DAHAN-DAHANG humakbang palapit si Naomi sa silid ni Grayson, bitbit ang lakas ng loob at baba ng pagkatao niya para sa kapatid na si Nonoy. Lahat gagawin niya para rito kahit pa kapalit niyon ang mas mababang tingin sa kaniya ng lahat.Bumuga siya ng hangin bago kumatok sa pinto. Ramdam niya ang malakas na kabog ng dibdib niya sa halo-halong nararamdaman niya. Kinakabahan siya pero mas nanaig ang kagustuhan niyang makita ulit si Grayson at mapagmasdan ng malapitan. She misses him so much pero alam niyang hanggang doon na lang ang magagawa niya.Pakiramdam niya'y huminto ang pagtibok ng puso niya ng dahan-dahang bumukas ang pinto ng silid at bumungad sa kaniya si Grayson na naka-topless lang habang tanging tuwalya ang nakabalot sa parteng baba nito. Kita niya ang mga butil ng tubig na umaagos mula sa buhok nito pababa sa well-formed nitong katawan. Napalunok siya. She misses his body, every inch of it. Na-miss niyang maramdaman iyon, ang bawat yakap at halik nito."What do you need?" m
"SOBRA NA ang ginagawa nila sa iyo, Naomi at hindi mo dapat hinahayaang itrato ka nilang bilang isang kriminal dahil wala kang kasalanan. You should take care of yourself dahil diyan sa dinadala mo at hindi mo dapat hinahayaang abusuhin ka nila," sermon sa kaniya ni Luna nang puntahan niya ito pagkagaling niya kay Jack. Nasa park sila malapit sa pinagtatrabahuhan ni Luna. Hanggang ngayon, naguguluhan pa rin siya sa mga nalaman niya. Ganoon ba kaliit ang mundo para pagtagpuin silang tatlo? Sa dami ng tao bakit si Christopher pa ang isa sa mga naging bahagi ng nakaraan ng kaniyang ina? Galit siya rito. Bahagya siyang yumuko. "P-pakiramdam ko marami pa akong malalaman sa mansyong iyon, Luna. Hindi pa ako pwedeng umalis dahil habang nandoon ako, mas madali akong makakagawa ng paraan para ibunyag ang lahat ng baho nila," seryosong balik niya. Bumuntong-hininga si Luna na halatang naiinis na sa kaniya. "Hanggang kailan? Paano kung mapahamak ka at ang baby mo? Kilala mo si Ivy at Levie a
HINDI MAINTINDIHAN ni Naomi ang kabang nararamdaman niya habang sakay siya ng elevator patungo sa opisina ni Jack, hawak niya sa kaniyang kamay ang maliit na litrato ng kaniyang ina na nakuha niya sa silid ni Christopher. Naguguluhan na siya at napakaraming tanong ang gusto niyang malaman ang sagot. Anong kinalaman ni Christopher sa kaniyang ina at bakit mayroon itong litrato nito? Bumukas ang elevator at agad siyang lumabas at naglakad sa pasilyo hanggang makarating siya sa tapat ng opisina ni Jack. "Good day, Miss do you have an appointment with Mr. Jack?" nakangiting salubong sa kaniya ng secretary nito. "Wala akong appointment pero Miss kailangan ko lang makausap si sir Jack," sagot niya. "Pasensiya na po kayo pero hindi ko po kayong pwedeng papasukin kung wala kayong appointment," kalmadong sagot ng babae. "Please! Sabihin mo naman sa kaniya na gusto siyang makausap ni Naomi Tamayo, kilala niya ako at kapag nalaman niyang nandito ako, papapasukin niya ako," giit niya at ngumi
LAYLAY ANG balikat ni Naomi nang makabalik siya sa mansyon dahil kahit anong pilit at pagmamakaawa ang gawin niya kay Joan, hindi nila ito nakumbinsing magsabi ng totoo. Naiintindihan niya ang sitwasyon niyo pero kailangan niya ito para linisin ang pangalan niya."Where have you been, Naomi?" Napahinto siya sa paglalakad nang makasalubong niya si Levie at Ivy sa living room. Nakakatakot agad ang tingin nito sa kaniya."You're no longer the wife of Grayson, katulong ka na sa bahay na ito at obligasyon mong magtrabaho." Ngumisi si Ivy. "And yet umalis ka ng walang paalam at hindi tapos ang trabaho mo. Saan ka pumunta?" Kung umasta ito akala mo'y ito ang may-ari ng bahay.Bahagya siyang kumiling at gusto niyang matawa nang maalala niya ang ginawa niya rito at kung paano ito natakot sa simpleng ginawa niya. "Mali ka, Ivy I'm still Grayson's wife dahil kasal pa rin kami at kahit anong sabihin mo, Alcantara pa rin ako. Eh, ikaw? Sino ka ba sa bahay na ito?" Ngumisi siya. "Sa totoo nga lang
"MARTIN, anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ni Naomi nang bigla na lang sumulpot si Martin sa harap niya. Seryoso itong nakatingin sa kaniya mula ulo hanggang paa at kita ang labis na pagkadisgusto sa hitsura niya. "F*ck, Naomi! Tinitiis mo ang lahat ng ginagawa nila sa iyo kapalit ng ano? You're not the one who should pay for the sin you didn't do kaya bakit ginagawa mo lahat ng gusto nila?" galit na sabi nito. Yumuko siya at pinagdikit ang mga labi habang hawak niya ang sariling daliri. Hindi siya umimik. "Take off that clothes, Naomi and don't you ever wear that again," maawtoridad na sabi nito. Umiling siya. "K-kailangan kong gawin ito, Martin at kaya ko naman kaya huwag ka ng mag-alala pa sa akin. Sanay ako sa gawaing bahay at basic lang naman sa akin ang lahat," depensa niya. Napahawak sa noo si Martin na halatang naiinis sa katigasan ng ulo niya. "Kailangang gawin? For what, dahil sa utang na loob na sinasabi mo? Sa perang ginastos ni Grayson sa inyo ni Nonoy? Ku
PINAHID NI Naomi ang pawis na namumuo sa kaniyang noo habang naglilinis siya ng silid ni Ivy na sa pagkakaalam niya, magkasama ito at si Owen doon. Nakakatawa na nagkaroon ito ng magarang silid sa bahay ng mga Alcantara kahit hindi naman ito parte ng pamilya. Ganoon ito kagaling magpanggap na mabuti para makuha ang loob ng lahat at makisimpatiya sa kaniya. Inayos niya ang mga nagkalat na damit sa kama at sa sahig, mga underwear, bra na akala mo'y inihagis lang basta. Nag-s3x ba sila kagabi kaya sobrang kalat ng silid? Napailing na lang siya at nandidiring pinulot iyon isa-isa. Pagkatapos niyang linisin iyon, nagsuot siya ng disposable gloves at dumeretso siya sa comfort room ng silid at sinimulang linisin ang inidoro at ang buong CR. Habang naglilinis siya, hindi niya namalayang pumasok si Ivy sa silid. "Hmm! Mukha may bagong tagalinis ng silid ko. Well, in fairness mukhang sanay naman siya sa mga gawain ng isang katulong. Deserve naman pala niya ang bagong trabaho." Natigilan siy