Hannah Nicole Villareal
Its Tuesday today, 3 days before Friday, obviously. Iyon ang araw na ayon kay Sir William, ay magpo-protesta ang mga umano'y impostor na nagpapanggap na Academian.
Bigla ko nanamang naalala ang mga impormasyong laman ng folder na ibinigay sa akin ni Al.
Teka lang. Why did he gave me his information? Alam niya ba na sinusundan kami ni Isah kaya niya 'yon ibinigay sa akin?
Or was it my own mission? Saglit naman akong napaisip. Maybe, right? Hindi kaya sola na ang hahawak sa mga mangyayari sa Biyernes pagkatapos ako ang maghahalungkat sa pakay ni Isah.
That maybe is the case, but I need to confirm it.
Kinuha ko ang aking cellphone na nasa bulsa ko at tinawagan si Al.
Kaagad naman niya itong sinagot. "What?"
"Bakit mo binigay sa'kin 'yung folder?" Deretsong tanong ko. Pasimple akong lumabas sa aming classroom at sumandal sa bakal an harang sa tabi ng hagdan.
"Why do you think?" He asked.
I exhaled sharply. "I don't know. Hindi naman siguro kita tatawagan kung alam ko na, 'di ba?" Sarkastikong sabi ko.
"Know it yourself." Bahagyang umawang ang labi ko nang sinabi niya iyon. Akma ko pa siyang sasagutin pero mabilis niyang pinatay ang tawag.
Napatingin na lang ako sa malayo. 'Yong lalaking 'yon. Medyo cold plus mysterious.
Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang makita nanamana ng lalaking nakatingin sa amin kahapon. Nakipag-eye contact naman siya sa akin bago tumalikod at naglakad palayo.
Wala sa sariling napatingin ako sa aking kaliwa, at laking gulat ko nang makita si Kian na nakasandal din sa bakal na harang habang nakapako ang tingin sa papalayong bulto ni Isah.
Nagsalubong naman ang aming mga tingin, kaya hindi mo maiwas ang tingin ko sa kaniya. Its like he's forcing me to look at him too.
Siya ang unang bumitaw sa staring contest namin at pumasok muli sa aming classroom. Sinundan ko pa diya ng tingin hanggang sa nakaupo na siya sa kaniyang upuan sa harapan.
What is he doing here? At nakatingin din siya kay Isah kanina. Do they know each other?
No, Hannah. You should focus on chasing Isah. He might be connected to those traitors I saw in Reiber's Chained Vision.
Or he... might be the leader... Dahan-dahan ko namang na-realize ang naisip ko.
Pwede! Pwedeng siya ang lider ng mga impostor na magpo-protesta sa Biyernes. Sakto namang tumunog na ang bell, senyales na mag-uumpisa na ang klase.
Nang tumingin ako sa ibaba ay nandoon na naglalakad si Ma'am Sarah papunta sa room namin, kaya pumasok an akong muli sa aming classroom,
π»πΊπ»πΊπ»πΊ
Lunch break ngayon, kaya nagsilabasan na ang mga mag-aaral. Ang iba ay sama-samang naglalakad papunta sa malapit na karinderya para sabay-sabay kumain ng tanghalian.
Ako? Mag-isa lang, but I'm not sad nor jealous. May pinuntahan lang naman sina Queenie ngayon kaya hindi ko sila kasabay kumain. Naglakad ako papuntang canteen dahil may nagtitinda doon ng kanin na may kasamang masasarap na ulam tuwing tanghali.
"Pabili nga po nito." Sabi ko sabay tumuro sa isang plato ng munggo at pritong isda.
Kaagad niya naman itong ibinigay sa akin, ibinigay ko ang aking bayad at naglakad muli papunta sa isang bakanteng shed.
Pag-upo ko ay kaagad kong inumpisahan ang pagkain. Habang kumakain ay hawak ko ang aking cellphone at nagba-browse sa facebook.
Biglang may nag-notify sa akin sa Messenger.
HSS: Kulang pa sa tangkad sent a message to Hakdog Sunog Squad
Matatawa ka na lang talaga sa squad name namin. Ibibigay ko sa inyo mamaya ang listahan ng mga nicknames namin dito.
HSS: Kulang pa sa tangkad
Nakita niyo na ba 'yung post ng AC?HSS: Kulang pa sa taba
Anong AC? Salitang Alien?HSS: Sobra na sa kakyutan
Bobo. Academian Chronicles. Page natin 'yon.HSS: Kulang pa sa tangkad
May vision daw sila na may mamamatay na limang Academian at dalawang teachers sa Biyernes.Napakunot naman ako ng noo, dahilan para pumunta ako sa Facebook at si-nearch ang Academian Chronicles. Official Facebook Page iyon ng Academia Del Magia. Doon nila pino-post ang kung ano mang announcements about sa school, contests, and other entertainment. Mga achievements ng bawat Academian, new Academians and Teachers, at marami pang iba.
