Bernard POV
Napakaganda.
Iyon ang unang salita na naisip ko nang tumanaw ako sa ibaba ng school ground. Tinuturo nina Gary at Arnel ang dalawang babae na nakaupo roon. Napakunot pa ang noo ko nang makilala ang isa sa mga iyon. Ang babaeng binigyan ko ng panyo kanina. Pero, hindi sa kaniya natuon ang atensyon ko kundi sa kasama nito. Laura. Katulad nito ay napakaganda din ng pangalan nito.
"Bernard, bakit mo ako hihiwalayan?"
Binalingan ko kaagad si Lani, ang pinakabago kong nobya. Nakahiga ito sa kama habang nakabalot ng kumot ang hubad na katawan nito. Kakatapos lang naming magpalabas ng init sa katawan nang sabihin ko dito ang talagang gusto ko.
"Hindi nga kita, mahal! Pasensya ka na. Alam mo naman na hindi ako seryoso sa'yo, di ba?!" may halong inis na sagot ko sa tanong nito.
Napaiyak ito sa sinabi ko. Nakita ko pa ang pag-alog ng balikat nito habang impit na umiiyak.
Laura POV San Vicente mourns for Guerrero's death Mayor Bernard Guerrero died in a car crash Hinaplos ko ang mga kataga na nakasulat sa isang lumang diyaryo. Pagkatapos ng ilang sandali ay napabuntong-hininga ako. Isinandal ko rin ang aking likuran sa kahoy na upuan habang tahimik na pinagmamasdan ang karagatan. Napakalawak nito at tila ba napakapayapa. Ang asul na tubig na humahalik sa mapusyaw na kalangitan ay napakagandang pagmasdan. Ang liwanag na nagmumula sa araw na tila nagdudulot ng bagong pag-asa sa sinuman ay nakakabighani kong titingnan. Tila ito isang obra na sadyang nilikha para sa nais makahanap ng katiwasayan. "Ano pong nangyari sa prinsipe? Nasaan na po, siya?" Isang maliit na boses ang umagaw sa aking nagliliwaliw na isip. Itinagilid ko ang aking ulo at tiningnan ito sa aking tabi. Naglalaro ito ng buhangin habang ang mga malilit na
"Pero alam mo Mare. . . once a cheater always a cheater. Kaya iyong asawa kong si Dindo, buti na lang iniwan ko na. Tingnan mo naman ako ngayon, looking young and healthy. Hindi tulad noon na mukha akong basahan."Napatango na lamang ako sa tuloy-tuloy na pagsasalita ng aking kaibigang si Olive. Magkaibigan na kami mula pa hayskul kaya sanay na ako sa ugali nito. Masyado itong prangka at matalim ang dila. Walang preno ang bibig nito kahit na nakakasakit na iyon ng damdamin.Pinagmasdan ko ng mabuti ang kaibigan. Gumanda nga ito ngayon at naging makurba ang katawan. Wala na ring mababakas na maitim na linya sa ilalim ng mga mata nito.Natatandaan ko pa kung paano ito pumal
"Oh! bakit ganiyan ang hitsura mo?" tanong ko sa kapatid habang pinagmamasdan ang kaniyang kabuuan. May mantsa sa T-shirt nito at may gusot sa dulo. Habang medyo magulo naman ang buhok na hinayaan lang nitong nakalugay."Naglaro tayo sa P.E di ba? Alangan namang hindi ako madumihan. Saka, ang hirap maging malinis kung takbo ka nang takbo," sagot naman nito sa akin. Alam kong nagsisinungaling siya dahil hindi ito makatingin sa akin ng diretso.Napailing ako sa kaniyang sinabi kapagkuwan. Alam ko kasing hindi naman siya nadumihan sa P.E kundi sa pakikipag-away kanina. Nakita ko sila ni Laila at alam ko ang ginawa nito sa aking kapatid.Naikuyom ko kaagad ang aking kamao. May araw rin sa akin ang babaeng 'yon. Lalo lang niyang di
