“I’M GLAD TO see that smile on your face again, anak. Jim really is the best cure to your sadness,” ang nagagalak na komento ng ama ni Doreen na si Simoun Aseron sa gitna ng paghahapunan nila sa bahay ng ama niya dito sa Isla Fuego.
Bahagyang natatawang namula ang mga pisngi ni Doreen sa panunudyo ng ama. Subalit hindi talaga niya mapigilan ang sarili na isali sa bawat usapang nilalahukan niya ang pangalan ni Jim. Sabi nga ni Nicole sa kanya,
“He really is, Dad.”
Ngumiti naman ang ama niya. Pero maya-maya ay lumungkot din ang ekspresyon nito. At hindi tulad niya, batid niya na habang-buhay nang nakapaskil ang lungkot na iyon sa mukha ng kanyang ama. Ever since they lost her mom to breast cancer when she was twenty-one, her dad never really smiled with pure joy again.
Kung tutuusin ay bata pa ito at maaari pang mag-asawa muli. S
NASA kalagitnaan si Doreen ng kalmadong pagupit-gupit sa mga sketches ni Jim na ginawa niya noong dalawang linggong pananatili niya sa cabin nang marinig niya ang pagdating ng binata. “Doreen? Where are you?! Why is the front door---“ kagyat natigilan ito nang bumungad sa entrada ng condo unit niya at makita ang ginagawa niya. Alam niya na darating ito. Naitawag na ng security sa ibaba ng building ang pagdating nito kaya iniwan lang niyang nakabukas ang front door ng condo. Gusto kasi niyang makita agad nito ang ginagawa niya sa mga sketches nito. So what if she’s being such a drama queen?! She has the right to do this after what he did! “What are you
WALANG ibang maisip puntahan si Jim kaya nagpahatid na lang siya sa driver niya sa bahay ng pinsan na si Johnny sa Novaliches. Pagdating niya ay agad na nahulaan ni Johnny na namumroblema siya. Sa kanilang magpipinsan, silang tatlo ng isa pa nilang pinsan na si Jackson ang mas malalapit sa isa’t isa. Pare-pareho kasi silang nagsilaki sa States bago nag-migrate dito sa Pilipinas noong teenagers na sila. “Bakit hindi mo kausapin ulit si Doreen, Jim?” untag sa kanya ni Johnny habang nag-iinuman sila nito sa may hardin ng bahay nito. “What the bloody hell does she want?! Goddamit! I asked her to marry me, didn’t I? I’m faithful to her! Bakit pa niya kailangang malaman ang lahat-lahat ng laman ng isip ko? Ang
DOREEN could not stop crying. Her eyes felt gritty and swollen but the pain filling heart could not find any other outlet. Nananakit na nga ang ilong niya at mga mata dahil sa kapapahid niya doon ng tissue. Nakabukas ang TV at nakasalang ang all-time favorite zombie movie niya na World War Z. But even watching Brad Pitt running away from zombies could not ease her pain. Sinubukan na rin niyang mamapak ng sangkaterbang chocolates na ayon kay Jannica ay siyang pinaka-mabisang gamot sa heartache. Wala pa ring epekto. Nakatutok sa TV screen ang mga mata niya pero hindi niya nakikita ang ipinapalabas niyon. Ang isip niya ang naglalakbay sa huling pag-uusap nila ni Jim. Kaya naman ganoon na lamang ang pagkasindak niya nang biglang magsalita mula sa gilid niya ang boses ni Nicole. Ni hindi niya naramdaman na bumukas ang pinto ng bedroom niya. “Doreen, may bisita ka. Papapasukin ko ba?&rdqu
ELEVEN YEARS AGO… “Is he still looking at me?” untag ni Joleen sa nakababatang pinsan niyang si Danieca. Magkaharap silang nakaupo nito sa isang mesa sa loob ng canteen ng Collegio de Fortuna. Nasa fourth year highschool siya sa naturang eskwelahan. Habang si Danieca naman ay nasa third year highschool doon din. Subalit kung siya ay doon na nag-aral mula pa elementarya, si Danieca ay ngayong taon lang pumasok doon. Dahil sa States ito nakatira noon kasama ng ina nito at nakakatandang kapatid na si Dylan. Until two years ago kasi ay divorced ang mga magulang ng
