.

"Pero anong kinalaman ni Caesar sa pangalan ng kompanya?" naguguluhang tanong ni Luke.

Ngumiti si Bernard pagkatapos ay kumuha ito ng papel at ballpen. Pagkatapos ay nagsulat ng english alphabet mula a to z. Nagtatakang pinagmasdan lamang siya ni Luke. "I'll explain it clearly Sir." saad ni Bernard.

Pero bago pa man siya magsimulang magpaliwanag ay nakita niyang napasampal sa noo si Luke.

"Ah! Oo, nakuha ko na!" bulalas ni Luke. Bakit nga ba hindi niya naisip ang tungkol dun? Hindi niya mapigilang mamangha sa naging ideya ng kanyang lolo.

It was a Caesar cipher! Ginamit ng lolo ni Luke ang kanyang pangalan para makapag-encrypt ng salita. Dahil namatay si Caesar sa edad na pitong taong gulang, at ninais ni Luke maibalik ang nakaraan, ginamit ng kanyang lolo ang shift 7 code pabalik. Kung saan ang letrang L ay napalitan ng letrang E, ang letrang U ng letrang N and so on. Sa taon ding mismo kung kailan namatay si Caesar ay doon din nagsimulang itayo ang ENDX Corp. Dahil din sa mahilig sa sasakyan si Luke simula noong bata pa siya ay Automotive Company ang itinayong negosyo ng kanyang lolo para sa kanya.

Napasandal sa kanyang kinauupuan si Luke. Malinaw sa kanya na hindi lang basta kompanya ang ENDX Corporation kundi bahagi ng kanyang buhay. Ang intensyon ng kanyang lolo sa ideyang ito ay para bigyan ng buhay ang namayapa niyang alagang aso, na para bang tinupad ng kanyang lolo na sana maibalik ang mga panahong nabubuhay pa si Caesar.

"Yun ang rason kung bakit sa'yo itong kompanyang ito at rason kung bakit nakatakda ka na talagang maging Presidente ng kompanya, Mr. Cruise. And since you are now the President of the company, ako naman ay bababa na bilang Vice President." paliwanag ni Bernard.

Bahagyang napatango si Luke. Nauunawaan niya na ang lahat ngayon. "Anong mangyayari sa kasalukuyang Bise Presidente?" tanong niya.

"As for Ms. Reyes, naka-assign na siya ngayon sa ibang kompanya. Sa ngayon ay ako pa rin muna ang mamamahala ng kompanya habang nag-i-ensayo ka pa dito. You don't have to worry about anything else aside sa'yong training. Kung may problema man dito, please just call me and I will handle it immediately." magalang at nakangiting tugon ni Bernard.

Tama, ang kailangan lang muna ngayon pagtuunan ng atensyon ni Luke ay kung paano papamahalaan ang kanyang kompanya. Siya na ngayon ang Presidente ng multi-billion-dollar na kompanya. Hindi biro ang negosyong papamahalaan niya. Hindi niya gugustuhing bumagsak ang kompanya at biguin ang kanyang lolo.

Tumayo si Bernard at lumabas saglit, pagkatapos ay muli itong pumasok kasunod si Ms. Lee. Ilang minutong sermon ang natanggap ni Pauline dahil sa nangyari kanina. Para silang magtatay kung pagmamasdan. Pagkatapos na ipakilala ni Bernard si Pauline kay Luke at ipaliwanag ni Bernard sa kanya na si Ms. Lee na ang tutulong sa kanya sa kanyang training. Nagpaalam na din si Bernard na babalik na ito sa main branch dahil may mga importante pa siyang aasikasuhin doon.

"Ayos ka lang ba Ms. Lee?" tanong ni Luke. Pagkatapos umalis ni Bernard ay nanatiling tahimik lang si Pauline na para bang ikamamatay nito oras na magsalita ito. Ni hindi nga ito nag-abalang tumingin sa kanya.

"Y-yes Mr. Cruise. I-I'm really sorry about what happened earlier. I'll promise it will never, ever, happen again." nauutal at nahihiyang tugon ni Pauline.

Hindi mapakali si Pauline kanina sa labas ng opisina. Paroon at parito ang lakad nito sa hallway, habang iniisip kung paano siya hihingi ng tawad kay Luke. Kung nakakatakot na si Bernard para sa kanya, dapat lang ay mas matakot pa siya kay Luke. Kahit na wala siyang ideya kung ano ba talaga ang eksaktong pagkakakilanlan ni Luke, dahil sa nagawa ni Bernard na yumuko sa harapan ni Luke at tawagin itong Young Master, marahil ay isa itong tagapagmana ng napakamakapangyarihang pamilya na kahit na mismo si Bernard na siyang tinitingala na ng marami ay lubos na igininagalang ito.

"Ayos lang, 'wag mo nang isipin pa ang tungkol dito." sambit lamang ni Luke.

'Eh?'

Ilang beses napakurap si Pauline habang nakatitig kay Luke. 'Hindi siya galit sakin?' tanong niya sa kanyang sarili.

"Bakit, may problema ba Ms. Lee?" tanong ni Luke nang mapansing nakatingin lamang sa kanya si Pauline.

