INICIAR SESIÓNSa mismong araw ng kanilang third anniversary, nahuli ni Armea Alarcon ang kaniyang nobyong si Ethan Villareal na nakikipagtalik sa kaniyang kapatid sa ama na si Seraphina. Akala niya ay iyon na ang pinakamasakit na pagtataksil na mararanasan niya. Ngunit mas lalo siyang nadurog nang malaman niyang matagal nang alam ng kaniyang ama ang relasyon ng dalawa at pinili lamang nitong manahimik para sa kapakanan ng kanilang negosyo. At para bang hindi pa sapat ang lahat, ipinagkasundo pa siyang pakasalan ang kinatatakutang bilyonaryong si Lucien Alexander Monteverde upang mailigtas ang naluluging kumpanyang iniwan ng kaniyang yumaong ina. Mariing tumanggi si Armea. Ngunit nang malaman niyang nanganganib nang tuluyang maagaw ang pamana ng kaniyang ina, napilitan siyang tanggapin ang kasunduang maaaring magbago sa buong buhay niya. Ang hindi niya inaasahan, ang lalaking kinatatakutan ng lahat ay siya palang magbibigay sa kaniya ng pagmamahal at pag-aarugang matagal niyang ipinagkait sa sarili. Ngunit habang unti-unti siyang nahuhulog sa sariling asawa, isang sikreto ang kaniyang matutuklasan. Hindi pala nagkataon lamang ang kanilang pagkikita. At lalong hindi nagkataon na siya ang piniling pakasalan ng bilyonaryo. Dahil sa likod ng malamig na mga mata ni Lucien ay may isang lalaking matagal nang nagmamahal sa kaniya. Kapag nalaman ni Armea ang tunay na dahilan ng kanilang kasal, magagawa pa kaya niyang mahalin ang asawa? O muli na naman siyang masasaktan sa isang pag-ibig na nagsimula sa isang lihim?
Ver másChapter 1
Bitbit ang isang kahon ng choco-moist cake, nakangiting tinatahak ni Armea Alarcon ang hallway patungo sa condo unit ng kaniyang nobyong si Ethan Villarreal. Third anniversary nila ngayon at excited siyang surprisahin ito.
Ngayon din ang araw na nakapagpasya s'yang ibigay ang kaniyang pagkabirhen na matagal na nitong hinihingi sa kaniya.
Noong una’y natatakot siya dahil baka lokohin lang siya ng nobyo. Iniisip niyang baka pagkatapos makuha ang kaniyang pagkababae ay iwanan lang siya nito. Ngunit sa tagal ng kanilang relasyon, hindi siya binigyan ng lalaki ng dahilan para magselos. At alam niyang mahal at kailanman ay hindi siya nito sasaktan.
Bumuga siya ng malalim na hininga nang mahinto siya sa tapat ng p***o unit nito. May spare key naman siya kaya naman Hindi na siya nagdalawang isip na ipasok sa keyhole ang susi at pinihit ang seradura paloob.
Ngunit leaking gulat niya nang makitang may mga bote ng canned beer, karton ng pizza sa lamesa. Akmang lalapit na sana siya nang bigla siyang nakarinig ng impit na ungol na nagmumula sa silid ng nobyo.
Nanlamig ang kaniyang mga kamay. Halos sumabog ang kaniyang dibdib sa sobrang kaba ng oras na ‘yon.
Paulit-ulit niyang kinumbinsi ang sarili na baka nagkakamali lamang siya ng naririnig. Baka nanonood lang ng pelikula ang nobyo.
Ngunit nang muling umalingawngaw ang ungol ng isang babae, tuluyan nang nawala ang ngiti sa kaniyang labi.
“Ahh! Ethan! D-Dahan-dahan!”
Parang may kung anong mabigat na bagay ang bumagsak sa kaniyang dibdib. Kilala niya ang boses na iyon.
Hindi maaring magkamali kaniyang pandinig dahil halos buong buhay niya ay nakakasama niya ang babaeng nagmamay-ari ng boses na iyon.
