Just when Elaine's husband, Tan De Marco, needed her most, she left him. Tangay ang limang milyong pisong hiningi niya bilang kabayaran sa "panahong nasayang kasama ito." After three years, Tan had moved on with his life and became a successful surgeon. Nalagay sa problema ang DM Textile-ang kompanyang pinalago ng Lolo Daniel ni Tan noong nabubuhay pa ito. The only way to save the company was to remarry his heartless ex-wife na hindi na uli nagpakita. Pero para kay Tan, mas gugustuhin pa niyang gumapang sa hirap kaysa maikasal uli sa dating asawa. Upon knowing about Daniel De Marco's will, Elaine reappeared and approached Tan again. Nagawan niya ng paraan para maikasal uli kay Tan sa kabila ng kaalamang wala nang pagmamahal para sa kanya ang lalaki. Elaine tried to do everything to win Tan's heart back. But her efforts were in vain. Until she met SPO3 Marco Figueroa who kept on saving her. Tan would be battling not only with the handsome cop but also with Elaine's painful past. May happy ever after ba sa dulo ng daan kung malalaman ni Tan ang totoong dahilan kung bakit niya ito iniwan tatlong taon na ang nakakaraan?
View MoreJULY 2012
BACLARAN, MANILA
Malakas ang buhos ng ulan pero walang pagmamadali sa mga hakbang ni Elaine. Habang kumakaripas ng takbo at nagkukumahog ang iba para sumilong, siya, kalmadong naglalakad papunta sa Baclaran Church. Sukbit niya ang itim na backpack sa kanyang likuran.
Huminto siya ilang kanto bago ang simbahan. She was already soaking wet. Tiningala niya ang langit, hinayaang mapatakan ng ulan ang kanyang mukha. Base sa madilim na kalangitan, she could tell that the rain would not stop anytime soon.
Nakikiramay ba ang langit sa nararamdaman niya or was it trying to mock her kagaya ng mga nakapaligid sa kanya?
It must be the latter.
Nagpatuloy si Elaine sa paglalakad.
She was an illegitimate child. Lumaki siyang walang ama. Ang tanging nagisnan lang niya ay si Bettina, ang kanyang ina. Bettina owned a small pub house in Parañaque. She would beat the hell out of her tuwing umuuwing lasing. Bettina would cry hysterically, blaming her and the father she didn’t even meet why her life was a mess.
Kagaya ngayon, putok ang gilid ng mga labi ni Elaine nang hampasin siya nito ng bag sa mukha matapos niyang sagutin nang pabalang. As a child, para siyang hinihiwa nang paulit-ulit sa bawat masasakit na sampal at salita. Hindi lang galing sa sariling ina kundi maging sa mga kapitbahay nilang mapanghusga.
Napakaraming hula tungkol sa pinagmulan niya. Kesyo malandi raw ang nanay niya kaya nabuntis nang maaga. Na kabit ito ng isang politiko kaya walang maipakilalang tatay sa kanya.
Few years ago, every single day, ipinagdarasal ni Elaine na sana mahanap na niya ang ama at kunin na siya sa miserableng mundo ng kanyang ina. Sinubukan niya pati ang paglalakad nang nakaluhod papunta sa altar. Hindi lang sa Baclaran Church, she went all the way to Quiapo Church at kung saan-saan pa. But her wish remained vague.
She was seventeen now. Fearless, and ungracious. Ang dating mga luha dahil nasasaktan, nagsimulang maging ngisi ng walang pakialam. Ang batang babae na noong una ay tahimik na nagse-self-pity sa tabi, nag-umpisang matutong sumagot, lumaban, at tubuan ng matatalas na pangil at sungay.
She would want it to be like that. Mas bagay sa imahe niya. At her age, handa na si Elaine na malaman kahit ano ba ang pinagmulan ng lalaking nakipaglandian sa nanay niya para mabuo siya at ibanduna pagkatapos. She wanted to meet him. Marinig mula sa bibig nito kung bakit hindi siya ipinahanap. Kung bakit sa loob ng napakahabang panahon, hindi man lang ito tinubuan ng bayag.
Lumiko si Elaine sa sumunod na kanto. Sa likod ng Baclaran Church nakapuwesto ang pipitsuging bistro bar ni Mang Chito. Doon siya papunta. Maraming beses na siyang nakapunta sa bistro bar ng matandang lalaki. Ang lugar ang takbuhan niya tuwing naglalayas at nasaktan siya ni Bettina.
