Share

CHAPTER 4

Author: M.A.B. Writes
last update publish date: 2026-05-28 23:09:39

HERMOINE POV

'Si Jacob? Anong kailangan niya sa akin? Hindi ba't sinabi na niya sa akin kagabi na hindi na niya ako gustong makita pa. Bakit ngayon ay naririto siya sa pamamahay ko?' puno nang mga katanungang sigaw nang isipan niya.

Baka makikipagbalikan na siya sa akin? Siguro ay napagtanto kaya niya na mas mahal niya pa ako kumpara sa babaeng Kristel na iyon?

Mukhang napansin nang kanyang ina ang malalim niyang pag-iisip kaya muli itong nagsalita.

"Kung ano man ang problema ninyong dalawa ay pag-usapan ninyo iyan nang mabuti. Pero ang mapapayo ko lang sa iyo anak ay huwag ka sanang maging tanga," anas nang kanyang ina bago ito umalis.

Napapakurap na napatitig siya sa bulto nang kanyang ina.

'Tanga agad Ma? Hindi ba pwedeng nagmamahal lang?'

Bumalik siya sa loob nang kanyang silid at nag-ayos nang kaunti sa kanyang sarili. Kinakailangan na mas maging maganda siya sa harapan ni Jacob sa pagkakataon na ito. Nang matapos ay agad na siyang bumaba nang hagdanan. Nasa hagdan pa lamang siya ay nakita na niya agad si Jacob sa kanilang sala. Patingin-tingin ito sa relong pambisig nito na tila ba ay may lakad pa itong dapat na pupuntahan.

Tumingala ito sa hagdan at nang makita siya nito ay mabilis itong napatayo mula sa pagkakaupo.

"Jacob anong ginagawa mo-"

"Bakit ba ang tagal-tagal mong bumaba? Kanina pa ako naghihintay sa iyo dito. Hindi mo ba alam na sinasayang mo ang oras ko Hermoine!" galit na anas nito sa kanya na ikinatigil niya sa pagpapantasya niya na makikipagbalikan pa ito sa kanya.

"Uhm..galit ka pa rin ba sa akin? Hindi ba't ako mismo ang dapat na magalit sa ating dalawa?" pakli niya.

"Wala akong pakialam kung magalit ka man sa akin, Hermoine!"

Napasinghap siya sa mga sinabi nito.

"Kung ganoon ay bakit ka naririto sa bahay namin? Hindi ba't sinabi mo kagabi na ayaw mo na akong makita pa muli? Bakit naririto ka ngayon? Ang akala ko pa naman ay nagsisisi ka na sa mga ginawa mo sa akin kagabi kaya ka naparito ngayon para humingi nang tawad sa akin," bigkas niya sa mahinang boses.

"Nagsisisi? Hihingi nang tawad? Sino? Ako? ASA KA! Nandito lamang ako dahil sa gusto kong kunin ang lahat-lahat ng mga bagay at gamit na ibinigay ko sa iyo noon. Baka kasi ipakulam mo pa ako dahil sa may galit ka sa akin," mayabang na anas nito sa kanya.

"Ano? Kulam? Hindi ako ganyang klase nang babae Jacob!" medyo tumaas ang boses niya dahil sa mga sinasabi nitong mga walang katuturan.

"Talaga? Eh patay na patay ka nga sa akin diba? Well kahit anong mangyari ay kukunin ko pa rin ang mga ibinigay ko sa iyo. Naghihirap na kayo hindi ba? Baka maisipan mo kasing ibenta ang mga iyon dahil sa wala na kayong pera. Sahalip na ikaw ang makinabang mas mabuti na ako na lamang. Total akin naman ang perang ipinambili niyan," nang-iinsultong anas ni Jacob kay Hermoine.

"Sino ba ang nagsasabi sa iyong ibebenta ko ang mga bagay na ibinigay mo sa akin noon Jacob?! Alam mo, parang hindi na talaga kita kilala! Nagbago ka na," naiiyak na anas ni Hermoine.

"Tumigil ka sa kakaiyak mo pwede ba! At tsaka mas mabuti na rin iyong nakakasigurado ako tungkol sa mga gamit ko. Baka tama pa si Kristel na ibebenta mo lang ang lahat ng mga iyon."

