LOGIN"Professor Yugi?" gulat na anas ni Elyan. "Inaya ka niyang kumain sa labas mamaya? Why…all of a sudden? Anong meron?"
Nagkibit-balikat si Jessica. "Hindi ko rin alam. Pero ang sabi niya, ite-text na lang daw niya 'ko mamaya kung saan kami magkikita at kakain. Can you believe that? He actually came to me and asked me."
"Yeah…it's actually surprising." Bahagyang napangiti si Elyan habang hindi maalis-alis ang pagkakatitig sa kaibigan.
"Bakit nakabusangot ka?" Maya-maya'y tanong ni Elyan matapos niyang isara ang pinto ng kuwarto. "What happened? May nakaaway ka ba? Nagkasagutan na naman ba kayo ni Tita Bella?"Kung tutuusin, hindi na dapat pa nagtatanong si Elyan dahil alam na niya ang sagot sa mga iyon. Alam niya sa kanyang sarili na hindi ang tiyahin ni Yugi ang kaaway nito, kundi ang kaisa-isang babaeng naging usap-usapan sa loob ng mansion kahapon.Honey.She saw four people enter the front door. Kaya naman imbes na magpatuloy pababa ng hagdan upang maglibot-libot sa hacienda at hanapin si Yugi, nanatili siya sa itaas habang tinatanaw ang mga bisita sa ibaba.It was Professor Aki, his mother, and Jessica. Ngunit bukod pa sa kanilang tatlo, isang babae ang nakita niyang agad na nilapitan ni Tita Bella. Tinawag nito ang pangalan ng dalaga kung saan ay agad niyang napagtanto kung sino iyon.Umupo siya sa tabi ni Yugi sa kinauupuan nito, sa gilid ng kama, at matamang tinitigan. Hanggang sa mga sandaling iyon ay wala
Tulad ng nakagawian, alas-singko pa lang ay mulat na ang mga mata ni Yugi. Sa puntong iyon, habang tulog pa si Elyan at ang ilan sa kanyang pamilya, nasa loob na siya ng stable at nagpapaligo ng kanyang mga alagang kabayo.Isa lamang iyon sa mga bagay na nakasanayan niyang gawin. Bukod pa roon, nagdidilig din siya ng mga tanim niyang halaman sa greenhouse, ganoon din ang mga tanim na bulaklak ng kanyang ina sa kanilang garden sa likod-bahay.Nagpapakain din siya ng kanilang mga alagang pato, manok, at iba pang mga alagang hayop. Bagama't mayroon silang mga trabahador na nakatakdang gawin ang mga trabahong iyon, hindi naging hadlang iyon para sa kanya.It's not just about helping them. It was his way of making sure that the whole hacienda was on track."Kumusta naman ho kayo ni Ms. Elyan, señorito?" nakangiting anas ni Marcelo. Matapos nitong ilapag ang hawak nitong balde na may lamang tubig, nilapitan nito ang isang kabayo at sinimulang suklayin ang buhok. "Mukhang seryoso ho kayo sa
Bumalik sa kanyang ulirat si Diego nang maramdaman niyang may sumiko sa kanya. Nag-angat siya ng tingin at kalaunan ay napukol ang tingin niya kay Malea na mataman lamang na nakatitig sa kanya. Suot nito ang pagtataka sa mukha nito kasunod niyon ay ang ngiting gumuhit sa mga labi nito.Ibinaba niya sa lamesa ang hawak niyang bote ng beer at hinarap ang dalaga. Ngunit nang akmang magsasalita na siya ay natigilan siya nang mapagtanto niya na silang dalawa na lamang ang naiwan sa lamesa."Nasaan sila?" tanong niya at lumingon-lingon pa sa kanilang paligid. Muli ay tinapunan niya ng tingin si Malea. "Umuwi na ba sila? O may pinuntahan lang sila?"She shook her head. "Napagdesisyunan nilang pumasyal doon sa bagong bukas na carnival. Actually, kanina pa sila umalis, mga five minutes siguro.""Five minutes," ulit niya, habang hindi maalis-alis ang pagkakatitig sa dalaga. "Bakit hindi ko man lang sila napansin na umalis? Ganon na ba 'ko katagal na nakatulala?""Hindi naman, sakto lang." Nataw
