"10 MILLION? tinanggap mo ang pera kapalit ng pakikipag-divorce mo sa kaniya?" gulat na reaction ni Luna.
Para siyang lantang gulay na hindi makausap. Wala siyang ganang magsalita. Hindi na niya alam kung saan pa siya kukuha ng lakas para magpatuloy sa buhay. Walang-wala siya. Saan sila titira ni Nonoy gayong wala naman silang sariling bahay.
"Hayop talaga yang Ivy na 'yan. Napaka-demonyita niya. Iba na talaga ang panahon ngayon, kung sino pang kabit, siya pa ang matapang."
Tiningnan niya si Nonoy na mahimbing na natutulog. Nagising na ito kahapon pero kailangan pa rin nitong manatili sa hospital para obserbahan at ihanda para sa operasyon. Pero paano kung wala pa siyang pera pangpa-opera?
"L-Lahat gagawin ko para kay Nonoy, Luna. Hindi ko kayang mawala rin siya sa akin dahil siya na lang ang meron ako. K-kahit sa anumang paraan, basta mapa-opera ko siya, gagawin ko. Lulunukin ko ang pride ko, ibababa ko na ang pagkatao ko para lang gumaling siya." Sunod-sunod na tumulo ang luha niya habang nakatulala lang siya sa kapatid.
Kaya pa ba niya? Naramdaman na lang niya ang pagyakap ni Luna sa kaniya at tinapik-tapik siya.
—
PARA siyang kandilang malapit nang maupos. Paubos na siya at hindi na niya alam ang gagawin. Gulong-gulo na ang isip niya. Hindi na siya makapag-isip ng maayos.
Mabigat ang mga paa na lumakad siya sa rooftop ng hospital. Kung titingnan, para siyang pulubi. Gulo-gulo ang buhok niya hindi na nakapagpalit ng damit. Mabuti nga at nandiyan palagi si Luna.
Umupo siya sa gilid at nagsimulang humagulhol habang yakap ang sarili. Niyakap din siya ng malamig na hangin ng gabi. Pagod na siya. Durog na durog.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa ganoong sitwasyon habang hindi niya alam na hindi lang siya nag-iisa sa lugar na iyon. Someone is watching him.
Tumayo siya at mas lumpit pa sa gilid ng rooftop. Kumapit siya drail. Tila ba inaaya siya ng tahimik na lugar na tumalon para tapusin ang paghihirap niya.
"Sa tingin mo ba kapag tumalon ka diyan matatapos na ang lahat?"
Nagulat siya sa boses ng lalaking nagsalita. Luminga siya sa paligid at nakita niya ang naka-hoodieng lalaki 'di kalayuan sa kaniya na may hawak na cigarettes. Hindi niya makita ang mukha nito. Matangkad ito at may bruskong bulto.
"S-sino ka?"
"I'm watching you at kung buo na ang desisyon mo na tumalon, it's up to you."
"Sinong nagsabing tatalon ako?"
"Hindi ba?"
"Oo, hirap na hirap na ako pero hindi ako tatalon para takasan ang lahat. Gusto ko lang mapag-isa at lumanghap ng sariwang hangin."
"I'm sorry, Miss. Kung makahagulhol ka kasi parang katapusan na ng mundo, eh. Nasira mo 'yong peaceful vibe ng lugar."
"Sorry, huh! Hindi ko alam na para lang pala sa iyo ang lugar na ito?" masungit niyang balik.
"Sige, aalis na ako. This place is yours now." Tumalikod na ito at naglakad pababa ng rooftop. Napaismid siya at napairap.
"Sinong nagsabing tatalon ako? No! Hindi ko gagawin ko 'yon!"
Mayamaya, naka-receive siya ng message galing sa unregistered number.
"Si, Papa D ito. I know your needs, Naomi kaya may i-offer akong job for you at kikita ka ng malaki rito."
—
HUMUGOT ng malalim na hininga si Naomi ng makarating siya sa isang hotel. She looks sexy and beautiful sa daring na dress na suot niya at sa make up na nakapatong sa kaniyang mukha.
Hindi na siya nagdalawang-isip na tanggapin ang trabaho na inalok sa kaniya ni Paoa D, ang may-ari ng bar na pinag-part time-an niya noon.
Isa iyong illegal subastahan dahil sa loob, hindi mamahaling alahas o rare items ang sinusubasta, kung 'di nagagandahang babae para i-satisfy ang mga mayayamang negosyante sa pilipinas. Mabuti na nga lang at hindi pa halata ang kaniyang tiyan.
