Compartir

Kabanata 1.3

Autor: Elara Night
last update Fecha de publicación: 2026-01-16 12:09:53

Nang magising si Camila ay nilalaro niya ang mga daliri niya sa dibdib ni Elijah. Napapangiti siya dahil hindi man lang siya nahirapan na makuha si Elijah ngayong gabi. Nang magising si Elijah ay tiningnan niya si Camila. Nagulat pa siya ng makita niyang si Elijah ang nasa tabi niya. Nang maalala niya naman ang nangyari kagabi ay napapikit na lang siya. Tumayo na si Elijah saka niya pinulot ang mga damit niya sa sahig.

“Aalis ka na? Iiwan mo na ako kaagad dito?” nakangusong wika ni Camila. Napangiti naman si Elijah saka niya bahagyang pinitik ang noo ni Camila.

“Kailangan kong umuwi, sweety.”

“Uuwi ka sa asawa mo? Bakit ba kasi hindi mo pa siya iwan? Hindi mo naman siya gusto diba? Napilitan ka lang naman na pakasalan siya dahil sa business. Ngayong kami na ang nagmamay-ari ng business ng mga magulang ni Scarlett, bakit hindi mo pa siya iwan?” Naupo si Elijah sa tabi ni Camila saka niya ikinawit sa likod ng tainga ni Camila ang mga buhok nito.

“I’m still her husband, Camila. I am planning to divorce her soon pero wala akong masabing dahilan sa korte. I need a valid reason to divorce her.” Napapairap naman si Camila saka siya napapanguso na tila ba isang bata.

Nagbihis na si Elijah at pinapanuod naman siya ni Camila.

“Gusto mo bang tulungan na kita para makapagfile ka na kaagad ng divorce?” nananatiling nasa kama pa rin si Camila at tanging kumot lang ang nagtatakip sa hubad niyang katawan.

“Ako na ang bahala. Ayaw kong madamay ka pa. Maghintay ka na lang, ayaw kong masangkot ka sa gulo ng dahil kay Scarlett. You don’t deserve that.” Napapangiti si Camila sa mga matatamis na salita ni Elijah. Nang matapos magbihis ni Elijah ay hinalikan niya sa noo si Camila.

“Kailan ulit tayo magkikita? Mamimiss kita kaagad.”

“Wait for my call,” tanging sagot ni Elijah saka ito lumabas ng hotel room. Umuwi naman siya sa bahay nila. Pagdating niya ay nasa sala na si Scarlett at naghihintay sa kaniya. Nanatiling blangko ang mukha niya.

“Love, saan ka nagpunta kagabi? Bigla ka na lang umalis at iniwan mo ako dun.” Wika ni Scarlett. Inalis ni Elijah ang suit niya at ibinigay yun kay Scarlett saka siya dumiretso sa sofa.

“Natulog na muna ako sa bahay ng mga magulang ko. Nakauwi ka naman ng ligtas, hindi ba? Ano pang nirereklamo mo? Pagod ako, Scarlett. Huwag mo muna akong aabalahin.” Nang maalis ni Elijah ang mga sapatos niya ay dumiretso na siya sa kwarto. Naiwan naman si Scarlett habang hawak-hawak ang suit ng asawa niya.

Inamoy yun ni Scarlett at naamoy niya ang pangbabaeng perfume. Alam niyang naamoy niya na yun somewhere pero hindi niya alam kung saan.

“Bakit amoy pabango ng babae ang suit niya?” usal ni Scarlett saka niya tiningnan si Elijah na papasok na ng kwarto nila. Gusto niya sanang magtanong pero baka magalit lang si Elijah sa kaniya. Naghintay siya sa sofa pero tila ba wala man lang pakialam sa kaniya ang asawa niya lalo na at naiwan siya ng mag-isa sa hotel.

Napaupo na lang si Scarlett sa sofa habang yakap-yakap ang suit ng asawa niya. Kailangan ba magbabago ng pakikitungo sa kaniya si Elijah. Hinawakan ni Scarlett ang mukha niya. Pumapangit na ba siya? Hindi ba siya nakakaakit tingnan?

Nilapitan ni Scarlett ang human size na salamin sa sala at tiningnan ang sarili. Bakas ang lungkot sa mukha niya. Dry tingnan ang mukha at mga buhok niya. Malalim din ang mga mata niya at may eyebugs.