Kay Seraphina iyon. Ang kaniyang kapatid sa ama. Napailing siya habang unti-unting umaatras. Gusto niyang maniwalang nagkakamali lamang siya. Na baka may ibang babae roon na kapareho lamang ng boses ng kaniyang kapatid.
Ngunit paano kung tama siya?
Paano kung ang dalawang taong pinagkakatiwalaan niya ang siyang gumagawa ng bagay na kinatatakutan niyang mangyari?
Hindi niya namalayang nanginginig na pala ang kaniyang mga kamay habang dahan-dahang lumalapit sa naturang silid.
Bahagyang nakabukas ang p***o. At sa maliit na siwang na iyon, nakita niya ang isang eksenang kailanman ay hindi niya inakalang kaniya masasaksihan.
Nakahiga sa kama ang kaniyang kapatid habang nasa ibabaw nito ang lalaking tatlong taon niyang minahal.
Ang lalaking balak sana niyang bigyan ng kaniyang pagkabirhen ngayong gabi.
Dahil sa emosyong bumabalot sa kaniya, nabitawan niya ang kahon ng cake at bumagsak iyon sa marmol na sahig.
Sabay namang na napalingon ang dalawa sa kaniyang direksyon.
“Armea?!” gulat na sambit ni Ethan. Mabilis itong bumangon at hinablot ang kumot upang takpan ang sarili.
Samantalang si Seraphina ay tila hindi man lang nabahala nang makita siya. Sa halip, bahagya pa itong ngumiti habang dahan-dahang inaayos ang buhok.
“A-Ano'ng ginagawa ninyo, Ha?” nanginginig niyang tanong nang mahimasmasan na siya.
Subalit wala siyang nakuhang sagot.
Palipat-lipat niyang tiningnan ang dalawa, umaasang may magsasabing hindi totoo ang kaniyang nakikita.
“Ethan, tinatanong kita! Ano'ng ginagawa ninyo ng kapatid ko, ha?!”
“Lower your voice, Armea!” singhal nito.
Napaatras siya. Hindi dahil sa lakas ng boses nito, kundi dahil sa paraan ng pagsasalita nito sa kaniya. Siya na nga ang nahuling nagtataksil, siya pa ang may ganang magalit?
“Lower my voice?” Hindi siya makapaniwalang napatawa. “Nahuli kitang nakikipagtalik sa kapatid ko, tapos gusto mong hinaan ko ang boses ko?”
“Then what do you want me to do? Magmakaawa sa harapan mo?”
Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa kaniyang buong katawan nang marinig ang naging sagot ng nobyo.
“E-Ethan…”
“Come on, Armea. We're both adults here. Huwag kang umastang parang katapusan na ng mundo dahil lang sa nakita mo.”
Napatingin siya kay Seraphina nang makarinig siya ng mahinang pagtawa mula rito.
“I'm sorry, Ate,” sabi nito, ngunit wala ni katiting na pagsisisi sa mukha. “Hindi naman talaga namin intensyong malaman mo nang ganito.”
“Sera…” halos pabulong niyang sambit. “Kapatid kita.”
“And?”
Nanlaki ang kaniyang mga mata.
“Anong and? Alam mong nobyo ko si Ethan!”
“Exactly! Nobyo mo lang siya, Ate. Hindi mo pa asawa. Kaya malaya si Ethan sa kung ano ang gusto niyang gawin”
Hindi agad nakapagsalita si Armea.
Masakit ang bawat salitang lumalabas sa bibig ng kaniyang kapatid, ngunit mas masakit ang katotohanang wala man lang itong nakikitang mali sa ginawa nila.
“How long? Gaano katagal n'yo na akong niloloko?” tanong niya habang pilit na pinipigilan ang pagpatak ng kaniyang mga luha.
Hindi sumagot si Seraphina.
Kaya ibinaling niya ang tingin kay Ethan.
“Ano? Magtititigan lang ba tayo?”
