author-banner
zeharilim
zeharilim
Author

Novels by zeharilim

Secretly, Mrs. CEO

Secretly, Mrs. CEO

Lumaki si Naya Diaz sa isang pamilyang sobrang taas ng expectation. Dahil doon ay kailangan niyang magpursige at patunayan ang kanyang sarili sa kanila. Maging sa kanyang trabaho ay wala siyang dapat na inaaksayang oras. Until one day, humantong sa punto na pagod na pagod na siya sa mga bagay na gusto nila para sa kanya. Her parents want her to marry the son of their friend - a mature, ten years older than her, and business-minded individual. Bagamat ayaw niyang madismaya sila sa kanya ay pinili pa rin niya ang hindi pumayag. Nang dahil doon ay ipinagtabuyan nila siya bilang parte ng pamilya Diaz. Nang malaman ni Xavier Iglesias, ang kanyang aroganteng boss at ang kanyang long-time boyfriend, ang tungkol sa ginawang iyon ng kanyang pamilya ay labis ang galit at pagkasuklam nito sa kanila. Pagod na siyang nakikita na palaging umiiyak ang babaeng mahal niya. Kaya naman nagpasya siya na ituloy na ang kasal na matagal niya nang binabalak. Naya agreed to marry him. Pero ang masaklap ay humingi ito ng pabor na kung maaari ay itago nila ang tungkol sa kanilang kasal at ang pagiging mag-asawa nila sa publiko. She told him that she needs more time to pursue her own goal. Ngunit habang tumatagal ay pansin ni Xavier na nakaukit pa rin sa pagkatao ni Naya ang magpa-impress sa pamilya nito. Hanggang kailan niya magagawang magpanggap at itago ang relasyong meron sila ni Naya? Hanggang saan siya aabutin ng kanyang pagtitiis tungo sa pamilya nito? He wants more of his wife, not half of her.
Read
Chapter: Kabanata 74
Xavier Iglesias"Do you think this would work?" kunot-noo kong tanong kay Calix. "Don't you think it's too traditional? Sa tingin ko naman ay hindi ganoong babae si Naya. Parang modern ang datingan niya."Natawa sina Ariel at Noel."Believe me, she's not," anas ni Ariel. "Alam ko 'yon dahil nabanggit din niya sa 'kin ang tungkol doon. Natawa pa nga ako dahil hindi ko akalain na ganong istilo ng panliligaw pala ang gusto niya.""Hindi ba pwedeng imbes na magreklamo ka at magtanong ka ng magtanong ay makinig ka nalang sa 'min?" nakangusong sabat ni Calix. "We know what we're doing. Magtiwala ka nalang at magpasalamat ka nalang dahil tinutulungan ka namin."Pagak na natawa si Noel. "Yeah, admit it! You're just helping him for our cousin's sake. Sigurado naman ako na tutol din kayo sa panliligaw nitong si Mr. Xavier kay insan. Kitang-kita ko sa mga mukha ninyo ang inis nang malaman niyo na meron na namang bagong lalaking aaligid sa kanya."Natig
Last Updated: 2025-12-19
Chapter: Kabanata 73
Naya DiazTulala akong nakatitig sa cellphone ko nang mga sandaling iyon.Nakailang chat na ako kay Xavier magmula pa kanina pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya sinasagot ang mga iyon.It's been two hours since I sent him a message. Sinubukan ko rin siyang tawagan pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko.Kung tutuusin ay kanina pa ako hindi mapakali sa kagustuhan kong makausap siya tungkol sa naging usapan namin. Other than that, I want him to explain those things to me.Pero sa kasamaang palad ay wala akong napapala sa pangungulit ko sa kanya.Hindi ko alam.Pero simula nang makausap namin si Mama noong isang araw ay nagbago na ang pakikitungo niya sa akin. Bagamat isang araw lang siyang hindi nagpunta sa apartment ko, pakiramdam ko ay binabalewala niya na ako.Naiintindihan ko naman kung abala siya sa kanyang trabaho.But even though he's busy, hindi siya nakakalimot na mangamusta. Ang text niya ang unang-unan
Last Updated: 2025-12-18
Chapter: Kabanata 72
