ANG malalakas na busina ang nagpamulat sa aking mga mata kinabukasan. Pagtingin ko sa digital clock na nakapatong sa may bedside table ay mag-a-alas-otso na pala ng umaga. Bumangon ako at nagderetso muna sa may veranda.
Isang itim na kotse ang nakita kong papasok pa lang ng gate. 'Ngayon lang siya umuwi?' aniko sa isip. Nakaya niya ang magdamag na duty kahit walang sapat na tulog kahapon? I pinched myself. Wala nga pala kaming pakialamanan.Matapos mag-inat-inat ay pumasok na akong muli sa kuwarto ko at hinagilap ang aking cellphone. Nag-good morning message ako kay Dino. Kagabi ay nagkausap na kami at wala akong pinalampas na detalye sa kaniya. Even my husband and I's rules and agreement. Kaya naman medyo gumaan na ang pakiramdam ko. He even promised na susundan niya ako rito sa Maynila. Bagay na pinakahihintay ko.'Tutal wala namang sinabi si Jass na bawal akong makipagkita sa boyfriend ko. Ang bawal lang ay ang dalhin siya rito sa pamamahay niya.' I took a sigh of relief.Matapos maghilamos at toothbrush ay lumabas na ako ng kuwarto ko. Gutom na ako. I need at least a cup of coffee. Ngunit saktong pagdating ko sa tapat ng hagdan ay siya namang simula ng pag-akyat ni Jass. For a moment, I suddenly paused at pinagmasdan ang kaniyang pagpanaog. Gusot-gusot at wala sa ayos ang suot niyang with collar shirt, magulo at sala-salabat din ang kaniyang buhok. Sa ganoong ayos, he must be tacky. Dahil bukod doon ay nakabusangot din ito. Pero bakit para sa mga mata ko, parang nakadagdag pa iyon sa kaguwapuhan niya at sa kamisteryosohan ng kaniyang dating?I pinched myself again. Ano ba itong tumatakbo sa isip ko?"Oops! S-Sorry!" bigla kong nasabi nang muntik na akong ma-out of balance. He almost hit me. Buti na lang mahigpit akong nakakapit sa hawakan ng hagdan. Kung bakit kasi hindi ako umalis o gumalaw man lang sa kinatatayuan ko?Ngunit ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin, sa halip ay nagdere-deretso lang sa paglalakad patungong kuwarto as if I didn't exist.Bahagyang umawang ang aking mga labi dahil parang gusto kong magkomento sa inasal niya. Pero inawat ko na lang ang sarili ko dahil baka lalo lang akong mapahiya. Oo nga pala, I almost forgot again. Wala nga palang pakialamanan.Nakapagluto na at nakapaghain si Mina pagdating ko sa kusina. May pritong itlog, hotdog, bacon at tusino. Lalo akong natakam. Kasalukuyan itong naghuhugas ng pinaglutuang kawali."Good morning, Ma'am!" bati nito sa akin nang makita ako."Good morning din!" tugon ko. Dumeretso ako sa kitchen counter at kumuha ng tasa."Ako na ang magtitimpla, Ma'am. Magkakape kayo?"Umiling-iling ako. "Ako na, Mina. Tapusin mo na lang 'yang ginagawa mo." Binuksan ko ang cabinet sa taas para hindi lang maghanap ng instant coffee kundi para tuklasin na rin ang mga laman niyon."Wala riyan, Ma'am. Sa kabila po," ani Mina na pinagmamasdan pala ako."Ah okay."Natutuwa ako dahil sa edad niyang iyon ay napakaimis niyang babae. Nakikita ko rin na may busilak siyang puso kaya mabilis gumaan ang loob ko sa kaniya."Wala ka bang pasok ngayon?" tanong ko habang ginugupit ang kalahati ng twin pack."Meron, Ma'am, pero mamayang ala-una pa.""Ahh... Good luck sa studies mo. Ano palang course ang kinukuha mo?""BSE po, Ma'am, major in English.""Ahh... So, magti-teacher ka pala.""Opo, Ma'am. Pangarap ko po talaga-""Mina, have you seen my Chamomile Tea-""Ay!" biglang tili ko. Sa gulat ko ay napaigtad pa ako at nabitawan ang gunting na hawak ko. Bukod kasi sa malaking boses na biglang sumingit ay may kung ano pang bumangga sa aking pang-upo. Lalo pa akong nataranta nang makarinig ng tunog ng isang nabasag. