THE WIFE HE DISCARDED IS NOW PAMPERED BY THE TYCOON

THE WIFE HE DISCARDED IS NOW PAMPERED BY THE TYCOON

last updateTerakhir Diperbarui : 2026-11-19
Oleh:  Kenpachi ZarakiBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
5Bab
5Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Ibinigay ni Jasmine ang pagmamahal at buhay niya sa asawa ngunit kataksilan lang ang naging kapalit sa kabila ng mga sakripisyo niya. She found about their fake marriage. Nalaman niya ang tungkol sa relasyon nito at ng kapatid niya pero hindi ito ang kabit kundi siya. They played her like it was nothing. Maging ang mga magulang niya ay alam ang tungkol dito pero hindi nila nagawang sabihin sa kaniya. The worst part? They tried to killed her, pero ang siguruhing hindi na siya humihinga pa bago idispatsa—iyon ang pinaka malaking pagkakamali nila. Miraculously, she survived. Mabait pa rin ang Diyos dahil binigyan siya ng pagkakataon para makapaghiganti. And the man who saved her? He was so powerful that he could destroy her scumbag husband with a snap of his fingers. When they met again, he fell to his knees and fear was visible in his eyes. "You died. I saw it with my own eyes. So why are you—" She smiled. "That's your biggest mistake, to let me live." she whispered into his ears while holding the hands of her new husband— Theo Mondragon, the ruthless tycoon who is now obsessed with her. They made her their plaything, but now, she was back to make them beg and regret for what they done to her until she was satisfied.

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1

“Tell me… ang lahat ba ng panahon na magkasama tayo…”

“Ang lahat ng mga pangako mo…”

“Ang lahat ng matatamis na salitang binitawan mo sa akin ay kasinungalingan lang ba lahat?”

Halos magkaroon ng bara ang lalamunan ni Jasmine habang nakatitig sa asawa niya. For three whole years ay naging mabuti siyang asawa. For three whole years ay pinagtiisan niya lahat at sinunod ang lahat ng sinabi nito sa kaniya.

Ipinaramdam din naman nito ang pagmamahal na akala niya totoo at tunay pero hindi naman pala.

Ngayon ay nalaman niya ang totoo. She was never his wife. Their marriage was fake. Her whole life was fake.

Hilam na ang mga mata niya sa luhang nakatingin dito. Ang mga mata nitong dating puno ng pagmamahal na nakatitig sa kaniya, ngayon ay wala pawang poot at pandidiri ang nakapaloob.

Ayaw niyang maniwala, hindi niya gustong paniwalaan ang lahat pero halos sampalin na siya ng katotohanan.

Nahuli niyang may babae ito. Hindi lang basta babae kundi ito ay ang kapatid niya mismo. Ang pinaka worst? Alam ng mga magulang nila ang tungkol sa relasyon ng dalawa pero walang naglakas ng loob na sabihin sa kaniya ang totoo.

Wala sa kanila ang concern sa nararamdaman niya. Nagpakasal sila pero peke pala ang kasal nila at hindi rehistrado. Naniwala siya sa lahat ng kasinungalingan nito, pinaniwala siya nito sa mga bagay na kailanman ay hindi pala totoo.

Maging ang vitamins na binigay nito sa kaniya claiming na makakapagpataas ito ng chance para mabuntis siya but it turns out, it was not a vitamin instead a contraceptive pills.

Kung hindi niya pa nalaman ang totoo, kailan nito iyon balak sabihin sa kaniya? Hanggang kailan nito gustong paglaruan siya?

Sobrang bigat ng dibdib ni Jasmine. Halos mamanhid ang buong katawan niya. Pakiramdam niya ay mga pako at matutulis na kutsilyo ang tumatarak sa dibdib niya sa tuwing hihinga siya.

Why?

Iyon ang nag-iisang tanong sa isip niya. Wala naman siyang ginawang masama, wala naman siyang inagrabyado at higit sa lahat, sinunod niya rin naman ang lahat ng gusto ng sarili niyang pamilya pero sa huli pinagkaisahan pa rin siya ng mga ito.

Wala man lang katiting na pagsisi ang nakapaskil sa mukha nito, kahit katiting lang wala talaga. O kahit guilt man lang sana.

“Tutal alam mo naman na ang totoo, bakit hindi mo na lang tanggapin ang lahat Jasmine?” Tanong nito sa kaniya na puno ng pang-uuyam. Hindi niya akalaing magiging ganito kawalang puso si Brandon sa kaniya.

Hindi niya akalaing magiging ganito kalamig ang asawa niyang ginawa na niyang halos mundo at buhay niya.

Walang tigil ang pagpatak ng kanyang mga luha. Hindi na niya alam kung may lakas pa ba siyang pakinggan ang mga susunod na sasabihin nito.

