Uncle John

Uncle John

last updateLast Updated : 2025-11-18
By:  Darkshin0415Updated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
6Chapters
46views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

"Nagpapatawa kaba? Anong kalokohan 'tong ginagawa mo?" Galit na tanong sa kanya ng kanyang uncle. "Hindi kalokohan ang sinasabi ko!" Sigaw niya rito, habang nag-uunahan sa paglandas ang kanyang mga luha. "Totoo ang sinasabi ko sa 'yo, ikaw ang ama ng batang dinadala ko Uncle..." Hikbing wika niya.

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

 UJ CHAPTER 1

3RD POV 

“Hindi kana ba talaga magbabago John?” Narinig niyang galit na wika ng kanyang lola Cora sa uncle niya. 

“Lahat naman kasi ng ginagawa ko ay mali sa paningin n’yo Mommy!” Narinig niyang sagot ng uncle niya. 

“Tama na John! Wala kana ba talagang galang sa ‘yong ina?” Galit na sigaw ng kanyang lolo rito. 

Nang lalapit na sana siya sa kanila, ay mabilis siyang hinawakan ng kanyang ina. 

“Saan ka pupunta?” Tanong nito, kaya napatingin siya rito. 

“Kay Lola, Mommy.” Sagot niya sa kanyang ina. 

“Anak, hindi ka pwedeng lumapit sa lola mo, lalo na at mainit ang ulo nito.” Wika nito sa kanya, habang napatingin siya rito. 

“Mommy, bakit laging pinapagalitan ni Lola si Uncle?” Tanong niya rito, habang sinamahan siya ng kanyang ina, papasok sa loob ng kanyang silid. 

“Dahil masyadong matigas ang ulo niya, kaya kung ako sa ‘yo Anak, ‘wag mo siyang tularan, dapat makinig ka lagi sa amin ng daddy mo.” Ngiting wika sa kanya ng kanyang ina, habang hinaplos nito ang kanyang buhok. 

Ngumiti siya rito at agad na tumango. 

“Pangako Mommy, hindi ko kayo bibigyan ng sakit ng ulo.” Wika niya, habang mahigpit siyang niyakap ng kanyang ina. 

Mabilis na napa-bangon si Annika, nang marinig niya, ang ingay sa labas ng kanyang silid, kaya dali-dali siyang lumabas. 

Gulat siyang napatingin sa kanyang ama, nang makita niyang sinaktan ng kanyang ama ang kanyang ina, kaya dali-dali siyang lumapit sa kanila at mahigpit na niyakap ang kanyang ina. 

“Daddy, bakit n’yo sinasaktan si Mommy?” Hikbing tanong niya, habang nakikita niya ang galit na mukha ng kanyang ama. 

“Umalis ka sa harapan ko kung ayaw mong madamay!” Galit na sigaw nito sa kanya, kaya mas lalo pa siyang umiyak. 

“Pwede bang ‘wag mong idamay ang bata, sa galit mo Kuya!” Napalingon siya sa likuran niya at nakita niya ang kanyang uncle. Gusto niya sana itong lapitan, pero natatakot siya rito. 

“Pwede bang ‘wag kang mangialam sa away namin, at pwede bang umalis ka sa harapan ko!” Sigaw ng kanyang ama rito, habang muli na namang sinaktan nito ang kanyang ina. 

Gusto niyang tawagin ang kanyang uncle, pero hindi niya ito magawa, lalo na at bumaba na ito sa hagdan. 

“Mommy..” Hikbi niyang wika, habang napatingin sa kanyang ina, hinaplos niya ang pisngi nito na napuno ng pasa. 

Noon pa man ay namulat na siya sa ginagawang pambubugbog ng kanyang ama rito. 

“Anak, hindi ko na kaya..” Iyak na wika sa kanya ng kanyang ina. 

“Gusto ko ng umalis at lumayo sa ‘yong ama..” Hikbing wika nito sa kanya. Lalo rin siyang napa-iyak, dahil ayaw niya itong umalis. Kahit kasi lagi nitong binubugbog ang kanyang ina, ay mapagmahal naman ito pagdating sa kanya. 

“’Wag po kayong umalis Mommy, ayaw niyo na ba sa akin?” Tanong niya rito, habang humagulgol ng iyak ang kanyang ina. 

