Naiinip na, napatingin si Jade sa kanan at napansin ang isang lalaki. Napakurap-kurap siya sa pag-aakalang namamalikmata lamang siya. Napakaguwapo kasi ng lalaki at sa tingin niya ay mas guwapo pa ito kaysa sa kanyang boss. Napabuntong-hininga siya dahil alam niyang hanggang tingin na lang siya at pangarap ang mga guwapong lalaki na nakapalibot sa kanya.
Malapit na siyang lumampas sa kalendaryo ngunit wala pa rin kahit isang guwapo na nagpapakita ng interes sa kanya. Marami ang nanliligaw sa kanya, ngunit lahat ay hindi nakapasa sa kanyang pamantayan. Baka tama nga si Mark, masungit daw siya at pihikan. Pero pagdating kay Mark aminado naman siya sa sarili na manhid na lang ang babaeng hindi magkakagusto rito. Pero kagaya niya baka mataas din ang standard nito sa pagpili ng magiging girlfriend.
Mayroon pa siyang naiisip na lalaki, iyong sumagip sa kanya kanina sa cafeteria. Hindi lang siya gwapo, kundi mayroon din itong talentong hindi pangkaraniwan, parang may magic. Pumikit siya, inisip na lang na baka dating nagtatrabaho sa circus ang lalaking iyon dahil sa talentong ipinamalas nito.
Bumukas ang elevator at siya namang pagtapos ng pakikipag-usap ni Mark sa cellphone nito. Humakbang siya papasok sa elevator pero pinigilan siya ni Mark.
“Sir, bakit po?” tanong niya.
Napakamot lang sa ulo si Mark at sinabing, “Paunahin mo na sila.” Napaisip siya nang may pagtataka dahil tatlo lang naman silang sasakay kung sakali. Nagsara na ang lift at naiwan muli sila. Mayamaya pa ay bumukas ulit ang isang pintuan at minamadali naman siya nitong pumasok na sila sa loob. Nauna siyang pumasok at nakasunod naman sa kanyang likuran si Mark. Pumasok rin ang lalaking naghihintay na pahapyaw niyang nasulyapan kanina. Napatango si Mark sa lalaki kaya inisip niyang baka magkakilala ang mga ito.
Nang nasa kalagitnaan na sila ay bigla na lang namatay ang ilaw at tumigil ang elevator.
“Anong pong nangyari?” takot na tanong ni Jade na niyakap ang sarili dahil wala siyang makita. Noon pa man ay takot na siya sa dilim at isa ito sa mga kahinaan niya.
“Don't worry, everything will be alright. Let's wait for someone to help us,” ani Mark na kinapa ang emergency button para humingi ng tulong.
“Sir, paano kung matagal silang mag-rescue? Ano po’ng gagawin natin?” natatarantang tanong niya. Nag-uunahan na agad sa kanyang isipan na baka hindi na sila makalabas ng buhay. Wala na ang kanyang mga pangarap. Paano na ang kanyang pamilya?
“Jade, relax. It won’t help if you panic,” anang lalaki na ilang beses nang pinipindot ang emergency button.
“Pero, sir, baka hindi na tayo makalabas dito,” takot na sabi niya.
“Jade, please, relax. Maupo ka na lang muna, okay?” anitong inalalayan siyang maupo sa sahig dahil nakikita na nito ang pagkataranta niya. Gamit ang flashlight ng cellphone ay hinanap ni Mark ang emergency phone malapit sa may pintuan.
“Hello, is anyone there? We're stuck in the elevator and need help!”
Isang boses ang sumagot sa intercom at nagkumpirma na tutulungan sila. Tila nabuhayan ng loob si Jade at nabawasan ang kanyang takot. Subalit nakalipas ang dalawampong-minuto ay wala pa rin ang mga rescue team. Kaya muling tumawag si Mark gamit ang telepono.
“Hello! How long will it take for them to arrive? We've been stuck in here for almost twenty minutes. Please, can you find a way to get us out of here soon?” may himig nang pagkadismaya sa tinig ni Mark. Sa kabila ng pagkukumbinsi nito sa kanya na huwag mag-panic, nararamdaman niya na tila hindi sila ligtas. Naririnig niya ang pagbuntong-hininga nito.
