공유

581

작가: Anoushka
last update 최신 업데이트: 2025-05-19 01:40:01

Samantala, sa lumang bahay ng Sabuelgo family…

Sa loob ng den, kitang-kita sa mukha ng matandang si Lady Jessa ang matinding pagkadismaya at pagkagulat.

“Hindi ako naniniwala!” mariin niyang sambit. “Hindi kayang gawin ni Karylle ang ganung klaseng bagay! Hindi siya puwedeng maging ‘Black-Hearted Chrysanthemum’! Imposibleng siya ang gumawa ng kalokohang ‘yon sa Sanbuelgo Group!”

Biglang napangisi si Joseph, at may halong panunumbat ang tingin niya kay Lady Jessa.

“‘Yan ang paborito mong apo? Tingnan mo nga ang pinaggagawa niya. Nilamon ng sistema. Traydor! Hindi marunong tumanaw ng utang na loob!” aniya sa masamang tono. “Pinakain mo ng maayos, minahal mo, pero anong isinukli sa'yo? Tignan mo sa Weibo! Basahin mo mga sinasabi ng tao!”

Lalong dumilim ang mukha ni Lady Jessa. Halos pasigaw niyang sagot, “Kalokohan ‘yan!”

Tumindig ang balikat niya sa galit. “Mabuti ako kay Karylle, at mabuti rin siya sa akin! Kung hindi dahil sa kaniya, baka hanggang ngayon, gapos pa rin ako ng nakaraan
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   689

    Wala pa ring sinabi si Harold. Parang wala siyang balak pansinin si Karylle.Napakunot ang noo ng babae. Parang naisip niya na baka gusto lang talaga siyang ihatid ni Harold pauwi, baka iniisip nito na hindi ligtas ang maglakad mag-isa sa gabi. At kung may mangyari sa kanya, paano na ang lagay ni Lola?Napabuntong-hininga si Karylle at piniling huwag nang magtanong pa.Tahimik ang biyahe nila hanggang sa makarating sila sa bahay ni Karylle. Huminto ang sasakyan, at hindi nagsalita si Karylle. Tahimik lang siyang tumingin kay Harold at saka binuksan ang pinto ng sasakyan.Pero bago pa niya maisara ang pinto, narinig niya ang boses ng lalaki. “Bukas ang gate.”Napahinto ang kamay ni Karylle sa pagsara ng pinto. Napatingin siya kay Harold na para bang hindi agad naunawaan ang sinabi nito.Nakatitig lang si Harold sa kalsada, pero dahil hindi gumagalaw si Karylle, dahan-dahan niyang inikot ang mukha niya at tinapunan ito ng malamig na tingin. “I said, bukas ang gate.”Napakunot lalo ang n

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   688

    Tahimik na tao si Roy sa pangkaraniwan, pero ngayon, parang hindi na siya mapakali sa kinauupuan niya.At si Roy, ni hindi pa rin siya makaget-over sa pagkabigla.“Putng ina! Sino ba talaga siya?!” halos pasigaw na bulalas ni Roy habang pababa sa hagdan. “Sino siya?! Tng ina!” Paulit-ulit niyang minumura sa gulat. Halos laway na lang ang kulang at talagang bumubula na ang bibig niya sa sobrang stress.Hindi niya talaga inakalang ang babaeng dumaan lang sa harapan niya kanina... ay si Poppy pala!"T*ng ina talaga!" napasigaw ulit siya, habang napapakamot sa ulo."Anong nangyari? Paano mo nalaman na siya si Poppy?" tanong ni Dustin, habang pinipilit panatilihing maayos ang tono ng boses niya.Sumagot si Dustin nang direkta, "Siya 'yung unang nakatuklas ng sakit ni Lady Jessa. Inamin niya na siya si Poppy para mailigtas si lola."Tumango si Roy. “Ah, kaya pala…”Pero pagkatapos niyang tumango, napakamot siya ulit sa ulo, halatang hindi pa rin makapaniwala. “Hindi ko talaga ma-absorb! Tao

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   687

    Mahirap ipaliwanag… at may kaunting bigat sa pakiramdam.Bagama’t maayos at tila walang sapilitan sa buong proseso, tanging si Harold lang ang tunay na nakakaalam ng bahagyang ginhawang nararamdaman niya sa loob.Bahagyang gumaan ang loob niya. Bumuti ang kalagayan ng kanyang lola, at kahit papaano, nagkaroon siya ng dagdag na oras. Marami pa siyang kailangang ayusin sa buhay, at ang konting oras na ‘yon ay tila biyaya na para sa kanya.Hindi man siya umaasa ng lubusang paggaling, ang makapagbigay lang ng kaunting oras kay lola ay sapat na para sa kanya. Kontento na siya roon.“Then… gaano katagal ang hihintayin? Kailan ang susunod na hakbang?” tanong ni Roy, halatang may halong pag-aalala sa tono.