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makitang nagkalat ang bubog ng tasa na hawak ko lang kanina."What the..? Seriously?" galit na singhal ni Jass na nasa likuran ko lang. Isa pa iyong nagpadagdag ng tensyon ko. Kung bakit kasi bigla-bigla na lang dumarating nang walang paramdam? At parang kanina lang ay nakita ko siyang pumasok sa kuwarto niya? Bakit ambilis niya naman yatang nakasunod agad dito sa kitchen?"S-Sorry... Ano kasi.." Taranta na ako. Hindi ko naman maisatinig ang gusto kong sabihin. Parang nakakatakot na magmatapang sa harap niya."Mina, 'di ba sinabi ko na sa 'yong ikaw ang mag-aasikaso rito? Ayan, nabasagan na naman tayo ng gamit!""S-Sorry po, Sir, kasi-""O, at ano na naman iyang ginagawa mo? Inuulit mo na naman ang ginawa mo kagabi!"Nataranta na naman ako. Gusto ko lang namang magboluntaryong imisin ang kinalat ko pero binalingan niya na naman ako."Ridiculous!"At nanlaki ulit ang mga mata ko nang makitang nasugatan ako ulit. Pero agad ko iyong itinago sa ilalim ng blusa kong suot."H-Huwag kang mag-alala. Natuto na ako kagabi. I didn't bleed myself again..." Hindi ko alam kung bakit bigla ko iyong sinabi but I couldn't take it back anyway. Sinundan ko ang direksyong pinupunto ng kaniyang mga mata. Nakatingin siya sa laylayan ng suot ko kung saan ko itinago kanina ang daliring may dugo."Didn't bleed, huh?" he mocked. Pairap niyang binawi ang mga mata sa akin pagkuwan. "Mina, mamaya nga bumili ka ng mga plato at basong gawa sa plastik. Mauubos talaga ang mga gamit ko rito. Buti ba kung mumurahin lang ang mga iyan eh. At buti ba kung mapapalitan!" He looked at me again. "Dalhan mo nga ako ng Chamomile Tea sa kuwarto."NANG mawala sa paningin namin si Jass ay nagkatinginan kami ni Mina. S********p ko pa noon ang daliri kong dumugo kanina."Sino raw ang magdadala niyan sa kuwarto niya?" tukoy ko sa tsaang tinimpla niya."K-Kayo raw, Ma'am. 'Di ba kayo ang kausap?"Mabilis akong umiling. "Aba, hindi ah! 'Di ba nga hinahanap niya iyan sa 'yo? Eh 'di ibig sabihin ikaw ang inuutusan niya."Umiling rin ito. "Eh, sa inyo naman, Ma'am, huling tumingin si Sir."I shrugged my shoulders. "H-Hindi ko alam. Hindi ko napansin." Umiwas ako ng tingin at pilit inalala ang huling tagpo. Tama si Mina, sa akin ito huling nakatingin. Pero ayokong ako ang magdala ng kaniyang tsaa. Ayoko nang humawak ng mga babasaging gamit sa harap niya dahil baka mabasag ko na naman. Presensya niya pa lang kasi nakakapanginig na."Sige na, Ma'am, kayo na po. Tutal ikaw naman ang asawa niya," pakiusap pa ni Mina."A-Asawa nga, pero sa papel lang naman. Hindi ba nga sabi niya kahapon, ordinary border lang ako rito 'pag wala ang mga biyenan ko. So it's your duty. Y-You're the maid." Ayaw ko sanang sabihin 'yon dahil parang minamaliit ko siya."S-Sige na nga po, Ma'am. Alam n'yo kasi kapag umiinom ng Chamomile Tea si Sir Jass, isa lang ang ibig sabihin no'n. Depressed siya o hirap makatulog. I thought you could be his comfort. Pero sige po, ako na lang."Akma nang dadalhin ni Mina ang tasang may lamang tsaa nang biglang magbago ang isip ko."Para namang kinokonsensya mo ako niyan. Sige na nga ako na!" sabi ko kahit wala sa ayos ang takbo ng isip ko. I don't think she's lying tungkol sa sinabi niya. At ewan ko ba kung bakit parang na-curious ako.'Dahan-dahan lang, Jennifer,' sinasabi ko sa sarili ko habang naglalakad. Mabagal ang bawat hakbang ko lalo na nang nasa may hagdan na ako.Habang palapit sa pinto ng kuwarto ni Jass ay palakas nang palakas ang kabog sa dibdib ko. Parang bigla akong nagsisi na nagboluntaryo akong maghatid niyon. Baka isipin nito ay nakikipaglapit o nagpapansin ako. Of course, it's a big NO.Nasa tapat na ako ng pinto. Huminga pa ako nang malalim bago kumatok. Tatlong beses. Naghintay ako kung sasagot ba siya o kusa niya akong pagbubuksan pero walang response mula sa loob. Kaya ako na ang nagkusang pihitin ang seradura.Tagumpay akong