Dating manghuhula si Mang Chito. Fake na manghuhula. Nakilala niya ito noong katorse siya. Madalas siya nitong nakikitang nakatambay sa labas ng Baclaran Church, inaabutan siya ng tinapay at makakain at nakikipagkuwentuhan habang nakkikipaglaro sa kanya ng chess sa daan.
Alas-sais na ng gabi pero mukhang hindi busy ang bar, napansin ni Elaine pagpasok na pagpasok niya. Wala siyang customer na nakikita sa loob, maliban sa isang matangkad na lalaking nakatayo patalikod sa kanya. Kausap nito ang waitress na si Drew, kaibigan niya.
Sinenyasan ni Elaine si Drew na dederetso siya sa maliit na kuwarto sa dulo ng bistro nang mapasulyap ito sa kanya. Mabilis siyang tinanguan ng beinte-singko anyos na babae.
May ilang damit siya roon na nakatago. Karamihan ay bili ni Mang Chito tutal madalas naman daw siyang bumibisita. Nang makakuha ng isusuot, mabilis siyang nagbihis at lumabas uli.
Dumeretso si Elaine sa malaking glass door beer cooler. Kumuha ng isang bote bago pumunta sa bar counter. Naupo siya sa stool habang hinihintay na lapitan siya ni Macon, ang bartender.
“Napa’no na naman ‘yang mukha mo?” tanong ni Drew nang lapitan siya.
“Nasaan si Mang Chito?”
“Pangatlo ka nang naghanap kay Boss ngayong araw," buntong hininga nito.
Kumunot ang noo niya. “Sino ‘yong dalawang nauna? Five-six?”
“Si Jemuel ‘yong isa, oo, kaninang umaga pa. ‘Yong isa pa, hayun, o. Si Mr. Tall and Yummy.” Inginuso nito ang tinutukoy.
Ang lalaking kausap ni Drew kaninang pagpasok niya. Inookupa nito ang upuan malapit sa may entrada. Dahil madilim, hindi niya gaanong makita ang hitsura ng lalaki. Debt collector din kaya ito kagaya ni Jemuel? Ang huli ang kanang kamay ng loan shark na pinagkakautangan ni Mang Chito. Wala namang madalas ja bumibisita sa matandang lalaki kundi ang mga ito.
“Kulang pa ba ang panghulog ni Mang Chito?” tanong ni Elaine, ang tinutukoy ay ang pambayad nito sa loan shark.
“Ilang buwan nang matumal ang bistro. Sa renta pa lang, lubog na lubog na tayo. Ang alam ko, apat na buwan na kaming delay sa upa. At anim na buwan nang hindi nakakapagbayad sa five-six.”
Dinala ni Elaine ang bote ng beer sa kanyang bibig. Bahagya pa siyang napangiwi nang maramdamang mahapdi pa ang gilid ng kanyang mga labi.
Nakakadalawang bote na siya ng beer at bahagya nang namamanhid ang pakiramdam nang bumukas ang pinto ng bistro at pumasok sa loob ang bulto ng dalawang tao.
Si Jemuel at ang isa pang tauhan nito. Lumapit ang dalawa sa counter, pasitsit na tinawag si Macon. Bahagyang sinulyapan ni Elaine ang huli. Wala pa man, alam niyang kinakabahan na ang lalaki.
“Wala pa rin si Mang Chito?”
“W-wala pa, Boss, eh.”
“Ano, tinimbrehan n’yo na nagpunta kami, ‘no?”
Mabilis na umiling si Macon. “H-hindi, Boss.”
Hinubad ni Jemuel ang suot na sombrero, walang babalang hinampas iyon sa mukha ng nabiglang si Macon. Hindi pa nakontento, kinuwelyuhan pa si Macon.
Huminga si Elaine nang malalim. Mabilis niyang tinungga ang laman ng beer, straight. Kung mayroon man siyang hindi matiis, iyon iyong makakita ng isang taong ginugulpi o binu-bully. Alam niya kung gaano kasakit sa pakiramdam ang sinasaktan nang walang kalaban-laban.
