Share

Chapter 23

Nagising akong walang bumating Ash sa akin, alam ko na masama pa ang loob niya sa akin.

Kinuha ko ang cellphone para icheck ang facebook ko. Bumungad sa newsfeed ko ang post ni Nate na halos puro picture ko, ang iba pa roon ay puro nakasimangot at inis na mukha. 

'Gonna miss this girl.' 

Siraulo talaga yun. 

Nakatag ito sa akin kaya nakikita ito ng ibang friends ko. Nagcomment ang ilang kakilala namin sa probinsya. 

Agad kong pinindot ang comment section at nagcomment roon. 

'Punyeta ka Nate, wag kang magpapakita sa akin pupuruhan kita.' 

'Idelete mo yan!' 

Padabog kong binitawan ang cellphone ko sa kama at bumangon na. 

Naghilamos ako at nagbihis bago pumunta sa kusina, naabutan ko roon si Akio na nagluluto. Umupo ako sa high chair at inilapag ang laptop ko

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status