“Hindi sa ganun Anak, ang gusto ko lang ay lumayo sa ama mo, kaya parang awa mo na, sumama ka sa akin Anak..” Wika sa kanya ng kanyang ina, kaya mabilis niyang binitawan ang kamay nito. 

“G-gusto mo bang iwan natin si Daddy, Mommy?” Hikbing tanong niya, habang tumango sa kanya ang kanyang ina. 

“Ayoko Mommy! Ayoko siyang iwan, dito lang tayo Mommy..” Iyak na wika niya, habang umiling sa kanya ang kanyang ina. 

NANG makarating siya, galing sa paaralan ay taka siyang napatingin sa loob ng kanilang bahay, dahil sa lakas ng sigaw ng kanyang lola. 

“Lumayas ka rito! At ‘wag ka nang bumalik pa!!” Muling sigaw nito, habang nakita niya ang kanyang uncle na lumabas at may dalang malaking bag. 

“Ano bang nangyari Mommy?” Narinig niyang tanong ng kanyang ama, habang kinuha nito ang bag na hawak ng uncle niya. 

“’Yang kapatid mo, mukhang papatayin na talaga ako niyan Sebastian!” Iyak na wika ng kanyang lola, habang nakita niya ang pag-iling ng uncle niya. 

“John, pumasok ka sa loob.” Wika ng kanyang ama, habang mabilis itong sumunod dito. 

Nang mag-usap ang kanyang ama at lola, ay pinili niyang pumasok sa loob ng bahay. 

“Hoy!” Narinig niyang wika sa kanya ng kanyang uncle, kaya napatingin siya rito. 

“Alam mo ikaw, ikaw talaga ang dahilan kung bakit laging nagagalit sa akin si Mommy.” Galit na wika nito sa kanya. 

“Alam mo bang hinihiling ko na sana hindi ka nalang dumating sa buhay namin.” Muling wika nito, kaya hindi niya mapigilan na masaktan, lalo na at hindi niya alam kung ano ang ikinagalit sa kanya ng uncle niya. 

“Mommy!!” Tawag niya sa kanyang ina, matapos siyang makapasok sa silid ng kanyang mga magulang. Hindi niya maiwasan na magtaka, nang mapansin na wala ang kanyang ina, sa loob ng silid nila. 

“Daddy!!” Malakas na sigaw niya, habang lumabas sa silid. 

“Apo, bakit ka sumisigaw?” Taka na tanong sa kanya ng kanyang lola. 

“Lola, wala po si Mommy sa loob ng silid nila Daddy.” Sagot niya rito. 

Agad naman itong pumasok sa loob ng silid at tinawag ang kanyang ina, pero wala rin itong nakuhang sagot mula sa kanyang ina. 

“Sebastian!” Sigaw nito, habang dali-dali na lumapit sa kanila ang kanyang ama. 

“Anong nangyari Mommy?” Tanong nito. 

“Ang asawa mo, wala sa silid niyo, mukhang tumakas ang asawa mo.” Narinig niyang wika ng kanyang lola, kaya hindi niya na iwasan na masaktan. 

‘Umalis? I-iniwan niya ako?’ Nang makalabas ang kanyang lola at daddy, ay hindi niya naiwasan na magwala. Hindi niya matanggap na iniwan siya ng kanyang ina. 

“Sinabi ko na sa kanya, na hindi siya pwedeng umalis!” Iyak niyang wika, habang patuloy na nagwawala. Mabilis na lumapit sa kanya ang katulong nila at agad siyang niyakap. 

“Bitawan niyo ko, dalhin niyo sa akin ang Mommy ko!!” Iyak na sigaw niya. 

“Apo..” Wika sa kanya ng kanyang lola, kaya mabilis siyang yumakap dito habang umiiyak. 

“’Wag mo nang hanapin pa ang ‘yong ina, dahil sumama na siya sa ibang lalaki.” Wika nito sa kanya, kaya taka siyang napatingin dito. 

“Ano ba ‘yang pinagsasabi mo Mommy?” Narinig niyang wika ng kanyang uncle, habang pinunasan niya ang kanyang mga luha. 

“Bakit? Totoo naman ang sinabi ko, sumama na ang walang hiyang babaeng ‘yon sa lalaki niya.” Galit na wika ng kanyang lola.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
6 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status