LOGINAfter five years trapped in a loveless marriage, Cecily believed that finally carrying a child would give her life meaning and perhaps soften a husband who had never learned how to love her. But when tragedy steals her unborn child before it ever draws its first breath, the fragile world she clung to collapses completely. Left with nothing but grief and quiet betrayal, Cecily makes the boldest decision of her life: she walks away from her marriage, her home, and the identity she sacrificed everything to protect. Yet leaving is never simple when she has spent years living under the shadow of one name. Without the title of being Linus Shaw’s first wife, who is Cecily? Will she truly build a life that belongs only to herself?
View MoreNanatili si Cecily ng buong isang linggo sa ospital. Pitong araw at pitong gabi ang dumaan sa ilalim nang putting ilaw, kasama ang paminsan-minsang tunog ng makina, at mahihinang hakbang ng mga nars na pumapasok at lumalabas na hindi alam ang kanyang pangalan.
Sa araw ng kanyang pag-alis ay narinig niyang ang bulungan ng mga nars sa istayon sa labas ng kanyang silid.
“Mag-isa siyang na-admit dito, ‘lam mo ba. Walang pamilya, walang asawa.”
“Siya lang din ang nagdesisyon magpaabort. Kawawa naman… O baka hindi.”
“Sabi nila, maraming mayayaman ang ayaw sa gulo. Baka kabit. Kinuhaa ang pera at naglaho bigla.”
Mababa lang ang kanilang boses, pero tila bawat salita ay tumusok sa kanyang tenga nang walang awa.
Mariing kumuyom ang kanyang mga daliri sa kanyang gilid habang napunta ang kanyang tingin sa kanyang tiyan, na ngayo’y bumalik sa dati nitong hugis, wala nang laman. Sinabi ng doktor na matagumpay ang operayon, na kailangan niya lamang magpahinga. Pero walang gamot ang kayang magpamanhid ng sakit na pumunit sa kanyang dibdib, sakit na parang hinati siya sa loob.
Nagtiim ang kanyang mga labi, sinuot ang kanyang sunglasses, at naglakad palabas ng ospital nang hindi lumilingon.
Samantala, sa labas ay nakakabulag ang sikat ng araw. Taliwas sa anumang kadilimang nakapalibot sa kanyang puso. Noong isang linggo lang ay pumasok siya sa building na iyon dala ang andap niyang pag-asa. Ngayon ay umalis siyang wala.
Tahimik ang hardin ng Dojin gaya ng dati, isang mamahaling residential compound na balot ng pinag-isipang mga landscape at katahimikan. Nang bumalik si Cecily, ay dumiretso siya sa taas patungo sa master bedroom sa ikalawang palapag.
Lahat ay gaya parin ng dati. Walang gumalaw sa kama, ang aparador ay maayos at nakaorganisa, ang matamlay na amoy ng cologne na naiwan sa hangin, ay mga ebidensya ng hindi pagsipot ni Linus sa kanilang tahanan nang siya’y nawala.
Napatingin siya sandali sa silid, hanggang sa malambot siyang natawa.
Hindi na iyon mahalaga.
Kung nasaan man siya. Kung sinong babae man ang naging katabi nito sa mga gabing nagdaan. Kung napansin niya bang isang linggo siyang nawala.
Masyado na siyang pagod para magkaroon pa ng pakialam.
Dahan-dahan siyang umupo malapit sa mesa de noche at kinuha ang isang sisidlan ng gamot. Itinagilid ito upang malaglag ang iilang sleeping pills sa kamay niya at walang pag-aalangan niyang linunok iyon, sabay higa habang namamaluktot sa ibabaw ng higaan. Minuto lang ang tinagal bago siya tuluyang makatulog.
Sa kanyang panaginip, ay bumalik ang nakaraang hubad na katotohan.
20XX Pebrero 12
Ang puting kobre kama ay nabalot ng pula. Isang matalim na sakit ang tila bumuka at hinati ang kanyang katawan. Nanginginig ang kanyang kamay habang sinubukan niyang tawagan nang paulit-ulit ang pamilyar na numero, para lamang marinig ang malamig, mekanikal na boses na nagsasabing walang makakasagot sa tawag niya.
“Rue!”