Nanginginig siya habang nasa likod ng stage. Para siyang maiihi habang naghihintay na magsimula ang bidding.
"Ok, girls please prepare yourself dahil magsisimula na ang bidding, ok?"
Napakapit siya ng mahigpit sa laylayan ng suot niyang mini dress na halos lumabas na ang kaluluwa niya.
"Kaya mo 'to, Naomi!" Pumikit siya ng mariin pero pagmulat niya, nagulat siya nang may lalaking humawak sa kamay niya at hinila siya palabas.
"Hoy, where are you going?" sigaw ng organizer.
"S-sino ka? Saan mo ako dadalhin?" tanong niya.
Hindi ito umimik hanggang sa makarating sila sa dulo ng hallway ng hotel. Humarap sa kaniya ang isang familiar na mukha pero hindi niya alam kung saan niya nakita.
Naka-suit ang lalaki kaya naman mukha siyang disente at mayaman. Sa hinuha niya ay halos kaedad niya lang ito. Sa hitsura naman ay wala siyang masabi. Matangos ang ilong nito at mabuhok ang panga. Maganda ang labi at ang mga mata nito na kulay brown.
"Anong kailangan mo sa akin? Hindi kita kilala at kung wala kang kailangan sa akin, aalis na ako. Nagsisimula na ang bidding at kapag hindi ako nakakuha ng malaking halaga, ikaw ang may kasalanan."
Tatalikod na sana siya pero hinawakan nito ang braso niya.
"Magkano bang kailangan mo?"
Kumunot ang noo niya pero natawa rin. "Tinatanong mo ba kung magkanong kailangan ko? Baka kapag sinabi ko, mahimatay ka."
"Tell me, magkano?"
"Sir, alam kong mukha kang mayaman pero kaya mo bang ibigay ang 30 million na kailangan ko dahil kung hindi, aalis na ako. Kailangan kong ma-subasta ngayong gabi dahil kailangan—"
"Marry me and I will give you, 30 million."
MABILIS NA bumaba ng sasakyan si Naomi kasama si Martin sa tapat ng malaking bahay ng mga Fravoo. Agad silang pumunta roon nang malaman nilang aalis na sila ng bansa. Kailangan nilang maabutan ang mga ito at makuha ang anak niya.Sunod-sunod na doorbell ang ginawa ni Naomi habang kinakabahan siya. Paano kung nakaalis na sila ng bansa dala ang anak niya? Paano kung nailayo na nila ang bata? Anong gagawin niya? Natatakot siya na baka tuluyan nang mawala ang anak niya."Tao po!" sigaw ni Martin habang sinisilip ang loob ng malaking bahay. Walang lumalabas mula roon na kahit katulong.Hindi niya tinitigilan ang pagpindot sa doorbell, ulit-ulit, umaasang may lalabas mula roon. "Mr. and Mrs. Fravoo, please talk to me!" sigaw niya, naiiyak may pagmamakaawa."Lumabas kayo and talk to us! Alam naming nandiyan pa kayo at hindi kami aalis dito hanggang hindi kayo lumalabas," sigaw ni Martin. Bumuntong-hininga ito at hinarap siya. "Sigurado akong hindi pa sila nakakaalis ng bahay," tila siguradon
"NAOMI." Napakurap siya nang marinig niya ang boses ni Grayson habang kanina pa niyang pinagmamasdan si lola Marina na mahimbing na natutulog. Pasimple niyang pinahid ang luha sa kaniyang mga mata. Nasasaktan siya sa mga nangyayari. Hindi siya humarap. Nanatili siyang nakatingin kay lola Marina habang hawak niya ang kamay at braso nito. Gusto niyang maramdaman nitong nasa tabi lang siya nito. "P-pwede ba tayong mag-usap?" mahinahong tanong nito. "Alam kong hanggang ngayon galit ka pa rin sa akin at ayaw mo akong makita pero baka this time, pwede mo akong bigyan ng pagkakataong makausap ka," pakiusap nito. Bumuntong-hininga siya at bahagyang yumuko. Dahan-dahang niyang binitawan ang kamay ni lola Marina at tumayo mula sa pagkakaupo. Hinarap niya ito pero walang boses na lumabas mula sa bibig niya bago naglakad palabas ng silid. Niyakap niya ang sarili nang umihip ang malamig na hangin habang nasa dulong bahagi sila ng hallway ng hospital kung saan walang tao. Nakatingin siya sa lab
