LOGINSynopsis Sa prestihiyosong St. Monteverde International University, kung saan nag-aaral ang mga anak ng pinakamayayamang pamilya, isang simpleng scholarship student ang patuloy na humahabol sa lalaking tila hindi kailanman lilingon pabalik. Si Luna Villareal ay isang clumsy ngunit masayahing dalaga na lumaki sa hirap. Sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mundo, matagal na niyang minamahal si Giovanni De Luca, ang kilalang campus billionaire at tagapagmana ng isang malaking kumpanya. Cold, distant, at tila walang puso, si Giovanni ay sanay na panatilihin ang distansya sa lahat, lalo na kay Luna na palaging sumusunod at nagpapakita ng pagmamahal. Ngunit sa likod ng malamig na imahe ni Giovanni ay isang lalaking may mabigat na responsibilidad at lihim na takot na masaktan. Habang patuloy na hinahabol ni Luna ang kanyang puso, unti-unting nababasag ang pader na matagal na nitong itinayo. Sa gitna ng inggit, social pressure, at mga taong gustong paghiwalayin sila, mapapatunayan kaya ni Luna na ang tunay na pagmamahal ay hindi nasusukat sa yaman o status? At handa ba si Giovanni na ipaglaban ang babaeng matagal na niyang piniling iwasan, pero hindi kailanman nakalimutan? Isang kwento ng paghahabol, pagtitiis, at pag-ibig na kayang baguhin kahit ang pinakamalamig na puso.
View MoreChapter 1
“Kyaaaaaaaaaaah!” Napatili ako ng malakas ng makita ko na naman ang mukha ni Giovanni. Ang pogi niya talaga walang kupas.
“Hoy! Ang lakas ng boses mo pakiramdam ko masisira na ang eardrums ko.” Inirapan ko na lang si Sofia ang kaibigan ko.
“Palibhasa kasi wala kang crush kaya hindi ka makarelate sa akin—-” Napatigil ako sa pagsasalita ng batuhin niya ako ng unan.
“Aray! Napaka-violent mo naman!” Pagrereklamo ko. Napahawak na lang ako sa mukha ko na tinamaan ng unan.
“Wala akong pakialam kung ayaw mo matulog. Pero pwede ba ‘wag ka ng sumigaw? Nakakabulahaw ka ng maraming tao, 10:00 pm na bruha ka!”
Napatingin naman ako sa orasan at tama siya 10:00 pm na. Napakamot naman ako sa batok ko at nahihiyang umupo sa kama ko.
“Sorry naman! Masaya lang naman ako.” Napanguso pa ako habang nagsasalita. Tinalikuran naman niya ako at nagtalukbong ng kumot. Napatingin naman ako sa Larawan na nasa tabi ng kama ko. Picture ni Giovanni, hindi siya nakangiti at blanko lang ang mukha, walang expression. Pero ang pogi pa rin kahit anong gawin. Naalala ko pa yung panahon na una ko siyang nakita.
[FLASHBACK]
Malakas ang ulan noong araw na iyon.
Madilim ang langit at halos walang tao sa labas ng campus dahil sa biglaang pagbuhos ng ulan. Nagmamadali akong tumakbo, yakap-yakap ang bag ko at sinusubukang sumilong sa covered walkway.
“Aray!”
Napakamalas ko naman nadulas pa ako, nabitawan ko ang bag ko at kumalat ‘yun notebook ko sa basang sahig. Napangiwi ako sa sakit habang hinahawakan ang tuhod ko.
“Ang sakit…” mahina kong bulong. Marahan ko pang hinimas ang tuhod kong merong sugat.
Sinubukan kong tumayo, pero nadulas ulit ako. Unti-unti nang namumuo ang luha sa mata ko hindi lang dahil sa sakit, kundi dahil sa hiya. Ilang estudyante ang dumaan, tumingin sandali, pero agad ding naglakad palayo. Mga walang puso! Hindi man lang bako tinulungan. Naiiyak na ako ang sakit pa ng tuhod ko at pakiramdam ko na sprain pa ang paa ko.
Hanggang sa may isang pares ng sapatos ang biglang huminto sa harap ko.
Itim. Malinis. Mukhang mahal. Dahan-dahan akong napatingin pataas.
Isang matangkad na lalaki ang nakatayo sa harap ko, may hawak na payong. Basa ng ulan ang gilid ng buhok niya, pero nananatiling kalmado ang ekspresyon ng mukha.
‘Ang pogi.’
Hindi ko siya kilala. Ngayon ko lang siya nakita. New student? Hindi ko alam pero ng mapatingin ako sa mga mata niya ay para bang nagslow motion ang paligid at lumakas din tibok ng puso ko.
