Se connecterPara maisalba ang bahay na sinanla ng sugarol kong ama ay binenta ko ang katawan ko sa Ninong kong Contractor. Ngunit ang ginawa ko na yun ay nagbunga, ngunit itinago ko ito kay Ninong. Iniisip ng Ninong ko sa kaniya ang pinagbubuntis ko pero hindi ko inamin hangga't sa kaya kong itago. Dahil isang malaking chismis na naman kapag marami ang nakaalam. Pero no'ng malaman ko na nagpaplano na magpakasal si Ninong naalarma ako at doon pa sa babaeng inis na inis ako iyon ang pakakasalan ng Ninong ko dahil gusto na raw niya magkapamilya. "Ngayon gusto mo'ng akuin ko na ang bata na yan?" "Oo kaya ako ang pakasalan mo." Lakas loob kong sagot at nakangising nakatitig siya sa akin at dahan-dahang nagalakad palapit sa akin. "Bago 'yan, gusto ko munang masigurado na walang ibang nagsawa sa'yo kung hindi ako." Umakyat sa buong katawan ni Jessa ang pinaghalong paninindig ng balahibo at init dulot ng mainit na hininga ng kaniyang Ninong.
Voir plusJESSAYung kasal na pangarap ko binigay ni Edward, ngayon ay narito ako sa harap ng malaking salamin habang inaayusan at hindi mawala ang ngiti ko sa labi. Nasa kabilang kuwarto naman ang asawa ko nandoon siya naghahanda rin sa kaniyang susuotin.Naisip ko sayang wala si Papa walang maghahatid sa akin sa simbahan kahit naging masama si Papa ay ama ko pa rin siya hindi iyon magbabago. Ang mama ni Edward ayaw magpunta sa kasal namin hanggang ngayon ay ayaw niya sa akin, hinayaan ko na lang dahil alam kong darating ang araw na matatanggap rin niya ako."Ayan ang ganda mo day!" Napangiti ako dito sa baklang nag-aayos sa akin, tapos na ang make-up na ginawa at sobrang nagustuhan ko. Sinabi ko ayoko ng makapal na make-up dahil mas gusto kong makita pa rin ang natural kong mukha. Sinuot ko na rin ang wedding gown, labas ang balikat at pa-v-shape sa likod hindi naman masiyado luwa ang dalawang papaya ko pero talagang halata na malaki 'yon.Karga ni mama si baby Marcus namin iyan ang pinanga
JESSASAKAY na kami ulit ng kotse para umuwi sa bahay namin at excited na ako tinawagan rin ni Edward si mama na magpunta sa bahay dahil nahanap na ako. Pabalik-balik raw si mama sa kaniya at nagtatanong kung may balita na sa akin, alam kong nag-aalala na rin si mama sa akin at ang dalawa kong kapatid.Ang saya ko ng huminto na kami at nagmamadali akong lumabas nang kotse, halos takbuhin ko na ang loob ng bahay namin para lang makita ko na ang anak ko na matagal ko ring hindi nakita. Pag-akyat ko sa itaas kung saan ang naging kuwarto ng anak namin, pagdating sa pinto nakita ko ri Rosa na gulat na gulat na makita ako.Naroon rin ang mama ni Edward na karga ang anak ko nanlalaki ang mata niya ng makita ako. Pero wala akong pakialam sa kaniya dahil yung anak ko ang kailangan ko, dali-dali kong kinuha sa mama ni Edward ang anak ko at binuhat niyakap at hinalikan.Hindi ko na napigilan ang luh ko dahil huling kita ko lang sa anak ko no'ng nanganak ako. Isang buwan rin at ngayong hawak ko n
JESSA"Sa akin ka lang maniniwala." "Mahal kita at ang anak natin." "Babawian kita kapag nanganak ka na." "Lora anak bakit may problema ba?" Napahinto ako sa paglalakad ko dahil sa mga nagbalik na alaala at bigla nalang ako pumuhit pabalik at tinakbo ko ang kinaroroonan ng taong nagsabi lahat nang mga katagang yon.Ninong Edward! Ang asawa ko!"Lora saan ka pupunta!?"Dinig ko pang tawag sa akin pero hindi ko na pinansin hanggang sa makabalik ako ulit doon at nakita ko siya nagpahid ng luha niya. Napangiti ako at nag-uunahan ang luha kong tinakbo ko siya at yumakap na kinagulat niya."Jessa," sambit niya sa pangalan.Hindi ako sumagot dahil ang gusto ko lang ngayon ay ang yakapin siya dahil sobrang saya ko at nakita ko siyang muli at nagbalik na sa akin ang lahat."Naalala mo na ba ako?" Lumayo ako sa pagkakayakap sa kaniya at tumango ako nang sunod-sunod."Ikaw ang asawa ko." Umiiyak na sagot ko at hinawakan niya ako sa magkabilaang pisngi at siniil ng isang mainit na halik.Hal
EDWARDTulala at parang walang buhay ang mundo ko, isang buwan na ang lumipas ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita si Jessa. Hindi na ako makapagtrabaho ng maayos dahil sa kakaisip ko sa asawa ko.Nagising ang diwa ko ng may mahulog at lumikha iyon nang ingay, yung alak na iniinom ko nahulog. Halos gabi-gabi umiinom ako para lang makatulog, kasama ko ang anak namin pero hindi pa rin sapat."Hindi ka ba titigil sa kadramahan mo diyan?" Tiningnan ko si mama na hindi ko naramdaman ang pagdating niya, sumandal ako at nakangiti ako sa kaniya."Masaya ka ba ma na nakikita mo ako'ng ganito? Sabagay, sanay ka sa ganito dahil wala ka talagang pakialam. Gagawin mo lahat ang gusto mo katulad ng ginagawa mo sa akin ngayon." Napayuko ako matapos kong sabihin dahil pinipigilan ko ang emosyon ko."Ano bang sinasabi mo? Hanggang ngayon iniisip mo pa rin ako ang may dahilan ng pagkawala nang asawa mo?"Tumawa ako ng mahina."Ma, kilala kita. Nagawa mo nga sa mama ni Jessa at sa akin na


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
commentaires