"HINDI na ako makapaghintay na makita at makausap si lola Marina, Martin," masayang sabi ni Naomi habang lulan siya ng sasakyan nito. Nang malaman nila mula kay Vincent na gising na raw si Lola Marina, agad silang bumyahe papunta sa hospital. Masaya siya at natutuwa sa nalaman. Mas binilisan pa ni Martin ang pagmamaneho sa sasakyan nito. "Ngayong gising na si lola Marina, mapapatunayan na natin ang lahat ng ginawa ni Levie at Ivy sa kaniya at mas madali natin silang masisingil sa lahat ng kasalanan nila," ani Martin. Ngumiti siya. Hindi na siya makapaghintay na makitang nasa kulungan ang mga taong gumawa ng masama laban sa kaniya at kay lola Marina. Ilang sandali pa at nakarating na sila sa hospital. Agad silang bumaba ng sasakyan at pumasok sa gusali. Nasapo niya ang umbok na niyang tiyan dahil pakiramdam niya'y bumibigat na iyon. Nakakaramdam din siya ng sakit ng balakang at pagkapagod dahil sa paglalakad. Kapagkuwa'y naramdaman niyang hinawakan ni Martin ang braso niya para
"ANONG balak mong gawin kay, Kalus?" tanong ni Martin kay Naomi habang sakay sila ng sasakyan nito patungo kay Kalus. Habang nasa backseat si Yuan, abala sa paglalaro sa cellphone nito. "Sa tingin ko hindi na natin magagamit si Kalus laban sa kanila lalo't wala na sa panig nila si Grayson at tito Christopher." "Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong nito. "Sa tingin mo ba may pakinabang pa sa kanila si Kalus at Ashley gayong hindi na nila kailangang magpanggap sa harap ng mga Alcantara? Sigurado ako ngayong nakuha na nila Ivy ang posisyon ni Grayson, hindi na rin nila kailangan si Kalus at Ashley. Katulad ni Gino, itatapon na lang din nila ang mag-ina na parang basura pagkatapos nilang gamitin." Napaisip si Martin at kapagkuwa'y tumingin sa kaniya. "Kung ganoon ibabalik na natin kila Grayson ang bata?" Umiling siya. "Kapag lumabas na ang DNA results ni Kalus at napatunayan kong anak siya ni Grayson, ibabalik ko siya sa kaniya pero kapag hindi siya anak ni Grayson, hahayaan k
"BABALIKAN natin ang anak mo, Naomi," ani Martin habang lulan sila ng sasakyan pauwi. Kanina pa siya walang kibong dahil gustong-gusto na niyang makita ang anak na nawalay sa kaniya. Hindi na siya makapaghintay na mayakap at makasama ito.Gusto sana niyang makita ang umiiyak na bata sa bahay ng mga umampon dito pero pinigilan siya ni Martin dahil baka raw malaman ng mga katulong kung anong totoong pakay nila roon at kapag nangyari iyon, baka ilayo ng mag-asawa ang kaniyang anak."Hindi nila pwedeng malaman na alam na natin ang tungkol sa batang inampon nila dahil sigurado akong hindi nila basta ibibigay sa atin ang bata lalo't mahigit isang taon na rin nilang inalagaan ang anak mo." Saglit siya nitong tiningnan at hinawakan ang kaniyang kamay at marahan iyong pinisil. "Pero huwag kang mag-alala dahil sigurado akong wala silang matibay na panghahawakan para angkinin ang bata. Kapag napatunayan nating siya ang anak mo at hindi nila ibinigay sa atin, dadaanin natin sa legal na proseso."
"NGAYON na nakuha na ni Owen at Levie ang posisyon ni Grayson sa kompanya, sa tingin mo ba may panahon pa si Ivy para balikan ka rito at tuparin ang pangako niya sa iyo? Kung wala kang pera at kapangyirihan kagaya ni Owen, hindi ka niya mamahalin. You're useless to her! Isa ka lang niyang kasangkapan, gagamitin sa sarili niyang benepisyo. Ilang beses ka ba niyang dinadalaw dito? Did she tell you that she loves you? Anong pinanghahawakan mo para sabihin mong ikaw ang pipiliin niya?" Ngumisi pa si Naomi dahil alam niyang alam ni Gino na totoo ang lahat ng sinabi niya.Hindi ito nakaimik at bahagyang yumuko, kita ang sakit at pait ng katotohanan."Papayag ka bang ikaw ang nakakulong habang malayang nagmamahalan si Owen at Ivy?" segunda naman ni Martin. Kapwa batid nila na ginagamit lang ni Ivy si Gino para sa sarili nitong kapakanan at paraan nilang saktan ito at ipamukha ang masakit na katotohanan para malaman nito ang totoong intensyon ni Ivy sa rito."Kaya kung ako sa iyo, hindi ako p