Agad na nagkasalubong ang dalawang kilay ni Aki nang bumungad sa kanya sa living room ang kanyang pinsan. Ikinuyom niya ang kanyang mga kamao habang hindi maalis-alis ang pagkakatitig sa dalaga.She's basically not doing anything, but sitting on the couch while reading a magazine.Pero sa puntong iyon ay kulang na lang na ibato ni Aki ang hawak niyang suitcase sa pinsan. Ilang saglit pa ay isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan niya at bahagyang umiling."Sa dinami-rami ng taong nandito sa bahay, bakit ikaw pa ang naabutan ko sa pagdating ko?" Hawak ang kamay ni Jessica, hinila niya ang dalaga patungo sa living room. "Actually, why are you always around sa tuwing dumarating ako? Do you want anything from me? O nananadya ka lang talaga?"Umangat ang dalawang kilay ng dalaga kasabay ng pagsara nito ng binabasa nitong magazine. Padabog nitong inilapag iyon sa coffee table at kalaunan ay nakabusangot na nilapitan ang pinsan."What's your problem?" Nakapameywang na anas nito. "Kada
Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ni Jessica sa mga sandaling iyon. Kung tutuusin, kanina pa siya hindi mapakali nang malaman niyang iuuwi siya ni Aki sa probinsya nito.He's going to introduce her to his parents.Those were the exact words Aki stated right after she finished packing her things. Sa katunayan hindi lamang isa kundi higit pa roon ang ginawa niyang dahilan para lamang hindi siya isama nito, ngunit wala pa rin siyang nagawa.Bagama't ilang buwan pa lamang niyang nobyo si Aki, kabisado na niya ang pag-uugali nito.He's not taking no for an answer.Katulad nito ang kanyang kaibigang si Elyan.But that wasn't the only reason kung bakit lubos ang kabang nararamdaman ni Jessica. Bukod kasi sa gusto nitong makilala niya ang buong pamilya nito, iuuwi siya roon hindi bilang nobya kundi bilang mapapangasawa ni Aki.She's pregnant.Sinubukan niyang itago kay Aki ang katotohanan pero ang loko ay nakita ang pinakatatago niyang pregnancy test. Sa mga nangyayari ngayon sa kany
Nabulabog ang pananahimik ni Bella nang maramdaman niya ang pagbukas at pagsara ng front door. Mula roon ay pumasok ang kanyang kapatid na si Arnulfo, hawak nito ang mug na wala nang laman.Matapos ang naganap na dinner ay napagpasyahan ng mga ito na magtambay sa labas. Tulad ng kadalasan nilang ginagawa, kuwentuhan at tawanan.Kung tutuusin, matagal-tagal na rin nang huli silang mag-bonding. Simula kasi nang lumayas si Yugi, halos lahat ng miyembro ng pamilya Zafara ay hindi na nagkikita-kita. Ang mga bata ay abala sa kanilang pag-aaral habang ang kanilang mga magulang naman ay abala sa kani-kanilang trabaho.Kaya naman nang malaman nila ang pagbabalik ni Yugi, tila ba bumalik ang kanilang sigla. Ang dating tahimik at boring na family gathering ay naging mas maingay at katuwa-tuwa.Yugi was not the head of the Zafara family, but he was indeed the glue of it."Why don't you come outside?" tanong ni Arnulfo at umupo sa couch, sa tapat ng puwesto ni Bella. "Halos lahat sila ay nandoon.
Hindi maipinta ang mukha ni Yugi habang naghuhugas siya ng pinggan. Kung tutuusin ay noong nakaraang araw pa nga siya hindi mapakali dahil sa pinag-usapan nila ni Mr. Yal Marquez.Gusto niyang magwala.Magreklamo.Tumanggi.Ngunit imbes na gawin ang mga bagay na iyon ay nabigo siya. Hindi niya magaw
Matapos ang naganap na meeting sa conference room ay agad na ring nagsialisan ang mga professor. Nagpunta na sila sa kanya-kanya nilang mga klase ganoon din ang Dean na agad na ring bumalik sa opisina nito.Ngunit nanatiling tahimik at tulala si Yugi sa loob ng silid na iyon.Napahilamos siya sa kan
Saktong alas-kuatro trenta nang magising si Elyan. Today is Saturday. Kadalasan kapag ganitong mga araw ay late na siyang gumigising dahil wala siyang pasok. Kung tutuusin nga ay pinagsabihan siya ng kanyang ama na kailangan niyang kumuha ng saturday class para advanced na siya at para mabilis siya
Papunta na sana si Yugi sa library nang isang masigabong palakpakan ang narinig niya mula sa gym. Natigil siya sa paglalakad at mula sa loob ay nakita niya ang ilang mga cheerleaders na nagpa-practice. Akmang lalakad na sana siya upang magpatuloy papuntang second floor ay natigil siya nang marinig n







