Affair Of The Heart ( Love Series #1 )

Affair Of The Heart ( Love Series #1 )

By:  MissA_begail16  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
31Chapters
975views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Beatrise Mendoza, sa batang edad ay nangarap nang maging isang artista hindi lang upang makatulong sa kanyang pamilya kundi para matamasa rin ang karangyaang mayroon ang mga ito. Kaya nang dumating ang isang hindi inaasahang pagkakataon sa katauhan ng kanyang tiyahing taga-Maynila ay agad niya iyong sinunggaban. Pero ang inakala niyang abot-kamay na pangarap ay hindi pala gano'n kadaling abutin. Dahil hindi pala madaling makapasok sa industriyang iyon. At dahil sa natamong kabiguan ay hindi niya naiwasang humanap ng masasandalan at makakapitan, at natagpuan niya iyon sa katauhan ng kanyang pinsan na si John Carl, ang panganay na anak ng kanyang tiyahin. Ngunit hindi niya napaghandaan ang isang malaking dagok sa kanyang buhay. Dahil unang kita pa lang sa lalaki ay nahumaling na siya rito kaya ng maging mas malapit sila at makilala ang tunay nitong ugali ay lalong nahulog ang kanyang loob. Paano pa niya haharapin ang pag-abot sa kanyang pangarap na tila kay ilap kung maging pati ang paghihirap ng kanyang damdamin ay nakakadagdag sa kanyang dalahin?

View More
Affair Of The Heart ( Love Series #1 ) Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
31 Chapters

01: Beatrice Mendoza

Abala sa pag-ihip ng kalang de-kahoy si Bea kahit maluha-luha na siya dahil sa usok na nagmumula roon mapaapoy lamang iyon. Dahil alam niyang hindi magtatagal ang darating na ang kanyang nanay mula sa paglalako ng mga pagkaing pang-almusal.Sakto namang dumingas na ang gatong nang makarinig siya na tila may tumatawag sa kanya mula sa labas ng kanilang kubo. Kaya dali-dali siyang dumiretso ng tayo at dinalawang hakbang ang direksyon patungo sa pinto mula sa kinatatayuan niya.At doon ay natanaw niya ang kanyang nanay na hindi magkandaugaga dahil sa mga dala nitong malaking bayong sa kanang kamay at mga saging na saba sa kaliw habang nakasiksik ang bilao sa kanang kili-kili. Mabilis niya itong nilapitan at agad na kinuha ang bilao at ang mga saging na ang tanging hawakan ay ang tali."Mano po, 'Nay." Salubong niya rito matapos kunin ang dalang mga saging at ang bilao. Tumigil naman ito sa paglalakad at inilapag ang dalang bayong bago iniabot sa kanya ang kanang kamay para makapagmano si
Read more

02: Bagong Pangarap

Dahil natuon na ang panahon at atensiyon ni Bea sa pag-aasikaso sa mga gawaing-bahay at sa mga kapatid ay hindi na niya namalayan ang mabilis na paglipas ng mga araw. At kasabay niyon ay paglamlam ng nadaramang inggit sa mga kapatid noon.Kaya parang hindi pa siya makapaniwalang magpapasukan na naman dahil parang ilang tulog lang ang ginawa niya ay nagkakagulo na naman ang mga kapatid niya isang madaling-araw sa pagsusuot ng kanilang mga uniporme.At dahil mayroon nang isang nasa first year highschool at dalawang elementary na ga-graduate sa magkasunod na taon ay napilitan nang huminto sa paglalako ng pagkain ang kanilang nanay dahil hindi na sumasapat ang kinikita nito sa pagtitinda upang humanap ng ibang pagkakakitaan.Hanggang sa mapagpasyahan na lang nito na maglabada sa ilang mga nakilala noong naglalako pa ito. At isinasama siya nito para may makatulong at mabilis na makatapos at makarami. At kung walang labada ay suma-side line ng pagluluto sa ilang may maliliit na handaan na
Read more

03: Unos

Dahil nakahanap na siya ng bagong dahilan para palakasin at muling buhayin ang nanamlay niyang paligid nang nahinto ng pag-aaral ay naging mabilis para kay Bea ang paglipas ng mga araw.Hindi na siya gaanong nakakaramdam ng pagkainip sa tuwing naiiwan siya sa bahay nila kapag wala silang labada o handahang pupuntahan ng kanyang nanay. At hindi na niya nararamdaman ang lungkot kapag natatapos siya sa mga gawaing-bahay dahil nauubos na ang oras niya sa pagpapantasya na isa na siyang sikat na artista at pinagkakaguluhan ng mga tao naa maging sa gabi ay nakakatulugan na niya. Ngunit ang inakala niyang magaang pakiramdam na dala ng kanyang pangarap ay nalambungan dahil sa isang malaking pagsubok na biglang dumating sa kanilang buhay. Isang malakas na kulog ang gumulantang sa kanilang lahat habang nahihimbing sa pagtulog isang madaling araw kasunod ang malakas at tuloy-tuloy na pagbuhos ng napakalakas na ulan. Kaya kahit inaantok ay napilitan na silang bumangon lalo pa at tila tinatangay n
Read more