Napabuntong-hininga ang lalaki.
“Does it really matter?”
“Yes! It matters to me!”
“Six months.” Parang biglang tumigil ang pag-ikot ng kaniyang mundo.
Anim na buwan. Anim na buwan siyang ginagawang tanga ng dalawang taong pinagkakatiwalaan niya. At sa loob ng anim na buwang iyon, ni minsan ay wala siyang napansing kakaiba sa kilos ng dalawa.
“B-Bakit?” basag ang boses na tanong niya. “Anong pagkukulang ko sa 'yo, Ethan, ha?”
“Do you really want to know?”
Tumango siya kahit pakiramdam niya ay hindi na niya kakayanin pang makarinig ng isa pang masasakit na salita.
“Because I'm tired of waiting, Armea! Three years! Three fucking years kitang hinintay! Pero hanggang ngayon, ayaw mo pa ring ibigay sa akin ang gusto ko!”
Napahawak siya sa kaniyang dibdib.
“D-Dahil lang doon?”
“What do you expect? I'm a man, Armea! May pangangailangan din ako!”
“Pero sinabi mong kaya mong maghintay…”
“Well, I changed my mind.”
Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng kaniyang mga luha.
Kung alam lamang nito na ngayong gabi ay handa na sana siyang ibigay ang bagay na matagal na nitong hinihingi. Ngunit huli na ang lahat.
Dahil sa isang iglap, ang lalaking akala niya ay makakasama niya habang-buhay ay naging isang estranghero sa kaniyang paningin.
“Ate?”
Muli siyang napatingin kay Seraphina.
Nakangiti itong nakaupo sa gilid ng kama habang may kung anong inaayos sa daliri.
“Since nandito ka na rin naman, may gusto sana akong ipakita sa 'yo.”
Itinaas nito ang kaliwang kamay.
At doon niya nakita ang isang kumikinang na singsing sa palasingsingan nito.
“Ethan proposed to me last night.”
Nanigas si Armea sa kaniyang kinatatayuan. “W-What?”
Mas lalong lumapad ang ngiti ni Seraphina. “We're getting married, Ate.”
At sa pagkakataong iyon, tuluyan nang gumuho ang mundong matagal niyang pinaniwalaang perpekto.
Hindi na niya alam kung ilang segundo siyang nanatiling nakatayo roon. Pakiramdam niya ay anumang oras ay bibigay ang kaniyang mga tuhod.
“We're getting married, Ate,” muling sabi ni Seraphina habang ipinagmamalaki ang singsing sa daliri nito. “Actually, balak sana naming sabihin sa 'yo next week. Kaso mukhang hindi na namin kailangang maghintay.”
Napatingin si Armea kay Ethan. Umaasa pa rin siyang itatanggi nito ang sinabi ng kaniyang kapatid. Ngunit sa halip na magsalita, umiwas lamang ito ng tingin.
“Ethan…” mahina niyang tawag. “Totoo ba ang sinasabi niya?”
“Yes.”
Isang salita lamang iyon, ngunit sapat na upang tuluyang durugin ang kaniyang puso.
“P-Paano mo nagawa sa akin 'to?” nanginginig niyang tanong. “Tatlong taon, Ethan! Tatlong taon tayong magkasama! Wala ba talagang halaga sa 'yo ang lahat ng pinagsamahan natin?”
Napabuntong-hininga ang lalaki bago iritableng sinuklay ng mga daliri ang buhok.
“Look, Armea. I know you're hurt, pero wala na tayong magagawa. Mahal ko si Seraphina at siya ang gusto kong pakasalan.”
“Paano naman ako?”
“What about you?”
Hindi makapaniwalang napailing siya.
“Ganoon na lang ba kadali para sa 'yo na itapon ang tatlong taon nating relasyon?”
“Stop being dramatic, Armea! Hindi naman tayo kasal para umasta kang parang may obligasyon pa ako sa 'yo!”