“Sabihin mo sa amo mo, kapag hindi pa siya nakabayad sa utang niya bago magkatapusan, ipapasunog ko itong bar ninyo. Naiintindihan mo ba?” sabi ni Jemuel, tinampal-tampal pa ang pisngi ng bartender.
“Mahiya ka naman,” angil ni Elaine, sa bote ng beer nakatuon ang tingin.
Lumipad ang mga mata ni Jemuel sa kanya. Kahit hindi niya tingnan, alam niyang sardonic ang ngisi nito nang padarag na pinakawalan si Macon para lapitan siya. “Hoy, ‘neng. Usapang matanda ito kaya huwag kang makialam kung ayaw mong madamay sa init ng ulo ko.”
She scoffed. Nilingon niya ito sa wakas. “Nakikita ko kung gaano ka na katanda. Kumukulubot ka na at lahat, manunuba ka pa rin.”
“Aba’t! Bastos ‘to, ah! Kung hindi ka nadisiplina ng mga magulang mo, baka itong palad ko ang dumisiplina sa ‘yo!” Itinaas pa ni Jemuel ang kamay, inambaan siya ng sampal.
Tumaas ang isang sulok ng bibig ni Elaine para sa isang sarkastikong ngisi. Nagkamot siya ng kilay, bumulong. “Ano ba’ng meron sa pisngi ko at lahat na lang kayo, nangangating sampalin ako?”
Kumunot ang noo ni Jemuel. “Ano? May sinabi ka? Minura mo ba ‘ko, ha?”
Tumayo siya mula sa kinauupuan. Isinuksok niya ang kamay sa bulsa ng suot na maluwang na boyfriend jeans, saka tiningnan ang lalaki mula ulo hanggang paa. “Hindi ka lang matandang manunuba, bingi ka pa.”
“Gago ‘to, ah!”
“B-Boss, papunta na si Mang Chito…” Si Drew na namumutlang napasugod. Pumagitna ito sa kanila ni Jemuel pero dahil triggered, itinulak lang ng lalaki ang waitress. Sumubsob si Drew sa counter.
Tumalim ang tingin ni Elaine. Kinuwelyuhan siya ni Jemuel, namumula ang mga mata nito sa galit pero hindi nabahiran ng kaunting takot ang kanyang mukha.
Kahit nang itaas ni Jemuel ang kamay para sampalin siya, she didn’t even flinch.
Pero walang dumapong makalyong kamay sa kanyang pisngi.
“Tama na ‘yan, Boss. Bata lang, huwag mo nang patulan.”
Itinirik niya ang mga mata. Bata? Lumingon siya para tingnan ang naglakas-loob na makialam.
Ang matangkad na lalaking nakasuot ng button-down sports shirt na kausap ni Drew kanina.
Padarag na binawi ni Jemuel ang kamay sa lalaki. “Ang daming pakialamero at pakialamera sa bar na ‘to, ha?! Hoy, huwag kang makialam dito kung ayaw mong—”
Bago pa matapos ni Jemuel ang sasabihin, nadampot na ni Elaine ang walang lamang bote ng iniinom niyang beer at mabilis pa sa alas-kuwartong naipukol iyon sa ulo nito.
Bumagsak sa sahig si Jemuel. Knocked out.
Napatili si Drew.
Hindi makapaniwalang napatitig sa kanya ang pakialamerong lalaki.
One and a half year laterKakaligo lang ni Tan, bagaman nakabihis na ng pantulog, nakapatong pa sa ulo niya ang tuwalyang ginamit na pantuyo sa kanyang buhok nang lumabas siya ng banyo. Tinapunan niya ng sulyap ang orasan. Alas-otso ng gabi. He went home on time as usual. Nadatnan niyang nakikipaglaro si Elaine sa kambal nina Sean and Thera kanina. They ate dinner together kasama ang mag-asawa.Matapos kumain, nag-umpisang mag tantrums si Jassy Mikaela pero agad nanahimik nang kargahin at aliwin ni Elaine. They decided to bring her to their room habang si Lucah Gabrielle ay sa guest room dinala nina Thera at Sean para patulugin. It was the second time Sean’s family visited them at magpapaumaga doon.May importanteng meeting si Sean at hindi nito gustong iwan ang mag-anak sa villa. Hanggang ngayon, binabawi pa rin ng dalawa ang mga panahong nasayang na hindi magkasama. Tan was genuinely happy for them.