Xavier IglesiasIsa si Calix sa mga malapit na pinsan ni Naya.Kapatid na ang turingan nila sa isa't-isa kung saan ay mas matimbang pa ang relasyon nila kaysa sa tunay nilang mga kapatid.Nabalitaan ko rin na bilang itinuturing na kapatid ay mahigpit ito sa lahat ng lalaking lumalapit kay Naya. Talagang sinisigurado nito kung matino ba ang taong iyon o hindi. Sinisigurado nito kung totoo bang interesado ang lalaking iyon o nagpapaasa lamang.Kaya naman sa mga sandaling iyon ay hindi ko alam kung ano ang iisipin ko.Matatanggap ko pa sana kung nandito siya sa harapan ko ngayon at kinakausap ako tungkol sa totoong nararamdaman ko kay Naya.Tanggap ko pa sana kung nandito siya ngayon at inaalam ang motibo ko sa pinsan niya.I was expecting him to make things harder for me, but no.Katulad nina Noel at Ariel, nag-offer din siya ng tulong sa akin tungkol sa gagawin kong panliligaw sa pinsan nila. Bukod pa roon ay binigyan din niya a
Last Updated: 2025-12-17
Chapter: Kabanata 71
Xavier Iglesias"I heard that you like my cousin," nakangiting anas ni Ariel. "At ang mas nakakabigla pa roon ay noon ka pa pala interesado sa kanya. Pero bakit ngayon ka lang nagsabi?"Right before I could even answer him, sumabat sa usapan ang kanyang pinsan na si Noel."I heard from my mom na ayaw daw kasi ni tita Corazon 'tong si kuya Xavier para kay ate Naya," anito na ikinaangat ng dalawang kilay ni Ariel. "Hindi ko rin alam ang dahilan. Pero kilala mo naman ang tiyahin nating 'yon, masyadong strikto pagdating kay insan.""How about now?" Pagak na natawa si Ariel. "Narinig ko ang pinag-uusapan nila kanina at mukhang botong-boto na sa kanya si Tita. What might be the reason for that? Hindi kaya sa bagong project na sisimulan niyo?"Lihim akong natawa sa sinabing iyon ni Ariel.Hindi ko alam kung saan niya nadampot ang ideya na mayroon akong bagong project with Mr. and Mrs. Diaz. Sa katunayan ay kanina pa kumakalat ang usaping iyon haban
Last Updated: 2025-12-16
Chapter: Kabanata 70
Naya DiazSa katunayan ay kanina ko pa gustong harapin ng sarilinan si Xavier. Gusto ko siyang makausap at gusto kong malaman kung ano ba ang pumasok sa kokote niya ngayong araw.Hindi ko alam kung ano ang nakain nito at parang trip yata ako nitong bigyan ng sakit ng ulo.Bago pa man siya lumipat sa pwesto namin ay napansin na ni Vivian ang panay na pagtanaw at pagtitig niya sa akin mula sa di kalayuan. Kulang nalang ay lumipat ako ng pwesto o di kaya ay magpasya na akong umuwi.Ngunit kapag ginawa ko naman iyon ay tiyak na hahanapin ako ni Henry lalong-lalo naman ng pinsan kong si Ariel.Sinabi kasi nito sa akin na magkakaroon pa kami ng salo-salo matapos ang birthday ng kanyang anak. Kaunting inuman, video
Last Updated: 2025-12-15
Chapter: Kabanata 69
Xavier IglesiasIsang masayang 7th birthday ang naganap nang gabing iyon. Kitang-kita ko sa mukha ni Henry ang saya at pagkasabik sa kanyang ginaganap na kaarawan. Ngunit bukod sa kanya ay ganoon din ang kanyang pamilya lalong-lalo na ang kanyang tiyahin na si Naya. Sa unang pagkakataon ay nakita ko siya at narinig ko siyang tumawa ng malakas sa harap ng kanyang pamilya. It didn't happen before dahil kung tutuusin ay wala siyang ibang ginawa kundi ang umiyak nang dahil sa kanila. I hate them for treating her like garbage. Noon pa man ay nakita ko na kung paano nila siya tratuhin lalo naman na ng kanyang inang si Corazon. Our families have been business partners since six years ago. Nagsimula iyon nang mangailangan ng tulong ang mga Diaz sa papalubog na nilang kompanya. Nang mga panahong iyon ay nagsisimula pa lamang akong pag-aralan ang lahat ng tungkol sa kompanya namin. Pero nakita ko na ang mga bagay na kung tutuusin ay hindi ko naman talaga dapat pinakikialamanan. But I did.
