Share

068

Author: Totoy
last update Last Updated: 2025-04-11 15:37:45

"NASAAN ho ang anak ko?"

Gulat na nagkatinginan si lola Marina, Christopher at Champagne sa naging tanong ni Naomi habang tahimik lang si Levie na nasa tabi ng asawa nito. Kasalukuyan silang nasa sala.

"A-anong ibig mo—" si Christopher.

"Alam ko na po ang totoo tungkol sa aksidente at sa batang dinadala ko noong araw na iyon," mapait niyang pag-amin. Bahagya siyang kumiling.

"Hija, hindi makakabuti sa iyo kung—"

"G-gusto kong malaman kung nasaan ang anak ko. Kung anong nangyari sa kaniya," putol niya sa sasabihin ni lola Marina. "Please, sabihin ninyo sa akin kung nasaan siya," pagmamakaawa niya.

Kahit wala siyang maaala at tanging alam lang niya na buntis siya nang maaksidente siya, ramdam niya ang kirot sa puso niya at pangungulila. Hindi buo ang emosyon pero dama niya ang pighati.

Lumapit si lola Marina sa kaniya at hinawakan siya sa balikat. Dama niya at kita sa mukha nito ang sakit at pagluluksa. Tila ba anumang sandali ay babagsak na ang luha sa mga mata nito.

"I-I'm sorry, hija
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
gawin mo ang lahat Grayson para malaman ni Naomi ang totoo
goodnovel comment avatar
Mar IA
ayyys kawawa Naman Grayson Walang kakampi kainis naman.sana bumalik na alalaala ni Noemi
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • After Divorce: I Married A Stranger    125

    KINAUMAGAHAN, nagising si Naomi na wala na si Grayson sa tabi niya. Baka nasa kompanya na ito. Pagkatapos niyang ayusin ang sarili nagpasiya siyang lumabas ng silid para pumunta ng kusina at maghanda ng almusal niya. Pababa pa lang siya ng hagdan, narinig na niya ang masayang tawanan mula sa living room. Napakunot noo siya sa pagtataka. Nang makarating siya sa living room, natigilan siya nang makitang nandoon si Ashley at ang anak nito. Masayang nag-uusap si Christopher, Levie, lola Marina at Ashley habang nasa tabi ni lola Marina si Kalus. Kita niya kung gaano kasaya ang mga ito sa pagdating ng mag-ina. Nakaramdam siya ng kirot. Maiitsapwera na nga ba siya sa pagdating nila? "Ashley, hija napag-isipan mo na ba ang alok kong tumira muna kayo ni Kalus sa mansyon?" kapagkuwa'y seryosong sabi ni lola Marina. "I want to spend more time with Kalus." Natigilan si Ashley at hindi agad nakasagot. Kita niya sa mukha nito ang pagtutol pero tila nalulungkot din ito para kay lola Marina. "Ashl

  • After Divorce: I Married A Stranger    124

    "I-I'M SORRY!" ani Grayson nang makapasok sila sa silid. Hinarap niya ito at ngumisi kahit ang totoo, hindi niya alam ang nararamdaman.Umiling siya at saglit na pumikit. Humalukipkip siya. "Don't say sorry, Grayson. Wala kang kasalanan at kung iniisip mo ang nararamdaman ko, ok ako at hindi mo kailangang isipin iyon dahil ok lang sa akin kung may anak ka kay Ashley. Hindi ako magagalit at kung gusto mong makasama si Kalus, hindi ko iyon hahadlangan." Lumapit siya rito at sinapo ang pisngi, saka marahan iyong hinimas. "Anak mo pa rin si Kalus, Grayson at alam kong kailangan ka ng bata. Don't mind me, I'm ok." Ngumiti siya para iparamdam dito na totoong ok lang sa kaniya iyon.Tiningnan siya nito sa mga mata. "H-hindi ko alam, Naomi. Hindi ko alam kung ako ba talaga ang ama ng bata? Paano ako makakasigurado na anak ko nga si Kalus?" kapagkuwa'y sabi nito.Napakunot ang noo niya. "Pinagdududahan mo ba si Ashley?""Hindi ko alam. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. I-I was shocked at kahi