Parang may kung anong matalim na bagay ang paulit-ulit na tumutusok sa kaniyang dibdib. “Ethan, please…” Hindi niya naituloy ang sasabihin nang muling pumatak ang kaniyang mga luha.
“Ate, huwag ka nang magmakaawa,” singit ni Seraphina. “Nakakahiya ka naman. Ayaw na nga sa 'yo ng tao, ipinipilit mo pa rin ang sarili mo.”
Napatingin siya sa kapatid. “Manahimik ka, Seraphina!”
Agad na nawala ang ngiti nito. “Excuse me?”
“Sinabi kong manahimik ka!” sigaw niya. “Wala ka bang kahit kaunting konsensya? Kapatid mo ako! Sa dami ng lalaking puwede mong akitin, bakit nobyo ko pa?!”
Tumayo si Seraphina mula sa kama habang mahigpit na nakabalot sa katawan ang kumot.
“Because I love him! At mahal din niya ako! Hindi ko naman kasalanan kung mas pinili niya ako kaysa sa 'yo!”
“Seraphina!”
“What? Masakit bang marinig ang totok?” mapang-asar nitong tanong. “Ever since naman, Ate, alam mong mas bagay kami ni Ethan. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ikaw pa ang naging girlfriend niya.”
Hindi na nakapagsalita si Armea.
Sa buong buhay niya, ilang beses na siyang nagparaya para sa kaniyang kapatid. Mula sa maliliit na bagay hanggang sa mga bagay na mahalaga sa kaniya. Ngunit hindi niya inakalang darating ang araw na pati ang lalaking mahal niya ay aagawin nito.
“Get out, Armea,” malamig na sabi ni Ethan.
Dahan-dahan siyang napalingon dito.
“A-Ano?”
“I said, get out. Ayoko nang makipagtalo sa 'yo.”
Napatingin siya sa kahon ng cake na nakahandusay sa sahig. Wasak na ang lalagyan nito at kumalat na rin ang ilang bahagi ng cake. Kanina lamang ay masaya siyang naglalakad patungo rito. Punong-puno ng excitement ang kaniyang dibdib dahil akala niya ay magiging espesyal ang gabing ito para sa kanilang dalawa. Hindi niya akalaing sa mismong araw ng kanilang anibersaryo ay ganito ang mangyayari.
Pinunasan niya ang kaniyang mga luha bago muling tumingin kay Ethan.
“Sana hindi mo maranasan ang sakit na ipinaramdam mo sa akin ngayon.”
Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Mabilis siyang tumalikod at lumabas ng silid.
Ngunit bago pa man siya tuluyang makalabas ng condo unit, narinig niya ang tinig ng kaniyang kapatid.
“Don't worry, Ate! Papadalhan na lang kita ng invitation sa kasal namin!”
Napapikit siya nang mariin.
Gusto niyang bumalik at sampalin ang kapatid, ngunit alam niyang wala na rin iyong silbi.
Kaya sa halip ay nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad.
