Binisita ni Camila si Hazel sa office nito, ang ina ni Elijah. May dala-dalang mga pagkain at regalo para kay Hazel.“Come in,” wika ni Hazel ng marinig niya ang katok.“Good morning, Mrs. Logan.” Nakangiting bati ni Camila. Napatingin naman si Hazel sa pumasok at ng makita niya si Camila ay napangiti siya. Itinigil niya muna ang ginagawa niya para harapin si Camila.“Napabisita ka, mija. May maitutulong ba ako sayo?” nakangiting wika ni Hazel. Ibinaba naman ni Camila ang mga dala niya.“Dinalhan kita ng pagkain at mga regalo, Mrs. Logan. Pasasalamat na rin dahil nakipagmerge kayo sa business namin. Hindi niyo alam kung gaano kalaking tulong sa amin ng partnership niyo.”“You deserve it naman, dear. Nag-abala ka sa mga regalo pero thank you.” Kinuha naman ni Camila ang isang jewelry box saka ito binuksan.“Ako ang nagdesign ng kwintas na ito, Mrs. Logan. Nag-iisang design lang ito sa mundo. I hope you like it.” Natuwa naman si Hazel saka kinuha ang kwintas at tiningnan iyun.“Napakaga
Last Updated : 2026-01-16 Read more