Rafael's Contracted Wife

Rafael's Contracted Wife

last updateLast Updated : 2026-11-19
By:  LancelotUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
2views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Nakakulong si Mia sa isang malamig na kasal kay Rafael, na pinakasalan lamang siya para sa mana. Sa harap ng ibang tao, siya ang asawa; ngunit sa loob ng mansyon, itinuturing siyang katulong na nagluluto, naglilinis, at naghuhugas‑pinggan habang hindi nakakaramdam ng kahit anong pagpapahalaga o pagmamahal. Ang buong mundo niya ay pagod at pambabalewala, hanggang sa dumating si Dante — ang makapangyarihang tiyuhin ni Rafael na matagal nang nasa ibang bansa. Si Dante ang unang nakapansin sa kanyang mga sugat, pagod, at halaga na hindi nakita ng kanyang asawa. Nagsimula ang bawal na ugnayan nang mag-alok ito ng suporta at pagmamahal na matagal na niyang hinahangad. Naging sandigan niya ito, ipinagtatanggol siya laban kay Rafael, at hayagang inamin na siya ang magmamahal kay Mia kung hindi kayang gawin ito ng kanyang asawa. Nang mahuli ni Rafael ang kanilang nararamdaman, sumabog ang malaking eskandalo. Tumayo si Dante laban sa buong pamilya at lipunan, na idineklara na sa kanya si Mia. Ngunit kailangang harapin nina Mia at Dante ang galit ni Rafael, husga ng lipunan, at ang kasunduang nagtatali kay Mia sa kanyang asawa. Kailangang magpasya ni Mia kung may lakas siyang piliin ang pagmamahal na nagparamdam sa kanyang halaga — kahit na mawala ang lahat.

View More

Chapter 1

Chapter 1

Mia's Pov

Alas-tres na ng madaling-araw.

Tahimik ang buong mansion ng mga Montemayor, pero gising pa rin si Mia. Nakaupo siya sa sahig ng kusina, ang mga kamay niya ay nakababad sa malamig na tubig na may sabon. Sa harap niya, isang bundok ng pinggan. Mga pinggan mula sa party ni Rafael kanina.

Party na hindi siya inimbitahan. Party sa sarili niyang bahay.

Pinunasan niya ang pawis sa noo niya gamit ang likod ng kamay niya. Masakit na ang likod niya. Kanina pang alas-singko ng umaga siyang gising. Nagluto siya ng almusal, naglinis ng buong bahay, naglaba ng mga damit ni Rafael, namalengke, nagluto ulit ng tanghalian, naglinis ulit, at ngayon, naghuhugas pa rin.

Ito ang buhay niya simula nang pumirma siya sa kontrata.

Isang taon na ang nakalipas.

Isang taon na siyang Mrs. Montemayor sa papel. Pero sa loob ng bahay na ito, isa lang siyang utusan.

Naalala pa niya ang araw na pinirmahan niya ang kontrata. Umiiyak ang nanay niya sa ospital. Kailangan ng operasyon, dalawang milyon. Wala silang pera. Walang tutulong. Hanggang sa dumating ang alok ni Rafael.

“Pakasalan mo ako. Isang taon lang. Magpanggap tayo. Sa kapalit, babayaran ko ang operasyon ng nanay mo, at bibigyan kita ng limang milyon pag natapos ang kontrata.”

Walang pagmamahal. Walang pangako. Puro negosyo lang.

Pumayag siya. Ano pa bang magagawa niya?

Pero hindi sinabi ni Rafael na pati kaluluwa niya ay kasama sa kontrata.

“Bilisan mo diyan! Gusto ko pag gising ko bukas, malinis na lahat!”

Yun ang huling sinabi ni Rafael bago ito umalis kanina kasama ang babae nito. Si Celestine. Ang tunay na mahal nito. Ang babaeng hindi niya mapakasalan dahil kailangan ng pamilya nila ng “malinis” na asawa para sa media.

At si Mia ang malinis na asawa. Ang panakip-butas. Ang dekorasyon.

Napatingin si Mia sa singsing niya. Isang malaking diyamante. Kumikinang sa ilalim ng ilaw ng kusina. Maganda. Mahal. Pero mabigat. Parang posas.

Nanginginig ang kamay niya. Hindi dahil sa lamig, kundi sa pagod at gutom. Hindi pa siya kumakain. Ang natira niyang pagkain kanina ay binigay niya sa mga kasambahay na mas naawa pa sa kanya. Siya ang amo, pero siya ang hindi kumakain.

“Bakit ako pa?” bulong niya sa sarili niya, habang pinipigilan ang pag-iyak.

Hindi siya pwedeng umiyak. Kapag narinig siya ni Manang Rosa, mag-aalala lang ito. Kapag nalaman ni Rafael na umiyak siya, pagtatawanan lang siya nito.

“Mia? Umiiyak ka ba?”

Napapitlag siya.