Kung ganoon ay si Kristel pala ang may pakana sa lahat nang ito? Tss! Ganoon na ba talaga niya ito kamahal at lahat ng mga walang katuturang mga pinagsasabi nito ay pinapaniwalaan niya agad? Mas matagal pa kaming nagkarelasyon kumpara sa Kristel na iyon ahh! Pero kung tratuhin niya ako ay parang hindi niya talaga ako lubusang kilala.

"Bilisan mo Hermoine may importanteng lakad pa akong dapat na pupuntahan," medyo naiinis pang anas ni Jacob sa kanya.

"Pero-"

"Pwede ba, Hermoine! Wala akong oras sa mga pagdradrama mo! Wala na akong pakialam sa mga nararamdaman mo ngayon. Ang tanging gusto ko lang ay ibalik mo sa akin ang mga gamit ko-"

"Ito na ang lahat ng mga mo,'" sabat nang ina ni Hermoine sa mga sinasabi ni Jacob sabay bagsak sa isang may kalakihang karton.

"T-tita," nauutal na anas ni Jacob habang ang mga mata ay nasa ina ni Hermoine.

"Iyan lang naman ang kailangan mo hindi ba? Iyan na. Nandiyan na lahat ng mga gamit na ibinigay mo sa anak ko kaya maaari ka nang umalis sa pamamahay ko," walang emosyong anas ng ina ni Hermoine sa lalaking si Jacob.

Mukhang nainsulto naman si Jacob dahil sa biglang pangingialam nang ina ni Hermoine sa kanilang dalawa. Kaya walang imik niyang binuhat ang may kalakihang karton tsaka dere-deretsong tinalunton ang daan papalabas ng kabahayan.

Nang makaalis ang binata ay isang hikbi ang pinakawalan ni Hermoine na agad na ikinalingon nang kanyang ina sa kanya.

"Huwag mo sabihin sa akin na iiyakan mo ulit ang tarantadong lalaking iyon anak?" hindi makapaniwalang anas nang kanyang ina sa kanya.

"Ma," umiiyak na hikbi ni Hermoine. "Paano niyo po nalaman?"

Isang buntong hininga ang ginawa nang kanyang ina bago siya nito nilapitan at niyakap.

"Hindi ko sinasadyang makita iyong video mo kagabi. At alam kong sobra kang nasaktan sa nangyari kaya naiintindihan ko kung bakit hindi ka umuwi kagabi. Hindi ko lang maiwasan na mag-alala sa iyo," sabi nang kanyang ina habang hinihimas ang kanyang likod.

"Video? Ano pong video ang sinasabi mo Mama?" naguguluhan ngunit kinakabahan niyang anas.

Bumaba ang tingin niya sa kanyang kamay nang may iniabot ang kanyang ina doon. Cellphone iyon nang kanyang ina at mula sa screen ay may nakapause na video doon.

Halos manlaki ang mga mata niya nang makilala ang kaawa-awang babaeng nakasalampak sa sahig na nasa video.

"A-anong? Sino ang nagvideo nito Mama?"

"Isa sa mga dating kakilala ko sa business world ang nagsent sa akin nang video'ng iyan. Noong una ay ayaw kong maniwala na ikaw nga iyan pero nang mapansin ko na hindi ka umuwi dito sa bahay kagabi ay naghinala na ako. Anak, ayos ka lang ba? Bakit mo hinahayaang gawin ito sa iyo ni Jacob?"

~ADORED BY MY EVIL BILLIONAIRE BOSS~

M.A.B. WRITES

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Adored By My Evil Billionaire Boss   CHAPTER 34

    CHASE POVMakaraan ang ilang minutong pagpapahinga ni Chase ay naisipan niyang silipin sa labas nang kanyang pribadong silid si Hermoine. Lumabas siya nang kanyang silid at agad niyang nakita si Hermoine na payapang natutulog sa upuan nito.Bumukas ang pintuan nang kusina at mula doon ay lumabas ang babaeng flight stewardess."Sir, may kailangan po ba kay-""Shhh!!" senyas na pagpapatahimik niya dito na agad naman ikinatigil nito.Naglakad siya papalapit kay Hermoine at tsaka siya marahang naupo sa tabi nang natutulog na dalaga."Ahm, sir?" muling tanong nang babaeng flight stewardess na ngayon ay nakalapit na."Leave us. And don't come out if I didn't call you," utos ni Chase dito habang ang mga mata ay nakatitig parin kay Hermoine na payapang natutulog.Nagngitngit sa galit na umalis ang babaeng flight stewardess pabalik nang kinaroroonan nang kusina. Habang si Chase naman ay kunot noong pinakatitigan nang husto si Hermoine. Sa matagal niyang paninitig dito ay may biglang imahe nang