“Napabayaan ko na ba ang sarili ko? Ginagawa ko naman ang lahat ng gawain ng mag-asawa. Hindi naman nakakahiyang housewife lang ako.” Aniya sa sarili niya. Napapabuntong hininga na lang si Scarlett. Napapaisip siya kung magkakaanak kaya sila ni Elijah, magbabago kaya ang pakikitungo nito sa kaniya at magiging masaya silang dalawa?

Isinabit ni Scarlett ang suit ng asawa niya saka niya ito pinuntahan sa kwarto. Katatapos namang maligo ni Elijah. Niyakap ni Scarlett mula sa likod ang asawa niya.

“Gusto mo bang subukan ulit nating magkaanak?” tanong ni Scarlett. Inalis ni Elijah ang mga kamay ni Scarlett na nakayakap sa kaniya.

“Ang aga aga, Scarlett, kung ano-ano ang iniisip mo.” Sagot ni Elijah saka ito nanguha ng damit. Pansin naman ni Scarlett ang kissmark sa leeg ng asawa niya.

“Anong nangyari diyan? Bakit may kiss mark ka?” tanong ni Scarlett. Napahawak naman si Elijah sa leeg niya.

“Hindi yan kiss mark, kinamot ko lang yan. Pwede ba Scarlett, kung wala kang matinong sasabihin lumabas ka muna.” naiinis na sambit ni Elijah saka ito nagbihis at nahiga na sa kama.

Sumunod naman si Scarlett sa kaniya.

“Love what if pumasok ako sa company niyo para maging designer para may trabaho rin ako? Can you support me?” inis namang tiningnan ni Elijah ang asawa niya.

“Babalik ka sa pagiging designer? Sa tingin mo makakasunod ka pa sa mga designer ngayon? It’s been five years, Scarlett, nang iwan mo ang passion mo. Wala na ring bakante sa mga designer. Hindi ko na kailangan ng bago lalo na ng katulad mong walang experience.” Masakit man ang salita ni Elijah, nilunok ni Scarlett ang lahat ng yun.

“Pwede naman akong mag-aral ulit para makasunod sa mga designer ngayon. Napag-aaralan naman yun para naman hindi lang ako nakakulong dito sa bahay.”

“Itigil mo na ang pangarap mo, Scarlett. Masyado ka ng napag-iwanan ng panahon. Kahit na mag-aral ka ulit tungkol sa designing, paano ka pa makakahabol sa mga kaedad mo? Dito ka na lang sa bahay.” Napapabuntong hininga na lang si Scarlett. Nang hindi na magsalita si Scarlett ay tiningnan siya ni Elijah.

“Kulang pa ba ang ibinibigay ko sayo para maghanap ka ng trabaho? Mas magaan ang trabaho mo rito kesa ang mag-apply ka sa kompanya. Ipinahiya mo na ako sa charity gala kagabi, huwag mo na akong ipahiya pa sa mga empleyado ko.” Napapatango na lang si Scarlett.

Pinanghihinaan na rin siya ng loob na tuparin ang pangarap niya dahil maging ang asawa niya ay hindi man lang siya suportahan.

“Matutulog muna ako, huwag mo akong gigisingin.” Wika pa ni Elijah saka ito nahiga. Kitang kita naman ni Scarlett ang kiss mark sa leeg ng asawa niya. Pakiramdam niya ay hindi lang yun dahil sa kamot pero wala naman siyang ebidensya para patunayan na kiss mark nga ang nasa leeg nito.

Ayaw niya ring mag-away pa silang dalawa.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • After Divorce: No Second Chances   Kabanata 7.3

    Napapaface palm na lang si Camila saka siya nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Hindi naman nalulugi ang business nila pero dahil hindi niya magawang magdesign dahil sa mga kamay niya na hindi pa rin magaling, hindi tumataas ang profit nila.“Come in,” mahina niyang sagot nang may kumatok sa pintuan niya. Itiniklop niya na muna ang laptop niya saka niya tiningnan kung sino ang pumasok.“Tita Hazel, what are you doing here?” tanong ni Camila saka siya tumayo at naupo sa sofa kung nasaan si Hazel.“Alam mo na bang nakabalik na ng bansa si Scarlett?” diretsong wika ni Hazel. Nagsalubong naman ang mga kilay ni Camila.“Scarlett is back?” pagkukumpirma niya dahil baka may kapangalan lang ang pinsan niya.“Oo, yung pinsan mong si Scarlett Wesley. Nakita ko siya sa isang jewelry shop noong mga nakaraang araw. Nakakapagtaka lang talaga dahil VVIP siya ng shop na yun.”“Anong shop tita saka anong VVIP? Si Scarlett VVIP ng isang jewelry shop? Wala namang sapat na pera yun saka anong gina