nabuksan iyon. Una kong isinilip ang ulo para hanapin kung nasaang parte siya ng kuwarto.Ambango ng kuwarto niya, amoy house perfume. Ang linis din at organized ang mga gamit. Wala siya sa kama. Wala rin sa tabi ng kabinet. Pumasok na lang ako dahil ang balak ko'y ilapag na lang sana iyon sa bedside table niya. Ngunit nakakailang hakbang pa lang ako nang biglang bumukas ang pinto ng banyo. Nagitla ako lalo na nang tumambad sa akin ang ayos niya. He wasn't wearing anything except sa nakatapis na tuwalya sa pang-ibaba.Napalunok ako at the same time natuliro na naman. I could see his V-line, his abs at ang medyo mabuhok niyang dibdib.May kakaiba akong naramdaman sa katawan ko na hindi ko maintindihan. Parang nanlalamig ako at hindi ako makagalaw."Ilapag mo na 'yan at umalis ka na," galit na saad niya nang sandaling na-paused ako.Saka lang ako natauhan. Nanginginig ngang akma ko nang ibababa ang tasang may tsaa sa bedside table nang sa 'di inaasahang pagkakataon ay dumulas iyon mula sa aking daliri. Sinubukan ko pang isalba iyon para hindi matapon o bumagsak pero napaso ako kaya wala rin akong nagawa kung hindi mag-let go.I was breathing audibly habang pinagmamasdan ang sinapit ng tasa at platito. Kasama pa ang laman niyon na medyo nagpabaha sa sahig.I looked at him. Hindi maipinta sa galit ang kaniyang mukha. May mga sinasabi siya na hindi ko na naintindi dahil sa sobrang takot at kaba. Sandaling nalito na naman ako sa gagawin. Lumuhod ako para likumin ang mga bubog."Get out of my room, you stupid woman!"JENNANG dumating ang araw na pinakahihintay namin ay napuno ng kasiyahan ang lahat. Mula Quezon, bumiyahe sina Tatay at mga kapatid ko pati na rin sina Tita Luz upang bumalik dito at para makadalo na rin sa birthday ng kambal. May mga bisita ring dumating mula sa ospital kung saan nagtatrabaho si Jass. Maraming pinalutong handa sina Mommy Juli at nagrenta pa ng clowns para sa mga bata.Noon ko lang nalaman na matagal na palang may asawa si Doktora Yngrid at mayroon na rin itong dalawang anak na isinama rin nito sa party. Ang minsang lihim na pinagselosan ko nang dalhin ni Jass sa bahay ay totoo lang pala nitong matalik na kaibigan. Noon ko lang din pormal na nakilala ang ilan pa niyang mga katrabaho. Dahil maraming bisita ay tumutulong-tulong ako minsan sa paglalabas ng pagkain at paghuhugas ng plato. Habang busy si Jass sa pag-e-entertain sa mga ito habang bitbit sina Daniella at Jessamine. Masasabi kong isa ito sa mga masasayang selebrasyong naranasan ko. Magkakasundo na ang bawa
JENNAUNANG bumaba si Jass ng sasakyan. Lumiban siya sa kabilang side upang pagbuksan ako ng pinto. Inabot ko ang kaniyang nakalahad na kamay habang pilit pinakakalma ang aking dibdib. Ngumiti siya sa akin at hindi nagsalita. Hinapit niya ang bewang ko at nagsimula na kaming maglakad. Upang ibsan ang takot ay sa gawi ako ng mga anak namin tumingin. Oh, I miss these two so much. Ilang araw na lang, mag-iisang taon na ang dalawa. "Good morning, Mommy, Daddy!" si Jass ang bumasag ng tensyon. Kasalukuyan noong nag-aalmusal sa garden ang mga in-laws ko. Dito talaga nila nakagawian mag-agahan dahil nakaka-refresh ang lamig na hanging sinasabayan ng magandang sikat ng araw.Tuluyan kaming lumapit sa mga ito."Good morning," kaswal pero halatang balisang balik na bati ni doktora. Sumang-ayon lang sa amin ang asawa nito."So you see... I came back with my wife. I'm glad I didn't listen to you, Mommy," ani Jass sabay hapit pa sa beywang ko. "Now that I'm back, I'll make sure na hinding-hindi