Tahimik lang itong nakatingin sa akin at para bang sinusuri ang kaluluwa ko. Nakaramdam naman ako ng hiya.
‘Nakakahiya naman kung kailan may nakita akong pogi ganito naman hitsura ko.’
Pagkatapos, yumuko ito at isa-isang pinulot ang mga notebook ko mula sa basang sahig. Nagulat ako. Hindi ko akalain na gagawin niya ‘yun sa mukha kasi niya parang wala siyang pakialam sa iba.
“A-ako na po,” nagmamadali kong sabi, pilit kong inaabot ang mga notebook ko. Napapangiwi naman ako dahil sa pagkirot ng paa at tuhod ko.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko at patuloy lang nitong pinulot ang gamit kong nagkalat sa sahig. Pagkatapos, iniangat niya ang payong at bahagyang itinapat sa akin upang hindi ako mabasa ng ulan.
Nanlaki ang mata ni ko.
“Salamat…” mahina niyang sabi, halos pabulong.
Tahimik pa rin siya.
Malamig ang mukha at walang ngiti, walang emosyon. Pero sa kabila noon, ramdam ko ang kakaibang init sa dibdib ko.
“Are you okay?” tanong nito sa mababang boses.
Bahagya naman akong nagulat nang magsalita ito.
‘Putik pati boses niya pogi.’
“Kaunti lang… okay lang ako,” sagot ko at pilit na ngumiti kahit nanginginig ang tuhod ko.
Napatingin naman ito sa tuhod kong dumudugo dahil sa sugat kanina. Tapos ay bumalik ang tingin nito sa mukha ko. Awkward naman akong napangiti.
Bahagyang kumunot ang noo niya. Para bang sinasabi nito na di ako magaling magsinungaling.
Nagulat na lang ako ng lumuhod siya at kinuha ang panyo sa bulsa niya. Itinali sa tuhod ko. Pagkatapos niya itali sa sugat ko yung panyo ay tumayo na siya.
“Mukha kang basang sisiw.” Iniabot nito sa akin ang payong. Napasimangot na lang ako dahil sa sinabi niya.
“Mag-ingat ka sa paglalakad,” sabi nito.
Simple lang ang salitang ‘yun, walang halong emosyon.
Pero para sa akin, parang ‘yon na ang pinakamabait na bagay na narinig ko.
Bago pa ako makapagsalita muli, ay tumalikod na siya at nagsimulang maglakad palayo, unti-unti nababasa ng ulan.
Nanatili ako sa kinatatayuan ko, nakatitig sa papalayong likod niya.
Pakiramdam ko, may kakaibang nangyari sa loob ng dibdib ko.
Thump.
Thump.
Thump.
Napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko.
“Ano ‘to…?” bulong ko sa sarili.
Hindi ko siya kilala. Hindi ko rin alam ang pangalan niya at ngayon ko lang siya nakita. Pero isa lang sigurado ako.
‘Crush ko siya.’
—
Kinabukasan, maaga akong pumasok sa school.
Habang naglalakad ako sa hallway, napansin kong maraming estudyante ang nag-uusap at nakatingin sa iisang direksyon.
“Dumating na raw siya.”
“Siya na naman.”
“Grabe, ang gwapo talaga.”
Napakunot naman ang ako ng noo.
‘Sino kaya ang pinag-uusapan nila?’
Napatingin ako sa entrance ng building at doon ko muling nakita ang lalaking tumulong sa akin kahapon.
Naka-uniform ito, perpektong plantsado, at may kasamang ilang estudyanteng mukhang respetado sa campus. Diretso ang lakad nito, seryoso ang mukha, at tila walang pakialam sa atensyon ng mga tao sa paligid.
Parang may sariling mundo.
“Siya si Giovanni De Luca,” sabi ng isang babae sa tabi ko.
“Anak ng De Luca Corporation owner.”
“Mayaman ‘yan. Billionaire family.”
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko inaasahan na super duper rich pala siya.
‘Giovanni.’
Paulit-ulit kong binigkas ang pangalan niya sa isipan ko.
‘Giovanni.’
Hindi ko namalayan nakangiti na pala ako habang paulit-ulit na binibigkas ang pangalan niya sa isipan ko.
Hindi ko akalain n
a mahuhulog ako sa kanya. Ito ba sinasabi nilang love at first sight? Akala ko dati ay cringe lang at corny lang magsasabi nun. Ngayon ay isa na ako sa mga korning tao sa mundo.
“Ma f-fall ka rin sa akin.”
