NAPABUNTONG-HININGANG dinampot ni Mark ang telepono, “Jade, can you come here for a minute?”
“Yes, sir,” tugon sa kabilang linya. Ibinaba na niya ang telepono at muling napatingin kay Uriel. Nagtataka siya kung bakit kailangan pang ipatawag si Jade gayong wala naman ito kinalaman sa kanya. Subalit dahil sa kagustuhan niyang malaman ang sasabihin nito, sinunod na lang niya.
“What important matter do you have to tell me about Jade?” tanong niya.
“Ipapakita ko sa’yo kung ano ang kinalaman nito sa mga katanungan mo,” seryosong tugon nito. ‘Ni minsan ay hindi niya ito nakitang ngumiti o tumawa man lang. Seryoso ito palagi at kahit sa oras ng labanan ay hindi makikitaan ng anumang kapintasan ang mukha nito. Bigla tuloy naglaro sa kanyang isipan ang isang katanungan.
“Wait, can I ask why I haven't seen any girl from your realm?” he asked mischievously. Sigurado siya kung may babae siyang makikita na kauri ni Uriel ay sobrang ganda rin nito. He frequently misidentifies them as beautiful because their faces appear feminine. Mahinang napabuga siya ng hangin at napangiti nang hindi siya sinagot nito. Kung tutuusin, ano pa nga ba ang aasahan niya? Hindi naman niya ito katulad.
“Okay, you didn't answer me, but what I want is for you to remove this burden,” itinuro niya ang gintong palaso na nakabaon sa kanyang dibdib. Naglakad ito papalapit sa kanya at umupo sa silya na nasa harap ng kanyang mesa.
“Hindi ako ang magtatanggal niyan kundi ikaw. Sinabi ko na sa’yo na may tamang panahon para matanggal ‘yan,” ang sabi nito na hindi kakikitaan ng anumang emosyon sa mukha. Hindi malaman ni Mark kung bakit sa tuwing nakatingin siya sa mga mata ni Uriel ay tila nakakaramdam siya ng kapanatagan, at kahit nararamdaman niyang may panganib, lumalakas ang kanyang loob. May mga katanungan siya sa kanyang isipan kung ano ang mayroon sa nilalang na ito.
“Why? You do have power, right? I can't even touch it; how can I get rid of it? When is the right time you’re talking about?” Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga sa kawalan ng pag-asa. Kung ganoon lang sana kadali, matagal na niya itong tinanggal dahil nararamdaman niyang malaki ang kinalaman nito kung bakit naiiba siya sa mga karaniwang tao.
“May mga bagay na hindi kami puwedeng makialam. Kapag sumapit na ang ika-tatlumpong kaarawan niyo, mangyayari ang inaasam-asam mo. Subalit nakikita ko ang malaking panganib na dapat nating paghandaan,” ani Uriel.
“And what is that?” kunot-noo na tanong niya habang umayos sa pagkakasandal sa upuan.
“Ang buhay mo, kasama na ang mga taong mahal mo at mamahalin mo, pati na rin ang mga tao sa paligid mo, ay manganganib. Kaya't kailangang maghanda ka.”
Tila isang banta sa buhay niya ang nasabi ni Uriel. Ayaw na niyang marinig ang mga susunod nitong sasabihin. Masasabing ang kanyang pamilya ang kalakasan niya, subalit ito rin ang kanyang kahinaan. Hindi niya lubos maisip na baka balang araw ay madamay sila dahil sa kanyang kakaibang kakayahan. Nag-iisang anak lang siya. Ang mommy at daddy lang niya ang pinakamamahal niya sa kanyang buhay.”
“No. It can't be! They shouldn't be involved in this, not my parents. If you need someone, let it be me. Don't let them suffer, please. You have the power and can protect them, right? Don't worry about me, I can face this even if it means risking my life,” pagsusumamo niya. Kaya niyang harapin ang lahat kahit alam niyang wala naman siyang kakayahang lumaban sa mga imortal.
Muling tumingin sa kanya si Uriel, “Hindi ako ang may hawak ng kapalaran mo o kahit na sino. Limitado rin ang kapangyarihan ko sa mga kahilingan ng tao, dahil hindi ako ang nagtatakda ng mga mangyayari. Ang tungkulin ko lang ay ang protektahan ka at ang gintong palaso na nasa iyo.”
