"HUH!? Paano ka nakakuha ng ganoon kalaking pera sa loob ng isang gabi, Naomi?" Hindi makapaniwalang tanong ni Luna sa kaniya nang makabalik siya sa hospital. "Huwag mong sabihing—No! Hindi mo ginawa 'yon, 'di ba? Alam kong desperada ka na pero—"
Natigil ito nang takpan niya ang bibig nito. "Huwag kang OA! Muntik ko lang gawin pero hindi ko naman ginawa," pag-amin niya.
"So, ano nga? Saan ka kumuha ng 20 million?"
Bumuntong-hininga siya. Marahan siyang yumuko. "Sa totoo lang hindi ko alam, Luna. Sobrang bilis ng mga nangyari at namalayan ko na lang ang sarili ko na pumayag sa alok ng isang hindi ko naman kilalang lalaki."
"Huh? A-anong alok?"
"A stranger asked me to marry him kapalit ng perang kailangan ko sa operasyon ni Nonoy," pag-amin niya.
Napaawang ang bibig ni Luna. "So, you mean inalok ka ng kasal ng stranger at pumayag ka? W-wait! Iniisip ko pa ang lahat. Remember, kaka-divorce mo lang and now you're going to marry a stanger? Oh my god, Naomi! I can't!" Nasapo pa nito ang noo.
"Wala akong choice. Desperada na ako at kaysa ibenta ko ang katawan at sarili ko, pumayag na lang akong magpakasal sa lalaking iyon."
"Paano kung scam ang lalaking iyon?"
"Hindi naman siguro dahil mukhang mayaman siya. Ise-send na lang daw niya ang pera kapag ooperahan na si Nonoy." Base naman sa obserbasyon niya, mukhang mayaman nga ang lalaki dahil sa mamahalin nitong sasakyan nang ihatid siya nito pabalik sa hospital.
"Eh, sino ang lalaking iyon? Mukha naman ba siyang pagkakatiwalaan? So, siya ang may-ari nang jacket na suot mo last night?" Tila kinilig pa ito.
Lumungkot pa lalo ang mukha niya. "Sa totoo lang, wala akong alam tungkol sa lalaking iyon. Ni hindi ko nga natanong ang pangalan niya."
"What? Seriously, magpapakasal ka sa totally stranger na lalaki? Damn! It's crazy, Naomi."
"I know pero isusugal ko na lahat gumaling lang si Nonoy."
—
HALOS hindi mapakali si Naomi nang dalhin na si Nonoy sa operating room para isagawa ang heart transplant sa mas madaling panahon dahil malapit nang bumigay ang puso nito.
"Naomi, ipalagay mo na ang loob mo na magiging successful ang operation ni Nonoy. Tandaan mo, buntis ka at kailangang mo ring alagaan ang sarili mo para sa baby," ani Luna na nakaalalay sa kaniya.
Hindi nga nagsisinungalin ang lalaking nag-alok sa kaniya ng kasal dahil binayaran na nito lahat ng gastusin para sa operation ng kapatid niya. Ni hindi na niya nagalaw ang 10 million na galing kay Owen kapalit ng divorce nila.
"Hindi nga scam ang lalaking nag-alok sa iyo ng kasal pero nasaan na ba siya? Ni hindi nagpakita sa iyo."
"Wala na akong kawala, Luna. Nabayaran na ng lalaking iyon ang operasyon ni Nonoy at ibig sabihin lang, nakatali na ako sa kaniya. Tatanggapin ko na lang ang kapalaran ko sa kamay niya."
—
"HUH? S-sinong nagpapasundo sa amin?" gulat na tanong ni Luna sa dalawang driver na nasa harap nila.
Masaya si Naomi dahil sa wakas, naging successful ang operation ng kaniyang kapatid. Kahit pa paano ay nabunutan siya ng isang tinik. Iyon lang naman ang hinihiling niya kahit pa pagbayaran niya ng buhay niya ang utang niya sa lalaking iyon.