Recent Posts
Academian Chronicles
36 mins.On Friday, there will be five Academians and two Teachers that will meet their deaths. One of the Co-admins of this page saw a vision about this. We're still unsure if this is true or just a false alarm, but we can't ignore this. Stay safe, Academians and Teachers. Let us stop this vision before we regret it.
Ayon nga iyon. Naisip ko tuloy bigla ang nasabi sa amin ni Sir William na magkakaroon ng protesta ang mga umano'y Academians.
Are they going to kill? That was the first question that popped in my mind.
Nag-chat nanaman sila sa gc namin.
HSS: Bea Bangenge..??
Nakita ko na. Sana 'di 'yon totoo, 'no?HSS: Queen(ie) of mah layp
No hate, pero nakita raw sa vision eh.HSS: Khecy Tandingan..??
Parang gano'n kay Reiber, 'di ba?HSS: Queen(ie) of mah layp liked HSS: Khecy Tandingan..??'s message.
HSS: mah Darlyn(ing)
Seener si @Hannah Nicole VillarealNapilitan tuloy akong mag-chat dahil sa message ni Darlyn.
HSS: Hannah shampo
Bihira na nga lang akong ganito eh. Sulitin niyo na :)HSS: Kulang pa sa tangkad
Sana lang talaga wala sa klase natin 'yung kasama.Nakaramdam naman ako ng kaba nang i-chat iyon ni Suzzaine.
HSS: Hannah shampo
Sana ngaHSS: Sobra na sa kakyutan
(2)HSS: Kulang pa sa taba
(3)HSS: Queen(ie) of mah layp
(4)HSS: Khecy Tandingan..??
(5)HSS: Bea Bangenge..??
(6)HSS: Hannah shampo
Congrats. Marunong na tayong magbilangHSS: Kulang pa sa tangkad and 4 others haha your message.
Para akong baliw na natawa sa sarili kong chat. At least aware na kami na alam naming magbilang. Hehe.
Tuluyan ko nang natapos ang aking kinakain, at kaagad na bumalik sa aming classroom.
πΊπ»πΊπ»πΊπ»
"Goodbye and thank you, Ma'am!" Sabay-sabay naming sabi. Tumango naman si Ma'am Marjorie bago tuluyang lumabas sa aming classroom.
"Okay! Linis na mga tol! 'Pag tayo nasermunan ni Ma'am Sisa." Saway ni Athasia.
Napagsabihan kasi kami ni Ma'am Sisa kahapon, dahil may mga pasaway akong kaklase na tumakas para umuwi na. Ending? Kaming mga naiwan ang napag-buntunan ng galit ni Ma'am, pero gano'n talaga eh. Kaysa naman tumakas din kami, eh 'di mas lalong nagalit si Ma'am.
Kaya kaninang umaga, halos 30 minuto kaming sinermunan nila Ma'am Sisa at Ma'am Sarah. Pinaglinis nila ng classroom 'yung mga tumakas kahapon.
Sa may corridor lang ang area namin ngayong araw, sa tabi ng hagdan. Inilibot ko naman ang paningin sa paligid.
I saw him again. Kulay pula na ang suot niyang hoodie ngayon. Sus. Para namang hindi ko pa kilala kung sino siya.
"Darlyn. Hawakan mo nga muna 'to." Utos ko sa kaniya. Kaagad naman siyang tumalima at nagpatuloy sa paglilinis.
"Charm! Pasabi kay Asyang may pupuntahan pala ako. Babalik din ako!" Paalam ko sa kaniya. Tumango naman siya.
Saktong nasalubong ko si Asyang o Athasia.
"Asyang. Pupuntahan ko lang 'yung lalaki do'n ha." Sabi ko sabay turo kay Isah na papalayo na sa kinalalagyan namin. Kaagad naman siyang tumango kaya napatakbo na lang ako.
Nakaramdam ako ng presensyang sumusunod din sa akin, kaya napalingon ako sa likuran. Wala akong nakita kundi mga mag-aaral na nagsisilabasan na sa kanilang mga classrooms.
Paglingon ko sa aking dinadaanan ay bumungad sa akin ang isa sa mga gate sa gilid ng school. Kapag dadaan ka dito ay ilalakad mo lang ng kaunti at makakarating ka na sa gubat na dinadaanan ko.
He went here? Nag-alangan pa akong pumunta doon pero kahit ayaw kong makita ang pangit niyang pagmumukha ay tumuloy pa rin ako.
Sa mga unang hakbang ko ay wala pa akong nararamdamang presensya, hanggang sa isang armas ang muntik nang tumama sa aking likuran.