  • After Divorce: I Married A Stranger    123

    "ANAK MO si Kalus, Grayson," pagkompirma ng babae. Hindi alam ni Naomi ang mararamdaman niya sa narinig. Parang nabingi siya. May anak si Grayson kay Ashley? Kumurap siya habang nakatingin lang sa naguguluhang mukha ni Grayson. Hindi ito makapaniwala sa narinig. "Nang magpasiya akong iwan ka six years ago, I was pregnant at dahil sa matinding galit at sama ng loob ko sa iyo, nagpasiya akong ilihim iyon dahil hindi mo deserve na malaman ang tungkol sa bata dahil sa lahat ng masasakit na salitang sinabi mo sa akin noon. I-I was so broke that time at dumating sa puntong gusto kong ipalaglag ang bata pero naisip kong siya na lang ang mayroon ako at mali ang gagawin ko." Bakas ang labis na lungkot sa mukha nito dahil sa sinabi. Kita niya ang simpatiya ng lahat. Tiningnan niya ang inosenteng babae. Maganda ito, napakaamo ng mukha. Kamukha nito ang batang katabi na sa palagay niya'y lima o anim na taong gulang na. Pamilyar sa kaniya ang mukha ng mag-ina, parang nakita na niya ito sa

  • After Divorce: I Married A Stranger    122

    LUMABAS NA ng silid si Naomi at pagdating niya sa lobby ng resort, wala na sila roon. Marahil nasa kotse na ang karamihan dahil ngayong araw na ang balik nila sa Maynila. Hindi nga nila alam kung nag-enjoy ba ang lahat o mas napagod at na-stress sa mga eksena ni Ivy. Ito ang sumira ng bakasyon nila at sana nga hindi na lang ito sumama dahil mas magiging masaya sana ang bakasyon ng pamilya. "Ow! Hi, my dear friend." Lumingon si Naomi sa likod niya at nakita niya si Ivy na nakangiti sa kaniya habang dala ang isang handy bag. Seryoso niya itong tiningnan. Kapag naalala niya ang lahat ng ginawa nito, nagagalit siya at gusto niya itong sampalin ng paulit-ulit. "Have you enjoyed the show?" tanong nito at mas lumapit pa sa kaniya. Kita ang saya sa mukha nito dahil nagtagumpay itong baliktarin ang katotohanan. Matalim niya itong tiningnan. "Hayop ka, Ivy! Sa tingin mo ba hahayaan kita sa lahat ng gusto mong gawin. Hindi na ako si Naomi na kilala mo, marunong na akong lumaban at makipaglar

  • After Divorce: I Married A Stranger    121

    "TELL, TOTOO bang ginawa mo iyon kay Nonoy, Ivy?" hindi makapaniwalang tanong ni Owen kay Ivy nang makabalik ang dalawa sa sariling silid. Seryoso nitong hinarap ang nobyo. "Oo, ginawa ko iyon, Owen. What do you want me to do, hayaang malamangan ng babaeng iyon? Matagal na akong nagtitimpi sa kaniya. Gusto ko lang ipakita sa kaniya ang kaya kong gawin. Tinatakot ko lang siya and look, she's so scared." Natawa ito na tila na-satisfy sa ginawa. "F*ck, Ivy! Hinayaan kitang gawin ang gusto mo kay Naomi pero wala sa usapan nating idamay mo ang inosenteng bata. Takot na takot si Nonoy, Ivy." Bakas ang galit sa mga salitang binitawan ni Owen. Hindi lang iyon ang una at alam ni Owen ang kayang gawin ng nobya. Kahit gusto niyang mawala sa landas nila si Naomi, hindi kaya ng konsensiya niya na madamay ang inosenteng katulad ni Nonoy. Kumunot ang noo ni Ivy at mataman siyang tinitigan. "Don't tell me, lumalambot ka na sa magkapatid? Are you still in love with her kaya pinagtatanggol mo sila?"

  • After Divorce: I Married A Stranger    120

    "NAOMI, what are you doing?" nababahalang sabi ni Grayson sa kaniya habang sinusundan siya nito. Nakakuyom ang mga kamao niya at gusto niyang ihampas iyon sa mukha ni Ivy. Galit na galit siya at alam niya sa sariling hindi niya kayang pigilan iyon. "N-Naomi!" Nahawakan ni Grayson ang braso niya at hinarap ito. "What are you doing? Don't be so reckless." Hindi siya umimik. Binawi niya ang braso rito at pumihit ulit. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Napakamot sa noo si Grayson at napailing. "No, Grayson! Hindi ko pwedeng palampasin ang ginawa ni Ivy kay Nonoy. Hindi ko pwedeng hayaan siyang gawin ang gusto niya para lang gantihan ako," galit na galit niyang sabi. Bumibilis ang tibok ng puso niya sa matinding nararamdaman. "P-pero hindi mo ba naisip na baka mas matuwa siya kapag nakita kang galit na galit?" Hindi siya umimik. Dumeretso siya sa silid nila Owen pero wala ito roon. Nakita nila si Divine na kagagaling lang sa silid nito. "Nakita mo ba si Ivy?" diretsong tanong niya. Nagt

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status