JENMASAKIT na balakang at mga hita ang sumalubong sa akin pagkagising ko kinabukasan. Gayunpaman, pinilit kong bumangon nang hindi makita si Jass sa aking tabi. Dumeretso ako ng banyo kahit paika-ika para maghilamos at magbihis ng bagong damit. Tiningnan ko siya sa sala ngunit wala rin doon ang asawa ko. Napasinghap ako. Pati ang mga damit niya na nilabhan ko kahapon ay wala na rin doon sa pinagsampayan ko. Ang sapatos niya na itinabi ko sa sulok sa likod ng pinto ay wala na rin. Umalis na si Jass? Matapos ng kahapon, iiwan niya ako?Dali-dali akong lumabas ng pinto. Makulimlim pa rin ang paligid at umuulan-ulan pa. Kinuha ko ang nakasabit na payong sa likod ng pinto at naglakad palabas ng compound.Kapag wala sa pinagparadahan ang kotse niya, malamang umalis na nga si Jass. Iniisip pa lang iyon ay parang pinipiga na ang puso ko. At gano'n na nga lang ang panlulumo ko nang makita ngang bakante na ang espasyong 'yon. Parang kahapon lang, tumatakbo pa kami rito habang basang-basa s
JENDAHIL sa tindi ng traffic ay halos gabihin na kami bago nakarating sa tinutuluyan ko. Nakisabay pa ang masungit na panahon. Buti na lang, dito sa napili kong lugar ay hindi binabaha kahit malakas ang buhos ng ulan. Pinaparada ko na lang sa labas ng gate ng apartment na inuupahan ko ang sasakyan ni Jass."Nakakainis naman kung kailan nandito na tayo saka naman bumuhos ang malakas na ulan," himutok ko pa. Walang bubungan sa daraanan namin at nasa dulong bahagi pa ng compound ang tinutuluyan ko. "Okay lang 'yan, magpatila muna tayo." Wala ring dalang payong si Jass. Sumang-ayon na lang ako kaysa naman sumugod kami at mabasa sa malakas na ulan. Pero sadya yatang nananadya ang panahon. Hindi pa talaga tumigil bagkus ay lalo lang itong lumakas.Almost thirty minutes na kaming stuck sa sasakyan. Kahit pinatay na ni Jass ang aircon ay nagsisimula na akong lamigin."Gusto mo takbuhin na lang natin? Tutal hindi naman masyadong malayo," suhestyon niya. Sandali pang sinilip ko ang mga patak
JEN"J-JASS...?" Hindi makapaniwalang sambit ko sa pangalan niya habang matamang nakatitig sa kaniyang mukha. Hinaplos ko pa ang kaniyang pisngi para alamin kung totoo ba siyang nasa harap ko ngayon at hindi lang likha ng aking imahinasyon. "Ako nga." Ginagap niya ang aking mga kamay at hinalik-halikan iyon. Ngunit hirap na hirap pa rin akong maniwala. "G-Gising ka na talaga? K-Kailan pa? P-Paano mo ako nakita rito? Nagkataon lang ba?" sunud-sunod kong tanong. Pero hindi ko na nahintay pa ang sagot niya dahil awtomatiko akong napayakap muli sa kaniya. Sobrang saya na hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. At dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko nang mga sandaling iyon ay bigla na lang akong napahagulhol sa tapat ng dibdib niya. "B-Buti naman nagising ka na. Antagal-tagal kitang hinintay." Halata iyon dahil sa garalgal kong tono.Gumanti siya ng yakap sa akin. "I'm sorry that it took me a year to wake up. I'm sorry that I let you wait for so long." Ramdam ko ang sinsero
JENANG UNA kong binili nang matanggap ko na ang sahod ko ay mga grocery ko rito sa bahay. Nag-stock ako ng mga makakain ko at mga personal na gamit na tatagal hanggang sa muling pagdating ng sahod. Bumili na rin ako ng initan ng tubig para hindi na ako masyadong magastos sa gasul. Dahil weekend bukas, plano kong maglaba ng damit. "Mina?" Tumawag na naman ito. Kasalukuyan na akong kumakain ng hapunan ko. Dahil bagong sahod, t-in-reat ko ang sarili ko na makakain ng pagkain galing sa isang fastfood."Magandang gabi, Ma'am." Kumagat muna ako ng fried chicken. "Magandang gabi rin. Napatawag ka?" Ngunit agad natigilan ako sa pangnguya nang makarinig ako ng paghikbi sa kabilang linya. "Umiiyak ka ba, Mina?"Napasinghot ito. "I'm sorry, Ma'am Jen. Naririnig mo pala? Patapos na 'tong luha ko, saglit lang, sisinga lang ako."Narinig ko nga ang malakas na pagsinga nito. "Bakit?" nagtatakang tanong ko."M-May pasok ka ba bukas, Ma'am?" instead ay balik tanong nito. Mas kalmado na ang boses.
