"WE need to do the operation as soon as possible before it's too late. We need to prepare 30 million for the operation."
Natulala na lang si Naomi sa isang tabi. Saan siya kukuha ng 30 million para sa operasyon ng Kapatid niya? Kahit ata ibenta niya ang lahat ng lamang loob niya, hindi pa rin sasapat. Buntis pa siya.
Pero hindi niya hahayaang mawala rin si Nonoy sa kaniya dahil ito na lang ang mayroon siya. Nang mawala ang kaniyang ina, siya na ang tumayong magulang para kay Nonoy.
"Naomi, kailangan mong magpahinga. Alam kong maraming nangyari pero kailangan mo ring isipin ang bata diyan sa sinapupunan mo," ani Luna.
"L-Luna, saan ako kukuha ng ganoong kalaking pera? Kahit buong buhay ko pagtrabahuhan ko, hindi ko kayang ipunin ang 50 million pesos."
"Hindi ko rin alam pero hayaan mo, gagawa tayo ng paraan. Kung kailangan nating lapitan lahat ng pwede nating lapitan, lalapitan natin."
Naipunas na lang niya ang kaniyang palad sa mukha dahil mababaliw na lang siya kakaisip sa pwede niyang gawin.
"Hayop talaga 'yang asawa mo! Ni hindi ka man lang nagawang puntahan dito o mag-alok man lang ng tulong sa inyong magkapatid. Hindi ko alam na ganoon pala kademonyo ang lalaking 'yon. galit na sabi ni Luna.
Hindi na lang siya umimik dahil mas bumibigat lang ang lahat. Ang dami na niyang iniisip at pakiramdam niya'y bibigay na siya. Hanggang kailan niya makakaya ang lahat? Ang taong akala niya'y kakampi niya, ito pa ang nagbigay sa kaniya ng pahirap at pasakit.
—
NAGULAT si Naomi nang pag-uwi niya sa bahay nila ni Owen para sana kumuha ng damit, nakatambak sa labas ng bahay ang mga gamit nila ni Nonoy.
"Anong ibig sabibin nito?" Mabilis siyang pumasok sa loob ng bahay. "Owen! Owen!"
"Ma'am, Naomi."
"Yaya, bakit nasa labas ang mga gamit namin ni Nonoy?"
"Ma'm, inutusan po kasi kami ni Ma'am Ivy na ilabas ang mga gamit ninyo dahil hindi na raw po kayo ang titira rito," paliwanang ng katulong. "Pasensiya na po dahil napag-utusan po kami. Tatanggalin po kasi kami sa trabaho kapag sumuway kami."
"Nasaan si Owen?"
"Umalis—"
"Hindi na kailangang nandito si Owen, Naomi dahil siya pa nga ang nag-utos sa akin na paalisin ka na sa bahay." Lumingon siya kay Ivy. "Since, ayaw mo namang makipag-divorce, mas mabuting umalis ka na lang kasama ang kapatid mong sinto-sinto."
"At sino ka para mag-decide? Ang kapal naman ng mukha mong paalisin ang tunay at legal na asawa. Know your place, Ivy isa ka lang kabit na nakikisawsaw sa asawa ko, 'di ba? Naubusan ka na ba ng lalaki? O sadyang makati at malandi ka!" ganti niya. "Isa pa, huwag mong idadamay ang kapatid ko dito."
"How dare you!" Hinawakan agad ni Ivy ang buhok niya at hinila siya palabas pero nagmatigas siya.
"Mam, Ivy tama na—"
"Huwag kayong makilialam dito kung ayaw niyong mawalan ng trabaho!" sigaw nito sa mga katulong na aawat sana. "Ayaw mong umalis? Sige, gusto mo 'yong nasasaktan ka pa." Pilit siya nitong hinihila palabas.
"Hi-hindi ako aalis, Ivy dahil ako ang legal na asawa at hindi ikaw!" Pinipigilan niya ang kamay nito na nakahawak sa buhok niya. "Ikaw ang dapat umalis dahil isa kang kabit!"
"Kabit? Ikaw ang sumira sa relasyon namin noon ni, Owen at ngayon, binabawi ko lang ang dapat sa akin."
Kahit anong pigil niya, malakas si Ivy at dahil na rin siguro sa nanghihina niyang katawan kaya nadala siya nito sa labas ng bahay at tinulak siya sa mga gamit nila ni Nonoy. Natumba siya at napangiwi. Nasapo agad niya ang kaniyang tiyan.
"You're no longer live here, Naomi. Hindi na ikaw ang reyna nang bahay na ito, ako na." Humalukipkip pa ito at ngumisi.
"Hayop ka, Ivy! Kahit anong gawin mo, hindi ka magiging legal na asawa ni Owen. Mabubuhay ka bilang kabit, tandaan mo 'yan."
Mas nagalit si Ivy. Nilapitan siya nito at hinawakan sa leeg. "Well, hindi na mahalaga iyon. Alam mo kung anong mas mahalaga? Akin na si Owen ngayon."