Nilisan ko ang hotel nang may mabigat na dibdib. Pinilit ko rin ang aking sarili na lumayo mula roon. Napakasakit pala. Nanunuot sa aking puso ang bawat eksenang aking nakita. Hindi ko matanggap ngunit wala akong lakas ng loob na sugurin sila.Akala ko noon sa mga pelikula lang nangyayari ang mga bagay na imposible. Ngunit ngayon, napagtanto kong maging sa totoong buhay ay posible pala 'yon."Ma'am saan po kayo?" tanong sa akin ng isang tricycle driver. Tiningnan ko ito at napagtantong sadya niya akong hinintuan. Napangiti ako nang mapait. Pinalis ko rin ang namumuong mga luha sa aking mga mata."Sa San Vicente Cathedral po," sagot ko. Kailangan ko munang mag-isip. Kailangan kong mapag-isa. Kailangan kong ilabas ang lahat ng kirot sa puso ko bago ako umuwi. Bago
Ang pinakapayapang lugar para sa akin sa aming paaralan ay ang rooftop ng eskwelahan. Dali-dali akong umakyat sa hagdanan at napangiti nang nasa bungad na ako ng pintuan.Agad kong binuksan iyon at bumungad kaagad sa akin ang maaliwalas na kalangitan na may magandang panahon. Mas lalong lumawak ang aking pagkakangiti. Sigurado akong magiging maganda ang aking magiging siesta.Umupo ako sa nakasanayan kong pwesto at bahagyang iniunat ang aking katawan. Humikab ako at itinaas ang aking mga kamay para sa mas komportableng pagtulog. Ngunit, pipikit na lamang ako nang may marinig akong mahinang pagkanta.Agad-agad kong inilibot ang aking paningin. Hindi pa ako nakontento at tumayo ako para tingnan kung sino ang kumakanta. Nilibot ko ang
Napakaaga kong nagising kahit na panay ang tahimik kong paghikbi kagabi. Siniguro kong nailabas ko na ang lahat ng pait na nararamdaman ko sa aking dibdib at pati ang aking mga agam-agam. Naisip kong sumuko at iwanan na lamang si Bernard ngunit hindi maaari. Ako ang asawa. Ako ang mas may karapatan dahil kasal kami. Ang kabit ang siyang dapat lumugar at hindi ako.Sinulyapan ko muna si Bernard na mahimping pa rin na natutulog sa aking tabi bago ako tumuloy sa banyo. Mabilis akong naligo at nagbihis ng pambahay. Nang matapos ako ay dumiretso kaagad ako sa kusina. Naabutan ko pa si Nene na nagkakape sa dining table."Maayong buntag Ma'am," (Magandang umaga, Ma'am,) bati nito sa akin.
Pagkatapos nilang umalis ay naisipan kong tawagan si Olive. Alam kong siya lang ang tanging makakaintindi sa aking nararamdaman. Mabilis akong naupo sa pinakamalapit na sofa sa aming malawak na sala. Hinintay kong sagutin ni Olive ang aking tawag at hindi nga ako nagkamali. Pagkatapos ng ilang ring ay sinagot na niya iyon."Hello?" tanong kaagad nito sa akin.Napangiti ako ng bahagya na para bang nakikita ako ni Olive. Naisip ko rin kung katulad ba ng nararamdaman niya noon ang nararamdaman ko ngayon. Kasi kung tutuusin pareho kaming niloko."Olive," umpisa ko."Ano ba 'yon? Hoy! bruha ka, huwag mo akong pinapakaba. Spill the beans, dali!" apuradong sabi nito.
"Bakit ba ang kulit mo, Laura? Hindi nga ako makakadalo. Busy ako," bungad kaagad sa akin ni Lara sa kabilang linya."Gusto ko lang namang samahan mo akong tumanggap ng aking parangal, Lara." sagot ko naman pagkatapos ng isang buntonghininga."Alam mo, kahit naman wala ako do'n, pwedeng-pwede mo pa ring tanggapin ang tropiyo mo." mariing sabi nito. Narinig ko pang may kung anong kakaibang tunog sa background ng aking kapatid."Pero, Lara.." pagtutol ko."Ang ayaw ko sa lahat Laura, 'yong makulit. Si Bernard ang imbitahin mo, hindi ako." galit na sabi nito.Napailing ako kapagkuwan. Mukhang w