Share

Chapter 62

ANG luwang ng ngiti ni Alexis habang nag-iimpake, eksayted siyang makita ang ate Agatha niya na pupuntahan na nila sa Zambales. Isasama daw siya ni Khevin at kahit biglaan itong nag-aya ay natuwa naman silang mag-ina.

"Ang dami kong itatanong kay ate,Sir Khev-" nilingon ni Alexis si Khevin na nakatayo sa pintuan ng silid.

"Alexis, baka naman kung anu-ano pa ang itanong mo ha. . . Iba na ang mundo ng ate mo," Paalala ni Nanay Rosa.

"Nay, itatanong ko lang kung anong nangyari sa kaniya sa loob ng limang-taon? 'Yun lang." Sagot ni Alexis saka nagkibit-balikat.

"Anak, baka nagtatampo sa'tin ang ate mo-"

"Itanong mo na rin kung sino ang Daddy ni Kheanne?" Sabad ni Khevin.

Kapwa napatingin ang mag-ina sa binata na natigilan.

"Sino si Kheanne, Sir Khev?" Kunot-noong tanong ni Alexis.

"Anak ni Agatha,"

"May anak na si Agatha?" Gulat na tanong ni Nanay Rosa.

"May pamangkin na pala ako?!" Natutop ni Alexis ang bibig, natuwa ito sa nalaman. "Inay, may apo ka na!"

Nanubig ang mga mata
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status