Napabalikwas siya sa kama, ang kanyang mata’y napadilat nang biglaan, ngunit malabo ang kanyang paningin dahil sa luhang nangingilid sa kanyang mga mata.
Ang kisame sa kanyang harap ay pamilyar, puno ng dekorasyon, pero walang buhay. Bumigat ang kanyang dibdib nang sinubukan niyang tumayo. Ang sakit a kanyang puso ay mas mabigat pa sa kayang tiisin ng katawan niya.
Nang kalaunan ay may biglang kumatok sa pinto.
“Madam,” ani isang katulong, “tumawag si Sir at nagsabing babalik siya ngayong gabi. Tumayo ka na daw at maghanda ng hapunan.”
Napayuko si Cecily at pinilit niyang may lumabas na boses sa kanyang bibig.
“Hindi maayos ang pakiramdam ko. Ipasuyo niyo na lang sa kusinero.”
Pero hindi umalis ang katulong. Bumukas ang pinto, at tumalim ang tono ng boses.
“Hindi po maaari, Madam. Minsan lang umuwi si Sir Linus ngayong mga araw. Kailangan mong kunin ang pagkakataong ito. Ipagluto mo siya nang paborito niyang pagkain. Subukan niyo namang makuha ang pabor niya at ng batang madam.”
Pakiramdam ni Cecily ay may biglang pumitik sa loob niya.
Sumimangot siya at mahinang sumenyas sa kamay niya. “Ang sabi ko masama ang pakiramdam ko at umalis ka na.”
Gulat naman ang katulong at napangisi nang may pagkaaba bago humakbang palayo.
“At sa akala mo’y may mararatinga ng pag-iinarte mong ‘yan. Pwe…”
Hindi ito masyadong mahina para hindi marinig dahil dinig ni Cecily ang bawat salitang binitawan nito.
Syempre alam ng lahat. Alam ng lahat na kapag umuuwi si Linus ay siya ang magpapakumbaba, magpapansin, pinipilit mamalimos ng pagmamahal na hindi para sa kanya.
Pero, ni minsan ay hindi siya minahal ni Linus.
Ang kanilang kasal ay dahil sa iisang rason lamang. Kailangan ng pamilya Shaw ng respetadong asawa, at si Linus nama’y nais ang isang presentable at mahinahong ina na magpapalaki sa kanyang anak.
Wala sa usapan ang pagmamahal.
Napatagilid si Cecily at napayakap sa kanyang tiyan, na tila ba’y mayroon pa itong laman.
Kahit ngayon lang… gusto niyang magluksa bilang isang babaeng nawalan ng anak.
Hinila siya ulit ng gamot pabalik sa pagtulog at nang magising siya’y madilim ang silid.
Naramdaman niya ang mahinang pagdidikit ng mga tela at ang bigat na tila nalipat sa kabilang bahagi ng kama. Isang pamilyar na presensya ang pumulupot sa kanya bago pa man siya makapag-isip.
Mainit ang kanyang halik, pilit, at walang pasesensya. Ang agresibong mga kamay nito’y dahan-dahang gumagapang sa kanyang mga binti. Balat sa balat ngunit walang lambing o kalamuyutan.
Ni minsan ay hindi nagtanong si Linus. Wala siyang pakialam.
“Huwag…” Mahinang tinulak ni Cecily ang dibdib nito, ang kanyang boses ay nanginginig. “Huwag mo akong hawakan.”
Sa isip-isip ni Linus ay nagpapakipot lang ito at mas lalong dumikit sa kanya, mahigpit na hinawakan ang kanyang pulso at hindi tumigil sa paghalik sa kanyang labi.
Nabalot si Cecily ng hiya dahilan para maiwas ang kanyang mukha.
Napahinto si Linus. Halatang galit ito kahit man maamo ang mukha nito. Nawala ang kanyang interes kasama nang kanyang biglaang pagtigil.
Umalis ito sa pagkakaibabaw sa kanya, binalot ng tuwalya ang ibabang bahagi ng kanyang katawan, at naglakad sa may bintana. Ang tunog ng lighter ang siyang umalingawngaw sa katahimikan.
“I want a divorce.”