Last Updated: 2025-12-14
His Dangerous Desire

His Dangerous Desire

Anim na taon nang tapat sekretarya si Samantha Hernandez ng CEO – pinagkakatiwalaan, iginagalang at itinuturing na rin na parang isang pamilya. Ngunit isang gabing puno ng kapusukan ang siyang nagbago ng lahat. Sa kanyang paglalasing matapos ang hiwalayan sa pagitan ng kanyang nobyo, natagpuan niya ang sarili sa bisig ni Theo Buendia – ang arogante, mapusok at black sheep na kapatid ng CEO. Ang isang pagkakamaling gustong kalimutan ni Samantha ay naging simula ng pagkahumaling ni Theo sa dalaga. Ngayon ay nagbalik na siya…hindi lamang sa buhay ni Samantha kundi pati na rin sa opisinang pinagtatrabahuhan niya, bilang kanyang temporary boss. Gusto niyang kalimutan ang binata ngunit lubos naman ang paghahangad nito sa kanya. At sa kagustuhan niyang takasan ito ay mas lalong nagiging malinaw na ayaw siya nitong pakawalan pa.
Read
Chapter: Chapter 295
Theo's POV"Kung gusto mo 'kong kausapin dahil gusto mo pang idiin ang mga nagawa ko sa 'yo, sige lang. Tatanggapin ko ang mga masasakit na salitang ibabato mo sa 'kin. Hindi ako magrereklamo," blangko ang reaksiyon niyang pahayag.Hindi ako umimik bagkus ay tinapunan ko lamang siya ng tingin.Ngunit imbes na pahabain ko pa ang katahimikang iyon ay napagdesisyunan ko na ring agad na putulin iyon.Humugot ako ng isang malalim na hininga."I don't want to stay mad at you," pagsisimula ko na ikinatigil niya. "Ayaw kong dumating sa punto itong sitwasyon natin na huli na para sa 'tin ang magkaayos. However, hindi ko pa rin mapigilan ang hindi makaramdam ng inis sa ginawa mong pagsisinungaling sa 'kin. I feel betrayed and fooled, you know?"Marahan siyang tumango. "Naiintindihan ko kung ano ang nararamdaman mo. Ang totoo nga niyan ay nagsisisi ako sa ginawa ko. I have a lot of what-ifs on my mind. Sana hindi ko nalang sinabi sa 'yo ang totoo at sa
Last Updated: 2025-12-19
Chapter: Chapter 294
Samantha's POV"Ano? Kamusta ka na?" tanong sa akin ni Alya habang nagtitimpla ng kape. "How about Theo? Wala ba siyang napapansin sa 'yo na kakaiba? Your cravings or your morning sickness?"Umiling ako. "Fortunately, parang normal lang naman ang lahat. Pero ayaw kong makampante dahil si Theo 'yon."She laughed as she turned to me. Right after she sip her coffee, umupo siya sa bakanteng upuan sa harap ko sa dinner table."Right. He's kind of a jerk sometimes. Pero hindi maitatanggi na magaling siyang bumasa ng sitwasyon." Humugot siya ng isang malalim na buntung-hininga. "Hula ko nga ay nahawaan siya no'ng magaling niyang pamangkin na si Neo."Natawa ako sa sinabi niyang iyon.Paanong hindi sila magkakahawaan na dalawa?Noon pa man ay hindi na sila mapaghiwalay. Bukod pa roon ay talagang malapit sila sa isa't-isa to the point na kung minsan ay napagkakamalan silang magkapatid.Minsan pa nga ay mag-ama.Pero sa ngayon ay
Last Updated: 2025-12-18
Chapter: Chapter 293
Theo's POVHindi ko alam kung ano ang iisipin ko sa narinig ko mula kina Bella at Taylor.Neo is going to Canada. Probably, he's going to stay there for good dahil doon na nga rin siya magtatrabaho. Wala akong ideya tungkol sa bagay na iyon dahil wala naman siyang nabanggit sa akin.Huling nagkausap kami ay nagkausap natutuwa siya dahil mayroon na rin siyang trabaho sa wakas. Ngunit sa kabilang banda naman ng tuwang iyon ay sinabi rin niya sa akin na mukhang hindi siya magtatagal sa kompanyang iyon.Hindi raw kasi niya gusto ang patakaran sa loob ng kompanyang iyon.Bukod pa roon ay wala sa lugar ang pagiging istrikto ng kanilang employer. Gusto nitong sumunod sila sa gusto nito kahit hindi naman karapat-dapat sundin ang mga ipinag-uutos nito.But now, he accepted another job offer.Paniguradong umalis na ito sa dati nitong pinagtatrabahuang kompanya.Bakit hindi man lang nito nabanggit sa kanya ang tungkol sa b
