Married to Heartless Billionaire

Married to Heartless Billionaire

last updateÚltima atualização : 2026-10-22
Por:  Binibining_mary24Atualizado agora
Idioma: Filipino
goodnovel18goodnovel
Classificações insuficientes
20Capítulos
33visualizações
Ler
Adicionar à biblioteca

Compartilhar:  

Denunciar
Visão geral
Catálogo
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP

“Remember this, Queen. I didn’t marry you because I love you. I married you for my parents’ approval. The woman I want is Lyka, not you. Let’s pretend for two years, then get a divorce. Got it?” Those words shattered Queen’s dream of a happy marriage. She was King Lex’s wife, but only on paper. To her billionaire husband, she was nothing more than a temporary wife in a marriage built on lies. Yet, despite his coldness and rejection, Queen couldn’t stop loving him. Can Queen win the heart of a man who belongs to another woman? Or will King Lex regret pushing away the wife he couldn’t live without—and lose the chance to know the child he never knew he had?

Ver mais

Capítulo 1

Chapter 1

Malawak ang ngiti ni Queen habang nakaupo sa loob ng kotse. Sabado ng hapon iyon. Gaya ng dati, siksikan ang mga sasakyan at pasahero sa kalsada, pero wala roon ang atensyon niya kundi sa lalaking katabi niya. Labimpitong taon na ang lumipas mula nang magkakilala sila, pero ganoon pa rin ang pakiramdam ni Queen sa tuwing malapit ito sa kanya, palaging nanlalambot ang loob niya.

Katabi niya si King Lex sa back seat.

“Ang bango niya,” bulong ng isip ni Queen habang nilalanghap ang pamilyar nitong amoy.

Halos magkadikit na ang kanilang mga braso. Sa laki ng katawan ni King Lex at sa kaliitan ng lumang kotse na sinasakyan nila, para na ring nakasandal si Queen sa kanya. Napapikit siya nang bahagya.

“Ang sarap sigurong makulong sa mga braso nito,” pumasok sa isip niya, kasabay ng mabilis na pagtibok ng kanyang dibdib. Kaunting galaw lang ni Queen, halos magdikit na ang kanilang mga pisngi at labi.

“Ay, grabe,” mahinang bulalas ni Queen. Parang may humuhukay sa kanyang sikmura at gustong kumawala ng puso sa dibdib niya sa sobrang kaba at kilig.

Ngunit biglang naglaho ang init na iyon. Pumasok sa isip ni Queen ang ginawa ng lalaki sa kanya. Hindi niya inasahan na ang dalawang linggong honeymoon vacation nila ay mauuwi sa ganoon. Hindi niya akalaing iiwan siya nito at babalik lang pagkatapos ng dalawang linggo na parang walang nangyari. Wala man lang paliwanag.

Alam niyang hindi gusto ni King Lex ang kasal na ito, pero kailangan ba talagang iparamdam sa kanya nang ganoon kabigat?

Ang honeymoon suite na para sana sa kanilang dalawa ay nauwi sa lalaki at sa two years girlfriend nitong si Lyka. Gusto niyang manumbat, pero wala siyang karapatan. Kaya sa loob ng kanyang isip, mapait siyang ngumiti.

“Queen, nandito na tayo,” sabi ni King Lex.

Napakurap si Queen nang marinig ang boses na matagal nang nakaukit sa kanyang isip. Dahan-dahan siyang napatingin dito at tumango. Sumunod siya sa pagbaba ng sasakyan, habang pinipigilan ang mabigat na buntong-hininga.

Hay. Husband niya ito.

“Husband,” mahinang usal ni Queen sa sarili.

Bahagya siyang ngumiti. Masarap sana pakinggan ang salitang iyon, pero mas masakit isipin na sa papel lamang siya asawa nito. Wala nang higit pa roon.

“Tama na, Queen. Baka iiyak mo na naman iyan mamaya,” bulong ng isip niya. Kaya napailing siya at nagpatuloy sa paglakad, kasabay ni King Lex.

Tahimik silang kumain sa hapag-kainan kasama ang kanilang mga magulang.

“So, kumusta ang bakasyon ninyo?” tanong ni Papa ni Queen.

Nagbaba ng tingin si Queen. Paano niya sasabihin na hindi siya ang kasama ni King Lex sa Tagaytay, kundi ang girlfriend nitong si Lyka? Wala naman siyang karapatan magalit. May kasunduan sila, magpanggap na masayang mag-asawa sa harap ng kanilang pamilya. Kahit kabaliwan, pumayag siya. Dahil iyon lang ang paraan para mapanatili niya ito sa buhay niya, kahit hiram lang, kahit peke lang.

Alam ni Queen ang pakiramdam na asawa niya ito pero hindi niya ito pwedeng angkinin.

Naalala pa niya ang mga salitang binitawan nito sa kanya.

“Remember this, Queen. I didn’t marry you because I like you or love you. I did this because it’s the only way to gain my parents’ full support. So don’t expect me to treat you as my wife. If there’s someone I want to marry, it’s Lyka, not you. Let’s just pretend for two years for the sake of our families. After that, we filed for divorce. Got it?”

Hindi makalimutan ni Queen kung paano ito tinalikuran ng malamig, habang siya ay naiwan na pilit kinakalma ang sariling hindi bumigay.

Napakurap si Queen at napatingin muli kay King Lex. Natigil ito sa pagsubo at ngumiti sa ama niya.

“Okay naman, Pa. We did enjoy it together, right, baby?” sabi ni King Lex habang hinawakan ang kamay ni Queen na nakapatong sa mesa.

Pilit na ngumiti si Queen at tumango, kahit taliwas sa nararamdaman niya.

“That’s good to hear. Dahil nag-enjoy kayo. By the way, we have something to tell you,” sabi ni Papa niya.

Nagkatinginan ang mga magulang nila. Kumislap ang mga mata ng matatanda bago sabay-sabay na tumango.

“At dahil nasa tamang edad na kayo, nag-decide kaming bilhan kayo ng bahay para doon kayo tumira. Hindi ba, kumare at kumpare?” masayang anunsyo ng ama ni Queen.

Napangiti ang ama ni King Lex at sumang-ayon.

Sumulyap si King Lex kay Queen. Mariing naglapat ang panga nito, halatang hindi nagustuhan ang narinig, pero pinigilan ang sarili.

“What do you think, guys?” tanong ng mama ni King Lex.

Tumingin si Queen kay King Lex, hindi alam ang isasagot. Nagulat siya nang muli nitong hawakan ang kanyang kamay sa ibabaw ng mesa.

“Okay naman po sa amin ni Queen. Marami pong salamat,” sagot ni King Lex na may ngiti sa labi pero hindi umabot sa mga mata.

Tumango na lang si Queen at bahagyang ngumiti.

“That’s good,” masayang sabi ng mama nito.

“At dahil gabi na at pagod kayo sa biyahe, mas mabuti na dito na lang kayo magpalipas ng gabi. Okay lang naman, diba, Mare?” dagdag pa nito.

Tumango lamang ang kanyang ina upang pagsang-ayon, hindi rin makailang masaya ito sa naging desisyon ng mga magulang ni King Lex. 

Wala na sila nagawa kundi sumunod sa desisyon ng mga nakatatanda, habang ang bigat sa dibdib niya ay unti-unting bumabalot sa katahimikan ng gabi.

Expandir
Próximo capítulo
Baixar

Último capítulo

Mais capítulos

Para os leitores

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Sem comentários
20 Capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status