ANMELDENIsang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ni Elyan pagpasok niya sa kanilang likod-bahay. Hindi mabali ang ngiti sa kanyang mga labi at kulang nalang ay magtatatalon siya sa mga sandaling iyon.Pakiramdam niya ay nanalo siya ng limpak-limpak na salapi. Pakiramdam niya ay nakakuha siya ng 1.0 na grade sa lahat ng kanyang subject.But this is more than any of those things."For a month, let me be your real boyfriend. Alam kong hindi ako sang-ayon sa kagustuhan mong 'to. Actually, I find it nothing but nonsense and somewhat disgusting. Pero what if totohanin ko ang pagiging boyfriend mo? At totohanin mo rin ang pagiging girlfriend ko. Of course, patago pa rin. Iyon lang kung papayag ka. Pwede rin namang hindi! But if that happens, hindi ko maipapangako kung hanggang saan ang magiging aloofness ko tungo sa 'yo."It's been five minutes simula nang matapos ang usapan nilang iyon sa loob ng kanyang kotse.At sa nagdaang limang minuto na iyon, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya limot a
Halos sampung minuto na ang nagdaan, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ng kotse sina Yugi at Elyan.Kung tutuusin, kanina pa gustong lumabas at umalis ni Yugi ngunit hindi niya magawa dahil panay ang pagpigil sa kanya ng nobya. Mabuti na lamang at nagagawa pa niyang kontrolin ang kanyang sarili dahil kung hindi ay tiyak na mapupunta sa kung saan ang halikan nilang iyon.Ayaw niyang humantong sila sa pagkakataong iyon.Hangga't maaari ay pipigilan niya ang kanyang sarili. Titiisin niya kung anuman ang nararamdaman niya dahil hindi lamang ang mga magulang ni Elyan kundi maging si Elyan ay nirerespeto niya.Bukod pa roon, may usapan sila Aki.Nasisigurado niyang lasing ang kaibigan nang gabing magpustahan sila. Kapag may nangyari sa kanila ni Elyan, pinatunayan lang niya sa kaibigan na tama ito.Ngunit sa mga sandaling iyon ay unti-unting dumausdos paakyat ang kamay ni Yugi sa pagitan ng mga hita ni Elyan. Sa puntong iyon ay hindi na niya alam kung ano ang iisipin niya at ma
Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin maalis sa isip ni Elyan ang pinag-usapan nina Arthur at Yugi. Hindi niya matukoy kung paano nangyaring bigla na lang silang nagkaayos na dalawa.Kani-kanina lang, bago sila magtungo sa coffee shop, pansin niya ang parinigan nila sa isa't-isa. Bukod pa roon, kulang na lang ay dumugo na ang mata ng mga ito sa kadahilanang tila ba wala ni isa sa kanila ang may gustong mauhang kumurap.But right after they talked for a few minutes, bigla nalang nagbago ang ihip ng hangin.Nagtatawanan na ang mga ito at sa puntong iyon ay nawala na ang atensyon nila sa kanya. Bagkus ay nagtuloy-tuloy na ang kuwentuhan nilang dalawa at ganoon din ang hagalpakan nila sa ilang mga topic na wala siyang ideya kung ano iyon.Kung tutuusin, sina Yugi at Arthur ang dahilan kung bakit, pagbalik niya sa klase, ay lutang siya.She admits that her friends were telling her interesting things about one of their classmates — gossip, of course. Pero sa mga sandaling iyon ay n
Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ni Elyan habang naglalakad sila patungo sa coffee shop sa tapat ng university. Bagama't hindi naman ganoon kainit sa mga oras na iyon, ngunit nag-iinit hindi lamang ang kanyang magkabilang pisngi kundi pati na rin ang kanyang buong sistema.Sa puntong iyon kasi ay hindi pa rin niya malimutan kung paano siya hagkan ni Yugi nang muntikan na siyang matumba. Kahit saglit lang ay naramdaman niya ang init ng katawan nito.Bukod pa roon ay tila ba ayaw niyang bumitaw ang mga kamay nito sa pagkakahawak sa kanyang baywang at likod.She wants his hands to stay there just for a while, habang dinaramdam niya ang maskuladong mga bisig at dibdib ng binata. Napalunok siya sa mga sandaling iyon at hindi kalaunan ay humugot ng isang malalim na buntung-hininga.Kung wala lang si Arthur sa paligid nila ngayon, kanina pa niya hinila si Yugi patungo sa lugar kung saan ay silang dalawa lang. Pero nasisigurado naman niya na hindi r
Trenta minuto na ang nagdaan simula nang matapos ang usapan nilang dalawa ni Yugi, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin malimutan ni Arthur ang napag-usapan nila ng professor.Sa puntong iyon ay lihim na lamang siyang natatawa dahil sa inasta nito, ganoon din sa mga sinabi nito. Napailing siya habang binabalikan ang mga sinabi ng binata."It's just all in your head. Nag-iisip ka ng mga bagay na wala namang katotohanan." Everyone he knows, including Elyan, always says he's a bit crazy. Kung noon ay nagagawa niyang umiyak at magwala sa pahayag at pag-aakalang iyon sa kanya ng ibang tao, ganoon din sa kanyang mga kakilala; ngayon ay hindi na niya alintana iyon.Kung tutuusin, wala na siyang pakialam kung ano ang opinyon nila sa kanya.Simula nang makilala niya ang kanyang college professor na si Mr. Halero ay nagbago na ang pananaw niya sa sarili niyang pag-uugali at pagkatao. He's now agreeing to people that he's not just weird, but somehow madly insane.Not just Yugi, but he's certa
Matapos ang ilang minutong paglalakad ay nakarating na rin sina Professor Yugi at Arthur sa school garden. Sa puntong iyon ay hindi alam ni Yugi kung anong dahilan ng binata kung bakit gusto siya nitong kausapin.The truth is, that's the last thing he wants to do.Hangga't maaari ay ayaw niyang makipag-usap o makipagharapan dito. Ayaw niyang marinig kung ano man ang sasabihin nito — lalo na kung tungkol lang din naman kay Elyan.Is he being immature?Not really.Pinipigilan lamang niya ang kanyang sarili. Ayaw niyang mahalata nito kung ano man ang reaksiyon na guguhit sa kanyang mukha sa mga susunod na sandali."Bakit gusto mo 'kong—"Naputol ang sasabihin niya nang padabog na iabot ni Arthur sa kanya ang hawak nitong bouquet at shopping bag. Tinapunan niya ng tingin ang mga iyon at hindi kalaunan ay kunot-noong binalingan ang binata.Sa kabilang banda naman ay umupo si Arthur sa stone bench na nasa gilid ni Yugi.Blangko ang reaksiyon nitong nakipagtitigan sa kanya pero ilang saglit







