Ang saya na kanilang nararamdaman ay napalitan ng takot sa sandaling maramdaman nila ang malakas na pagyanig ng lupa. Agad na nag-panic ang mga staff sa loob ng jewelry store. Samantalang niyakap naman ni Mark si Jade. “Lumilindol!” takot na sambit ni Jade. “Calm down, honey,” pilit na pinapakalma ni Mark si Jade. Mayamaya pa ay napatili ito nang mag-umpisang mabasag ang mga salamin na kinalalagyan ng mga alahas. Kasunod niyon ang pagbagsak ng malaking chandelier na nakasabit sa bandang gitna. Mabuti na lang at hindi sila nakaupo sa tapat niyon. Kanya-kanya naman kubli ang mga staff upang protektahan ang kanilang mga sarili. Ang iba naman ay tumakbo palabas sa sobrang pagkataranta. Wala siyang magawa kundi ang yakapin at itakip ang kanyang sarili kay Jade. Tumingin siya sa paligid, hinanap ng kanyang mga mata si Uriel at ang iba pang kasama nito. Kinilabutan siya nang makita na napapaligiran na pala ang lugar ng mga nilalang na hindi pangkaraniwan. Malakas ang
Sa sandaling nakapasok sina Jade sa kabilang dimensiyon, tila nag-iba ang kanyang pakiramdam. Pakiramdam niya, mas malakas siya ngunit tila may kung anong enerhiya ang nagkokontrol sa kanya. Napatingin siya sa kawalan, at sa 'di kalayuan, isang bakal na malaking pintuan ang binuksan. Naglakad sila papasok, kasama ang mga nakasunod sa kanya na mga lingkod at kawal. Bumungad sa kanila ang malaki at napakagandang palasyo na tila pamilyar sa kanya. Napapaligiran ito ng malawak na hardin. Sa gawing kanan ay may napakalinaw na batis.Bakit parang pakiramdam niya ay napuntahan na niya ito dati? Naipilig niya ang kanyang ulo at saglit na huminto sa paglalakad. Nakapagtataka kung bakit wala siyang maalala kung ano ang lugar na ito. ‘Ni hindi rin niya maalala kung saan siya nanggaling at kung ano ang kanyang pangalan. Napatingin siya sa kanyang sarili at buong pagtataka kung bakit nakasuot siya ng isang napakagandang kasuotang pangkasal.“Narito na ang mahal na Prinsesa Amara!” malakas na anuns
HABANG nakasakay si Jade ng taxi, madalas na tumitingin siya sa kaniyang relong-pambisig upang masiguro na may ilang minuto pa bago siya mahuli sa interview. Ito ang pagkakataon na hindi niya puwedeng palampasin dahil kailangan na niyang makahanap agad ng trabaho. Nalulungkot siya habang iniisip ang kanyang tatay na nagpapakahirap sa pagtatrabaho sa bukid upang matustusan ang kanyang pag-aaral noon. Kaya naman nagpursige ang kanyang tatay dahil sa ayaw nitong matulad siya sa naging kapalaran ng mga ito at kahit papaano ay makapagtapos siya ng kolehiyo. Biglang napaigtad si Jade at napatili nang may malakas na bumangga sa puwetan ng kanilang sasakyan. Napatakip siya ng ulo at kinapa ang kanyang katawan upang malaman kung buhay pa siya. “Manong, ano'ng nangyari?” gulat na sambit niya habang nanginginig sa takot. “May bumangga sa likuran natin, Ineng!” Pareho silang lumingon sa likuran na may isang sasakyan na nag-aapoy. “Diyos ko po!” ang tanging nasabi niya. Sa bandang gilid ng kan
NANG maiparada ni Mark ang kanyang motorsiklo, agad siyang bumaba. Mas gusto niya itong gamitin kapag nagmamadali siya kaysa sa kotse upang makaiwas sa trapik sa daan. Napatingin siya sa paligid nang mapansin na bigla na lang siya nasa loob na ng kanyang opisina. Matatagpuan ang kanyang opisina sa ika-25 palapag ng gusali, na pag-aari din ng kanilang pamilya. Karaniwan niyang ikinaiinis ang mga hindi pangkaraniwang pangyayari na tulad nito dahil hindi niya alam kung paano magpapaliwanag sakaling may magtanong. Hinubad niya ang kanyang leather jacket, na nabasa ng malakas na ulan kanina. Mabuti na lang at hindi natuloy ang meeting niya ngayon kay Mr. Montifalco, ang may-ari ng pinakamalaking proyekto na gagawin nila ngayong taon. Kapag natuloy kasi, baka masira siya sa kausap dahil sa mga nangyari kanina sa daan na nakaabala sa kanya ng husto. Magpapalit na lamang siy