Two HeartsNilinga ni Tan si Elaine na humihingal na itinukod ang kamay sa katawan ng nakatayong puno na nalampasan niya kanina. Ngumiti siya nang mapasulyap ito sa kanya. Kumaway ito at sinenyasan siyang mauna na. Pero sa halip na sundin ang utos ni Elaine, binalikan niya ito. Kinuha niya sa side pocket ng bag niya ang baon na insulated water bottle, binuksan iyon at iniabot dito. Kinuha niya ang backpack sa likod nito. Gustong magprotesta ni Elaine pero wala itong lakas na gawin iyon. Alam niyang hindi iyon mabigat dahil siniguro niyang first aid kit, one hundred ml mineral water at ilang crackers lang ang laman ng bag bago sila mag-umpisang umakyat kanina.Tan hired a guide and porter to carry their bags and tents for them. Maraming dala si Elaine. Mula sa ready-to-eat food hanggang sa mga gagamitin sa pagtulog. Habang siya, survival kit at first aid kit lang ang dala bukod sa damit na sakto lang sa dalaw
Handcuffed(Continuation of Chapter Thirty-three)Hindi hinihiwalayan ng tingin ni Tan si Marco mula nang lumapit ito sa bar counter para um-order ng alak at kahit hanggang noong lumapit ito sa pandalawahang mesa na inookupa niya. Bumuntong-hininga siya nang mag-umpisa na ang pulis na magsalin ng alak sa dalawang basong isinilbi ng waiter slash bartender kanina.Gusto niyang tanggihan ang alok ng lalaki na sumakay sa kotse nito pero bukod sa naiwan niya ang sasakyan sa mansiyon ng mga Crisostomo nang damputin siya ng mga pulis kanina, gusto rin niyang marinig direkta sa bibig ng pulis kung ano ang totoong intensiyon nito sa pakikipaglapit sa kanyang asawa.Nasa The Hub sila, si Marco ang pumili ng lugar na pinagtakhan niya. Pandalawahan at nasa sulok ang mesang inokupa nilanang makapasok. It was Tuesday at halos walang tao sa loob ng bar.“I’m treating you
Ramdam ni Elaine ang bahagyang paninikip ng dibdib habang magkahinang pa rin ang mga mata nila ni Marco. She didn’t want to lose a friend pero ayaw niyang paulit-ulit itong masaktan dahil sa kanya. Ang pag-aalala at takot na nahimigan niya sa boses nito kanina, alam niyang hindi pag-aalala ng isang lalaki sa isang kaibigan lang. Hindi siya tanga para hindi iyon maramdaman. At hindi siya selfish para patuloy itong paasahin at saktan. Marco was a good person. He deserved someone who would love him wholeheartedly.Elaine swallowed the imaginary lump in her throat nang bahagyang ngumiti at tuluyang magbuka ng bibig si Marco.“Kapag nakikita kitang malungkot, kapag alam kong mabigat ang dala-dala mo, kapag umiiyak at nasasaktan ka pero pilit mong itinatago… Kapag tumatawa ka at alam kong hindi iyon totoo kundi pakitang tao lang… iyon ‘yong mga pagkakataong gustong-gusto kong agawin ka sa asawa mo. Pero sa bawat mga pagkakataong iyon, para ako
But the broken smile started to change into a mischievous grin. Kasabay ng sinadyang pagtigas ng ekspresyon sa mukha, dumukwang nang bahagya si Elaine para pagpantayin ang mukha nila ni Mrs. Crisostomo.“Bakit ho hindi? Kung sasamahan at bibisitahin ninyo ako araw-araw uli?” anas niya, sa mahinang boses pero alam niyang sapat para marinig nito.Suminghap si Mrs. Crisostomo. She went literally still na pakiramdam niya, iingit ang leeg nito kung babaling sa kanya.Tumuwid si Elaine sa pagkakatayo. Guilt crept into her heart nang makita ang bahagya nitong panginginig. But Mrs. Crisostomo needed to taste a doze of her own medicine.Mental health problem was not a character failure kagaya ng gusto nitong ipahiwatig. Sandra kept telling her that at ilang beses din niya iyong sinubukang ipasok sa isip. She was glad she was able to voice it out now, hindi kagaya dati na takot siyang aminin ang sakit kahit sa sarili.Perhaps she was a little dif
