Transported abruptly to a strange and faraway, yet wonderful land was an unforeseen circumstance in Krysta's life. Engaging on a mission to rescue an unknown world, will she ever figure out her true purpose in life? --- Up until she turns seventeen, Krysta Delvana continues soaring and searching for the beauty of life when in fact, it totally gives her the opposite. Growing up as an orphan and residing under a cruel and grievous woman, she couldn't stop questioning life on what is her main role in this world. Until a tragic event happens that bounds to be the reason of her death, she's brought to Aerydone—a whole new world where she gains whole new friends and experiences she never thinks that she'll ever witness in her existence. Finding herself battling to save an unfamiliar world, it dawns upon her that Aerydone isn't just a fantastical dream to begin with, but a place where she can truly see and feel that she 'belongs'.
Lihat lebih banyakTanghaling tapat . . .
Sa isang malaki at malawak na bulwagan, naroon nagtitipon-tipon ang anim na nilalang. Pawang nakasuot ng kani-kanilang mga magagarang damit habang nakagayak sa ibabaw ng ulo ang kaniya-kaniyang gintong koronong nagmimistulang mga higanteng diyamanteng kumikislap sa tuwing nasisinagan ng liwanag ng araw.
Makikita sa kanilang tindig ang nag-uumapaw na impluwensiya at malakas na awtoridad, ngunit bakas naman sa mga mukha nito ang tatag at labis na kagustuhang malutas ang malaking problemang kinakaharap.
"Hindi na dapat tayo nag-aaksaya ng panahon. Nalalabi na lamang ang natitirang araw bago umepekto ang sumpa ng walang hiyang Voltur na 'yon. Nararapat lamang na makapili na tayo ng hahalili sa ating kaharian!" panimula ni Haring Pythone, ang namumuno sa Kaharian ng Mordor.
Makikita sa mala-apoy na kulay ng kaniyang mga mata ang determinasiyon upang maisagawa ang tungkulin.
"Huminahon ka lamang, Pythone. Kung pipili man tayo ng hahalili sa atin ay nararapat lamang na siya'y malakas, makapangyarihan at bihasa sa pakikipaglaban," sabat ng isang babaeng nakasuot ng damit na yari mula sa kayamanan ng kalikasan. Ang tila tsokolate nitong mga mata ay nagsisigaw ng pagmamalaki sa kaniyang mga sinabi.
"Ngunit kinakailangan ding magkaroon ng maganda't malinis na kalooban at dalisay na puso ang kinatawan na ating pipiliin, Alora," ani Reynang Raiyah ng Kahariang El Wendor. Malumanay ang pagkakasabi nito, ngunit mapapansin pa rin ang bakas ng awtoridad sa mala-karagatan nitong mata.
"Actually, I've chosen my deputy. He's a good guy, a strong Aeon from my kingdom." Prenteng nakaupo ang lalaking mayro'ng mala-abong mga mata habang kumakain ng isang hindi pangkaraniwang prutas mula sa kanilang mundo. Siya si Haring Aaron, ang namumuno sa Kahariang Asteria.
"Mabuti naman kung ganoon, Aaron." Bumaling ng tingin ang hari ng Mordor sa natitirang dalawang hari at reyna.
"King Dreiche and Queen Blythe," tawag nito.
"Don't worry about me, Pythone. Sisiguraduhin kong makapili ng karapat-dapat na tagapagtanggol ang Kaharian ng Deandrelle at maging ang buong Aerydone," malamig at mariing sagot ng nag-iisang hari ng kahariang umaangkin ng kapangyarihang kadiliman.
Samantalang, nag-angat ng tingin ang babaeng nagtataglay ng dilaw na mata. Mahinhin itong ngumiti sa nakatatandang kapatid sabay bigkas, "I've chosen the rightful person to represent my kingdom, Brother." Bahagya itong yumuko sa hari ng Mordor upang magbigay-galang.
Nagpatuloy ang kanilang pagpupulong ukol sa nangyayaring kaguluhan sa kanilang mundo.
Ang pagpili na lamang ng isang representante sa bawat kaharian ang siyang natatanging pag-asa at napagplanuhan ng mga ito upang kahit pa paano'y maisalba at maipaglaban nila ang kanilang mundo mula sa nalalapit na pananakop ng mga tauhan ni Voltur, ang siyang makapangyarihang Aeon na kumakalaban sa kanila.
Subalit kahit napapalapit na ang nasabing sagupaan, napangiti pa rin ang reyna ng Breshire. Nakapili na si Reyna Blythe ng karapat-dapat na humalili sa kaniya.
Alam niyang magtatagumpay ang kaniyang napili sapagkat ito'y malakas at palaban, mayroong malinis na kalooban, magandang puso, at may paninindigan. Subalit, ang ipinagkaiba lamang ay hindi ito isang Aeon.
Ang napili nito'y isang babae . . .
. . . isang babaeng walang kamuwang-muwang sa totoong layunin nito sa kaniyang buhay.