"I apologize for the delay, sir. The rescue team is on their way. In the meantime, please try to stay calm and relax,” anang tinig sa intercom. Ngunit nakalipas na ang tatlumpung-minuto ay wala pa rin ang mga ito. Noon ay nararamdaman na ni Jade na tila umiinit na ang paligid, at dahil sa nerbiyos niya ay tila nahihirapan na siyang huminga. Kaya hindi na niya mapigilan ang mapaiyak. Ito ang unang pagkakataon na na-stuck siya sa elevator, masikip at wala siyang maaninag na kahit anong liwanag dahil patay ang ilaw. Mas nakakatakot ito kaysa maglakad sa dilim sa gabi.
“Sir, nahihirapan na po ako huminga,” aniyang hindi na napigil ang pag-iyak. Agad namang nilapitan siya ni Mark.
“Oh my God!” umupo ito sa bandang harapan niya.
“Please try not to panic. Take a deep breath in, and slowly exhale,” anitong binuksan ang flashlight ng cellphone at pinapagaya siya. Nakikita niya ang tagaktak na pawis nito sa noo at ang mga mata nitong bakas ng pag-aalala. Sumunod siya sa pinapagaya sa kanya nito pero hindi niya mapigil ang mapaluha sa takot.
“Don’t cry, okay?” pagkukumbinse nito sa kanya. Hindi niya alam pero tila ibang Mark ang kasama niya, hindi ito ang ma-awtoridad na boss na palagi niyang kausap. Kahit papaano ay nakatulong sa kanya ang pagiging malakas na loob nito. Naaninag din niya sa pamamagitan ng liwanag ng cellphone ang lalaking kasabay nila. Tahimik lang itong nakatayo sa isang sulok ng elevator, ni hindi ito nagsasalita. Tiningala ito Mark.
“Uriel, we need your help to get out of here. Please find a way,” ang sabi ni Mark sa lalaki na tila nagmamakaawa. Napalinga ito sa kanila at mayamaya ay may pinindot ito sa elevator buttons. Nabuhayan sila ng loob nang biglang nabuhay ang ilaw at umandar nang muli ang elevator. Napabulalas siya ng pagpapasalamat.
“Told you, we can get out of here,” sabi nitong napangiti sa kanya pagkuwa’y napatingin sa lalaking kasama nila. Nagtaka siya kung bakit kailangan magpasalamat ni Mark sa lalaking kasama nila na wala naman itong ginawa, ‘ni hindi nga ito nagsasalita.
Nang bumukas ang elevator sa twenty-fifth floor ay naghihintay na sa kanila ang maintenance personnel at medical team.
“Pasensiya na po kung medyo natagalan ang pagdating namin,” sabi ng isa sa mga maintenance personnel. Napailing na lang si Mark na hindi maitago ang pagkainis dahil sa pagkaantala ng mga ito.
“Please check on her, she's having difficulty breathing,” sabi ni Mark sa medical team. Parang gusto niyang patuloy lang itong nakahawak sa mga braso niya, at magkunwaring masama pa ang pakiramdam. Agad namang nilapitan siya ng medical team.
“Kamusta po kayo, ma’am? Ano pong nararamdaman niyo sa ngayon?" tanong ng isang paramedic.
“Medyo mainit at mahirap huminga nang kaunti, pero okay na na po ako sa ngayon. Natakot lang kasi ako,” sagot niya.
“Are you sure, okay ka na?” tanong ni Mark na hindi pa rin umaalis sa tabi niya.
“Yes, sir, okay na po ako,” tugon niya.
Samantala, agad namang sinuri ng mga tauhan sa maintenance ang naging problema ng elevator. Diretso lang si Mark papasok ng opisina habang nakasunod sila kasama ang ilang medical staff. Hinanap ng kanyang mga mata ang lalaking kasabay nila kanina, ngunit hindi na niya ito makita. Sinuri pa rin siya ng mga medical staff dahil iyon ang sinabi ni Mark sa kanila. Lihim siyang nakaramdam ng saya dahil sa labis na pag-aalala sa kanya ng lalaki. Gusto niyang mangarap na sana personal na nag-aalala talaga ito sa kanya, hindi bilang empleyado kundi bilang siya. Sinaway niya ang naisip, dahil alam niyang likas lang talaga itong mabait kahit istrikto. At ang ginagawa nito sa kanya ay gagawin din nito sa iba nang walang malisya. Pagkatapos siyang masuri ay pinagpahinga muna siya. Nang makaalis ang mga paramedics, lumapit si Jessica na kasama niya sa trabaho at ang iba pa upang kumustahin siya.