JEN"ANAK, kumusta ka naman diyan?" may pag-aalalang tanong ni Tatay sa kabilang linya. "Ayos naman ako rito, 'Tay. Nakapagsimula na ako ng trabaho ko," tugon ko."Buti naman. Eh 'yong tinutuluyan mo? Komportable ka ba riyan? Baka maraming adik diyan ah. Sabi ko naman sa 'yo, isama mo muna ang mga kapatid mo habang bakasyon pa sila para may kasa-kasama at kausap ka riyan. Hindi 'yong nagsosolo ka."Umiling ako. "Okay naman dito, Tay. Tahimik naman saka mabait naman 'yong nakatira sa katabi kong apartment. Ayoko po muna ng kasama dahil gusto ko muna pong mag-isa. Gusto ko rin pong matutong tumayo sa sarili kong mga paa.""Pero, 'nak, huwag mong ipilit kung hindi mo kaya. Makakalapit ka naman sa amin.""Kaya ko, 'Tay. Magtiwala kayo sa akin." "O, siya sige. Sabi mo eh. Basta palagi kang mag-iingat diyan."Tumango ako. "Opo. Kayo rin po."Nagpaalam na ako. Sakto niyon ay natapos na ang breaktime ko kaya balik trabaho na ulit ako. Dito ako ngayon sa isang malaking construction firm sa
JASS"JASS, saan ang punta mo?" tanong ni mommy nang matapos ang ilang oras na pagkukulong sa kuwarto ay bumaba rin ako. Hindi tulad kanina, maaaliwalas na ang ayos ko ngayon. Nakaligo na rin at medyo basa pa nga ang buhok. I've found them sa may sala. My babies are playing on the matted floor. Lumapit ako sa mga ito at binuhat silang pareho."Papa papa papa papa," they both said while clapping their hands. May parte ro'n na parang gusto kong maluha. Tunay ngang kay tagal kong nawala. Andami kong mga na-miss na bagay. I wasn't there when their mom gave birth to them. Noong mga unang araw na tiyak kong pagod at puyat si Jennifer. I missed their first month. 'Yong time na kailangan silang pabakunahan sa center. No'ng first time nilang makadapa, masambit ang una nilang salita. Ano kaya iyon? Mama o Papa? Dati ay nasa tiyan pa lang sila ng mommy nila, pero ngayo'y heto na't ang lilikot at malapit nang maglakad. But why is your mommy not home? Ngunit ang mas masakit sa akin, nandito na
JASS "IS he alright? Is my son gonna be okay?" may kahalong takot ang tono ng nagsalita. "Don't worry, Misis. He's stable now. Wala na kayong dapat ipag-alala pa," tugon naman ng kung sino mang kausap nito. "Thank God! Thank God!" May kasama pang paghikbi ang boses na 'yon. At sobrang pamilyar ng boses na iyon sa akin. Sobra. "Magdahan-dahan ka sa emosyon mo. Ang altapresyon mo na naman, ha?" boses naman ng isang lalaki."I'm alright now, Jaime. You need not to worry a thing. Magkakahalong takot at galit kasi ang naramdaman ko nang mga oras na 'yon kaya iyon nangyari."Then I heard their gasps. And a sudden cry of babies from afar. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan. Kaya dahan-dahan kong sinubukan imulat ang aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang kagustuhan ko silang makita. Kaya kahit hirap na hirap ako ay pilit kong inaangat ang talukap ng mga iyon. Para akong nagising sa isang napakahimbing na pagkakatulog. Everything was so