BENTE MINUTOS NA ang nakakalipas magmula nang marating nina Loraine at matandang Gaudencia ang abandonadong building kung saan napag-usapan nilang imi-meet ang mga kidnapper na dumukot sa triplets. Napapalibutan iyon ng nagtatayugang mga talahib. Kung hindi sasadyain na puntahan ang lugar na iyon ay
NAPAHAWAK NA ANG matanda sa kanyang dibdib nang bahagyang manikip iyon dahil sa mga sinabi ni Loraine. Natatanglawan lang sila ng karampot na liwanag mula sa buwan sa bandang dakong iyon ng abandonadong building kung kaya naman medyo malabo ang emosyon na makikita sa mukha nila. Sa mga sandaling iyo
MALAPAD NGUNIT BAKAS na mapakla ang ngiting gumuhit sa mukha ni Loraine nang malinaw na makita ang mga bata na parang nakikipaglaro lang ng taguan sa mga kidnapper nila. Hindi niya pa gaanong maaninag ang mukha nila dahil sa kalayuan pero alam niyang nagsasabi ng totoo si Xandria na hawig ito ng ama
ILANG MINUTONG PINANOOD ng mga kidnapper si Loraine, ngunit maya-maya pa ay sinunod na nila ang utos nito bagama’t mayroong pag-aalinlangan sa kanilang mukha. Lumulan sila ng van at dahan-dahan ng umalis sa harap ng abandonadong building habang inaamoy-amoy ang limpak-limpak na salaping kanilang nak
NAPA-PRENO SI ALYSON at saglit na nanigas ang buong katawan nang mabanaag ang bulto ng kanyang mga anak. Naikuyom na niya ang kanyang mga kamao nang lalo pa niyang isungaw ang mukha at makitang nakasalampak sa lupa ang kanyang mga anak. Bahagyang natatanglawan iyon ng ilaw kung kaya naman malinaw ni
AGAD NA NATUMBA si Loraine nang dahil sa hindi niya napaghandaan ang biglaang pag-atake ni Alyson sa kanya mula sa likuran. Sinakyan agad ni Alyson ang kanyang katawan at inilagay doon ang lahat ng bigat at lakas nang sa ganun ay hindi na siya makatayo kahit na anong pilit niya. Napuno ng galit ang
MAHINA ANG BOSES at lumuluha na tinawagan ni Geoff ang mga magulang upang papuntahin ng hospital. Hindi niya deretsang masabi sa kanila kung ano ang nangyari. Wala siyang lakas para sabihin.“Anong nangyari, Geoffrey?! Sino ang nasa hospital?! Sumagot ka!” “Just come Mom, Dad. Please, just c-come…I
MARAHANG TUMANGO SI Alyson habang tinatanaw na ang pagbaba ng asawa ng kanilang sasakyan. Saksi siya kung paano ni Geoff kontakin at subukin na makausap si Mr. Samaniego upang pag-usapan nila ang tungkol sa kapakanan ni Landon. Noong una ay maayos pa nitong nakakausap ang matandang lalaki, ngunit na
SA NARINIG AY mas nadurog pa ang puso ni Addison. Paano kung hindi nga niya sukuan tapos napagod siya? Hindi pa rin iyon pwede? Lalo na kung makakasama nila ang biyenan na hindi malabong mangyari. Iniisip pa lang niya na gigising siya araw-araw at makikita ang mukha ni Loraine, sa mga sandaling iyon
UMIGTING NA ANG panga ni Landon sa pagsigaw na ginawa ni Addison. Biglang sumeryoso ang kanyang expression na sa pagkakataong iyon ay parang mas hindi na siya kilala ni Addison. Bigla itong naging another version ng kanyang asawa. Naghahamon na ang mga paninitig nito sa kanya. Saktong dumating naman
LUMAKAS PA ANG hagulhol ni Addison habang yakap ang kanyang ina. Sobrang bigat ng dibdib niya na hindi niya alam kung kakayanin niya pa ba. Alam niya sa kanyang sarili na malaki ang ambag niya kung bakit naroon ang asawa at walang malay na nakaratay sa kama ng hospital. In-denial lang ang mga magula
PUNO NG AWANG PINAGMASDAN pa ni Addison ang mukha ng asawang mahimbing pa rin ang tulog. Sigurado siya na kung maririnig lang ni Landon iyon, o malalaman na hindi man lang siya magawang bantayan at dalawin ng ina ay labis na masasaktan ang asawa niya. Ina niya pa rin ito kahit anong mangyari at iyon
MAKAHULUGANG NAGKATINGINAN NA ang mag-asawa. Mula ng magkaroon ng physical na away sina Alyson at Loraine ay hindi na ulit nagtangka pang makipag-usap ang mag-asawa sa babae. Nakikibalita na lang sila ng kung anong nangyayari kay Landon mula sa doctor nitong nag-aalaga sa lalaki. Araw-araw iyon kun
MASAKIT ANG BUO niyang katawan, iyon ang unang rumihistro sa isipan ni Addison nang idilat niya ang mga mata. Bahagya siyang umingit at napangiwi nang dahil sa pananakit na iyon na para siyang ginulpi. Namamaga ang kanyang kamay na kung saan ay may nakapasak na karayom ng kanyang dextrose. May oxyge
MALAYO PA LANG ay iyon na agad ang tanong ng paninita ni Alyson na nagawa ng iduro ang mukha ni Loraine na napaahon naman sa kanyang upuan. Makikita rin sa mukha niya ang pagmamaang-maangan. “Bakit gising na ba ang anak mo at iyon agad ang isinumbong sa’yo, ha?” matapang pang sagot ni Loraine na ha
WALANG EMOSYON NA nilingon lang siya ng mag-asawa ngunit hindi pa rin nila siya nilapitan upang kausapin. Ayaw nilang makipagtalo o pagsimulan iyon ng panibagong gulo an paniguradong mangyayari. Hindi tanga ang mag-asawa para mag-aksaya ng laway. Binawi rin nila agad ang tingin sa kanilang banda. Ip
NAGMANI-OBRA NA ANG sasakyan kung saan nakalulan sina Addison at Landon upang mag-u-turn at baybayin na ang daan patungo ng kanilang condo. Hindi na sila matutuloy pa sa bar na nais puntahan. Naging mabilis ang mga pangyayari na segundo lang ang lumipas at bigla na lang silang sinalpok ng malakas ng