Ang ilan ay may bahid ng pagkainggit sa mukha dahil sa lahat daw ng makakasama niya sa elevator ay si Mark pa na pinapangarap ng karamihan. Para sa kanya kahit sino pa ang kasama niya ay hindi na niya gugustuhin pang ma-stuck sa elevator.
“Ang suwerte mo naman, Jade, sana kami na lang ni Mr. Xavier ang na-stuck sa elevator,” kininilig na sekretong bulong sa kanya ni Jessica nang makaalis ang ilang empleyado sa tabi nila. Natawa na lang siya dahil halatang-halata niyang may gusto ito kay Mark. Si Jessica ay ang head ng IT Department at pinakamalapit sa kanya sa lahat ng mga empleyado dahil palakaibigan ito, kung kaya’t nakagaanan agad niya ng loob.
“Hindi lang naman si Sir ang kasama ko sa elevator, tatlo kami,” tugon niya habang umiinom ng tubig sa kanyang tumbler.
“Sino?” curious na tanong nito.
“Hindi ko kilala, basta narinig kong tinawag siya ni Sir na Uriel. Tila nagulat si Jessica.
“Wow! Talaga? Si uriel? Ang suwerte mo talaga, girl! Sana ako na lang talaga ang na-stuck sa elevator, biruin mo dalawang guwapo ang kasama mo,” anitong tila naghihinayang.
“Pambihira ka rin, ano? Tingnan mo nga itsura ko, mukha ba akong nag-enjoy?” pabulong na sabi niya.
“Well, puwedeng tinatago mo lang pero deep inside kinikilig ka,” natatawang sabi nito na kiniliti pa siya sa tagiliran dahilan para bahagya siyang matawa sa kapilyahan nito. Napailing na lamang siya.
“Pero alam mo, hindi ko talaga malaman kung ano ang kuneksiyon ng lalaking ‘yon kay boss. Madalas ‘yon dito dati pa, pagkakaalam ko hindi naman siya kamag-anak ni Sir.”
“Hay, Jessica pati ba naman ‘yan napansin mo pa. Paano mo naman nalaman na hindi sila magkamag-anak, eh, pareho nga silang guwapo ‘di ba?” aniyang hininaan ang salitang guwapo at napatingin sa paligid. Hinilot-hilot niya ang kanyang sintido, bahagya kasing sumasakit.
“Basta iba ang napapansin ko sa lalaking ‘yon, para bang napakamisteryoso niya,” ani Jessica. Napapaisip na napatingala siya Jessica na nakatayo sa kanyang harapan. Noon din ay naisip niyang maaring tama si Jessica ganoon din kasi ang napansin niya sa lalaking iyon kahit unang kita lang niya rito. ‘Ni hindi man lang niya kinakitaan ng pagkataranta ang lalaki kanina nang masira ang elevator, bigla rin itong nawala. Ipinilig niya ang kanyang ulo. Sa dami ng nangyari ngayong araw ay ayaw na niyang isipin ang mga bagay na makakadagdag ng gulo sa isip niya. Napabuntong-hininga na lang siya sa mga kasamahan niya dahil imbes na mag-alala sa kanya ay kinainggitan pa siya dahil sa nakasama lang niya si Mark.
“Naku ‘wag naman sana mangyari sa’yo, Jessica. Kapag naranasan mong ma-stuck sa elevator hindi ka na kikiligin, tiyak matatakot ka kahit si Sir pa kasama mo,” aniyang seryoso para matauhan si Jessica sa pinagsasabi nito. Hindi biro ang naramdaman niyang takot kanina. Akala niya talaga ay katapusan na niya. Muli siyang uminom, pakiramdam niya ay natuyo ang kanyang lalamunan dahil sa init sa loob ng elevator. Parang ayaw na tuloy niyang sumakay pa sa elevator.
Natigil ang kanilang pag-uusap ni Jessica nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina ni Mark at lumabas ito. Nakapameywang itong tiningnan ang mga nagkukumpulan na mga empleyado kaya agad na nagsibalikan sa kanya-kanyang mesa ang mga ito. Nagbilin ito na huwag munang iistorbohin dahil magpapahinga.
