Share

13.2: Feels Like A Despedida

At dala ng hiya ay pareho silang hindi makatingin sa isa't isa at tahimik na lang na niligpit ni JC ang mesa habang inabala naman niya ang sarili sa pagsasabon ng mga plato.

Matapos niyang maghugas ng mga pinagkainan ay pumanhik siya sa kanilang tulugan para kunin ang nag-iisang bestida niyang may stripe na black at white na naisalba pa nang malabhan dahil kasama iyon sa mga nabasa ng nang nagdaang bagyo. Dahil napagpasyahan ng mga magulang niya na ang mga ito na lang ang magluluto ay nagdesisyon siyang maligo na para makapagpalit ng suot upang hindi na siya makaabala mamaya kapag oras na ng pag-alis nila.

Bitbit ang kanyang bihisan ay naglakad na siya palabas ng kanilang kubo para magtungo sa banyo, nagkagulatan pa sila ni JC nang bigla itong sumulpot sa harap niya.

"Saan ka pupunta?" tanong nito na napasulyap pa sa dala niya. Ipinagpasalamat na lang niya na naisipan niyang balutin ng bestida ang bra't panty niya dahil kung himdi ay baka hindi na niya ito maharap dahil sa labis na ka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status