"Hindi ka ho kasama, Miss. Silang magkapatid lang po."
Napangiwi at napalunok si Luna sa sagot ng driver. "Ay! Hindi ba ako kasama?" tila napahiyang sabi nito. "P-pero sino ba kayo, huh? Bakit sasama sila sa inyo?"
"Kami ang driver na inutusan ni Mr. Alcantara para sunduin si Naomi at ang kapatid niya," sagot ng isang driver.
"Mr. Alcantara? Sino naman 'yon?" si Luna ulit.
"Bakit ba ikaw ang sumasagot? Hindi ka naman si Naomi." reklamo ng driver na parang kaedad lang ni Luna.
"Ay! High blood, kuya? Bawal magtanong?" pamimilosopo ni Luna.
"Miss, tabi nga!" Hinawi pa ng driver si Luna at lumapit sa kaniya. Napairap na lang ang kaibigan niya sa inis.
"Miss Naomi, pinapasundo na po kayo ni Mr. Alcantara," magalang na sabi ng driver sa kaniya.
"Mr. Alcantara? Sorry pero wala akong kilalang Alcantara," sagot niya. "Saka bakit kami sasama sa inyo at bakit kilala ninyo kami?"
"Nalaman po kasi ni Mr. Alcantara na ilalabas na ng hospital si Nonoy kaya po gusto niyang sa mansyon na niya kayo tumuloy."
"Mansyon?! Kuya, saang mansyon ba 'yan? Pwede akong—"
"Hindi ho kayo kasama, miss." Tila inis na sabi ng driver kay Luna.
Lumapit sa kaniya ang kaibigan at bumulong. "OMG, Naomi! Hindi kaya ang tinutukoy niyang Alcantara ay ang lalaking nag-alok sa iyo ng kasal?"
Kumunot ang noo niya at saka niya napagtanto ang lahat. Simula kasi nang bayaran ng lalaking iyon ang hospital bill ng kapatid niya, hindi naman ito nagpakita sa kaniya o nagparamdam man lang. Akala nga niya'y mabait lang talaga ito at binigay na lang ang pera sa kaniya.
"Sigurado ba kayo? Hindi ba kayo masasamang loob?" ani Luna.
Kumunot ang noo ng driver. "Mukha bang masamang tao ako?" balik nito. "Miss hindi naman ikaw ang kailangan namin kaya please, huwag ka nang maingay," iritadong anito.
"Aba! Of course magtatanong ako. Kaibigan ko si Naomi kaya dapat alam ko kung saan niyo siya dadalhin."
Napakamot sa noo ang driver at napailing na lang.
Mayamaya'y dumating na ang nurse na may dala kay Nonoy habang sakay ito ng wheelchair.
"A-Ate uuwi na po ba tayo sa house?" agad na tanong ni Nonoy.
Lumapit siya rito at ngumiti. "Oo, Nonoy uuwi na tayo ng ate."
"P-pero ayaw ko na uwi sa bahay, ate. Papagalitan lang ako ni k-kuya Owen. Bad siya ate. Bad sila nong babaeng m*****a na kasama niya."
Kumunot ang noo niya at nagkatinginan sila ni Luna.
"Bakit, Nonoy pinagalitan ka ba ni Owen?" tanong niya.
Tumango ito habang pinaglalaruan ang sariling mga daliri. "T-tapos sinasaktan po ako nong babaeng pangit sa bahay. Ku-kulang-kulang daw po ako."
Nakuyom niya ang kamao dahil sa labis na galit. Matagal na bang sinasaktan ni Owen at Ivy ang kapatid niya? Kaya ba ayaw ni Nonoy na iwan niya ito at palaging gusto nitong kasama siya?
"Mga hayop sila, Luna! Pati si Nonoy na walang alam sa mundo, dinamay nila! Mga wala silang puso!"