“But what about them?” nag-aalalang tanong niya sa kawalan ng solusyon sa mga nakaambang panganib na mangyayari.
“Huwag kang mag-alala, may mga nagbabantay rin sa kanila. Sa ngayon, hindi mo pa lubusang maiintindihan ang misteryo sa likod ng lahat ng ito, ngunit darating din ang araw na ikaw mismo ang makakatuklas nito.”
“Kung ganoon tulungan mo ako—” Natigilan siya at kapwa sila napatingin sa may pintuan nang may kumatok dito.
“Nandito na siya, pagmasdan mo siya,” ani Uriel na tumayo sa kinauupuan at pumuwesto malapit sa kanyang tabi.
“And what are you going to do? Are you going to reveal who you are?” tanong niya.
“Huwag mo akong alalahanin, nandito lang ako pero hindi ako makikita ni Jade. Ipapakita ko sa iyo at bubuksan ko ang mga mata mo sa mas malawak na kaalaman.”
“Yes, sir. Ano po iyon?” bungad na tanong ni Jade sa kanya. Nakangiti ito at tila napakaaliwalas ng mukha. Wala na ang bakas ng takot nito kanina noong nasa elevator sila. Ewan ba niya kung bakit kakaiba ang hatid ng mga ngiti nito sa kanya. Ayaw niyang isiping nagkakagusto na siya sa kanyang sekretarya dahil ‘pag nagkataon siya mismo ang susuway sa ginawa niyang rules. Hindi, hindi maari.
“May ipag-uutos po ba kayo sa akin?” tanong nito, subalit ang mga mata niya ay nakatuon lang sa babae. Ito ba ang gustong ipakita sa kanya ni Uriel? Alam naman niyang maganda si Jade pero pangkaraniwan lang naman ang ganda nito kumpara sa iba.
“What do you want me to see? I can’t see anything unusual,” sabi niya kay Uriel.
“Po?” tanong ni Jade na akala nito ay siya ang sinasabihan.
“Not you, I mean—”
“Pagmasdan mo siya,” sabi ni Uriel sa pangalawang pagkakataon. Napalunok siya dahil alam niyang hindi siya namamalikmata. Kitang-kita niya ang naputol na palaso na nakabaon sa braso ni Jade na dati naman ay hindi niya nakikita. Ngayon lang niya naisip ang sinabi ni Uriel na bubuksan pa nito ang kanyang sixth sense sa mas malawak na kaalaman.
“Oh my God! It can’t be…” bulong niya sa kanyang sarili habang napapailing. Ibig sabihin ay hindi lang pala siya ang may kakaibang kakayahan kundi pati rin si Jade. Pero hindi niya maunawaan kung matutuwa ba siya dahil may makakaintindi na sa kanya, o malulungkot dahil malamang ay nanganganib din ang buhay nito tulad niya.
“Isa si Jade sa mga natamaan ng piraso ng gintong palaso kagaya mo,” ang sabi ni Uriel habang nakatingin sila pareho kay Jade. Hindi niya pinansin si Uriel dahil gusto niyang kausapin si Jade at marami siyang gustong itanong dito.
“Nakikita mo rin ba sila?” agad na tanong niya kay Jade.
“Sino pong sila? Or files po ba ang tinutukoy niyo, sir?” bahagyang kumunot ang noo ng babae.
“It’s not the files, I mean the things that are not ordinary,” paglilinaw niya kay Jade.
“Sorry, sir, hindi ko po maintindihan,” hinging paumanhin nito na may kalituhan. Wala naman kasi siyang pinapahanap dito. Sa katunayan, ibinilin pa niyang huwag muna siyang iistorbohin.
“I mean, do you also see things that are not ordinary?” ulit na tanong niya habang sinulyapan si Uriel sa kanyang tabi.
“H-hindi po, sir,” alanganing tugon nito na may pagtataka. Napabuntong-hininga siya dahil mukhang nagkamali siya ng akala.
“Hindi bukas ang kanyang pang-anim na pandama kagaya sa’yo. Nakikita at nakakasalamuha niya minsan ang mga nilalang na kagaya namin, ngunit hindi niya alam. Sa ngayon, hindi niya ako nakikita ‘ni marinig,” paliwanag ni Uriel sa kanya.