ISINARADO ni Mark ang kanyang opisina at nagbilin kay Jade na huwag muna siyang istorbohin. Gusto niya kasing makausap si Uriel dahil marami siyang dapat itanong dito. Tila mababaliw na siya sa kaiisip sa mga nangyayari nitong mga nakaraang araw. Hindi siya pinapatahimik ng kanyang sixth sense, dahilan para hindi siya makapag-concentrate ng maayos sa trabaho. Palagi niyang nakikita ang mga nilalang na hindi naman dapat. Kanina bago sila sumakay ng elevator ay nakita niya ang lalaking minsan ay naka-engkuwentro nila ni Uriel sa kalsada. Marami itong kasama kung kaya’t malakas ang kanyang kutob na may mangyayari na namang hindi maganda, at hindi nga siya nagkamali. Hindi mapakali na palakad-lakad siya habang nakapameywang.
“Uriel, we need to talk. Where are you?” tawag niya. Naghintay siya ng ilang minuto ngunit walang Uriel na nagpakita. Pagod na ibinagsak niya ang sarili sa swivel chair at saglit na pumikit.
“Ano’ng kailangan mo, sa akin?” sabi ng isang tinig dahilan para mapadilat siya. Nakita niyang nakatayo sa kanyang harapan si Uriel sa anyong tao nito.
“There you are, mabuti naman at nagpakita ka. Bakit ‘antagal bago kay may ginawa kanina?” tanong niya kay Uriel na tila nanunumbat.
Sana po abangan niyo ang mga susunod pa na Chapters, salamat!
ISINAMA ni Uriel si Mark sa lugar na kung saan ay madalas niyang pinupuntahan kapag nagpapagaling siya ng kanyang mga sugat. Nagsisilbi itong pahingahan ng mga imortal na katulad niya sa tuwing sila ay masusugatan sa labanan.“Anong lugar ‘to?” tanong ni Mark habang inililibot ang paningin sa paligid. Wala pa siyang nakikitang ganito kagandang lugar kahit saang bansa na kanyang napuntahan. Gusto na niyang maniwala na patay na talaga siya at ngayon ay nasa Paraiso na.“Ito ang lugar kung saan nagpapagaling kaming mga guardian stars,” tugon ni Uriel. Nakita naman agad ni Mark ang isang mahabang batis na malakristal ang tubig. Ngayon, ay tila nabuksan ang kanyang matang pang-espiritual at nakita niya ang mga kauri ni Uriel. Tila nababalot ng mga alapaap ang paligid dahil sa mga kauri ni Uriel na may mapuputing pakpak.Nilinga niya si Uriel at nilapitan. Nakita niyang nasa tunay na kaayuan ito, duguan, at halos bali-bali ang mga pakpak. “I’m sure masakit na masakit ‘yang mga pakpak mo.
Sa sandaling nakapasok sina Jade sa kabilang dimensiyon, tila nag-iba ang kanyang pakiramdam. Pakiramdam niya, mas malakas siya ngunit tila may kung anong enerhiya ang nagkokontrol sa kanya. Napatingin siya sa kawalan, at sa 'di kalayuan, isang bakal na malaking pintuan ang binuksan. Naglakad sila papasok, kasama ang mga nakasunod sa kanya na mga lingkod at kawal. Bumungad sa kanila ang malaki at napakagandang palasyo na tila pamilyar sa kanya. Napapaligiran ito ng malawak na hardin. Sa gawing kanan ay may napakalinaw na batis.Bakit parang pakiramdam niya ay napuntahan na niya ito dati? Naipilig niya ang kanyang ulo at saglit na huminto sa paglalakad. Nakapagtataka kung bakit wala siyang maalala kung ano ang lugar na ito. ‘Ni hindi rin niya maalala kung saan siya nanggaling at kung ano ang kanyang pangalan. Napatingin siya sa kanyang sarili at buong pagtataka kung bakit nakasuot siya ng isang napakagandang kasuotang pangkasal.“Narito na ang mahal na Prinsesa Amara!” malakas na anuns