Kaagad ko iyong nilingon at nakita ang hawak na espada ni Isah na nagliliyab ng apoy.
Yes. His ability is fire.
The edge of his lips formed a curve. "You're too bold to tail me here."
Wait. Does he recognize me? Unti-unti kongn si-nummon ang aking armas na espada. Kulay asul naman na ilaw ang lumulukob dito.
Unti-unti ay bahagyang umawang ang kaniyang mga labi.
"Hannah?"
I'm the one who smirked next. "Can't recognize me?"
Kaagad akong sumugod papunta sa kaniya. Akma ko na siyang matatamaan pero mabilis niyang iniharang ang kaniyang espada sa akin. Napaatras ako ng kaunti nang lumaki ang nagliliyab na apoy sa kaniyang armas.
"You never change." Puna niya.
"Na-ah. Don't jump into conclusions." I said while shaking my head slowly.
Nagpatuloy lang kami sa pakikipaglaban sa isa't-isa. Pansin kong lumulubog na ang araw pero hindi pa rin siya natinag—hindi pa rin kami natinag.
Sabay kaming napaatras nang parehong nagdikit ang aming mga armas. Pareho na rin kaming hingal dahil mula kanina ay hindi pa kami tumigil.
Dahan-dahan kong itinuro ang aking espada sa kaniya.
"Y-You tell me. Are you a traitor?" Naging seryoso na ang aura ko, pati na rin siya.
Katamihikan ang bumalot sa amin, pati ang malamig na simoy ng hangin na dumampi sa aming mga balat. Nasisinagan na rin kami ng liwanag ng buwan.
"Don't interfere." Nanlaki ang mga mata ko ang bigla siyang lumitaw sa mismong harapan ko, pagkatapos ay isinaksak sa akin ang espadang armas niya.
Kusang pumikit ang mga mata ko, pagkatapos no'n ay binalot na ako ng dilim.
Albestein Torres
"Should we go help her?" Nathan whispered beside me. Mula kanina ay pinanood lang namin silang maglaban. I thought that girl is just an ordinary mage, but I'm wrong.
I can sense na magkakilala rin sila nung lalaki. His facial expressions told me everything.
"Kailan pa kaya sila magkakilala? And the big question is, paano kung isa nga 'yang lalaki sa mga traydor? Can she fight him?" Mahabang litanya ni Freya.
"They don't seem to get along with each other, I think." Hinuha ni Elijah.
Wala akong magawa kundi panoorin na lang silang magpatuloy sa laban. I wasn't surprised when the guy stabbed her.
My eyes slowly widened when I saw a small blue light within their range. After that, the place was covered with mist.
"Bakit biglang nagka-hamog?" Takang tanong ni Nathan.
"Don't let your guards down, they might catch us." Paalala ni Elijah.
Ilang minuto kaming naghintay bago tuluyang mawala ang hamog. The last thing we saw, that girl is now unconscious but she's leaning on a tree.
Kaagad naman siyang pinuntahan ni Freya para tignan kung mayroon ba siyang mga natamong sugat, but she shook her head.
"You mean she's stable? Ni galos wala?" Gulat na tanong ni Nathan.
Freya nodded. "Who knows? There might be a healing magic beneath her." She added
"It's late now, let's take her to their house." Yeah. We already know where she lived. We've been tracking her since we talked in Crescent Archives'
???
I shut my eyes as the girl in front of me tried to heal my wound, but it failed.
"Sino bang nakalaban mo at ganiyan kalalim ang sugat mo? You're getting weaker these days, Caelan." She commented.
"Why don't you just heal me?" I asked sarcastically.
"I told you, I can't. The wound is too deep. I can only put some painless magic on it. Don't worry dahil gagaling din 'yan after weeks." Aniya.
I just nodded. I stood up, get a glass and pour some 'undamiliar' liquor on it.
"I underestimated them, especially her." The guy beside me said. He was also holding a glass full of liquor.
"Me too. I thought she was just like before, but I'm wrong." I looked down.
"People changed, Phoenix. I hate to say this, pero hindi lang 'yon ang kaya niyang gawin."
"Why do you say so?" I asked.
He scoffed. "You'll know soon. When we started to move."
"He's right. When we get into their nerves, we'll see the darker side of them, especially her." The girl beside him said.
I just look away, trying to analyze what they said.
I think I need to know more about you, Hannah.