“Sir, ano po ulit 'yong ipapahanap niyo?” ang tanong ni Jade sa kanya na may halong pag-aalala sa mukha nito na baka magalit siya.”
“Never mind.” Pinaupo muna niya si Jade sa upuan sa harap ng kanyang mesa at ibinigay ang nakatambak na mga files mula sa kanyang drawer.
“Could you please keep this?” aniyang niluluwagan ang kanyang nektie, “Also remind me of my appointments for tomorrow.” Pagdadahilan niya upang hindi magtaka ang babae.
“Yes, sir. Ako na po ang bahala. Kukunin ko lang po ang appointment calendar,” ang sabi nito na tumayo sa kinauupuan para kuhanin ang tinutukoy. Nang tumalikod si Jade at naglakad patungong pintuan, nakita niya ang lalaking minsang nakasagupa ni Uriel, si Nikita. Nakatayo ito sa may pintuan at sinundan nito ng tingin si Jade. Agad na napatayo siya para pigilan si Jade dahil nararamdaman niyang mayroong hindi magandang mangyayari.
ISINAMA ni Uriel si Mark sa lugar na kung saan ay madalas niyang pinupuntahan kapag nagpapagaling siya ng kanyang mga sugat. Nagsisilbi itong pahingahan ng mga imortal na katulad niya sa tuwing sila ay masusugatan sa labanan.“Anong lugar ‘to?” tanong ni Mark habang inililibot ang paningin sa paligid. Wala pa siyang nakikitang ganito kagandang lugar kahit saang bansa na kanyang napuntahan. Gusto na niyang maniwala na patay na talaga siya at ngayon ay nasa Paraiso na.“Ito ang lugar kung saan nagpapagaling kaming mga guardian stars,” tugon ni Uriel. Nakita naman agad ni Mark ang isang mahabang batis na malakristal ang tubig. Ngayon, ay tila nabuksan ang kanyang matang pang-espiritual at nakita niya ang mga kauri ni Uriel. Tila nababalot ng mga alapaap ang paligid dahil sa mga kauri ni Uriel na may mapuputing pakpak.Nilinga niya si Uriel at nilapitan. Nakita niyang nasa tunay na kaayuan ito, duguan, at halos bali-bali ang mga pakpak. “I’m sure masakit na masakit ‘yang mga pakpak mo.
Sa sandaling nakapasok sina Jade sa kabilang dimensiyon, tila nag-iba ang kanyang pakiramdam. Pakiramdam niya, mas malakas siya ngunit tila may kung anong enerhiya ang nagkokontrol sa kanya. Napatingin siya sa kawalan, at sa 'di kalayuan, isang bakal na malaking pintuan ang binuksan. Naglakad sila papasok, kasama ang mga nakasunod sa kanya na mga lingkod at kawal. Bumungad sa kanila ang malaki at napakagandang palasyo na tila pamilyar sa kanya. Napapaligiran ito ng malawak na hardin. Sa gawing kanan ay may napakalinaw na batis.Bakit parang pakiramdam niya ay napuntahan na niya ito dati? Naipilig niya ang kanyang ulo at saglit na huminto sa paglalakad. Nakapagtataka kung bakit wala siyang maalala kung ano ang lugar na ito. ‘Ni hindi rin niya maalala kung saan siya nanggaling at kung ano ang kanyang pangalan. Napatingin siya sa kanyang sarili at buong pagtataka kung bakit nakasuot siya ng isang napakagandang kasuotang pangkasal.“Narito na ang mahal na Prinsesa Amara!” malakas na anuns
Ang saya na kanilang nararamdaman ay napalitan ng takot sa sandaling maramdaman nila ang malakas na pagyanig ng lupa. Agad na nag-panic ang mga staff sa loob ng jewelry store. Samantalang niyakap naman ni Mark si Jade. “Lumilindol!” takot na sambit ni Jade. “Calm down, honey,” pilit na pinapakalma ni Mark si Jade. Mayamaya pa ay napatili ito nang mag-umpisang mabasag ang mga salamin na kinalalagyan ng mga alahas. Kasunod niyon ang pagbagsak ng malaking chandelier na nakasabit sa bandang gitna. Mabuti na lang at hindi sila nakaupo sa tapat niyon. Kanya-kanya naman kubli ang mga staff upang protektahan ang kanilang mga sarili. Ang iba naman ay tumakbo palabas sa sobrang pagkataranta. Wala siyang magawa kundi ang yakapin at itakip ang kanyang sarili kay Jade. Tumingin siya sa paligid, hinanap ng kanyang mga mata si Uriel at ang iba pang kasama nito. Kinilabutan siya nang makita na napapaligiran na pala ang lugar ng mga nilalang na hindi pangkaraniwan. Malakas ang