Chapter 5“I'll walk you home.” Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko o hindi. Pero ito kami ngayon sabay na naglalakad. Para namang sasabog sa kilig ang puso ko. Kanina pa ako nagpipigil ng kilig. “By the way,” napatingin naman ako sa kanya, “ do you always take a photo of me?” tanong niya. Nanlaki naman ang mata ko sa gulat. Alanganin akong ngumiti at napayuko.“Oo,” pag-amin ko, “don't worry di naman kita ipapakulam, nilalagay ko lang sa scrap book ko.” Pagpapaliwanag ko naman. “Scrap book?” nagtataka niyang tanong. Tumango naman ako. “Oo, collection ko ng mga photo mo.” “Since when?” “Simula nong tinulungan mo ako sa ulan. Hindi mo na maalala 3 years ago na rin kasi ‘yun.” Patuloy pa rin kami sa paglalakad. “So, it's been three years since you liked me?” Napatigil naman ako sa paglalakad at napatingin sa kanya. Napakastraight forward naman nito..“Ganun na nga.” “So you approach me because you like me? Not because you want to be friends?” Hinarangan ko naman siya at
Chapter 4 Simula noong araw na sinabi niyang “I don’t remember,” may kakaibang nangyari sa utak ko.Hindi ako nasaktan. Hindi ako na-offend mas lalo lang akong na-challenge. Kung hindi niya ako maalala… Edi ipapaalala ko.Paulit-ulit. Hanggang sa hindi na niya makalimutan.“Luna,” tawag ni Sofia habang naglalakad kami papuntang cafeteria kinabukasan. “Mukhang may binabalak ka na naman.”Napatingin ako sa kanya, kunwari inosente.“Ha? Wala naman.”Tumaas ang kilay niya. “Tatlong taon na kitang kilala. Kapag ganyan ang mukha mo, may kalokohan kang gagawin.”Ngumiti ako. Yung tipong sweet pero may halong mischief.“Hindi kalokohan,” sagot ko. “Mission.”Napahinto siya sa paglalakad. “Anong mission?”Huminga ako ng malalim, parang general na mag-aannounce ng war plan.“Operation: Pa-Remember Kay Giovanni.”Napahawak siya sa noo niya. “Lord, kunin niyo na ako.”Ang oa niya.Lunch TimeTahimik akong nakaupo sa table namin habang kumakain ng fries. Pero ang totoo, hindi ako focused sa pagka
Chapter 3“Marami pa diyang iba.”Naisip ko na naman ang sinabi ni Marcus. Alam ko namang hopeless itong feelings ko para sa kanya. Pero dapat ba sumuko na ako? “Pero feeling ko may connection talaga kami ni Vann e.” Sofia suddenly pulled the blanket tighter. “Kung makakausap mo lang ‘yang sarili mo, baka sinampal ka na niyan,” mahinang sabi niya na may halong inis at antok.“Ewan ko ba,” sagot ko, nakanguso pa rin. “Basta… feeling ko talaga, may connection kami.”“Connection ka diyan. Baka ikaw lang ‘yung may WiFi.” Tumalikod siya ulit at natulog.Napairap ako kahit hindi niya nakikita. Pero hindi rin mawala sa isip ko si Giovanni.Giovanni De Luca.Paulit-ulit kong binibigkas sa isip ko ang pangalan niya, parang gusto kong kabisaduhin hanggang sa dulo ng mundo.Kinabukasan“Luna! Bilisan mo, late na tayo!” sigaw ni Sofia habang hinahatak ang bag ko palabas ng dorm.“Sandali lang! Ayusin ko lang buhok ko—”“Wala kang aayusin, maganda ka na raw sa panaginip mo!” sagot niya sabay tu
Chapter 2“Ma f-fall ka rin sa akin.”Natawa na lang ako sa sarili ko nang maalala ko ‘yun. Tatlong taon na lumipas simula ng araw na ‘yun at wala pa ring nagbabago. Alam na ng buong campus na gusto ko siya pero hanggang ngayon deadma pa rin. Sabagay, famous siya ako hindi. Pero yun nga nagustohan ko sa kanya ang pagiging cold niya.“Kung nakakatunaw lang ang tingin baka natunaw na si Giovanni.” Inirapn ko naman si Sofia. “Kapag tumingin ka, akin ka.” bulong ko habang nakatingin sa kanya. Nagulat naman ako nang bigla siyang lumingon. Hindi ko maiwasang mapatili sa isipan ko. ‘Tumingin siya sa’kin.’ Napasimangot naman ako ng lumapit si Bella sa table nila Vann. Yeah, I call him Vann, para naman maiba. Back to the main topic. Napairap na lang ako ng makita ko ang pagpapacute ni Bella. Mabuti na lang at hindi siya pinapansin ni Vann. Lihim naman akong napangiti.“Gio, pwede bang maki-upo?” Hindi naman siya pinansin ni Vann at nagpatuloy lang ito sa pagkain. “Sure.” Napatigil nama












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.