LOGINSa konsepto ng mga mortal, masasabing taglay sana ni Mark ang perpektong buhay—mayaman, matikas ang katawan, magandang lalaki at magaling sa larangan ng negosyo. Ngunit dahil sa isang insidente, hindi niya naisakatuparan nang lubusan ang kasiyahang hatid ng karangyaan dahil sa kanyang “sixth sense”, na naging dahilan upang hindi siya pangkaraniwan. Dahil dito, naging bahagi na lamang ng kanyang pangarap ang perpekto ngunit tipikal na buhay. Paano siya aarteng normal kung araw-araw siyang nakakakita ng mga paranormal? At ngayon na may kumakatok sa kaniyang puso, paano niya ito pagbubuksan kung ang kanyang pagkatao ay nababalot ng misteryo?
View MoreISINAMA ni Uriel si Mark sa lugar na kung saan ay madalas niyang pinupuntahan kapag nagpapagaling siya ng kanyang mga sugat. Nagsisilbi itong pahingahan ng mga imortal na katulad niya sa tuwing sila ay masusugatan sa labanan.“Anong lugar ‘to?” tanong ni Mark habang inililibot ang paningin sa paligid. Wala pa siyang nakikitang ganito kagandang lugar kahit saang bansa na kanyang napuntahan. Gusto na niyang maniwala na patay na talaga siya at ngayon ay nasa Paraiso na.“Ito ang lugar kung saan nagpapagaling kaming mga guardian stars,” tugon ni Uriel. Nakita naman agad ni Mark ang isang mahabang batis na malakristal ang tubig. Ngayon, ay tila nabuksan ang kanyang matang pang-espiritual at nakita niya ang mga kauri ni Uriel. Tila nababalot ng mga alapaap ang paligid dahil sa mga kauri ni Uriel na may mapuputing pakpak.Nilinga niya si Uriel at nilapitan. Nakita niyang nasa tunay na kaayuan ito, duguan, at halos bali-bali ang mga pakpak. “I’m sure masakit na masakit ‘yang mga pakpak mo.
Sa sandaling nakapasok sina Jade sa kabilang dimensiyon, tila nag-iba ang kanyang pakiramdam. Pakiramdam niya, mas malakas siya ngunit tila may kung anong enerhiya ang nagkokontrol sa kanya. Napatingin siya sa kawalan, at sa 'di kalayuan, isang bakal na malaking pintuan ang binuksan. Naglakad sila papasok, kasama ang mga nakasunod sa kanya na mga lingkod at kawal. Bumungad sa kanila ang malaki at napakagandang palasyo na tila pamilyar sa kanya. Napapaligiran ito ng malawak na hardin. Sa gawing kanan ay may napakalinaw na batis.Bakit parang pakiramdam niya ay napuntahan na niya ito dati? Naipilig niya ang kanyang ulo at saglit na huminto sa paglalakad. Nakapagtataka kung bakit wala siyang maalala kung ano ang lugar na ito. ‘Ni hindi rin niya maalala kung saan siya nanggaling at kung ano ang kanyang pangalan. Napatingin siya sa kanyang sarili at buong pagtataka kung bakit nakasuot siya ng isang napakagandang kasuotang pangkasal.“Narito na ang mahal na Prinsesa Amara!” malakas na anuns
Ang saya na kanilang nararamdaman ay napalitan ng takot sa sandaling maramdaman nila ang malakas na pagyanig ng lupa. Agad na nag-panic ang mga staff sa loob ng jewelry store. Samantalang niyakap naman ni Mark si Jade. “Lumilindol!” takot na sambit ni Jade. “Calm down, honey,” pilit na pinapakalma ni Mark si Jade. Mayamaya pa ay napatili ito nang mag-umpisang mabasag ang mga salamin na kinalalagyan ng mga alahas. Kasunod niyon ang pagbagsak ng malaking chandelier na nakasabit sa bandang gitna. Mabuti na lang at hindi sila nakaupo sa tapat niyon. Kanya-kanya naman kubli ang mga staff upang protektahan ang kanilang mga sarili. Ang iba naman ay tumakbo palabas sa sobrang pagkataranta. Wala siyang magawa kundi ang yakapin at itakip ang kanyang sarili kay Jade. Tumingin siya sa paligid, hinanap ng kanyang mga mata si Uriel at ang iba pang kasama nito. Kinilabutan siya nang makita na napapaligiran na pala ang lugar ng mga nilalang na hindi pangkaraniwan. Malakas ang
Naalimpungatan si Jade dahil sa walang humpay na pag-alarm ng kanyang cellphone. Pilit niyang idinilat ang kanyang mga mata sabay napatingin sa orasan na nakasabit sa dingding. Pasado alas-otso na pala, subalit sa palagay niya ay may dalawang oras pa lamang siyang nakakatulog dahil sa nangyaring pagtatalo nila ni Mark kagabi. Agad na hinanap ng kanyang mga mata si Mark. Wala na ito sa hinigaan nitong sofa kaya inilibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng bahay. Subalit hindi niya ito makita. Kung kaya't mabilis na tinungo muna niya ang shower room dahil late na rin siya sa trabaho. Hindi siya makapaniwalang puro palpak na performance ang naipapakita niya kay Mark mula nang dumating ito. Pagkatapos niyang maligo ay nagsuot na siya ng uniform, mabilis na inayos niya ang kanyang buhok at naglagay ng kaunting make-up. Nang matapos siya ay agad na bumaba sa coffee shop dahil nagbabakasakaling naroon din si Mark. Gusto niya itong makausap nang hindi lasing upang makapagpaliwanag siya. I






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.