Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang hitsura ng biktima ng pangalawang kaso. Hindi ko lubos maisip kung paano nagkaroon ng Danag sa campus. Isa pa, ayon kay Arius, hindi tulad ng ibang bampira ay hindi sila tinatatalaban ng sikat ng araw tulad ng mga napapanood sa mga pelikula. Sino bang mag-aakala na dahil sa kasong ito ay magbabago ang paniniwala ko tungkol sa mga bampira. Ayon kay Arius, maituturing na isang uri ng bampira ang mga Danag. Kasalukuyang na-kansela ang mga klase at nagkaroon ng emergency ang lahat ng facullty members ng lahat ng college department. Lumapit naman sa akin si Arius na nanatiling seryoso sa kaso.
"Okay ka na? You should've used to it. Posibleng hindi lang ito ang unang beses na maka-engkwentro ng kaso ng pagpatay. Hindi makukuntento ang Danag hangga't nabubuhay sila at hangga't may mabibiktima sila," ang sabi ni Arius.
Napahilamos na lang ako dahil mukhang mauudlot pa yata ang mapayapang taong inaasam ko. Hindi naman na ako makakaurong
Naiiyak na lumapit sa akin si Quillia. Bakas pa rin sa kanyang mukha ang takot. Sino bang mag-aakala na ang paglabas mo sa gabi ang magiging mitsa pa ng kamatayan mo?"Tulungan mo ako! Hindi ko ginustong mamatay! Dapat talaga nakinig na lang ako kay Calla!" ang sabi ni Quillia."Teka sino ba si Calla?" ang tanong ko.Napatingin naman sa akin si Quillia. Lumingon-lingon ako sa paligid dahil baka mapagkamalan akong baliw at isiping bagong takas ako sa mental hospital."Ang mabuti pa ay bumalik tayo sa lumang building. Huwag kang mag-aalala ligtas ka sa amin. Isa kami sa nagsosolve ng kaso tungkol sa pagkamatay mo," ang sabi ko sa kanya.Nakita ko ang ka-aliwalasan sa kanyang mukha at agad siyang lumapit sa akin."Talaga? Tutulungan mo ako?" ang tanong ni Quillia sa akin.Tumungo naman ako. Napalingon naman ako sa aking likuran at nakita ko ang lalaking nakabunggo ko kanina."Pasensya ka na. Nagulat ba kita?" ang tanong nito
Nakaramdam ako ng kilabot nang marinig ko ang nakakakilabot na boses nito. Naging pula ang mga mata nito at humaba ang mga kuko nito. "Me. Re. Dith. Alam mo naman siguro na hindi pa naisisilang ang papatay sa akin hindi ba?" ang sambit ni Xander at wala pa sa alas kwatro ay nasakal niya na si Meredith. Nagpupumiglas si Meredith sa pagkakasakal ni Xander. Sinugatan naman ni Arius ang kanyang daliri at naririnig ko ang dasal na binabanggit niya sa ibang lenggwahe. Gumuhit ng pentagram si Arius sa hangin at hindi tulad nitong nakaraan ay naging kahel ang kulay nito na may halong dilaw. "Nam qui ducibus et protegat mundum es ingressus inIn luceat in tenebris et luceat per nos in tenebrisArmor libertatem et gladium iustitiae defendat ab omni maloMitte tuos custodes et auxilio nobis defendat nostri dilecto mundo Vocabo te Bathhala!" ang pagsambit ni Arius sa dasal at hinila niya mula sa loob ang isang espada na parang apoy ang kulay ngunit
Nagising ako sa pagsampal ng sinag ng araw sa aking mukha. Heto na naman at panibagong araw na naman ang aking sisimulan. Napatingin ako sa orasan at pasado alas otso na ng umaga. Wala ako sa wisyo upang magmadali kahit na alas otso na. Oo nga pala, wala akong pasok ngayon. Napangiwi naman ako nang may maramdaman akong mahapdi sa aking braso. Wala pa naman akong ginagawa at sa hindi malaman na dahilan ay wala naman akong naalala kung saan ko nakuha ang injury na ito. Ramdam ko ang aking pagod kahit na ilang oras na akong nakatulog. Pilit kong inaalala kung may napanaginipan ba akong kakaiba o wala. "Magandang umaga, Ada!" ang masayang bati ni Calix. Napatingin naman ako kay Calix na prenteng nakahalukipkip habang nakasandal sa pader ng aking kwarto. Naalala ko na naman ang gabing nakipagsagupaan siya sa Danag. Ni hindi rin nagkukuwento si Calix kung paano siya namatay. At lalong nagdagdag ng kanyang pagiging seryoso ay ang pinagmulan ng espadang ginamit niya la
Sa sobrang sabik ko ay nalimutan ko na mag-init ng tubig bago maligo. Pagkatapos ay sinuot ko ang plain na white t-shirt at ang sky blue na skater skirt. Sinuot ko ang aking white shoes bago ako nagtungo sa kusina. Napansin ko na nakaready na ang mga pagkain sa baunan kaya naman nagtanong ako kay Kuya Eli at Ate Gneiss."Kanino po ito?" ang tanong ko kay Kuya Eli."Kanino pa nga ba? Hindi ba sa'yo?" ang nakangiting sambit ni Kuya Eli.Nagulat naman ako. Paano kaya nila nalaman na aalis ako ngayon? Sinilip ko ang baunan at nakita kong may Caldereta, Sinigang na Bangus at Monggo sa tatlong baunan. Seryoso ba sila?" Teka! Hindi ko madadala ang mga ito! Magagalit sina Sister at Mother Superior!" ang sagot ko.Ngumiti si Kuya Eli at nagthumbs up naman si Ate Gneiss. Pumasok naman si Sister Serene at pumamaywang ito sa akin."Bilisan mo na Ada! Hindi dapat pinaghihintay ang mga kaibigan mo. Isa pa, hindi