  • Adored By My Evil Billionaire Boss   CHAPTER 34

    CHASE POVMakaraan ang ilang minutong pagpapahinga ni Chase ay naisipan niyang silipin sa labas nang kanyang pribadong silid si Hermoine. Lumabas siya nang kanyang silid at agad niyang nakita si Hermoine na payapang natutulog sa upuan nito.Bumukas ang pintuan nang kusina at mula doon ay lumabas ang babaeng flight stewardess."Sir, may kailangan po ba kay-""Shhh!!" senyas na pagpapatahimik niya dito na agad naman ikinatigil nito.Naglakad siya papalapit kay Hermoine at tsaka siya marahang naupo sa tabi nang natutulog na dalaga."Ahm, sir?" muling tanong nang babaeng flight stewardess na ngayon ay nakalapit na."Leave us. And don't come out if I didn't call you," utos ni Chase dito habang ang mga mata ay nakatitig parin kay Hermoine na payapang natutulog.Nagngitngit sa galit na umalis ang babaeng flight stewardess pabalik nang kinaroroonan nang kusina. Habang si Chase naman ay kunot noong pinakatitigan nang husto si Hermoine. Sa matagal niyang paninitig dito ay may biglang imahe nang

  • Adored By My Evil Billionaire Boss   CHAPTER 33

    HERMOINE POV "We are ready to take off any minute now, sir," dagdag pa nito. Uupo na sana si Hermoine sa kalapit na upuan ng kanyang boss kung saan tanging ang daanan lamang ang pagitan nilang dalawa nang bigla siyang pinigilan nang babaeng flight stewardess. "Pasensya na po pero exclusibo lamang po ang silid na ito para kay Mr. Monteverde. Doon na lamang po kayo maupo sa common seats," anas nito kay Hermoine. "Ah, o-ok!" medyo nahihiya pang anas ni Hermoine sa babaeng flight stewardess. Tama nga naman iyon. Iba ang upuan nang boss niya at iba rin ang upuan niya dahil sa assistant secretary lang naman siya nito. Sinulyapan niya ang kanyang boss na si Chase at nakita niya na prente lamang itong nakaupo at nagbabasa lang ito nang magazine. Tss! Mga mayayaman nga naman. Lumabas siya nang kwarto kasama ang babaeng flight stewardess at nakita pa niya kung paano nito marahang isinara ang pintuan. Nang matapos nitong gawin iyon ay tsaka lamang ito humarap sa kanya at medyo nagulat pa

  • Adored By My Evil Billionaire Boss   CHAPTER 32

    HERMOINE POV "Saan tayo pupunta?" nagtataka pa niyang anas habang sinusundan ito nang tingin. "May dadaluhan akong meeting ngayon sa Paris. May lakad si Liam kaya ikaw ang sasama sa akin." "P-paris ba kamo?" hindi makapaniwalang anas ni Hermoine. Pupunta lang ito nang Paris para magkipagmeeting? What the hell? "Bilisan mo na diyan at ayaw ko pa naman sa mga mababagal kumilos," naiinis na sabi nito tsaka naglakad patungo sa kinaroroonan nang pintuan. "O-oo!" mabilis na pakli niya at agad na sumunod sa kanyang boss. "Ok lang po ba na sumama ako sa inyo? I mean wala pong maiiwan dito kung sakaling may mga kliyenteng dumating," sabi ni Hermoine habang nakasunod sa kanyang boss sa paglalakad. Halos magkandatakbo na siya dahil sa mabibilis na lakad at malalaking hakbang nito. "Hindi magpapasok ang mga receptionist sa lobby area nang mga kliyante kapag wala ako sa opisina ko. Mahigpit ang utos kong iyon sa kanila," sagot ni Chase sa kanya habang pinipindot ang rooftop button nang el

