Share

Chapter 2

Chapter 2: Another World

"You've finally arrived."

Puno ng pagtatakang nilingon ko ang babaeng kararating lamang. Nang sandaling dumapo ang aking paningin sa kaniya ay namangha kaagad ako sa taglay nitong ganda.

Base pa lamang sa kaniyang kasuotan na isang puting malasutlang bestida, kutis na singkinis ng isang diyamante at singputi ng mga buhangin, mga mapupungay at nagniningning na kulay dilaw na mga mata at isang eleganteng korononang nakagiyak sa ibabaw ng kaniyang ulo-masasabi kong hindi siya isang pangkaraniwang tao.

"N-Nasaan ako? Sino k-ka?"

Utal at namamaos ang aking boses nang isambit ang mga katagang iyon. Kahit pa sabihing napakagandang lugar ang kinaroroonon ko ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan ang mga nangyayari.

"I-Is this what they call heaven? Nasa langit na ba ako?" dagdag kong paniniguro habang hindi pa rin makahuma sa mangha at kaba.

"No, dear. You're in Adalea's Garden, the considered afterlife of Aerydone," tugon naman ng babaeng maganda. Napakaganda ng boses nito sapagkat ito'y napakamalumanay at umaalingawngaw sa buong lugar.

Ngunit katulad ng aking kasalukuyang nararamdaman, wala pa rin akong naintindihan sa kaniyang mga sinabi dahilan upang bahagya akong napailing.

"T-Teka lang, hindi ba patay na ako? Nasagasaan ako ng isang humaharurot na kotse at naramdaman ko kung paano nabali ang aking mga buto no'ng mga oras na 'yon," napahinto ako nang may sumagi sa aking isipan, "p-pero may ano . . . may nakita akong parang liwanag-"

"That was me." She cut me off. Lalo akong naguluhan sa kaniyang sinabi.

"That light was me. I saved your life from that accident."

Nanlaki ang aking mga mata't hindi nakapagsalita, pero kalauna'y pagak ding napatawa. "B-Ba't n'yo naman iyon ginawa?" Nagsimulang manubig ang aking mga mata.

"Patay na sana ako ngayon. I should have been living in peace, far from that cruel world and abusive people. Hinayaan mo na lang sana akong m-mamatay." Pumiyok ang aking boses nang sambitin ang huling kataga.

Ramdam kong lumapit ito sa akin na naging dahilan upang hindi ako makagalaw.

"I can't do that, Krysta. Ikaw na lang ang tanging pag-asa upang makumpleto ang mga tagabantay. Ikaw ang pag-asa ng aming mundo," mahinahon ngunit bakas sa boses nito ang lungkot nang bigkasin ang mga salita.

"P-Paano n'yo nalaman ang aking pangalan? At a-anong ibig ninyong sabihin?"

"I need you. Aerydone needs you. Please, help us," she pleaded and I was astonished to see a tear dropped from her eyes. Hindi ko alam ngunit ramdam ko ang sinseridad sa kaniyang boses.

Kahit gano'n pa man ay wala pa rin akong naiintindihan kaya lakas-loob ko itong tiningnan sa mata.

"Wala akong maiintindihan. Ang tanging nakukuha ko lamang ay iniligtas mo ako mula sa aking kamatayan. And what-Aerydone? I don't get it!"

Hindi ko mapigilang hindi mapabulalas nang malakas. Everything that's happening right now came like a blur. Wala akong maintindihan ni isa!

"Aerydone needs your help. I borrowed your life force in Earth so you can temporarily stay in our world. Ikaw ang napili kong maging kinatawan ng aming kaharian upang malabanan ang lahat ng kasamaan at kadiliman na nababalot sa aming mundo."

Hinawakan ako nito sa magkabilang-balikat bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"I'm sorry if I dragged you into this trouble. Ikaw lang ang nakikita kong karapat-dapat upang manahin ang aking kapangyarihan. Aerydone is in great danger and so as our people. The Sentinels should be properly trained and needs to be complete before Voltur carries out the first move. Alam kong hindi magiging madali itong gagawin mo, Krysta, but trust me, we can win this, alright?"