Bitbit ang ilang supot ng meryenda, nakatayo si Linus sa tapat ng pinto ni Cecily. Akma na niyang pipindutin ang doorbell nang bigla niyang maalala ang huling beses na napadpad siya rito. Sa pagkakataong ito, ayaw na niyang mapagkamalang masamang tao ng mga security guard.Minabuti niyang tawagan na lang muna si Cecily sa selpon.-Kakatapos lang maligo ni Cecily at kasalukuyang naglalagay ng moisturising mask. Nang marinig ang ringtone ng kaniyang selpon, hindi na niya iminulat ang mga mata at sumagot sa pamamagitan ng voice control."Buksan mo ang pinto," utos ng pamilyar ngunit nakakarinding tinig sa kabilang linya.Inangat ni Cecily ang gilid ng kaniyang face mask at sumulyap sa screen. Si Linus nga. Paano nito nalaman ang kinalalagyan niya? Doon lang niya naalala ang iniwang bilin nito kanina na magkita sila sa gabi. Marahil nang makita nitong hindi siya sumipot sa Dojin, ito na mismo ang
"Ibig mong sabihin, nakita mo si Cecily sa mismong law firm?""Oo nga!" Bakas ang pananabik sa boses ni Penelope sa kabilang linya. "Linus, pambihira, congratulations! Sa wakas, makakalaya ka na rin sa babaeng 'yan! Marahil ay naramdaman niyang wala na siyang puwang sa tabi mo ngayong bumalik na si Siera. Natakot siguro siyang maunahan mo sa paghahain ng divorce, kaya pinili niyang magkusa para hindi naman siya magmukhang kawawa! Kung sa bagay, may kaunti pa naman pala siyang delicadeza."Subalit hindi ganoon kababaw mag-isip si Linus.Limang taon niyang nakasama si Cecily sa ilalim ng iisang bubong. Bagaman madalang silang magkausap sa araw-araw, sapat na ang panahong iyon para makilala niya ang ugali ng asawa. Alam niya kung gaano siya nito pinapahalagahan na halos sambahin na nga siya nito noon.Paano siya bibitiw sa kasal nang ganoon kadali? Bukod dito, kung talagang may delicadeza si Cecily, bak
Inasahan na ni Cecily na ganito ang magiging reaksyon ng kaniyang tiyahin. Pinagdikit niya ang kaniyang mga labi; alam niyang malalaman din naman nito ang totoo balang araw, kaya mas mabuting sabihin na niya ang lahat ngayon. Lalo na’t nagsisimula na si Linus sa pag-aayos ng hatian ng kanilang mga ari-arian. Hindi na magtatagal at kailangan na nilang harapin ang pormal na proseso ng divorce."Auntie, pinag-isipan ko na po itong mabuti. Pumayag na rin si Linus. Kasalukuyan na kaming sumasailalim sa mga procedure—"Hindi pa natatapos ni Cecily ang kaniyang sasabihin nang isang malakas na sampal ang dumapo sa kaniyang pisngi. Napahawak siya sa kaniyang namamanhid na mukha at tumingin sa kaniyang tiyahin nang may gulat."Auntie...""Huwag mo akong tawaging Auntie!" Matalas at matinis ang boses ni Celsa. Siya, na laging kilala sa pagiging elegante at mahinhin, ay nanginginig ngayon sa tindi ng
Napairap na lang si Cecily at walang nagawang pinaandar ang kotse. Kung ang isang tao ay kayang manatiling walang kinalaman sa pait ng mundo habang buhay, hindi ba’t isang uri rin iyon ng kaligayahan? Ignorance is bliss, ika nga.Pero hindi siya ganoon; kailangan niyang mabuhay nang dilat ang mga mata.Pagparada ng sasakyan sa tapat ng Rosewood Hotel, hindi na hinayaan ni Cecily na lamunin siya ng pag-aalinlangan. Diretsahan niyang binitiwan ang mga salitang babasag sa katahimikan."Tita, maghihiwalay na kami ni Linus."-Nang bumalik si Linus sa kumpanya, naroon na rin si Siera sa kaniyang opisina. Napansin ni Linus ang tila matamlay na aura ng dalaga kaya agad itong lumapit nang may pag-aalala."Anong problema?"Nag-angat ng tingin si Siera, tila may sasabihin pero agad ding nagbawi ng tingin at nanahimik. "Huwag na lang, baka makaape












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.