  • Adored By My Evil Billionaire Boss   CHAPTER 31

    HERMOINE POVNapaisip bigla si Hermoine. Tama, bakit nga ba nito isinisanti ang dating assistant secretary nito? Kung iisipin niya nang mabuti ay walang nabanggit na dahilan si Miss Jane sa kanya.Tinitigan niya ang kanyang boss na naghihintay lang sa magiging sagot niya.Sa uri nito ay madali lang para dito ang maghanap nang panibagong assistant secretary nito. Kaya kahit anumang oras ay pwepwede itong magtanggal nang trabahante kung nanaisin at gusto nito. Pero hindi naman na mahalaga pa ang dahilan nito kung bakit isinisante nito ang dating assistant secretary.Para kay Hermoine ay ang makapagtrabaho ang mas mahalaga sa kanya sa mga panahon na ito."Wala po ako sa posisyon para magtanong at mang-usisa, Sir. Ang tanging mahalaga lamang po sa akin sa ngayon ay ang makapagtrabaho. Alam niyo naman po siguro diba kung bakit kinakailangan ko ang trabaho na ito. May anak po akong ibinubuhay at hindi po ako umaasa sa tulong ng pamilya ko," matapat niyang sagot sa amo'ng kaharap.Tumango-ta

  • Adored By My Evil Billionaire Boss   CHAPTER 30

    HERMOINE POV"Alalahanin mo, Miss Mendez. Kayo lamang dalawa ni Mr. Monteverde maliban kay Mr. Liam na siyang executive secretary nang boss natin ang tao sa palapag na iyon. Kaya sana ay huwag kang masyadong maging kabahan at matakot. Huwag mong isipin nang husto ang mga masasamang naririnig mo tungkol sa ugali nang boss natin. Ang importante ay ang trabaho mo bilang assistant secretary," naalala niya ang muling paalala ni Miss Jane. Habang nasa loob siya nang elevator at papaakyat sa mismong palapag nang opisina ni Mr. Monteverde.Bitbit niya ang isang box na may laman nang kanyang iilang mga kagamitan.*TING!*Tunog iyon nang elevator bago ito bumukas at muli ay sa ikalawang pagkakataon ay nakita niya muli ang mahabang hallway. At sa dulo noon ay nakita niya rin ang may kalakihang working table na siyang tinaguan niya noon.Huminga siya nang malalim na tila ba pinupuno niya nng hangin ang kanyang dibdib. At tsaka siya tahimik na naglakad papalapit sa kinaroroonan nang working table

  • Adored By My Evil Billionaire Boss   CHAPTER 5

    HERMOINE POVMatapos ang pag-uusap nilang dalawa ng ina niya kanina ay dumeretso na agad siya sa kanyang silid at nagkulong. Marami ang mga katanungan sa kanyang isipan ang gumugulo ngayon sa kanya.'Anak, ayos ka lang ba? Bakit mo hinahayaang gawin ito sa iyo ni Jacob?' muling naalala niyang tanon

  • Adored By My Evil Billionaire Boss   CHAPTER 3

    HERMOINE POV'SHIT! ANONG NANGYARI SA AKIN?! AT BAKIT HUBO'T HUBAD KAMING DALAWA?!' malakas na sigaw nang kanyang isipan at napapikit nang mariin nang maramdaman niya ang pananakit nang kanyang ulo.Kahit na nahihilo at sumasakit ang ulo niya ay pinilit niya pa ring makatayo. Pinagpupulot niya ang

  • Adored By My Evil Billionaire Boss   CHAPTER 2

    [ Warning: This chapter may contains sexual themes and mild nudity. Appropriate for readers age 18 or older. ]HERMOINE POV"Jacob," tawag ni Hermoine sa lalaki. Ang kanyang mga mata ay may kalakip nang mga luha."Umalis kana Hermoine. Ginugulo mo ang birthday party ko alam mo ba iyon?! At huwag na

  • Adored By My Evil Billionaire Boss   CHAPTER 1

    Disclaimer:This is only work of fictions. All characters, locations, names of buildings are all fictitious and imaginary product of the author. If there is any resemblance to any location, person, building etc. It is purely co-incidental and not intentional.HERMOINE POVSa harapan nang isang mala

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status