April 3, 2021SaturdayMore than 2 months laterKeisha Maecy Enrile"Keisha! Ang bagal mong magbihis!" Sigaw ng kapatid kong si Nicole."Sandali lang! Hayst!" Inis na singhal ko. Nagpapaganda lang naman ako dito ah! Graduation day na ngayon kaya kailangang ganito. Hmph!Nang makalabas ako ay padabog ko pang isinara ang pinto dahilan para mapatingin sa akin ang PANGIT kong kapatid.Oo. Pangit siya. PANGIT!"Tsk. Nagmamaganda ka nanaman?" May halong pang-aasar na tanong niya.Matalim ko siyang inirapan. "At least nagpapaganda. Eh ikaw?" Pabalik na banat ko."Hindi kasi ako maarte tulad mo." Aniya habang pareho kaming naglalakad papunta sa tabi ng kalsada.Siya na ang pumara ng traysikel na duma
January 24, 2021SundayA month later....Christa EsperonNagising ako nang marinig kong may kumalampag sa bakal na rehas.Napabangon ako kaagad nang makitang binuksan ni Earl Jhon ang pintuan ng sarili kong kulungan."Tayo." Utos niya kaya kaagad naman akong tumalima.Akala ko ay poposasan niya ang dalawang kamay ko, pero sinenyasan niya lang ako na sundan siya, kaya tahimik akong naglakad sa likuran niya.Hindi ko maiwasang magulat at mamangha nang lumabas kami sa Dungeon. Mula September ay nandito na ako sa lugar na 'to.Laking pagtataka ko nang nandoon sina Lawrence—kaming mga nakulong nang pare-parehong araw tatlong buwan na ang nakakaraan.Hindi ako nagsalita pa, at sumama sa kanila, hanggang sa sumak
December 24, 2020ThursdayAlmost a month later...Albestein TorresI woke up late, so obviously, I went late on school. However, there's nothing to worry about. The whole Academia Del Magia will have our Annual Christmas Party. It'll be celebrated by each sections.When I went inside our classroom, my classmates are all wearing their formarl attires. Red dresses. Green shirts. Gold earrings and accessories.As for me, I only wore my typical green shirt with black pants and white shoes. Aside for the Christmas Party, there's nothing I should celebrate for.Since it was boring inside, I went outside our classroom, and there I saw Freya.It seems someone forced her to wear that sttire. She's looks like one of Santa's Elves, because she's wearing fake elf e
November 30, 2020MondayAlmost a month later...Hannah Nicole VillarealTime Check: 7:25 am, at nagkakagulo na ang buong Academia Del Magia nang ganito kaaga.Oops. Hindi dahil Flag Raising Ceremony na—wala kaming ganoon ngayon—dahil HALLOWEEN PARTY na!Pagpasok ko sa aming classroom ay kaagad bumungad sa akin si Rimar. Hindi ako matatakot sa make-up niya kahit nagmukha naman talaga siyang zombie doon."Awoo!" Malakas na sigaw niya pero pinatawa niya lang ako."Ano ka ba talaga? Zombie o lobo?" Sarkastikong tanong ko."Kunwari namang matakot ka ah! Robert!" Biglang tawag niya sa kaniyang likuran.Doon na talaga ako literal na nagulat nang makita si Robert. Although alam kong costume lang din niya 'yo
Hannah Nicole VillarealNagising ako... nang nakatayo?!Napalinga-linga kaagad ako sa paligid, ngunit tanging kulay puti lamang ang nakikita ko."Hannah." Napalingon ako sa aking likuran nang may tumawag sa akin.Nabigla ako nang makita si Jadehlyse. Nakasuot siya ng kulay asul na damit.Blue symbolizes Truth."Nakapag-desisyon ka na ba?" Kumunot ang noo ko dahil nalilito ako sa kaniyang tanong."S-Saan?" Nauutal na usal ko."Maaari ko pang mahiram ang iyong katawan. Kahit sa maikling panahon lamang?" Muling tanong niya kaya naalala ko ang parehong tanong na isinumbat niya sa akin kanina."H-Hindi ba pwedeng kausapin mo siya nang ganiyan ka?" Nag-aalangang tanong ko.Umiling siya. "Sana ay pagbigyan mo ako. Pakikiusapan ko siya na itigil n
Hannah Nicole Villareal"Bring Demi and the others back!" I shouted at Christa's face. I attacked her but she caught my sword, kaya niya ako nahila palapit sa kaniyaWalang isang metro ang pagitan ng mga mukha namin, at ramdam kong may ilang kadena na rin ang nakapalupot sa binti ko.She laughed. "If you defeat me, they'll be back to normal, but if you can," saglit siyang napatingin kina Muse Demi na hindi pa rin gumagalaw ngayon.She's not a time controller, but she can break the time for a person. Siya ang nagpatigil sa oras nila Muse Demi kaya hindi sila gumagalaw."Damn you, Christa!" I shouted again sabay sinipa ko siya sa tagiliran. Hinarangan 'yon ng kaniyang mga kadena, pero laking gulat niya na nang dahil sa sipa ko ay nagkapira-piraso ang mga kadenang 'yon.Sa kaniyang gulat ay kinuha ko na 'yong pagkakataon par