—
MABILIS na naglakad si Naomi patungo sa opisina ni Owen. Walang pasabi na binuksan niya iyon at pumasok.
"Naomi, anong ginagawa mo rito?" gulat na sabi ni Owen. Tumayo ito sa pagkakaupo.
Nilapitan niya ito at agad niyang sinampal ng dalawang beses kasabay ng luhang pumatak sa kaniyang mga mata. Hindi niya kayang paniwalaan na sa isang iglap naging demonyo si Owen.
"Itatapon mo na lang ba talaga kami, Owen? Itatapon mo na lang ba lahat ng pagsasama natin para lang sa babae mo?" Umiling-iling siya. "Hindi na ikaw ang Owen na minahal ko three years ago. Isa ka nang demonyo sa harapan ko."
Sapo nito ang pisngi. "N-Naomi, I'm —" Hindi na nito natapos iyon dahil muli niya itong sinampal.
"Sorry kapalit ng labis na pananakit mo sa akin? Sa pagtataksil mo? Kahit isang milyong sorry pa ang sabihin mo, hindi noon magagamot lahat ng sugat ng pagtataksil mo." Nabasag na ng tuluyan ang boses niya.
"A-ano bang ginawa ko? Ma-marami ba akong pagkukulang? Naging masama ba akong asawa sa iyo? H-hindi ba ako sapat? Owen, alam mo kung gaano kita kamahal...k-kung anong ginawa ko para lang sa iyo. Ibinigay ko lahat ng mayroon ako pati ang pamilya ko."
Umiling si Owen. "H-hindi ganoon, Naomi. Naging mabuti ka kaya lang hindi ko kayang mag-settle sa ganitong buhay. I want more. Gusto kong humigit pa sa mayroon ako at habang kasama kita, hindi ko 'yon makukuha. Alam mo rin ang estado ng negosyo ng pamilya ko. Palubog na kami at kailangan kong kumapit sa mga taong mag-aangat sa akin."
Ngumisi siya at sarkastikong tumawa habang umiiyak. "Kaya kumapit ka kay Ivy? Owen, paano ako? Ang tingin mo lang pala sa akin, pabigat at walang kayang gawin para sa pag-asenso mo?"
"Sana maintindihan mo ako."
"Hindi ko kayang intindihin, Owen." Suminghot siya.
Napakamot sa noo si Owen. Walang emosyon sa mga mukha nito. Lumapit ito sa table at may kinuhang envelope.
"I know what happened to your brother, Naomi so I made an offer for you. Hindi ko kayang bayaran lahat ng bills sa operasyon ni Nonoy pero makakatulong sa iyo ang io-offer ko." Huminga ito. "Hindi na tayo magiging ok, Naomi at kailangan na lang nating tanggapin ang kahihinatnan ng relasyon natin."
"Signed this divorce paper kapalit ng 10 milyon."
MABILIS NA bumaba ng sasakyan si Naomi kasama si Martin sa tapat ng malaking bahay ng mga Fravoo. Agad silang pumunta roon nang malaman nilang aalis na sila ng bansa. Kailangan nilang maabutan ang mga ito at makuha ang anak niya.Sunod-sunod na doorbell ang ginawa ni Naomi habang kinakabahan siya. Paano kung nakaalis na sila ng bansa dala ang anak niya? Paano kung nailayo na nila ang bata? Anong gagawin niya? Natatakot siya na baka tuluyan nang mawala ang anak niya."Tao po!" sigaw ni Martin habang sinisilip ang loob ng malaking bahay. Walang lumalabas mula roon na kahit katulong.Hindi niya tinitigilan ang pagpindot sa doorbell, ulit-ulit, umaasang may lalabas mula roon. "Mr. and Mrs. Fravoo, please talk to me!" sigaw niya, naiiyak may pagmamakaawa."Lumabas kayo and talk to us! Alam naming nandiyan pa kayo at hindi kami aalis dito hanggang hindi kayo lumalabas," sigaw ni Martin. Bumuntong-hininga ito at hinarap siya. "Sigurado akong hindi pa sila nakakaalis ng bahay," tila siguradon
"NAOMI." Napakurap siya nang marinig niya ang boses ni Grayson habang kanina pa niyang pinagmamasdan si lola Marina na mahimbing na natutulog. Pasimple niyang pinahid ang luha sa kaniyang mga mata. Nasasaktan siya sa mga nangyayari. Hindi siya humarap. Nanatili siyang nakatingin kay lola Marina habang hawak niya ang kamay at braso nito. Gusto niyang maramdaman nitong nasa tabi lang siya nito. "P-pwede ba tayong mag-usap?" mahinahong tanong nito. "Alam kong hanggang ngayon galit ka pa rin sa akin at ayaw mo akong makita pero baka this time, pwede mo akong bigyan ng pagkakataong makausap ka," pakiusap nito. Bumuntong-hininga siya at bahagyang yumuko. Dahan-dahang niyang binitawan ang kamay ni lola Marina at tumayo mula sa pagkakaupo. Hinarap niya ito pero walang boses na lumabas mula sa bibig niya bago naglakad palabas ng silid. Niyakap niya ang sarili nang umihip ang malamig na hangin habang nasa dulong bahagi sila ng hallway ng hospital kung saan walang tao. Nakatingin siya sa lab