"A-ate, huwag ka na galit sa kanila. Nagagalit lang po sila dahil ang ingay ko daw po."
Tumulo na lang ang luha niya dahil sa narinig.
"Nonoy, I'm sorry! I'm sorry dahil hindi ka naprotektahan ng ate." Niyakap niya ito ng mahigpit.
"Huwag na po iyak, ate. Nonoy loves you so much!"
Mas lalo lang siyang napahagulhol.
"Tayo na po, naghihintay na po si Mr. Alcantara sa pagdating ninyo."
NAPANGIWI si Naomi nang magmulat siya dahil sa naramdaman niyang kirot ng kaniyang ulo. Igagalaw sana niya ang kaniyang mga kamay nang maramdaman niyang may nakahawak doon. Bumungad sa kaniya si Martin na halata ang labis na pag-aalala para sa kaniya. Kapagkuwa'y ngumiti ito.Kinabahan siya nang maalala niya ang nangyari kaya nasapo niya ang kaniyang tiyan. Nakahinga siya ng maluwang at napapikit dahil mabuti na lang at walang nangyaring masama sa kanilang dalawa ng kaniyang anak."Y-you're awake! Kumusta na ang pakiramdam mo?" labis na nag-aalalang tanong nito at sinuri siya nito. "May masakit pa ba sa iyo? Tatawag ako ng—""Ok na ako, Martin masakit lang ang ulo ko at medyo nahihilo pero ok na ako," pigil niya rito.Binalingan nito ang kaniyang tiyan at marahang hinimas iyon. "Hindi na ba sumasakit ang tiyan mo?"Umiling siya. "Ok na ako, Martin huwag ka ng masyadong mag-alala." Natutuwa siya sa kung paano ito mag-alala para sa kanilang mag-ina na para bang ito ang totoong ama ng di
"YOU'RE LOSE, YUAN!" Kasunod ang tawanan mula sa silid kung saan nananatili si Kalus.Napakunot noo siya at napatingin kay Martin. "Yuan is there?" nagtatakang tanong niya at tinuro po ang silid. Paano ito napunta roon?Ngumiti si Martin. "I'm sorry hindi ko na pala nabanggit sa iyo na dinala ko si Yuan dito para hindi mainip si Kalus at magkaroon siya ng kaibigan. And yeah, they're now friends at nagulat din ako na madali nilang nakagaanan ang loob ng isa't isa," masaya nitong sabi.Hindi siya nakaimik. May sayang sumilay sa kaniyang puso dahil sa nalaman. Binalingan niya ang silid at dahan-dahang iyong binuksan. Bumungad sa kaniya si Kalus at Yuan na may hawak na remote ng mga car toys na nasa sahig. Nagpapaligsahan sila sa pamamagitan niyon at kita niya ang saya sa mga labi nilang dalawa. Pinagmasdan lang niya kung paano sila maging masaya sa kanilang ginagawa. Hindi niya inakala na sa maikling panahon, magiging ganoon agad sila ka-close sa isa't isa."W-wait! M-madaya ka, eh! Binu
"NARARAMDAMAN kong may pinaplano na si Naomi laban sa amin, Rovert at tinutulungan siya ni Jack at Martin. Alam mong hindi tayo pwedeng mabuko dahil masisira ang lahat ng plano natin sa mga Alcantara." "Kailangan pa ba nating hintayin na may malaman siya? Sigurado akong kapag nalaman niyang Magkasabwat tayo, masisira ang lahat. Gagawin ni Naomi ang lahat para lang patunayang inosente siya at para patunayang kami ang may masamang intensyon. Hindi na natin pwedeng hintayin na makulong siya dahil siguradong aapila ang kampo niya sa tulong ni Martin at kung makulong man siya habang dinidinig ang kaso, sigurado akong makakalabas din siya agad at makakagawa ng paraan." Natigilan si Christopher at hindi makapaniwala matapos nitong marinig ang isang record audio na si-nend sa kaniya ng hindi niya kilalang numero. Nasa hospital ito kasama si Grayson at Vincent. Conversation iyon ni Levie at Rovert, kung saan patunay na mayroon silang ugnayan sa isa't isa. Hindi naman na nagulat si Grayson dah