MAKALIPAS ang isang oras ay handa nang umalis si Armea papunta sa kaniyang café.Paglabas niya ng mansiyon ay nakita niyang naghihintay sa driveway ang isang itim na sasakyan. Nakatayo sa tabi nito si Mang Tony.“Good morning, Ma'am!”Napangiti siya. “Mang Tony! Kayo pala ang maghahatid sa akin?”“Opo. Si Sir Lucien na po ang nag-ayos.”Napakurap siya.“Si Lucien?”“Opo. Kinausap niya po ang Daddy ninyo para rito na po ako magtrabaho bilang driver ninyo.”Natigilan si Armea. Hindi niya inaasahan iyon. Si Mang Tony ang isa sa iilang taong naging mabuti sa kaniya sa mansiyon ng mga Alarcon. Simula pagkabata ay ito na ang madalas maghatid at magsundo sa kaniya.Kaya nang malaman niyang maaari pa rin niya itong makasama, hindi niya napigilang mapangiti.“Talaga po?”“Opo, Ma'am. At saka mas gusto ko rin pong dito na lang magtrabaho.”“Bakit naman po?”Bahagyang natawa ang matandang driver. “Mas mabait po kasi ang amo ko rito.”Hindi niya napigilang matawa. “Naku, Mang Tony!”Ngunit sa kab
CHAPTER 6 MAAGANG nagising si Armea dahil sa sinag ng araw na pumapasok sa malaking bintana ng kaniyang silid. Ilang sandali pa siyang nanatiling nakahiga habang pinagmamasdan ang kisameng hindi pamilyar sa kaniya.Napakurap siya nang maalalang wala na pala siya sa mansiyon ng kaniyang ama. Nasa bahay na siya ng kaniyang asawa.Oo, Asawa.Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang kasal na siya kay Lucien Alexander Monteverde. Isang lalaking halos wala pa siyang alam tungkol sa pagkatao nito, ngunit ngayon ang magiging bahagi na ng kaniyang buhay.Napabuntong-hininga siya bago dahan-dahang bumangon. Hindi naman siya nagsisisi sa naging desisyon niya. Ngunit hindi rin niya maikakailang naninibago siya sa kaniyang bagong sitwasyon.Kahapon lamang ay isa siyang dalagang malayang umuuwi sa sariling bahay. Ngayon ay may asawa na siya at nakatira na sa isang mansiyong halos hindi niya kabisado ang bawat sulok.Napatingin siya sa kaniyang kaliwang kamay. Nandoon ang isang kumikinan
MAKALIPAS ang tatlong araw mula nang ialok ni Lucien Monteverde ang kasal kay Armea, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ng dalaga ang naging pag-uusap nila.Nakaupo siya sa loob ng kaniyang café habang paulit-ulit na binabasa ang marriage agreement na ipinadala ng abogado ni Lucien. Ilang beses na niyang sinubukang kumbinsihin ang sarili na may iba pang paraan upang mailigtas ang pamana ng kaniyang ina, ngunit sa tuwing naiisip niya ang posibilidad na tuluyang mawala sa kaniya ang lahat ng pinaghirapan nito, lalo lamang siyang nahihirapang tumanggi.Hindi niya mahal si Lucien. Sa katunayan, halos wala pa siyang alam tungkol sa pagkatao nito maliban sa pagiging isang makapangyarihang negosyante. Ngunit sa kasalukuyan, ito lamang ang taong may kakayahang tumulong sa kaniya nang hindi niya kailangang lumapit sa kaniyang ama.Napabuntong-hininga siya bago tuluyang kinuha ang kaniyang cellphone at tinawagan ang numerong ibinigay sa kaniya ng lalaki.KINABUKASAN, nagtungo
Chapter 4Napalingon siya kay Lucien. “Ah, wala naman. It's just…” Muli niyang tiningnan ang litrato. “Parang pamilyar kasi ang school na 'to.”Tumango-tango lang ang lalaki, habang naglalakad palapit sa kinaroroonan niya.“Dito rin po ba kayo nag-aral?”“Yes.”Nanlaki ang kaniyang mga mata. Kumunot-noo siya, at hindi makapaniwala sa narinig.“Really? Anong year ka nag-graduate?”“Why?”“Wala lang. Kasi parang same school tayo.”Bahagyang ngumiti si Lucien.“I know.”Kumunot pa lalo ang kaniyang noo.“You know?”“Yes.”“Then… magkakilala na ba tayo noon?”Sandaling natahimik ang lalaki.Hindi niya alam kung bakit biglang nagbago ang ekspresyon nito. Kanina ay napakalamig at seryoso nitong kausap, ngunit ngayon ay tila may kung anong alaala itong binabalikan.“Lucien?”Muli itong tumingin sa kaniya.“Do you remember helping someone back in senior high school?”“Helping someone?”“Yes. Someone who had almost nothing back then.”Napaisip siya. Marami siyang nakilalang estudyante noong












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.