Natulala ako sa sinabi ni Kuya Eli. Nang nakausap ko siya kanina sa phone ay halos magalit ito sa akin nang malaman niyang sa Villa Illumina kami pupunta. Ngunit ngayon ang boses niya ay may halong lungkot at halos mapaluha nang makita niyang muli ang Villa Illumina."Naalala mo pa ba ang kwento ng misteryo ng villa na ito, Ada?" ang tanong ni Kuya Eli.Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Sino bang makakalimot na ang vill na ito ay may sariling sementeryo sa loob? Sinasabing ang dalawang taong nagmamahalan ay parehas inilibing sa sementeryong iyon? Isa pang misteryo na ikinukuwento sa akin noon ay ang tinatawag ng mga tao doon na ang hinagpis ng Gumamela. Kung saan nagiging pula ang puting gumamela pagsapit ng alas dose ng hatinggabi tuwing kabilugan ng buwan? Sinasabi ring nagpapakita sa mga caretaker na sa bawat koleksyon ng salamin ang nakaraan ng dalawang taong hinadlangan ang pagmamahalan."Kuya Eli? Alin ba doon? Sa dami mong naikuwento sa akin nalimuta
Kinusot ko pa ang aking mga mata dahil sa pagkalito. Hindi ko alam kung totoo ba ang nakikita ko. Anong ginagagawa ko dito sa nakaraan? Naglakad-lakad ako at napansin ko na lamparang de langis ang nagsisilbing street light dito. Napabusangot naman ako sa aking kasuotan dahil sinauna ang aking kasuotan at hindi ko alam kung paano nila natitiis ang ganito kainit na tela. Napakamot naman ako sa aking batok dahil makati sa balat ang telang pinya ng aking kasuotan."Naliligaw ka ata binibini? Hindi ba dapat ikaw ay nasa inyong tahanan at ikaw ay nagpapahinga na?" ang tanong ng isang lalaki.Halos mapatalon naman ako sa aking kinatatayuan at napahawak naman ako sa aking dibdib dulot ng pagkagulat. Napaharap ako sa kanya at nakita ko ang isang nilalang na talagang napakagwapo. Puti ang kanyang kamisa de chino at kulay kape ang kanyang pantalon. Naka-bakya ito at ang kanyang buhok ay nakahawi sa iisang direksyon. "Patawad, binibini. mukhang nagulat yata kita. May
Ibinaling ko ang aking atensyon sa nagaganap na konprotasyon nina Señorita Veronica at Ginoong Narciso. Alam kong hindi magiging madali ang lahat para sa kanila. Kaya naman ipinagdadasal ko na sumang-ayon sa kanilang panig ang maykapal. "Hindi maaari ang iyong hinihiling Veronica! Isa kang heredera kaya naman utang na loob lumayo ka sa lalaking iyan!" ang sigaw ng isang matandang lalaki. Lumapit si Señorita Veronica at matapang niyang hinarap ang matatapang na salita ng matandang lalaki. Naniniwala akong ipaglalaban ni Señorita Veronica si Ginoong Narciso. Naniniwala akong maaaring magbago ang nakaraan. "Ada, naniniwala ka bang magbabago ang itinakdang dapat mangyari? Anong gagawin mo ngayon?" ang tanong ni Magwayen. Sa totoo lang ay walang masamang sumubok. Pero kung mapupuno ng pagsisisi ang kanilang buhay hanggang sa susunod nilang buhay ay malilimutan lamang nila ang kanilang pagsisisi at muli lamang iyon na mauulit. Alam kong may magagawa a
Samantala habang nasa loob ng aparador si Adamantine. Patuloy kong prinoprotektahan sina Calix. Patuloy na nagpupumiglas si Calix upang iligtas si Ada. Naiinis ako dahil kailangan kong mamili sa dalawang sitwasyon na hindi ko naman inaasahan."Pakawalan mo ako dito, Arius! Kailangan kong tulungan si Ada!" ang sigaw ni Calix."Look! Mapapahamak tayo kung tutulungan natin si Ada! Priority muna natin ang iligtas ang ating mga sarili sa mga oras na ito! Dahil sa oras na mamatay tayo at nagkaroon ng pagkakataong matulungan si Ada, walang ibang tutulong sa kanya! Kaya manatili kayong buhay! Naiintindihan niyo ba?" ang sigaw ko kay Calix.Nakita kong yakap ni Mr. Eli si Miss Gneiss. I wish nagawa ko iyon sa batang iyon bago niya ako nalimutan. Sana nasa mabuting kalagayan ang batang iyon ngayon. Binura ko ang alaala niya pagkatapos ko siyang iligtas noon. Ano bang iniisip mo, Arius? Bakit ngayon mo pa naisip ang mga bagay na iyon? Kailangan kong makaisip ng paraan upan