Naalimpungatan si Jade dahil sa walang humpay na pag-alarm ng kanyang cellphone. Pilit niyang idinilat ang kanyang mga mata sabay napatingin sa orasan na nakasabit sa dingding. Pasado alas-otso na pala, subalit sa palagay niya ay may dalawang oras pa lamang siyang nakakatulog dahil sa nangyaring pagtatalo nila ni Mark kagabi. Agad na hinanap ng kanyang mga mata si Mark. Wala na ito sa hinigaan nitong sofa kaya inilibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng bahay. Subalit hindi niya ito makita. Kung kaya't mabilis na tinungo muna niya ang shower room dahil late na rin siya sa trabaho. Hindi siya makapaniwalang puro palpak na performance ang naipapakita niya kay Mark mula nang dumating ito. Pagkatapos niyang maligo ay nagsuot na siya ng uniform, mabilis na inayos niya ang kanyang buhok at naglagay ng kaunting make-up. Nang matapos siya ay agad na bumaba sa coffee shop dahil nagbabakasakaling naroon din si Mark. Gusto niya itong makausap nang hindi lasing upang makapagpaliwanag siya. I
“Mark...” ani Jade nang tinangka sanang hawakan muli si Mark sa braso ngunit itinaas nito ang kamay.“Please, just leave me alone. Sige na, pumasok ka na sa kuwarto mo. Bukas na lang tayo mag-usap,” anito, habang hindi man lang siya tiningnan. Wala siyang magawa kundi ang sundin si Mark. Pero mukhang hindi siya makakatulog ngayong gabi dahil alam niyang galit ito sa kanya.“I love you. Hindi ko magagawa sa'yo 'yon,” ang huling sabi niya bago siya humakbang patungo sa kanyang silid. Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng kanyang mga luha sa pisngi. Mayamaya pa ay halos maubos na ni Mark ang laman ng bote ng alak, subalit kataka-takang tila hindi siya nalalasing. Excited pa naman sana siyang sorpresahin si Jade, pero hindi niya akalain na siya pala ang masu-sorpresa. Gustong-gusto na niyang hatakin si Jade kanina nang makitang may kausap ito, ngunit pinigilan pa rin niya ang sarili dahil ayaw niyang mapahiya ito.Sa kabilang banda, mas nananaig ang pakiramdam na mahal siya ni Jade at h
HALOS mag-iisang linggo na rin si Jade sa Tagaytay. Maayos naman ang lahat at mukhang nagugustuhan na rin niya ang bagong trabaho. Sa pangalawang palapag naman ng nasabing gusali ay doon nananatili ang tatlong staff na mga kasama niya dahil malayo ang inuuwian ng mga ito. May tatlong silid doon, isa para sa mga babaeng staff at isa rin para sa mga lalaki. Nag-iisa lang ang lalaking umuukupa ng isang silid. Sa pangatlong bahagi naman ng gusali naroon ang kanyang kuwarto. Malawak iyon at parang malaking bahay na rin. Doon kasi natutulog ang mga Xavier kapag pumupunta ito ng Tagaytay. Ang silid ni Raine ay siya na ring magiging silid niya pag-alis nito. Bigla siya nakaramdam ng pangamba. Paano kung pumunta ang mga Xavier? Hindi niya alam kung papaano niya pakikitunguhan ang mga ito. Huling araw na ni Raine sa Tagaytay at luluwas na ito ng Maynila kinabukasan, kaya naman naka-impake na ang mga gamit nito.“Doon na lang kaya ako sa baba kasama ng ibang staff, mayroon pa namang bakanteng hi