MARAHANG kumatok si Jade sa pinto bago pinihit ang hawakan nito. Nang maisara niya ito ay napatingin siya sa lalaking nakayuko sa papel na nasa mesa na sa palagay niya ay ang kanyang resume. “Good morning, sir,” bati niya habang mahinang isinara ang pintuan. Umangat ito nang tingin sa kanya at laking gulat niya nang makilala kung sino ang kaharap; ang lalaking tumulong sa kanya kanina sa daan. Lumapad ang kanyang mga ngiti sa tuwa dahil mapapasalamatan na niya ito. Hindi kasi niya ito nagawang pasalamatan kanina dahil sa sobrang pagmamadali niya. Magkahalong kaba at excitement ang kanyang nararamdaman. Hindi nagulat ang lalaki nang makita siya, marahil ay nakita na nito ang kanyang resume bago pa man siya pumasok sa silid. “Please, take a seat, Miss Javier,” iminuwestra nito ang upuan sa harapan ng mesa. Maingat siyang umupo habang ipinatong sa kandungan ang kanyang bag. Muling dumungaw ang lalaki sa kanyang resume kaya bahagya niyang nasulyapan ang malawak na kabuuan ng opisina. N
KASALUKUYANG nasa meeting si Mark at tila hindi na makapaghintay si Jade na matapos dahil kumakalam na ang kanyang sikmura sa gutom. Nagbilin naman ito na maaari na siyang kumain kahit hindi pa tapos ang meeting. Tatawagan na lang daw siya nito sa cellphone kapag may kailangan. Ngayon ay isang linggo na siyang nasa opisina at sa kabutihang palad ay maayos naman ang lahat. Medyo nahihirapan pa siya at hindi pa ganoon kabihasa kagaya ni Athena kaya madalas ay marami pa rin siyang katanungan na kailangan niyang ikonsulta kay Mark. Aminado naman siyang tila pabigat siya kay Mark sa unang linggo pero sisikapin niyang makapag-adjust sa lalong madaling panahon. Halos lahat ng kanyang mga kasamahan sa opisina ay kumain na sa labas dahil may bagong sahod, samantalang siya ay siguradong sa susunod pa na cut-off pa makakatanggap ng kanyang sahod. Nabuo agad sa kanyang isipan ang mga mumunting pangarap para sa kanyang pamilya. Kapag nakapag-ipon siya, plano niyang ayusin ang kanilang barong-baro
PAGKATAPOS nilang kumain sa cafeteria ay naglakad na sila pabalik sa kanilang opisina. Kasalukuyan silang nasa lobby at naghihintay ng elevator paakyat. Nang bumukas ito, napuno agad kaya hindi na sila nagpumilit na sumakay. Habang naghihintay ng susunod na lift, abala si Mark sa pagtawag sa kanyang cellphone. Naiinip na, napatingin si Jade sa kanan at napansin ang isang lalaki. Napakurap-kurap siya sa pag-aakalang namamalikmata lamang siya. Napakaguwapo kasi ng lalaki at sa tingin niya ay mas guwapo pa ito kaysa sa kanyang boss. Napabuntong-hininga siya dahil alam niyang hanggang tingin na lang siya at pangarap ang mga guwapong lalaki na nakapalibot sa kanya. Malapit na siyang lumampas sa kalendaryo ngunit wala pa rin kahit isang guwapo na nagpapakita ng interes sa kanya. Marami ang nanliligaw sa kanya, ngunit lahat ay hindi nakapasa sa kanyang pamantayan. Baka tama nga si Mark, masungit daw siya at pihikan. Pero pagdating kay Mark aminado naman siya sa sarili na manhid na lang ang
NAPABUNTONG-HININGANG dinampot ni Mark ang telepono, “Jade, can you come here for a minute?” “Yes, sir,” tugon sa kabilang linya. Ibinaba na niya ang telepono at muling napatingin kay Uriel. Nagtataka siya kung bakit kailangan pang ipatawag si Jade gayong wala naman ito kinalaman sa kanya. Subalit dahil sa kagustuhan niyang malaman ang sasabihin nito, sinunod na lang niya. “What important matter do you have to tell me about Jade?” tanong niya. “Ipapakita ko sa’yo kung ano ang kinalaman nito sa mga katanungan mo,” seryosong tugon nito. ‘Ni minsan ay hindi niya ito nakitang ngumiti o tumawa man lang. Seryoso ito palagi at kahit sa oras ng labanan ay hindi makikitaan ng anumang kapintasan ang mukha nito. Bigla tuloy naglaro sa kanyang isipan ang isang katanungan. “Wait, can I ask why I haven't seen any girl from your realm?” he asked mischievously. Sigurado siya kung may babae siyang makikita na kauri ni Uriel ay sobrang ganda rin nito. He frequently misidentifies them as beautiful be