"HINDI na ako makapaghintay na makita at makausap si lola Marina, Martin," masayang sabi ni Naomi habang lulan siya ng sasakyan nito. Nang malaman nila mula kay Vincent na gising na raw si Lola Marina, agad silang bumyahe papunta sa hospital. Masaya siya at natutuwa sa nalaman. Mas binilisan pa ni Martin ang pagmamaneho sa sasakyan nito. "Ngayong gising na si lola Marina, mapapatunayan na natin ang lahat ng ginawa ni Levie at Ivy sa kaniya at mas madali natin silang masisingil sa lahat ng kasalanan nila," ani Martin. Ngumiti siya. Hindi na siya makapaghintay na makitang nasa kulungan ang mga taong gumawa ng masama laban sa kaniya at kay lola Marina. Ilang sandali pa at nakarating na sila sa hospital. Agad silang bumaba ng sasakyan at pumasok sa gusali. Nasapo niya ang umbok na niyang tiyan dahil pakiramdam niya'y bumibigat na iyon. Nakakaramdam din siya ng sakit ng balakang at pagkapagod dahil sa paglalakad. Kapagkuwa'y naramdaman niyang hinawakan ni Martin ang braso niya para
"ANONG balak mong gawin kay, Kalus?" tanong ni Martin kay Naomi habang sakay sila ng sasakyan nito patungo kay Kalus. Habang nasa backseat si Yuan, abala sa paglalaro sa cellphone nito. "Sa tingin ko hindi na natin magagamit si Kalus laban sa kanila lalo't wala na sa panig nila si Grayson at tito Christopher." "Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong nito. "Sa tingin mo ba may pakinabang pa sa kanila si Kalus at Ashley gayong hindi na nila kailangang magpanggap sa harap ng mga Alcantara? Sigurado ako ngayong nakuha na nila Ivy ang posisyon ni Grayson, hindi na rin nila kailangan si Kalus at Ashley. Katulad ni Gino, itatapon na lang din nila ang mag-ina na parang basura pagkatapos nilang gamitin." Napaisip si Martin at kapagkuwa'y tumingin sa kaniya. "Kung ganoon ibabalik na natin kila Grayson ang bata?" Umiling siya. "Kapag lumabas na ang DNA results ni Kalus at napatunayan kong anak siya ni Grayson, ibabalik ko siya sa kaniya pero kapag hindi siya anak ni Grayson, hahayaan k
"BABALIKAN natin ang anak mo, Naomi," ani Martin habang lulan sila ng sasakyan pauwi. Kanina pa siya walang kibong dahil gustong-gusto na niyang makita ang anak na nawalay sa kaniya. Hindi na siya makapaghintay na mayakap at makasama ito.Gusto sana niyang makita ang umiiyak na bata sa bahay ng mga umampon dito pero pinigilan siya ni Martin dahil baka raw malaman ng mga katulong kung anong totoong pakay nila roon at kapag nangyari iyon, baka ilayo ng mag-asawa ang kaniyang anak."Hindi nila pwedeng malaman na alam na natin ang tungkol sa batang inampon nila dahil sigurado akong hindi nila basta ibibigay sa atin ang bata lalo't mahigit isang taon na rin nilang inalagaan ang anak mo." Saglit siya nitong tiningnan at hinawakan ang kaniyang kamay at marahan iyong pinisil. "Pero huwag kang mag-alala dahil sigurado akong wala silang matibay na panghahawakan para angkinin ang bata. Kapag napatunayan nating siya ang anak mo at hindi nila ibinigay sa atin, dadaanin natin sa legal na proseso."
"NGAYON na nakuha na ni Owen at Levie ang posisyon ni Grayson sa kompanya, sa tingin mo ba may panahon pa si Ivy para balikan ka rito at tuparin ang pangako niya sa iyo? Kung wala kang pera at kapangyirihan kagaya ni Owen, hindi ka niya mamahalin. You're useless to her! Isa ka lang niyang kasangkapan, gagamitin sa sarili niyang benepisyo. Ilang beses ka ba niyang dinadalaw dito? Did she tell you that she loves you? Anong pinanghahawakan mo para sabihin mong ikaw ang pipiliin niya?" Ngumisi pa si Naomi dahil alam niyang alam ni Gino na totoo ang lahat ng sinabi niya.Hindi ito nakaimik at bahagyang yumuko, kita ang sakit at pait ng katotohanan."Papayag ka bang ikaw ang nakakulong habang malayang nagmamahalan si Owen at Ivy?" segunda naman ni Martin. Kapwa batid nila na ginagamit lang ni Ivy si Gino para sa sarili nitong kapakanan at paraan nilang saktan ito at ipamukha ang masakit na katotohanan para malaman nito ang totoong intensyon ni Ivy sa rito."Kaya kung ako sa iyo, hindi ako p