Nagising si Elaine dahil sa tumatagos na sinag ng araw sa kuwarto ni Tan. Namilog ang mga mata niya nang ma-realize kung anong oras na. It was past nine in the morning, said the clock that was hanging on Tan’s bedroom wall.Ang orihinal na plano ay maaga siyang gigising para ipaghanda si Tan ng almusal. Pero ang akmang pagbangon, nahinto nang maramdaman ang malaking kamay ni Tan na nakayapos hanggang sa kanyang balikat.Tiningala niya si Tan na natutulog pa rin. She took few deep breaths to calm the beating of her heart. This was her favorite sleeping position. Nakaunan siya sa dibdib ni Tan at malinaw na naririnig ang tibok ng puso nito.Sa loob ng mahabang panahon, kagabi lang uli siya totoong nakaramdam ng kapayapaan, ng seguridad, ng pagmamahal. She fell asleep fast and slept easy on his arms. Pagkatapos ng mga bangungot na dumaan at sumubok nang husto sa buhay nila ni Tan, pakiramdam niya ay kagabi lang siya nagising nang tuluyan.Maingat, kuma
Pinakatitigan ni Elaine ang repleksiyon sa salamin. She was glowing, hindi halatang kabado at nag-aalala habang ipinaparada ang kotse sa loob ng bahay na inuupahan nila. Puwede niyang tawagan si Tan para sabihing uuwi siya pero mas pinili niyang maghintay na lang doon.Marami siyang kailangang sabihin at ipaliwanag sa asawa. Sandra called. Inamin na nito ang lahat kay Tan. Though the clever doctor laughed in the end saying na wala siyang karapatang mag-file ng reklamo dahil immediate family member niya ang pinagsabihan nito.Elaine was thankful though. Parang may mabigat na bagay na naalis mula sa pagkakadagan niyon sa kanyang dibdib. No matter how hard she tried to work up her courage, hindi niyamagagawang aminin kay Tan ang lahat kung hindi sa tulong ni Sandra.Palaging sumisingit ang takot na baka hindi siya tanggapin ng lalaki. Baka iwan siya ng mga taong mahal niya dahil hindi siya katanggap-tanggap—dahil may kulang at may hindi buo sa kan
“Ma’am…”Dumilat si Elaine. Tumambad sa kanya si Anne na alanganin ang ngiti. Iginala niya ang tingin sa paligid. Wala siya sa inuupahang bahay ni Tan kundi nasa loob ng Ainsdale. Wala si Tan kagaya ng inaasahan. Ang akala niyang totoo kanina, panaginip lang pala.“Nagdadalawang-isip ako kung gigisingin ka but your phone keeps ringing. Baka importante.”Kumilos siya. Hinagilap ang cell phone sa handbag.“Sorry, I must have dozed off. Anong oras na?” tanong niya habang kinakalkal ang bag.“I must have dozed off.”Elaine was surprised to hear herself say that. Ni minsan ay hindi pa siya nakaramdam ng antok sa oras ng trabaho.“Almost closing time na, Ma’am. Seven o’clock.”Halos kalahating oras siyang nakatulog. Halos walong oras na siyang naghihintay kay Tan. Ang sabi ni Drew, tiyak na yayayain siya ng asawa na kumain sa labas. Pero bak
Kung ilang metro o minuto ang nilakad ni Elaine habang tahimik siyang nakasunod sa kabilang bahagi ng daan, Tan did not mind checking. Ang alam niya, bukod sa halo-halo ang emosyon sa kanyang dibdib, hindi niya maalis ni minsan dito ang tingin.Banayad na inililipad ng hangin ang nakalugay nitong buhok, ang laylayan ng suot na blusa na sumasabay sa bawat hakbang nito. Just like before, everything she wore fit perfectly to her slender body. The same body he’d adored and worshipped.Tan came to a realization that for the last three years, he had never gone an entire day without longing for her. The yearning was deep and strong it was consuming him. At marahil, sinadya niyang maipagkamali at palitan ang damdaming iyon ng galit.Why was the question that was too painful for Tan to ask. At ang mga sagot sa mga bakit na iyon ang kinatatakutan niyang marinig mula nang magkrus muli ang kanilang mga landas.Bakit siya iniwan ni Elaine? Bakit ang dal
Comments