Chapter 72: Rewriting DestinyTumayo ako mula sa pagkahihiga at inilibot ang mga mata sa senaryong lubos ba pamilyar sa aking sistema.Napakurap-kurap ako upang sabihin sa sariling hindi nga ako namamalik-mata sa nakikita.She really did turned back time . . . back to the time when the war started.Umilag ako sa matulis na punyal na paparating sa aking direksiyon. Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto ang eksenang iyon. Dumapo kaagad ang aking tingin kay Crane na nakaangat ang katawan sa ere habang napalilibutan ng maiitim na usok.Napailing ako't naglabas ng sunod-sunod na puting ilaw papunta rito. Kailangan kong takasan ang babae sa lalong madaling panahon.My mission in here wasn't to fight, but to prevent all the loss and destructions from happening.Hindi ko sasayangin ang buhay na ibinuwis ng reyna ng oras para lang maibalik nito ang oras at mailigtas pa ang Aerydone. She had done a lot—even more so. It's abou
Chapter 71: Playing With Time"Enchantress, you don't have to do this."I constantly shook my head and pleaded the woman to not continue what she was about to do. "Walang mangyayari kung wala tayong gagawin, Krysta. Lalong masisira ang mundo kung hahayaan natin si Mortem sa nais niyang pagsakop dito."Sinubukan kong tumayo upang pigilan ang babae, ngunit wala na akong sapat na lakas para maigalaw ang kahit katiting ng mga daliri ko. Nakalupasay na lamang ako sa lupa na parang isang lantang gulay. Kinakapos na ako sa paghinga at nais na ring pumikit ang aking mga mata dala ng matinding sakit at pagod.Kahit nanlalabo ang paningin ay nasilayan ko pa ang iilang butil ng luhang tumulo mula sa mga mata ng dilag.She squatted beside me and gently caressed my hair. Walang ingay akong bumuntong-hininga nang ginawa iyon ng babae. Lalo lang kasi nitong pinapahina ang aking lakas para manatiling gising.Dahil sa dami ng aking nata
Chapter 70: DestructionIpinikit ko ang mga mata nang maramdaman ang sariling katawan na bumubulusok pababa sa matigas na lupa. Masiyadong malaki ang halimaw at hindi ko na alam kung ilang beses na ako nitong itinapon sa kung saan. Kusa kong ipinuwesto ang mga sugatang kamay sa harap ng aking mukha upang isangga ang sarili nang isang bisig ang hindi inaasahang yumapos sa akin.Naramdaman ko ang aming pagbagsak, ngunit tanging ang malambot na katawan ni Tross ang tumama sa akin. He groaned in pain, which made my senses alert. Kumurap-kurap ako at kahit sumasakit na ang katawan ay sinikap ko pa ring tumayo para hindi na mahirapan ang lalake. I felt sore all over my body, yet I still managed to lend some healing mana to the guy who signalled me to not continue what I'm doing.Inirapan ko siya at ipinagpatuloy ang aking ginawa. He knew that he couldn't stop me, especially when it came to tending their wounds and weaknesses.
Chapter 69: MortemNag-aalala kong tiningnan si Hera sa mag-isang kinakalaban ang dambuhalang halimaw na halos sirain ang kabuuang bahagi ng magkatabing kaharian ng Breshire at Deandrelle.Mabuti at nagawang mailikas ng aking mga kasamahan ang halos lahat ng mga mamamayan ng dalawang kaharian. Sa ngayon nahati ang mga ito at kasalukuyang naroon sa Asteria at Floreshia. Hindi ko alam kung paano iyon nagawa ng mga lalake, ngunit kamangha-mangha at nagawa nilang mailigtas ang Shires at Deanders sa loob lamang ng limitadong oras.Sabay kaming tatlo na napaiwas sa isang malaki at makapal na sementong lumilipad tungo sa aming direksiyon. "Tutulungan ko ang Enchantress. Kayong dalawa na ang bahala sa iba pang mga sibilyan na hindi nailikas.""Travis, wai—"Hindi ko na nagawang pigilan ang lalake nang mawala kaagad ito sa aking paningin. Nag-aalala ko namang binalingan si Tross, sinasabing sundan nito ang kapatid niya."No, I'm
Chapter 68: The Awakening"Tross! Tross, don't."Hinawakan ko ang braso ng lalake habang nakatuon ang mga mata kay Voltur at ang kawalang-hiyang ginagawa niya sa mga hari't reyna. "Don't, please. Ayaw ko ring mapahamak ka." I was panting while gripping on the guy's arm.I couldn't risk him knowing that he doesn't have his amulet. He shouldn't be here in the first place. Inutusan ko na si Bryle kaninang dalhin ang lalake sa pagbalik nila sa lupa ng mga kaharian. Hindi ko alam na bumalik ito—o hindi talaga sumama."How does it feel becoming my pet, Dreiche?" Bumalik ang aking atensiyon kay Voltur nang hinawakan niya ang panga ni King Dreiche na nakaluhod ngayon sa lupa. Marahas din niya itong binitawan, dahilan para mapayuko ang hari.I heard Tross growls so I gently caressed his arm. Hindi siya dapat magpadalos-dalos sa kaniyang mga aksiyon. I couldn't lose him, not in this godforsaken war."Now that I have you
Chapter 67: Her DecisionSinamaan ko ng tingin si Crane nang magawa nitong sugatan ang aking pisnge. Bumwelo ako patalikod bago siya sinipa sa tiyan at nagpakawala ng malakas na puwersang nagpatalsik sa kaniya papalayo.Nahawi ang lahat ng mga nilalang sa kaniyang likuran kung saan siya bumulusok. Napangiwi ako nang tumama ito sa malaking bato na nasa malayo.Hindi na ako nag-abalang atupagin ito at pinuntahan ang aking mga kasamahan upang tulungan. Naramdaman ko na ang kaunting pangangalay at pagod sa katawan, pero ininda ko ito at naglabas ng alon ng enerhiyang nagpalakas sa mga kaalyado namin. Napunta ang aking paningin kay Shahne na abala sa pakikipaglaban kay Grim nang dambahan siya ng limang higanteng goblins. "Ang baho n'yo! Putang-ina!" Narinig ko ang pagmumura nito kaya napailing ako't mabilis itong pinuntahan. Inilabas ko ang aking espada at walang pasabing sinangga ang dalawang ni Grim.Sumingkit ang mga ma
Komen