  • After Divorce: No Second Chances   Kabanata 7.2

    Maaga pa lamang ay umalis na si Scarlett sa bahay nila para makipagkita sa magiging investor ng business niya. Nauna na siya ng 30 minutes sa restaurant na napag-usapan nila. Nasa isang private room sila dahil gusto nilang tahimik ang paligid nila para makapag-usap sila ng maayos.Habang naghihintay si Scarlett ay binabasa niya ng paulit-ulit ang proposal niya. Hindi pa niya alam kung sino ang investor na kakausapin niya ngayon dahil sa email niya lang naman ito nakakausap.Nasimulan niya na ang business niya pero gusto niyang palakihin pa ito kaya kailangan niya ng mas maraming investor. Kailangan niyang makapag-ipon ng sapat na pera para mabawi niya ang kompanya ng mga magulang niya. Gusto niya ring malaman kung aksidente ba talaga ang nangyari sa mga magulang niya o kung plinano iyun para makuha ang kompanya sa kanila.“Hi,” agaw atensyong saad ng isang lalaki. Mabilis na tumayo si Scarlett para magbigay galang pero napatigil siya ng makita niya si Jared. Kunot noo niya itong tinin

  • After Divorce: No Second Chances   Kabanata 7.1

    Hindi tumigil si Elijah sa pagsunod kay Scarlett. Nang makakuha na si Scarlett nang makakain niya ay naghanap na rin siya ng table na pwede niyang pwestuhan.“Hi, can I seat here?” nakangiting tanong ni Scarlett. Napatingin naman sa kaniya ang tatlong lalaki.“Oh, Hi pretty.” Wika ni Kenneth. Napatingin naman si Scarlett kay Jared na nasa table din. Napalunok siya. Hindi niya nakita na kasama si Jared sa lamesa. Halos lahat kasi ay puno na, may dalawang upuan pa kasing available sa pwesto nina Jared.“Of course, you can sit. Please have a sit.” Saad din ni Marcus. Bahagya na lang na ngumiti si Scarlett. Gusto niya sanang umatras pero nahihiya naman siya. Nananatili namang nasa likod ni Scarlett si Elijah.“Elijah, hanep ah. Hindi mo ba kasama si Camila?” tanong ni Kenneth sa kaniya. Napapalunok na lang si Elijah. Napatingin si Elijah sa uncle Jared niya. Hindi niya nakita ang mga ito dahil nakafocus lang siya kay Scarlett.“Kailangan ba kasama ko siya palagi?” sagot naman ni Elijah. N

  • After Divorce: No Second Chances   Kabanata 6.3

    Naggagayak na si Scarlett para sa pagpunta niya sa charity gala na pupuntahan niya. Naglagay lang siya ng light make-up sa mukha niya saka niya hinayaang nakalugay ang mahaba niyang buhok.Nang matapos siya sa pag-aayos sa sarili niya ay tumayo na siya saka niya tiningnan ang sarili sa human size niyang salamin. Wala rin siyang masyadong maraming alahas sa katawan niya kahit na isa siyang designers. Mas gusto pa rin niya ang kaunti lang ang suot niyang alahas.Kwintas at bracelet lang ang suot niya. Nang makontento na siya sa itsura niya ay lumabas na siya ng kwarto. Naabutan niya namang kumakain sa sala ang anak niya.“Mommy!” tawag sa kaniya ng anak niya. Napangiti naman si Scarlett saka siya naupo sa sofa para mapantayan ang anak niya.“Kumain ka ng marami. Huwag na rin masyadong magplay ngayon okay? Pagkatapos mo kumain magpahindag ka saglit tapos magpashower ka na kay ate Keanne, do you understand?” tumango naman kaagad si Lucien kaya bahagyang ginulo ni Scarlett ang buhok ng an