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   686

    Hindi agad sumagot si Dustin. Ngunit si Roy ay nakatingin sa kanyang direksyon at napansin niyang may kakaiba. Mabilis siyang tumingin sa kaliwa at doon niya nakita ang isang babae na nakaupo sa isang silya, hindi kalayuan sa kanya.Bahagyang tumango si Karylle bilang pagbati.Naningkit ang mata ni Roy sa gulat at pagtataka. Bakit andito si Karylle?Bumalik ang tingin niya kay Dustin. Halatang may gustong itanong, pero parang hindi niya alam kung paano sisimulan. May mali, nararamdaman niya iyon, pero hindi niya maipaliwanag.Alam na ba ni Karylle ang tungkol sa kondisyon ni Harold? Kung hindi pa, bakit siya nandito?Sa sobrang kaba, hindi na siya nag-isip pa. Tumitig siya kay Dustin at ilang ulit siyang kumindat, malinaw ang mensahe, labas tayo, mag-usap tayo saglit.Ngunit hindi gumalaw si Dustin. Sa halip, mahinahong sinabi, “Hindi pa tiyak ang buong sitwasyon. Kailangan pa nating hintayin ang resulta ng pagsusuri.”Napatingin agad si Roy kay Dustin. Bakit niya sinabi ’yon dito mis

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   685

    Tahimik na inalis ni Bobbie ang tingin niya sa rearview mirror. May halong pagkagulat at pagkalito ang ekspresyon sa mukha niya.Bagaman hindi siya gaanong pamilyar sa buong sitwasyon, unti-unti na niyang nabubuong hulaan. Si Karylle, ang dati'y asawa ni Harold, ay tunay na kahanga-hanga.Sobrang kahanga-hanga, na hanggang ngayon ay tila lutang pa rin siya at hindi makapaniwala.Lalo na nang makita niyang si Dustin mismo ay sumusunod sa bawat sinasabi ni Karylle. Ibig sabihin lang nito, napakataas ng antas ng medisina niya... o baka naman may mas malalim pa siyang pagkatao?Hindi na mapigilan ni Bobbie ang kanyang pagkamausisa.Mayamaya, muling naglakbay ang grupo. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na sila pumupunta sa bahay ng mga pasyente. Sa halip, pinaayos nila ang lahat ng boluntaryo na magkita-kita sa isang lugar para sa pagsusuri.Sampung katao agad ang isinailalim sa pagsusuri.Sa huli, isa lamang ang hindi tumugma sa kailangang kondisyon. Ang siyam pa, pareho ng resulta sa se

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   684

    Naroon lang sa gilid si Harold, tahimik na naghihintay. Ramdam niyang tila pinahihirapan siya ng bawat segundong lumilipas habang wala pang resulta.Kasama sa buong proseso si Karylle, ngunit hindi niya binigyang pansin si Harold. Nakatuon ang atensyon niya sa ginagawa nila para sa pasyente.Pagkatapos ng lahat ng pagsusuri, hindi maitago sa mga mata ni Dustin ang pagkabigla."‘To...!"Napalingon si Damani sa kanya, halatang nag-aalala. “Bakit? Anong meron?”Hindi niya maintindihan kung bakit isang salita lang ang nasabi ni Dustin at biglang natahimik. Kitang-kita sa ekspresyon nito ang pagkagulat, kaya’t naging tensyonado rin ang paligid.Dahil ayaw nilang malaman agad ng matanda ang kondisyon niya, ipinasok muna ito ni Damani sa lounge para makapagpahinga pagkatapos ng pagsusuri. Hindi rin siya halos makahinga habang hinihintay ang sagot ni Dustin.Ngunit imbes na diretsong sumagot, tumingin muna si Dustin sa paligid bago itinuon ang tingin kay Karylle. “Ibig sabihin ba nito...?”Na

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status