Se connecterHERMOINE POVMakalipas ang dalawang araw ay tinawagan ni Hermoine ang kanyang ina at ipinaalam niya na nakabalik na siya nang Manila. Ipinaintindi niya rin na sa susunod na linggo pa siya makakabisita sa mga ito. Hindi man sumang-ayon ang kanyang ina ay wala na itong magagawa pa sapagkat hindi niya ibinigay dito ang kanyang kasalukuyan na bagong address.Abala siya sa pagluluto nang oras na iyon habang ang kanyang anak naman na si Xavier ay nasa crib nito at naglalaro. Narinig niyang tumunog ang kanyang door bell galing sa labas kaya sinilip niya kung sino ang nasa labas gamit ang bintana. Mula sa labas nang gate ay nakita niya ang isang teenager na babae."Tao po?!" tawag pa nito mula sa labas nang gate.Agad na pinunasan ni Hermoine ang kanyang kamay at tsaka binuksan ang main door."Sino po sila?" tanong niya nang mabuksan niya ang pintuan.Nang makita siya nang dalaga ay agad itong ngumite sa kanya nang napakatamis."Hello po, Ate. Ako po si Nadia nasa dulo po ang bahay ko," magal
HERMOINE POV"Ahh, sige po, Ma'am. Ok lang po," napapatangong anas ng matandang may-ari."Pasensya na po talaga," hinging paumanhin niya ulit bago sumunod sa matanda.Isang simpleng compound lang ang kinaroroonan nang apartment na napili niya. Lahat ng mga apartment ay nakahilera nang maayos at may sariling mga bakod at gate. Pare-pareho lang din ang mga desenyo nito.Habang binubuksan nang matandang lalaki ang pintuan nang napili niyang apartment ay nakita naman niya ang ginawang paglapit sa kanya nang isa sa mga bellboy."Pasensya na po Ma'am. Pero maaari niyo po bang buksan ang trunk nang sasakyan niyo? Nang sa ganoon po ay mahakot na po namin ang kagamitan niyo," paalam ng bellboy sa kanya.Marahang gumalaw ang batang natutulog sa bisig niya kaya kaagad niya itong hinele."Sige po, walang problema," sagot niya sa bellboy at kinuha ang susi ng kanyang sasakyan at pinindot ang kanyang engine start button. Tumunog ang kanyang sasakyan at makaraan ang ilang saglit ay kusa nang bumukas
HERMOINE POVGaya nang plano niya ay umalis nga si Hermoine papunta sa kanilang probinsiya sa batangas. Doon siya tumira pansamantala hanggang sa maipanganak niya ang sanggol sa kanyang sinapupunan.Habang na nanatili siya doon ay panay naman ang trabaho niya sa kanilang coffee business ni Merna. Gamit ang kanyang laptop ay hindi niya napapabayaan ang kanyang trabaho. Tungkol naman sa ex-boyfriend niyang si Jacob ay halos na putol na ang lahat ng mga koneksyon niya sa mismong lalaki. Wala na siyang iba pang balita tungkol dito.Madaling lumipas ang panahon at malusog niyang isinilang kanyang batang lalaking sanggol. Napakagwapo nito, simula sa makapal nitong kilay, maliit ngunit matangos na ilong at ang nakakahalina sa lahat ay ang mga mata nitong kulay asul na sadyang nakakalunod sa tuwing tinititigan mo. Isa lang ang masasabi niya, lahat ng mga magagandang katanginan nang kanyang anak ay nasisigurado niyang namana nito sa ama nito. Which is ang misteryosong gwapong lalaki na naka on
HERMOINE POV Nasa ganoon silang ayos nang bumukas ang pintuan at pumasok ang waitress na may dalang isang tray na may lamang dalawang tasa nang kape at dalawang slice rin nang cake. "Magkape ka na muna Hermoine at nang sa ganoon ay matikman mo naman ang ibenebenta natin dito sa store," anas ni Merna sa kanya habang iniaabot ang dalang tray mula sa waitress at siya na mismo ang naglagay nito sa mesa. "Sige," ngiti ni Hermoine at inabot ang tasa nang kape na nasa mesa. Akmang iinumin na sana niya iyon nang umataki sa kanyang ilong ang malakas na aroma nito. Halos bumaliktad ang kanyang sikmura sa kanyang naamoy at dali-dali pa siyang napatayo na siyang ikinagulat naman ni Merna nang husto. "Bakit Hermoine? May problema ba?" "Cr. May cr ka ba dito?" tanong niya kay Merna habang tinatakpan ang kanyang bibig gamit ang kanyang mga kamay. "Oo, doon," sabay turo ni Merna sa nakasarang pintuan na nasa kaliwang bahagi nitong opisina niya. Hindi na nag-atubili pang pumasok doon si Hermoi
HERMOINE POV Matapos makapag-ayos nang kanyang sarili ay agad na siyang lumabas nang comfort room at halos ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang makita niya si Adrian na naghihintay pa rin sa kanya sa labas nang womens room. May iilan pa ngang mga babae ang nakita niyang napapatingin at nagpapapansin rito. Hindi naman kasi maipagkakailang gwapo rin talaga si Adrian. Sa grupo nila Jacob ay ito lang ay may tanging kakaibang kagwapuhang taglay. May pagkataned skin kasi ito hindi gaya nang iba na maputi. May pagkamisteryoso rin ang mga mata nito at idagdag mo pa na ito rin ang napakatahimik sa grupo nila. Bukod doon ay madami na siyang naririnig na napakayaman daw ng pamilyang pinagmulan nito. Nang makita siya nito ay agad itong napaayos nang tayo. Humakbang ito papalapit sa kanya dahilan para pagtinginan rin siya nang mga babaeng nasa paligid nito. "Are you done?" tanong nito sa kanya. "Ahh...oo. Salamat nga pala," mahinang anas niya at nagsimula nang maglakad. Ngunit sumunod it
HERMOINE POVMadaling lumipas ang mga araw at unti-unti nang natatanggap ni Hermoine na wala na talagang pag-asa pa na magkabalikan pa silang dalawa ni Jacob. Lahat nang mga nangyayari sa dalawa ay nakikita niya sa social media kaya para makaiwas sa sakit ay minabuti niyang iblock si Jacob sa kanyang facebook account.Isang umaga ay nagising siya na para bang binabaliktad ang kanyang sikmura. Hindi niya alam kung bakit ito nangyayari sa kanya. Mabilis siyang tumakbo sa kanyang banyo at doon siya nagduduwal nang sobra. Binalewala niya ito at agad siyang naligo at nagbihis dahil sa may lakad nga siya sa araw na ito.Pupunta kasi siya ngayon sa kakilala niyang nagmamay-ari nang isang maliit na coffee shop. Balak niya sanang makipagsundo nang trabaho dito. Wala na kasi silang ibang pera pa sa bangko. Lahat ay nagastos na nang kanyang ama sa pahuling sahod ng kanilang mga trabahante. Ang maliit na savings na nasa kanyang bank account ay binabalak niya sanang ialok ng business partnership s