No. Napailing siya. Kung panaginip lang ang lahat ng ito, sana ay magising na siya. Hindi na niya gusto pang magtagal sa panaginip na iyon.

“Ano pa bang gusto mong sabihin ko?” Narinig na naman niya ang boses nito. “Gusto mo bang sabihin ko sayo na walang araw na hiniling ko na sana ay ikaw na lang si Graciela?” Kasunod nito ay ang pag-ismid.

“Huwag na tayong maglokohan pa rito Jasmine. Maybe this is the time na maghiwalay na tayo at tapusin ang walang kwenta at pekeng relasyon na ito.”

Those words came to her like a knife. He was so ruthless and heartless. Walang kwenta? Walang kwenta lang ba ang tatlong taon na pinagsamahan nila? Walang kwenta lang ba ang lahat ng iyon talaga?

Ganun na lang ba iyon kabilis itapon?

Napahigpit ang kuyom ng dalawang kamay ni Jasmine. Halos manghina na siya dahil sa sakit pero nagawa niya pa ring manatili sa harap nito kahit na durog na durog na siya.

Kung inaakala nitong uupo lang siya pagkatapos niyang malaman ang totoo, nagkakamali ito.

Kung inaakala nitong basta na lang niyang tatanggapin ang lahat, isang kalokohan iyon.

“I can destroy you…” apat na salita ngunit puno ng diin at poot habang nakatingin sa lalaking minsan na niyang minahal ng sobra.

Kitang-kita niya kung paano gumalaw ang mga muscles nito sa mukha at kung paano napuno ng poot ang mga mata nito. Inisang hakbang nito ang distansiya sa pagitan nila at biglang itinaas ang kamay para sakalin siya.

Namilog ang mga mata niya at mabilis na napahawak sa kamay nitong nakahawak sa leeg niya. Hindi siya makahinga at halos maubusan na siya ng hininga. Ang mga mata nito ay namumula sa galit at tila walang balak na tigilan siya. Unti-unti na rin siyang nilalamon ng takot para sa sarili niya.

Nang malapit na siyang maubusan ng hininga ay bigla na lang niyang itinaas ang isa niyang paa at sinipa ang gitnang bahagi ng katawan nito. Lumuwag ang hawak nito sa leeg niya at nagkaroon siya ng pagkakataon na umatras at tumakas.

Ito ang unang pagkakataon na naging bayolente si Brandon sa kaniya. Alam niya sa sarili niyang may darkside ito pero hindi niya naman iyon nakita pa kaya ayos lang sa kaniya. May mangilan-ngilan na siyang naririnig noon patungkol rito ngunit hindi niya pinapansin ang mga iyon dahil masyado siyang bulag sa pagmamahal niya rito pero sa mga oras na iyon ay wala siyang ibang gustong gawin kundi ang tumakas at makalayo.

“Damn it! You wench! Come back here!” Puno ng galit na sigaw ni Brandon sa kaniya ngunit hindi niya ito pinansin at tuloy tuloy na naglakad palabas kahit na nag-uumpisa ng manginig ang mga tuhod niya at nanghihina.

Instinct na niya mismo ang nagsasabi na kailangan niyang makaalis doon dahil kung hindi ay baka…

Napakagat labi siya. Ang mga salitang binitawan niya kanina ay naging dahilan para ma-provoke ito to the point ba halos patayin na siya nito sa sakal.

Mabilis siyang nakalabas ng mataas na gate at nagmamadaling tumakbo. Pero dahil nanginginig ang mga tuhod niya ay bumagsak siya sa daan. Sinubukan niyang muling tumayo pero…

Ayaw gumalaw ng mga paa niya.

“Ano ba!” Nanginginig na ang boses niyang usal habang pauulit-ulit ba pinupukpok ang mga paa niya pero parang namanhid na ito.

Ang kanyang mga mata ay nag-umpisa ng magtubig at bago pa siya makagalaw, bigla na lang may humablot ng buhok niya at wala siyang nagawa kundi ang mapasigaw sa sakit dahil parang hihiwalay na ang anit niya mula sa ulo niya.

“You wench! Sa tingin mo ba ay makakatakas ka sa akin?! Anong karapatan mo para pagbantaan ako huh?!” Dumadagundong ang sigaw nito.

The next thing she knew, she was dumped. Sa gilid ng kalsada habang naghihingalo. She was barely breathing. Ni halos hindi na niya maimulat pa ang kanyang mga mata.

Why?

Ito na ba ang katapusan niya? Ganito na ba talaga kalupit ang mundo para sa kaniya?

If only, if only she has a chance to make him regret what he did to her. If only, she still has time. She will make him fall and beg for her mercy.

If only she had a chance.

If only…

Her senses slowly fading away. Is this where she dies?

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Tidak ada komentar
5 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status