04: Unang Kudlit Sa Puso

Dahil sa hindi inaasahang pagsalanta ng malakas na bagyo ay napilitang manatili sa evacuation center ang maraming pamilya at kabilang na ang pamilya nila Bea.Hindi mapigilang lihim na maghinanakit si Bea hindi lang sa panahon kundi pati na sa Itaas dahil ilang araw na lang ay sasapit na ang kanyang sixteenth birthday. Pero sa halip na masaya siyang namamasyal ay naroon siya at nakikipagsiksikan ng higaan sa ibang tao.Tanging karton lang ang naisapin sa hinihigaan ng ilang naroon habang sila ay may naisalbang isang kumot na naisilid pala ng nanay niya sa bayong. At iyon ang kanilang ginawang sapin sa malamig at mamasa-masang semento ng covered court.Gusto man niyang makiusyoso sa mga nagkakagulong mga tao kung saan naroon ang nanay at tatay nila ay hindi niya magawa dahil bukod sa kailangan niyang bantayan ang pwesto nila ay binabantayan din niya ang kambal at si Robert dahil inaapoy ng lagnat. Habang sumama naman sa mga magulang nila ay si Cristina at Manuel para kung may pinamimig
Read more

05: Spark

Hindi pa man nagtatagal na nakakaalis ang tiya at pinsan niya ay tila ba napakabagal ng paglipas ng oras dahil pakiramdam niya ay hindi nagbabago ang paligid kahit na alam niyang dumidilim na.At para malibang sa pagliligpit at pagsisilid ng mga damit sa dalang mga bayong para sa paghahandang umuwi kinabukasan mula sa evacuation center ay nagsimulang maglamyerda ang kanyang isip.Kahit na may panaka-naka pa ring pag-ulan ay nagpasya na ang kanyang mga magulang na umuwi dahil mas mabuti na raw na nasa sariling bahay kahit na hirap sila dulot ng bagyo ay makakakilos ang mga ito para gumawa ng paraan.Ilang sandali pa ay isang eksena kasama ang pinsang si JC - ang palayaw na ibinigay niya para sa lalaki na tanging siya lang ang nakakaalam - ang unti-unting nabubuo sa kanyang isip.Sa kanyang imahinasyon ay nasa loob sila ng eskwelahan at estranghero sa isa't isa. At ang una nilang pagtatagpo ay para bang itinadhana ng kapalaran dahil sa lawak ng eskwelahan ay bigla silang nagkabungguan n
Read more

06: Muling Pagbalik

Nang makuwi sila ng sumunod na araw ay halos manlumo sila nang tumambad sa kanila ang kubong tuluyan ng natanggal ang bubong kaya lahat ng gamit nila ay basang-basa.Kitang-kita ni Bea ang tila naiiyak na anyo ng kanyang nanay habang ang tatay naman niya ay napatiim-bagang.Walang imik na tuluyan na silang pumasok matapos pagmasdan ang naging lagay ng kanilang bahay. Pagpasok ay ipinatong nila ang mga bayong sa ibabaw ng mesa bago sinimulang ayusin at linisin ang buong bahay.Habang ang tatay nila ay nagpaalam na pupunta sa may-ari ng lupang sinasaka para magbakasakaling makahiram ng pera na tinanguan lang ng kanilang nanay."Magluto ka na muna, Bea. Tingnan mo kung may pwede pang gawing panggatong d'yan," utos ng nanay niya kaya natigilan siya sa pagsampa sa hagdan para sana tumulong na linisin ang kanilang tulugan."Opo." Tanging nasabi na lang niya bago nagtuloy sa kalanan tingna kung ano'ng naging lagay ng kanilang mga gatong pero pagkadismaya ang naramdaman niya nang makitang bas
Read more

07: Galak (Part 1)