Wala akong maisagot sa mga itinanong at sinabi niya.

Just . . . what the heck is going on?!

"I know that you're still on the process of understanding everything, but I know that you'll eventually cope up. That is why, I need to send you to Aerydone right now."

"W-What? Send me where?"

"To Aerydone, don't worry, my men are going to take care of you, especially Alex. She'll explain to you everything."

Napatingin ako sa hawak nitong kristal na bola na naglalaman ng dilaw na liwanag. Pinakawalan niya ito at ipinalutang sa ere. Nanlaki ang aking mga mata at wala sa sariling napaatras nang makitang bigla itong lumaki. Kasabay no'n ay ang pagkalat ng liwanag sa itaas.

"Be careful out there. I didn't choose you for no reason. Alam kong maganda ang kalooban mo, Krysta, and that is what I needed for you to save Aerydone."

She kissed my forehead and a bright light covered my sight. Napapikit ako sa silaw na dulot nito.

"The moment you arrive in our world, my magical mana will be passed unto you." Her soft voice echoed through my mind. A glimpse of light and dark was the only thing I see, but I can feel my body floating mid-air. Hindi ko alam kung paano ngunit iyon lang ang nararamdaman ko.

"Everything will be fine. Trust this one . . ." Kahit nakapikit ay ramdam kong may kung anong dumampi sa 'king dibdib.

"May the light of the Holy Guardian be by your side . . ."

⚜ ⚜ ⚜

Sapol ang aking dibdib, marahas akong napabangon mula sa aking kinahihigaan. Habol ko ang aking paghinga at medyo kumikirot din ang aking ulo.

Alalang-alala ko pa ang lahat ng mga nangyari: ang pagbangga sa akin ng kotse, ang pagpunta ko sa isang hindi pangkaraniwang lugar, ang pagkikita namin ng isang magandang dilag at . . . ang muling pagkawala ng diwa ko dulot ng isang liwanag!

"Thank goodness, you're awake!"

Gulat akong napalingon sa nagsalita. Taka kong pinagmasdan ang kabuuan nito.

Why on earth is she wearing that weird suit? And . . . a sword?!

Walang pasabing rumolyo ako papunta sa kabilang bahagi ng kamang aking kinahihigaan at mabilis na binunot ang dalawang makapal na kahoy sa kalapit na pader.

"S-Sandali-"

Iminuwestra ko ang dalawang sandatang puwede kong gamitin laban sa babaeng ito. Alam kong walang laban ang kahoy sa isang metal na espada, ngunit kahit na ganoon pa man ay makatutulong ito sa akin upang depensahan ang aking sarili.

"Sige, subukan mong lumapit nang maihambalos ko itong mga kahoy sa katawan mo!"

Kunwari matapang pero 'yong puso ko ay parang luluwa na sa sobrang kaba. Akala mo naman kung ano'ng magagawa ng kahoy sa isang espada.

"Lady Krysta, kumalma ka lang po. Hindi naman kita sasaktan," mahinahon nitong sabi sabay kuha nito ng kaniyang espada at inihagis palayo. Umayos ito nang tayo at bahagyang yumukod sa aking direksiyon.

"My apologies for being disrespectful by wearing these clothes. Kagagaling ko lamang sa isang pagsasanay kasama ang ibang Sentinels kung kaya'y ganito ang aking kasuotan, pero wala naman po akong intensiyon na saktan kayo. Pasensiya na talaga."

Nanatiling nakayuko ang ulo nito habang binabanggit ang mga salitang iyon. Tumaas ang isa kong kilay sa mga narinig. Sentinels? Narinig ko na iyan galing do'n sa magandang babae kanina.

"You can lower the stick now, Lady Krysta. I promise, I won't hurt you . . ." malumanay pa rin nitong saad kaya napabuntong hininga ako at ibinaba ang hawak na kahoy, ngunit nanatili pa rin akong alerto sa kung ano mang puwedeng mangyari.

"Sino ka? Ba't mo ako kilala?" diretsahan kong tanong. Ayoko nang magpaligoy-ligoy pa. Masiyado na akong naguguluhan sa mga nangyayari sa 'kin.