Mabilis na umiling-iling si Pauline. "N-no, Mr. Cruise. I'm just surprised and also happy that you're not mad at me. Thank you." sambit nito pagkatapos ay nagpakawala ng malalim na buntong hininga na para bang nabunutan siya ng tinik sa dibdib. Hindi niya inaasahan na mabait pala si Luke.

"Nauunawaan ko naman ang sitwasyon mo at alam ko namang hindi mo ginusto ang nangyari kanina." wika ni Luke. Alam niya ring naging overprotective lang si Bernard kanina kaya ganun nalang ang naging reaksyon nito sa nangyari. Wala talagang kasalanan si Pauline sa nangyari.

"Thank you again Mr. Cruise." muling pasasalamat ni Pauline. Hindi nito lubos maisip na ang bago nilang presidente ay napakabait at napakamapagkumbaba pala.

Bahagya lamang na tumango si Luke. "Maaari na ba tayong magpatuloy sa pag-iensayo ko?" tanong niya. Nakucurious siya sa kung paanong paraan siya tuturuan ni Pauline sa pamamahala ng kompanya. Napakabata pa ni Pauline para sa posisyong Executive Manager. Sa tantya ni Luke ay mas matanda lang sa kanya ito ng lima o anim na taon.

Hindi sa kini-question niya ang kakayahan ni Pauline, sa katunayan ay humahanga si Luke dito dahil nagagampanan na ni Pauline ang ganitong klaseng katungkulan. Karaniwan, ang mga Executive Manager ng kompanya ay nasa 30 anyos pataas.

Saglit na nag-isip si Pauline at sinabing, "I think, kailangan muna natin magpatawag ng meeting para sa lahat ng company staff members. Since some of the employees don't know you yet, I guess it is the most important thing to do right now, right?"

Ayaw na ni Pauline na masermonan pa ni Bernard kapag nagkataong harangin na naman si Luke sa labas dahil sa hindi nila ito kilala at mapagkamalan na naman siyang pulubi. Maalala lang ni Pauline ang galit na mukha ni Bernard ay tumatayo na ang balahibo niya sa kanyang batok.

Napaisip si Luke. Kapag nalaman ng kanyang mga empleyado ang tunay niyang pagkakakilanlan, malamang sa malamang ay makakarating din ito sa labas. Bagay na ayaw niyang mangyari.

Kaya nag-extend si Luke sa kanyang poverty training ay upang mapatagal niya pa ang kanyang pagpapanggap na mahirap. Ito ay para din mahanap niya ang babaeng nararapat para sa kanya. Ang babaeng mamahalin siya at tatanggapin siya sa kung anong pagkatao niya, hindi dahil sa kanyang yaman. Oras na malaman nilang siya ang nagmamay-ari ng ENDX Corporation, siguradong maraming babaeng sakim sa yaman ang magkandarapa sa kanya.

Biglang pumasok sa kanyang isipan si Veronica. Ano kaya kung sabihin niya kay Veronica na isa talaga siyang mayaman? Babalik ba ito sa kanya? Hihiwalayan din ba nito si Richard para sa kanya?

Umiling-iling si Luke. Hindi niya gugustuhing magkabalikan pa sila dahil lang sa nalaman nitong isa na siyang mayaman ngayon. Tinalikuran siya ni Veronica nang dahil lang sa pera. Mabuti nalang ay nakipaghiwalay na ito sa kanya bago niya pa man ibunyag ang tunay niyang pagkakakilanlan dito.

"Sa tingin ko ay hindi na kailangan." pagtanggi ni Luke. "Ipaalam mo lamang sa kanila na may bago nang Presidente ang ENDX Corp at si Mr. Bernard naman ay Vice President ng kompanya."

Napakunot ang noo ni Pauline. Hindi niya lubos maunawaan ang ibig-sabihin ni Luke. "What do you mean, Mr. Cruise? Do you intend to keep your real identity hidden from everyone?" Tanong nito. Hindi maiwasan ni Pauline na mag-alala dahil maaaring mangyari ulit yung tulad ng nangyari kanina sa hinaharap.

Napansin ni Luke ang pag-aalala sa mukha ni Pauline. "Huwag kang mag-alala, sasabihin ko nalang kay Mr. Bernard ang tungkol dito, at wala kang kinalaman sa desisyon ko. Alam kong mauuunawaan niya naman." sambit niya habang bahagyang nakangiti.

"Thank you Mr. Cruise." pasasalamat ni Pauline. Hindi niya man maintindihan kung bakit gusto ni Luke na itago ang kanyang pagkakakilanlan sa mga tao, ay hindi na siya nag-abalang tanungin pa ito tungkol dito.

Baka isa lang talagang low-key type person si Luke. Kung ibang tao ang nasa kanyang posisyon ay marahil ipinangalandakan na nila na sila ang presidente ng pinakasikat na kompanyang ENDX Corporation.

'He is really a humble guy!' naisip ni Pauline. Parang nagsisimula na siyang magkagusto sa bago nilang Presidente. Bigla ring pumasok sa isip niya ang tanong kung may nobya na ba ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status