Ang saya na kanilang nararamdaman ay napalitan ng takot sa sandaling maramdaman nila ang malakas na pagyanig ng lupa. Agad na nag-panic ang mga staff sa loob ng jewelry store. Samantalang niyakap naman ni Mark si Jade. “Lumilindol!” takot na sambit ni Jade. “Calm down, honey,” pilit na pinapakalma ni Mark si Jade. Mayamaya pa ay napatili ito nang mag-umpisang mabasag ang mga salamin na kinalalagyan ng mga alahas. Kasunod niyon ang pagbagsak ng malaking chandelier na nakasabit sa bandang gitna. Mabuti na lang at hindi sila nakaupo sa tapat niyon. Kanya-kanya naman kubli ang mga staff upang protektahan ang kanilang mga sarili. Ang iba naman ay tumakbo palabas sa sobrang pagkataranta. Wala siyang magawa kundi ang yakapin at itakip ang kanyang sarili kay Jade. Tumingin siya sa paligid, hinanap ng kanyang mga mata si Uriel at ang iba pang kasama nito. Kinilabutan siya nang makita na napapaligiran na pala ang lugar ng mga nilalang na hindi pangkaraniwan. Malakas ang
Naalimpungatan si Jade dahil sa walang humpay na pag-alarm ng kanyang cellphone. Pilit niyang idinilat ang kanyang mga mata sabay napatingin sa orasan na nakasabit sa dingding. Pasado alas-otso na pala, subalit sa palagay niya ay may dalawang oras pa lamang siyang nakakatulog dahil sa nangyaring pagtatalo nila ni Mark kagabi. Agad na hinanap ng kanyang mga mata si Mark. Wala na ito sa hinigaan nitong sofa kaya inilibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng bahay. Subalit hindi niya ito makita. Kung kaya't mabilis na tinungo muna niya ang shower room dahil late na rin siya sa trabaho. Hindi siya makapaniwalang puro palpak na performance ang naipapakita niya kay Mark mula nang dumating ito. Pagkatapos niyang maligo ay nagsuot na siya ng uniform, mabilis na inayos niya ang kanyang buhok at naglagay ng kaunting make-up. Nang matapos siya ay agad na bumaba sa coffee shop dahil nagbabakasakaling naroon din si Mark. Gusto niya itong makausap nang hindi lasing upang makapagpaliwanag siya. I
“Mark...” ani Jade nang tinangka sanang hawakan muli si Mark sa braso ngunit itinaas nito ang kamay.“Please, just leave me alone. Sige na, pumasok ka na sa kuwarto mo. Bukas na lang tayo mag-usap,” anito, habang hindi man lang siya tiningnan. Wala siyang magawa kundi ang sundin si Mark. Pero mukhang hindi siya makakatulog ngayong gabi dahil alam niyang galit ito sa kanya.“I love you. Hindi ko magagawa sa'yo 'yon,” ang huling sabi niya bago siya humakbang patungo sa kanyang silid. Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng kanyang mga luha sa pisngi. Mayamaya pa ay halos maubos na ni Mark ang laman ng bote ng alak, subalit kataka-takang tila hindi siya nalalasing. Excited pa naman sana siyang sorpresahin si Jade, pero hindi niya akalain na siya pala ang masu-sorpresa. Gustong-gusto na niyang hatakin si Jade kanina nang makitang may kausap ito, ngunit pinigilan pa rin niya ang sarili dahil ayaw niyang mapahiya ito.Sa kabilang banda, mas nananaig ang pakiramdam na mahal siya ni Jade at h
HALOS mag-iisang linggo na rin si Jade sa Tagaytay. Maayos naman ang lahat at mukhang nagugustuhan na rin niya ang bagong trabaho. Sa pangalawang palapag naman ng nasabing gusali ay doon nananatili ang tatlong staff na mga kasama niya dahil malayo ang inuuwian ng mga ito. May tatlong silid doon, isa para sa mga babaeng staff at isa rin para sa mga lalaki. Nag-iisa lang ang lalaking umuukupa ng isang silid. Sa pangatlong bahagi naman ng gusali naroon ang kanyang kuwarto. Malawak iyon at parang malaking bahay na rin. Doon kasi natutulog ang mga Xavier kapag pumupunta ito ng Tagaytay. Ang silid ni Raine ay siya na ring magiging silid niya pag-alis nito. Bigla siya nakaramdam ng pangamba. Paano kung pumunta ang mga Xavier? Hindi niya alam kung papaano niya pakikitunguhan ang mga ito. Huling araw na ni Raine sa Tagaytay at luluwas na ito ng Maynila kinabukasan, kaya naman naka-impake na ang mga gamit nito.“Doon na lang kaya ako sa baba kasama ng ibang staff, mayroon pa namang bakanteng hi