NIYAKAP NI MARTIN si Naomi nang makalabas sila sa hospital. Kanina pang hindi niya maawat ang luha sa kaniyang mga mata dahil sa matinding sakit at galit na nararamdaman niya sa kaniyang puso. Masyado ng maraming pasakit at pahirap ang pinaranas sa kaniya ng mga taong iyon at panahon na para sila naman ang maghirap."I know it's really hard for you, Naomi! Nararamdaman ko ang malalim na sugat diyan sa puso mo, ang matinding pangungulila at pagmamahal para sa iyong anak at alam kong balang araw, magkikita rin kayo at magiging ina ka para sa kaniya," marahan at masuyong sabi nito habang marahang hinahaplos ang kaniyang likod. "Hindi tayo titigil hanggat hindi mo nakakasama ang iyong anak at maging si Nonoy."Mariing siyang pumikit. "Isa lang ang gusto ko, Martin ang gumanti sa kanilang lahat!" madiing sabi niya."Naniniwala akong makukuha mo ang hustisyang para sa iyo, Naomi at sasamahan kitang gumanti sa kanilang lahat dahil nandito lang ako palagi sa tabi mo, nagbabantay, nag-aalalay
Patuloy itong nagkunyaring walang alam. "A-ano bang sinasabi mo? H-hindi nga kita kilala! I don't even remember when or where we met dahil ngayon lang kita nakita kaya anong sinasabi mo? At s-sinong Ivy—""Stop lying!" Umalingawngaw sa buong silid ang galit na galit niyang boses. Binitawan niya si Rian at siya naman ang lumapit kay Maraia. Agad niyang hinawakan ang kwelyo ng damit sa loob ng doctor's uniform na suot nito. "Hindi ka na makakapagsinungalin sa akin dahil alam ko na ang totoo, Doctor Maria at sisiguraduhin kong magbabayad ka sa ginawa mo sa akin at sa anak ko!" madiin niyang sabi, nakakatakot ang mga tingin niya."W-what are you doing? Let me go! H-hindi ko alam ang sinasabi mo kaya bitawan mo ako!" Hinawakan nito ang braso niya at pilit inaalis sa kwelyo nito pero mas hinigpitan niya ang hawak roon."B-bitawan mo—""Shut up!" sigaw niya kay Rian nang hahawakan sana siya nito. Ngumisi siya. "At ano sa tingin mo, habang buhay mong maitatago ang ginawa mo nang araw na iyon?
MATAPOS malaman ni Martin kung sinong doctor at nurse ang nag-asikaso kay Naomi nang maaksidente siya, agad silang pumunta sa hospital para harapin ang mga ito. Mabuti na lang at may koneksyon si Martin at Jack sa hospital kaya nagkaroon sila ng access sa information nang araw na ma-hospital siya.Alam nilang binayaran ni Ivy ang doctor at ibang nurse para magsinungalin ang mga ito na patay na ang anak niya at palitan ng isang patay na sanggol para palabasing namatay ang anak niya sa aksidente.Nakarating sila sa nurse station ng hospital."Hi, miss can we talk to nurse Rian," bungad Martin at ngumiti pa. Ang pangalang binanggit nito ay ang isa sa mga nurse na kasama ng doctor sa operating room."A-ako po si nurse Rian, bakit po?""Pwede mo ba kaming dalhin kay Doc. Maraia?" tanong ni Martin habang tahimik lang siya sa tabi nito kahit gusto na niyang magsalita at ipakita rito kung gaano siya kagalit sa ginawa nila sa kaniya."Kay Doc. Maraia po? Bakit po ano pong kailangan ninyo kay D