Last Updated: 2025-12-17
Chapter: Chapter 292
Theo's POVIlang minuto ang nagdaan ay tuluyan ko na ring natapos ang trabaho ko na ilang araw ko na ring pinagkakaabalahan. It is finally ready for publishing at ang kulang nalang ay ang approval ng President sa proyektong iyon.Akmang ipipikit ko na ang mga mata ko ay saka naman ako natigil nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. As I opened my phone, bumungad sa akin ang sunod-sunod na text message mula kay Taylor.'Tito Theo, are you done with your work? Pwede bang pumunta ka rito saglit sa office? Meron lang akong importanteng papers na ipapakita sa 'yo.''Sure, that wouldn't be a problem. Sakto at lunchbreak na rin namin dito. Basta ba may ipapakain ka sa akin kapag pupunta ako dyan.' I typed.She reacted to my message with a laughing emoji.'Talagang may kapalit kapag humingi ng favor sa yo, no?' tugon niya na ikinatawa ko. 'Walang problema. Punta ka na rito ngayon. I'll wait for you.'Matapos ang mga sandal
Last Updated: 2025-12-16
Chapter: Chapter 291
Samantha's POVAgad na umangat ang magkabilang kilay ko sa narinig ko mula kay Neo. Sa puntong iyon ay lihim akong napalunok kasunod niyon ay ang mabilis pa sa alas-kuatro kong pagtayo mula sa kinauupuan ko. Hindi nagtagal ay nagtungo ako sa kusina at ipinagpatuloy ang pinagkakaabalahan kong trabaho."I don't know what you're talking about," pagsisinungaling ko. "Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang kwentong 'yan pero sinasabi ko sa 'yo…""Would you stop denying it?" anas niya at sinundan ako sa kusina. "Mismong si Ms. L ang nagsabi sa 'kin tungkol sa koneksiyon niya sa 'yo. Anong gusto mong palabasin? Sinungaling siya? Gumagawa lang siya ng kwento? Alam kong kilala mo siya at hindi siya ganong klaseng tao."Muli ay natigil ako sa ginagawa ko kasunod niyon
Last Updated: 2025-12-15
Chapter: Chapter 290
Neo's POVIsang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ko bago pa man ako kumatok sa pinto ng bahay ni tito Theo. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko rito at kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko.Kung tutuusin ay sigurado ako na hindi na naman ako haharapin ng lalaking iyon. Sigurado ako na wala na naman akong mapapala kung magpupumilit na naman akong kausapin siya.Hanggang ngayon kasi ay galit pa rin sa akin ang loko.Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang balak na patawarin ako.Hindi ko alam kung hanggang kailan at hindi ko alam kung magagawa pa ba niya akong patawarin. Sa katunayan ay hindi ko siya masisisi kung ituring niya na akong iba dahil sa ginawa kong pagsisinungaling sa kanya.Well, may choice ba ako?Napag-utusan lang din naman ako at kung tutuusin sa ilang taon na pagtatago ko sa kanya ng sekretong iyon ay walang araw na hindi ko binalak na sabihin sa kanya ang totoo.I felt guilty every time I faced him.Mabuti nga at nagawa kong magpakatapang dahil kapag si Ms
Last Updated: 2025-12-14
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status