Thank you so much sa makabuluhang INFO, Miss Ems Malit. Na-solve ang problema ko sa manu ko na ito, mainly, ang next chapter.
The truth was right in front of him, served on a silver platter. Nagmumula na mismo sa bibig ni Hannah. There was no need for a DNA test. Sinasampal na siya ng katotohanan at kaybilis na kumatok sa kanya. God, TJ is his own flesh and blood.One minute he was a lonely married man, the next, a frigging father. Halu-halo ang damdaming naghahari sa dibdib niya. Happy was an understatement. He was overjoyed. Pakiramdam niya ay nasa alapaap siya sa labis na tuwa. Mahirap sukatin at ipaliwanag ang uri ng kaligayahan na nararamdaman sa ngayon. His heart was filled with indescribable emotions. Parang sasabog na ang puso niya.He caught a glimpse of Meredith. She was seated quietly, clenching her fists. May mga ugat na gumigitiw sa braso nito. Meredith was angry. Ito lang ba ang may karapatang magalit? Meredith kept the truth about their son when he deserved to know about it. Gaano man siya kagago bilang asawa, may karapatan siyang malaman at akuin ang pagiging ama sa anak nila. TJ deserved a
Agaran ang pagsagawa ng lahat ng tests na maaaring pagdaanan para masigurong magka-match nga sina Caleb at TJ. Gaya ng inaasahan, parehong AB negative ang dalawa. It was one of the rarest blood types, mahirap hanapin. Habang nasa frontline si Caleb sa pagsalba sa buhay ni TJ, siya naman ay nakikisakay lang sa agos ng lahat ng mga pangyayari. She stepped back and allowed chances to take its course. Kagaya na lang noong isuko niya si Baby Jib kay Hannah dahil sa kawalan ng pag-asa kung paano palalakihin ang isang bata kung bulag naman siya. Kumirot ang dibdib niya sa naapala. Ang araw na iyon sa ospital, ang pinakamahirap sa kanya bilang nanay. Losing sight was one thing; pero ang siya mismo ang bumigay at ipinaubaya sa ibang tao ang anak niya, ‘yon ang pinakamasakit. She had sleepless nights. Naririnig niya lagi ang palahaw ng anak niya. Pakiramdam niya mababaliw na siya sa pangungulila. Buong akala niya, wala nang tsansang magkakasama pa silang muli ni Baby Jib. If not for Hannah, bak
Ginising si Caleb ng walang tigil na pag-vibrate ng phone sa kanyang bulsa. Nagmulat siya ng mga mata. Ang balak lang sanang pag-idlip ay nauwi sa malalim na pagtulog. Nasa tabi pa rin siya ng anak niya at natutulog pa rin nang mahimbing si Meredith sa kabilang dulo. Nakatagilid ito paharap sa kanila ni TJ. She was still holding TJ’s little hand. Napangiti siya habang nakatitig dito. ‘You still sleep like an angel, babe.’ He could stare at her all night long. Hindi siya magsasawa, Nabubusog ng ganda ng asawa ang puso niya. Kaya lang ay may istorbo. Muling nag-ingay ang cellphone. Dali-dali siyang bumangon sa takot na magising ang dalawa. Inayos niya muna ang kumot ni TJ. Kung sinuman ang tumawag, makapaghihintay ito. Mas mahalaga ang mag-ina niya. Natahimik muli ang phone. Sa labas na niya hinintay ang susunod na tawag. Naupo siya sa isa sa mga benches sa lobby. Tahimik na ang alley na kinaroroonan niya. May dalawang nurses na naglalakad bitbit ang tray ng mga gamot. Siguro ay may i
"Yippee! That looks nice, Daddy!"Ang matinis na boses ni TJ mula sa ibaba ang gumising kay Meredith. Wala na pala sa tabi niya si TJ. Bumangon siya at inayos ang magulong buhok. Basta na lang niya iyon itinali at naghilamos. Matapos siguraduhing maayos ang suot ay bumaba na rin siya. Labas-pasok na si Caleb sa bahay kaya kailangang disente siyang tingnan. “Grabe, Kuya, ang galing mo naman palang magluto. Hindi gaanong sunog ang longganisa.” Nasa paanan na siya ng hagdanan nang marinig ang tila diskuntentong boses ni Mel. It had been two days since they got home. Simula nang lumabas sila sa ospital, si Caleb na ang laging naghahanda ng agahan para kay TJ, well, kasali na rin ang kanya. Buong araw nitong inaalagaan ang bata at napaghihiwalay lang ang dalawa pagsapit ng gabi. Siya naman ang kasama ng anak niya. “Isang sunog lang naman. The rest are perfectly cooked.” Wala na, inagawan na talaga ni Caleb ng trabaho si Mel. TJ seemed to be enjoying his dad’s cooking. “Kung ‘di lang ta