"It's a pleasure to meet you, Lady Krysta. I'm Alex, Queen Blythe's personal warrior. Inatasan niya akong gabayan ka sa lahat ng mga bagay na kailangan mong malaman tungkol sa Aerydone at sa tungkuling kinailangan mong gampanan bilang isa sa mga Sentinels," sagot nito na siyang nagdulot upang magpakawala ako ng isang malalim na hininga.

"Umupo ka muna. Sasabihan kita ng kaunting impormasiyon tungkol sa Aerydone."

Dulot siguro ng kagustuhang maliwanagan sa lahat ay napaupo ako sa silyang nasa aking tabi. Tiningnan ko si Alex at tumango, hudyat na puwede na itong magsimula.

"Aerydone is a world in an another dimension. Your dimension, Earth, is far from this place. Wala akong eksaktong kaalaman kung gaano kalayo ang lugar na ito sa lugar na pinanggagalingan mo, ngunit masasabi kong napakalayo ng Aerydone."

"This place is a habitat for people called Aeons, who possesses different kinds of magical mana which can help them live in this world."

Hindi sinasadyang napataas ako ng isa kong kilay. Magical mana? Ibig sabihin, may powers ang mga nilalang na 'to?

"Our mana is our living cell. Kumbaga, ito ang power source ng katawan namin upang mabuhay sa mundong ito. An Aeon without a mana, dies. Masiyadong mabigat at makapangyarihan ang life force ng Aerydone, ang isang ordinaryong taong tulad mo na nanggaling sa ibang mundo ay hindi kakayanin ang nakapaligid na life force sa lugar na ito."

"P-Pero ba't pa ako buhay? 'Di naman ako Aeon," wala sa sarili kong sambit at hinawak-hawakan ang aking katawan.

"Because Queen Blythe's mana is already in your body. Ibinigay niya ang halos lahat ng kaniyang kapangyarihan upang magamit mo ito laban sa mga nilalang ng kadiliman."

Kumunot ang aking noo sa sinabi nito.

"The moment you arrive in our world, my magical mana will be passed unto you."

"The moment you arrive in our world, my magical mana will be passed unto you."

Biglang umalingawngaw sa aking isipan ang sinabi no'ng magandang babaeng nakasalamuha ko sa Adalea's Garden, kung tama ang aking pagkakaalala sa pangalan ng lugar na iyon.

Doon ko nasimulang pagtagpi-tagpiin ang mga pangyayari.

"So, she's Queen Blythe, huh?"

Kahit nakatingin sa kawalan ay nakita ko pa rin kung paano matigilan si Alex na nasa aking harapan.

"W-What do you mean? Nagkita na ba kayo?" pang-uusisa nitong tanong na siyang nagpatango sa akin.

"Sa tingin ko'y siya iyong magandang babaeng naghatid sa akin sa mundong 'to. I saw her in Adalea's Garden." I shrugged. "That was also the time when I came to realize that I wasn't dead-na buhay ako at nangyari na nga itong mga kababalaghang ito."

Palihim kong kinurot ang likuran ng aking palad at napabuntong-hininga na lang nang maramdaman ang sakit.

So, this isn't really a dream? Hindi pa talaga ako patay?

"I know that it's still hard for you to understand everything right now, Lady Krysta. Pero nandito lang naman ako't handa kang gabayan at sagutin lahat ng mga katanungan mo tungkol sa mundong ito." Alex sighed.

"Please, rest. Maraming enerhiya ang naubos sa katawan mo nang ipadala ka rito sa Aerydone. You need to gain back your strength."

Hindi ko na siya nagawang pansinin nang bahagya na naman itong yumuko sa direksyon ko at walang pasabing lumabas ng silid.

Napapikit ako at sinubukang intindihin at pagtagpiin ang lahat ng mga sinabi nila sa 'kin. Hanggang ngayon ay kumikirot pa rin ang ulo ko sa hindi malamang dahilan. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga at tumingin sa kisame.

Isang bagay lang ang naiintindihan ko ngayon . . .

. . . na isang malaking tungkulin ang nakaatas sa akin at nakasalalay ang kaligtasan ng mundong ito sa aking mga kamay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status