  • After Divorce: No Second Chances   Kabanata 6.2

    Hindi pumayag si Scarlett sa request ni Jared. Iniuwi niya na ang anak niya sa bahay nila. May handa naman sila sa bahay nila, ipinasyal niya lang ang anak niya para hindi ito maboring.Pagsapit ng alas dose ng gabi ay masaya silang dalawa na nagcelebrate ng christmass.“Merry christmass my baby.” Nakangiting saad ni Scarlett sa anak niya.“Merry christmass din sayo mommy. I love you so much po.” Malambing na sagot ni Lucien. Mahigpit na niyakap ni Scarlett ang anak niya saka ito hinalikan sa pisngi at noo. Kahit na dalawa lang silang magkasama sa buhay, masaya at kontento naman sila.Nang matapos silang kumain ng dinner ay nakatulog din kaagad si Lucien. Pinahiga na ito ni Scarlett sa kwarto nila. Habang mahimbing na natutulog si Lucien ay nakatitig si Scarlett sa anak niya.Napapabuntong hininga na lang siya. Nagsisimula na si Lucien na tanungin kung nasaan ang kaniyang ama. Hindi naman masabi ni Scarlett dahil hiwalay naman na sila ni Elijah. Hindi man naniniwala sa kaniya si Elija

  • After Divorce: No Second Chances   Kabanata 6.1

    Limang taon ang lumipas simula nang umalis ng Pilipinas si Scarlett. Limang taon kaagad ang lumipas. Hindi niya akalaing nalampasan niya ang hirap ng buhay ng mag-isa niya lang. Ngayon nakapag-ipon na siya ng sapat at nabuild niya na ang pangalan niya sa industriya, panahon na para bumalik siya ng Pilipinas.Scarlett returns as a Renowned Designer. Now a global luxury designer under a new brand name. Colder, elegant, unrecognizable.Napangiti si Scarlett nang maamoy niya na naman ang mainit na hangin ng Pilipinas. Inalis niya ang sunglass niya nang makapasok siya sa van. Kasama niya ang anak niyang busy na nakatingin sa paligid nila.“This place is so hot, mom.” Seryosong wika ni Lucien, ang apat na taong anak ni Scarlett.“Maninibago ka talaga sa klima ng bansang ‘to, anak. Magkaiba sila ng klima sa New York but don’t worry, may aircon ka naman.” Sagot ni Scarlett. Hindi naman sumagot ang anak niya dahil nasa labas pa rin ng bintana ang paningin nito.Dumiretso na sila sa bahay na na

  • After Divorce: No Second Chances   Kabanata 5.3

    Matamis na nakangiti si Scarlett sa napakarami nilang customers. Pinagkakaguluhan na naman ng mga ito ang new collection nila. Naunang nasold out ang mga jewelries ni Scarlett kaya tuwang tuwa na naman siya. Malaki na naman ang makukuha niya sa boss nila.“You’re truly exceptional, Scarlett. You re

  • After Divorce: No Second Chances   Kabanata 5.1

    Simula nang umalis si Scarlett ay hindi ito hinanap ni Elijah. Nagpakasaya siya kasama si Camila. Pakiramdam ni Elijah ay nagkaroon siya ng panibagong buhay dahil nakawala siya sa pagsasama nila ni Scarlett.Noong gabing ibinigay ni Elijah ang divorce paper kay Scarlett ay pinirmahan naman ito kaag

  • After Divorce: No Second Chances   Kabanata 4.3

    Walang nagawa si Scarlett kundi ang maghanap ng hotel kung saan siya pansamantalang manatili at magpalipas ng gabi. Nasa front desk na siya para magbook ng isang kwarto pero decline ang mga card niya.“I’m sorry ma’am pero decline talaga. Close naman na ang bangko ngayon para sana tumawag ka sa kan

  • After Divorce: No Second Chances   Kabanata 4.1

    Pagkatapos ng nangyari kagabi ay hindi na lumalabas si Scarlett sa kwarto niya. Magang maga na rin ang mga mata niya dahil sa kakaiyak niya. Hindi umuwi si Elijah sa bahay nila kagabi, hindi niya alam kung saan na naman ito natulog. Alam niyang nagkamali siya pero bakit ayaw siyang paniwalaan ng as

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status