Nagmamaneho si Caleb na hindi maalis ang ngiti sa mga labi. He just couldn’t contain his happiness. At last, nakatsansing siya kay Mere. Naiiling na natatawa siyang nahawakan ang ibabang labi niya. Para kasing ramdam pa niya ang malambot na mga labi ng asawa niya. Ang sarap lang sa pakiramdam na nahawakan niya itong muli gaya kanina. Geez. Kinikilig siya. Para siyang nasa ulap. ‘Mere, you’re making me feel like a boy.’ Napupuno ng emosyon ang dibdib niya. Mga emosyon na tanging kay Meredith niya lang nararamdaman. Simpleng hawak at halik lang pero iba ang epekto. Kung sana lang ay hindi na siya umalis at maglunoy na lang sa mga labi ni Meredith. Napalingon siya sa anak na abala sa paglalaro sa laruan nito sa tabi niya. Napangiti siya. Thanks to his son. Dahil sa kakulitan nito, nagawa niyang halikan ang nanay nito. Kahit sa pisngi lang, okay na. Next time, sa labi naman at baka sa susunod, hindi na lang basta halik ang gagawin niya. “Thank you, son.” Bahagya niyang ginulo ang buh
“Asawa pa rin kita, Mere.”Binabalikan niya sa isip kung totoo ba ang narinig niyang sinabi ni Caleb kanina. Ilang sandali na simula nang makaalis ito pero naririto pa rin siya, nanatiling nakaupo sa harapan ng dresser. Biro lang ba iyon o may katotohanan? Maaari rin kayang gawa-gawa lang iyon ng isip? If it was a joke, it was a bad one.Napahawak ang kaliwang kamay niya sa tapat ng dibdib. Nagkabuhol-buhol ang kanyang paghinga. Ano man ang totoo, ginulo ng sinabi ni Caleb ang utak at puso niya. Sa dami ng mga sinabi nito, hindi na niya alam kung alin ang paniniwalaan.Ang paniwala niya, annulled na siya. Malinaw pa sa kanya ang araw na pinirmahan niya ang annulment papers. Sinigurado pa niyang wala siyang nakaligtaan ni isa mang lagda. Naalala pa niya kung paanong nadudurog ang puso niya habang nilalagdaan ang mga bahaging nararapat. And when Caleb found out the truth about it, halos duruin siya nito, sila ng tatay niya. Galit na galit ito. Kung anu-anong masasakit na mga salita ang m
She is still Meredith Romero.Wala mang singsing na nakasuot sa daliri niya pero kasal pa rin siya hanggang ngayon. Legal ang dokumentng hawak niya. Patunay na asawa niya pa rin si Caleb. Ano ba ang dapat niyang maramdaman? Magsaya? Malungkot? Ang alam lang niya, nag-iinit ang dibdib niya sa prustrasyon. May asawa pala siya, pero bakit kailangan niyang pagdaanan nang mag-isa ang lahat ng hirap at sakit? She was forced to give Baby Jib up for adoption. Kung ang totoo naman pala ay may buo naman sanang mga magulang ang anak niya. Sumasakit ang dibdib niya, bumibigat ang kalooban. Wala siyang makapang pangalan sa nararamdaman sa ngayon. Kanina, habang sinasabi ni Phil ang totoo, pakiwari niya ay lumaganap ang lamig sa buong sistema niya. Tila binabanat ang anit niya. Pakiramdam niya ay lumulutang siya sa ere. Nagsalpukan ang samu’t-saring emosyon sa dibdib niya. She wanted to cry but she couldn’t. Tila nanuyo ang tear duct niya. “Dit?” Lumagpas lang sa pandinig niya ang malumanay na
“Mag-uusap lang pala, bakit kailangang gumawa ka pa ng stunt na ganito, ha? Tonto ka talaga! Bwisit kang lalaki ka.”Tuloy-tuloy ang pagmumura niya kahit hindi naman siya natural na ganito. Hindi niya mapigil ang sarili. Para siyang bulkang sasabog at hindi siya nasisindak sa galit nito. Dumagdag sa inis niya ang hindi nito pagsagot. Ayaw niya pa sana itong harapin pero sapilitan siya nitong isinama, tapos mananahimik lang ito? Nakakasuya ito. Patuloy siya sa pag-urirat ngunit nanatili itong parang bingi.‘Bwisit talaga ang taong ito,’ himutok niya sa sarili. ‘Ayaw mo pala akong kausapin, ha.’ Isang bagay lang ang dapat niyang sabihin para tapunan siya nito ng pansin.“Si Phil, ano’ng nangyari sa kanya?”“Really, huh? Ang lalaking ‘yon pa talaga ang inaalala mo?”Tama nga siya, marinig lang ang pangalan ni Phil, nagmumukha na itong galunggong na nasunog sa ihawan. Ang sarap nitong tirisin. Parang nakikini-kinita na niya kung paanong umigting ang mga panga nito.“All you think about is