Kadalasan pa nga noon kapag naglalaro sila at natataya ang mga pinsan niyang sina Teree at Danieca, kusa itong lalapit sa mga iyon para magpataya para lang maipasa na agad ng mga ito dito ang pagiging taya. Pero pagdating sa mga pinsan niyang lalaki at sa kanya, competitive ito. Talagang kahit abutin ng kinabukasan hindi ito magpapahabol sa kanya o sa mga pinsan niya. Tipikal na spoiled rich kid ito. Parehong laging abala sa kanya-kanyang trabaho ang mga magulang nito. Sunod lahat ng layaw nito dahil iyon lang ang kadalasang kayang ibigay dito ng mga magulang nito. Hindi ang oras o atensyon ng mga iyon. Kaya marahil noong bata pa ito ay madalas itong dumikit sa kanila ng mga pinsan niya o kung hindi naman ay sa mga pinsan nito upang kahit paano ay maranasan ang magkaroon ng mga kapamilya kahit sa loob lang ng ilang maiikling oras.
Gusto niyang batukan ang sarili. Bigla kasing bumilis ang tibok ng puso niya nang ngitian siya nito. Isa iyong abnormalidad na hindi niya gusto ang ibig ipahiwatig.Kahit asar na asar siya kay Jake, aminado siya na gwapo at makisig talaga ito. Habang tumatagal ay tila mas lalo itong gumagwapo. Kung noon ay cute lang ito, ngayon hindi na sapat ang cute upang ilarawan ito. Subalit ngayon lang nangyaring nag-iba ang ritmo ng pagtibok ng puso niya dahil lang sa ngiti nito.With his half-Italian mother’s genes giving him his dark curls, even darker eyes and mysterious smile, he looks like a rogue angel out to break female mortal’s hearts. Mula naman sa ama nito ay minana nito ang katangkaran nito kaya halos umabot na ng six-two ang height nito. Hindi ito kasali sa anumang varsity team pero alam niyang mahilig itong maglaro ng basketball. Mayroon nga itong sariling basketbal
“Don’t come near him again, De Asis. I’m warning you.”Sa halip tumugon ay makahulugang ngumiti lang ito sa kanya. Saka siya pauyam na sinaluduhan. Pagkuwan ay tumalikod na ito at nagpatiunang lumakad palayo. Animo mga anino nitong kagyat nagsisunuran naman dito ang mga kabarkada nito.“Um, Joleen?” alanganin ang tonong tawag sa kanya ni Rowan.Tinapik-tapik naman niya ang kamay nito.“Don’t worry, titiyakin kong hindi ka na nila ulit mabu-bully,” paniniyak niya dito.“Iyon nga sana’ng itatama ko. Hindi naman nila ako binu-bully. Ang totoo, gusto lang nilang malaman kung pwede kong i-tutor si Orville sa darating na exams natin sa Physics.”Natigilan siya. Gilalas na nilingon niya ito saka hinabol ng tingin ang malayo nang grupo nina Jake.“Ano?! Pero
“Bakit hindi gayong ipinahiya mo ako sa harap ng buong school noong tuksuhin mo ako’t tawaging Babe Piglet?! Sino’ng matutuwa sa iyo pagkatapos nun? At gusto mo ba isa-isahin ko pa lahat ng pangalang ibinansag mo sa akin sa loob ng apat na taon?” Bumakas ang gulat sa anyo nito. “Iyon ba ang dahilan kaya mo ko inaaway? Pero, babe---“ “I said don’t call me babe!” singhal niya dito. “Okay, okay, easy! Huwag mo akong saksakin niyang tinidor mo. Tsk, hindi ba talaga pwedeng maging kalmado ka kahit minsan lang kapag kaharap ako?” anitong agad itinaas ang mga kamay at inginuso ang hawak niyang tinidor na naitaas pala niya’t naiamba dito nang wala sa loob niya.