Excited si John Carl sa pag-aayos ng kanilang mga pinamili sa loob ng kotse dahil muli silang pupunta ng kanyang mommy sa kapatid nito para maghatid ng mga grocery.At kahit pilit niyang ikala alam niya sa kanyang sarili kung bakit walang tigil sa malakas na pagkabog ang kanyang dibdib. Ang muling makita ang kanyang pinsan na si Bea."Anak, nailagay mo na ba diyan 'yong kalan pati 'yong mga tubig?" tanong ng mommy niya mula sa pinuan ng kanilang bahay."Opo! Nailagay ko na lahat!" pasigaw na sagot niya habang nasa isinasara ang trunk ng kotse."Okay! Magbibihis na 'ko! Magbihis ka na rin para makaalis na agad tayo!""Opo!"Pagkatapos ay naglakad na siya patungo sa pinto at halos patakbong umakyat ng hagdan para magtungo sa kanyang kwarto.Pagpasok ay nagtuloy siya sa banyo para maligo at habang naroon ay hindi na naman niya napigilan ang sariling isipin ang babae habang nakapikit at nakatayo sa tapat ng shower.Muling pumasok sa kanyang alaala ang mapula at makipot nitong mga labi na
Read more

07: Galak (Part 2)

***Biglang naalimpungatan si John Carl ng tumalbog ang katawan niya sa kinauupuan."O, nagising ba kita, 'nak?" tanong ng mommy niya ng makitang umayos siya ng upo."Hindi naman po. Nasaan na po tayo?" usisa niya habang iginagala ang paningin na may kasabay pang paghikab pero wala siyang ibang makita kundi mga puno at lupa."Malapit na tayo sa lugar nila ate. Medyo mahirap lang dumaan dahil sa nagkalat na bato at mga putik kaya maalog ang sasakyan.""Hmm..." Tanging nasabi na lang niya at hindi na umimik.Mayamaya pa ay huminto na sila sa gilid ng maputik at mabatong daan kasunod niyon ay ang paghugot ng kanyang mommy sa susi ng kotse."Nasaan na tayo, mom?" muling tanong niya na napapahikab pa nang makitang binuksan na ng mommy niya ang pinto ng kotse."Nandito na tayo. 'Yong daan sa may bandang unahan natin ay daan papasok patungo sa looban kung nasaan ang bahay ng tita mo," sagot nito na tuluyan ng bumaba kaya sumunod na rin siya."Paano mo nalaman kung saan ang bahay nila, mom?"
Read more

08: Pagpipilian (Part 1)

Hindi pa man nagtatagal na nakakalabas si Bea nang marinig niyang muling nagsalita ang kanyang mommy."Bakit hindi na lang kayo sumama sa amin?" singit ng mommy niya sa pag-uusap ng kanyang tita at tito.Tila saglit na huminto ang kanyang paligid sa narinig at agad na nakaramdam ng pagkasabik sa isiping makakasama niya si Bea sa iisang bahay at madalas nang makikita.Kaya pigil ang hininga na hinintay niya ang magiging sagot ng mga ito."Nina, 'di ba nasabi ko na? Na hindi kami maaaring sumama. Bukod sa wala kaming ibang alam na pagkakabuhayan maliban sa pagtatanim ay nag-aaral pa ang mga bata," sagot ng tita niya habang nakatayo sa tabi ng asawa nito na walang imik na nakatingin sa kanila."Pero ang hirap ng lagay ninyo rito. Kahit hanggang makabawi lang kayo, pwede naman ulit kayong bumalik."Matapos iyong sabihin ng kanyang mommy ay nakarinig siya ng isang mahinang singhap na nagmula sa pintuan kaya mabilis iyang napalinhon doon. Maging ang kanyang mommy at ang mga magulang ay napat
Read more

08: Pagpipilian (Part 2)

Napapikit na lang siya habang hinihintay ang pagbagsak niya sa maputik na lupa pero ang sakit na inaasahan niya ay hindi nangyari dahil naramdaman niya na lang na tumama siya sa kung saan kasabay ng pagpulupot ng kung ano sa baywang niya.Dahan-dahan siyang dumilat para alamin kung ano iyon. At nang makita ang mukha ni JC na ilang pulgada lang ang layo mula sa mukha niya ay wala sa sariling napatitig siya sa mga ito. Pakiramdam niya ay bumagal ang oras habang magkahinang ang kanilang mga mata pero ng marinig niya ang tinig ng iba pang kapatid na bumababa sa hagdan ay doon lang siya natauhan at mabilis na napatuwid ng tayo.At ang mga kamay niyang nahawak sa matipuno nitong dibdib ay mabilis niya binawi."Sorry, hindi ko sinasadya," nahihiyang sabi niya habang hindi malaman kung saan ibabaling ang tingin."Ayos lang. Tara, kumain na tayo," yaya nito at tila walang nangyaring hinawakan siya sa kanang braso bago marahang hinila patungo sa direksyon ng mesa at dahil nauna ng maupo si Cri
Read more
DMCA.com Protection Status