Hindi siya sanay na may tumatawag sa pangalan niya ng malumanay. Si Rafael, kapag tinatawag siya, “Hoy!” o “Katulong!” lang. Si Manang Rosa, “Ma’am” ang tawag. Pero ito… iba.

Dahan-dahan siyang lumingon.

Nakatayo sa p***o ng kusina ang isang lalaki. Matangkad. Naka-black suit pa rin kahit madaling-araw na. Malapad ang balikat, matalim ang panga, at ang mga mata… ang mga mata nito ay hindi malamig tulad ni Rafael. Mainit. Nag-aalala.

Hindi niya ito kilala. Pero kamukha nito si Rafael. Mas matanda lang ng konti. Mas may dating. Mas nakakatakot.

“S-sino po kayo?” tanong ni Mia, dali-dali niyang pinunasan ang luha niya at tumayo. Nanginginig ang tuhod niya.

Hindi sumagot ang lalaki. Sa halip, lumapit ito. Tiningnan nito ang mga kamay niyang namumula na sa kakakuskos. Tiningnan nito ang bundok ng pinggan. Tiningnan nito ang pawis at luha niya.

At pagkatapos, ginawa nito ang isang bagay na walang gumawa sa kanya sa loob ng isang taon.

Inabot nito ang tuwalya at marahang pinunasan ang kamay niya.

“Tama na,” sabi nito. Malalim ang boses. Mababa. Pero parang may nag-init sa dibdib ni Mia. “Ako na.”

“H-hindi po! Ako po ang —”

“Hindi ka katulong dito,” putol ng lalaki. “Asawa ka ni Rafael. Bakit ikaw ang naghuhugas ng alas-tres ng madaling-araw?”

Hindi nakasagot si Mia. Paano niya sasabihin na ito ang patakaran ni Rafael? Na bawal siyang matulog hangga’t hindi malinis ang bahay? Na kapag may isang pinggan na madumi, hindi siya kakain bukas?

Yumuko lang siya.

“Ako si Dante,” pakilala ng lalaki. “Tiyuhin ni Rafael. Kadarating ko lang galing Spain. At ikaw… ikaw si Mia, hindi ba?”

Tumango si Mia.

“Dante…” ulit niya. Parang natatakot siyang banggitin ang pangalan nito. “Pasensya na po. Hindi ko po alam na darating kayo. Wala po akong nailuto—”

“Hindi ako nandito para pakainin mo,” sabi ni Dante. Umupo ito sa tapat niya. Hindi sa upuan ng amo. Sa sahig. Sa tabi niya. “Umupo ka. Kumain ka na ba?”

Umiling si Mia.

Tahimik na tumayo si Dante, binuksan ang ref, at kumuha ng kanin at ulam na natira. Ininit niya ito. Inilagay niya sa plato. At inilapag niya sa harap ni Mia.

"Kain,” utos nito. Pero hindi ito utos na tulad ni Rafael. Ito ay utos na may pag-aalaga.

Manginginig na kumuha ng kutsara si Mia. Isang subo pa lang, bumagsak na ang luha niya. Ang init ng pagkain. Ang sarap. Isang taon na siyang kumakain ng malamig na tira-tira, mag-isa, nakatayo sa kusina. Ngayon, may nag-asikaso sa kanya.

“Bakit ka umiiyak?” tanong ni Dante.

Hindi sumagot si Mia. Pero si Dante, hindi siya pinilit. Hinayaan lang siya nitong umiyak. At habang umiiyak siya, napansin ni Dante ang pasa sa braso niya. Ang sugat sa daliri niya. Ang punit sa laylayan ng damit niya.

Biglang tumigas ang panga ni Dante.

"Sino ang gumawa nito sa’yo?”

“W-wala po. Ako lang po. Nadulas lang po ako kanina—”

“Huwag kang magsinungaling sa akin, Mia.”

Tiningnan siya ni Dante. Diretso sa mata. At sa unang pagkakataon sa loob ng isang taon, may nakakita sa kanya. Hindi sa singsing niya. Hindi sa apelyido niya. Kundi sa kanya.

“Pagod ka na ba?” tanong ni Dante, mahina at doon na tuluyang gumuho si Mia.

Tumango siya habang humahagulgol. “Pagod na pagod na po ako. Gusto ko na pong umuwi gusto ko na pong matapos na ito, pero hindi ko po magawa may kontrata po kami. Kapag umalis ako, babawiin niya ang pera mamamatay ang nanay ko.”

Hindi nagsalita si Dante. Pero hinawakan nito ang kamay niya na mainit. Parang sinasabi na, pakiramdam ko comfortable ako pag kasama ko sya

At sa gabing iyon, habang tulog ang buong mundo, may isang lalaking hindi siya tinuring na utusan. May isang lalaking tumingin sa kanya na parang siya ang pinakamahalagang tao sa bahay na iyon.

To be continue

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status